Followers

Monday, October 19, 2015

My Wattpad Lover: Order

Sa pambatang food chain kami dinala ni Lanie. Okay lang sa akin, lalo na kay Arla. Halatang ayaw niya ang ideyang magkakasama kaming tatlo.

"Ikaw na ang umorder, Zillion. 'Eto ang pera." Inaabot niya sa akin ang isanglibo, pagkatapos naming umupo sa pang-apatang dining set. 

"Ikaw na, may pag-uusapan kasi kami ni Arla.'' Isang matamis na sulyap at ngiti ang iginawad ko sa katabi ko. Bahagya namang tumaas ang isang kilay ni Lanie, bago siya mabilis na lumayo sa amin nang walang lingon-likod.

Nagkatawanan kami ni Arla. Muntik pa kaming mahuli nang bumalik siya mula sa mahabang pila para tanungin ako kung anong order ko.

"Two-piece chicken, macaroni soup, apple pie, burger, fries at float. Yun lang," seryoso kong sagot. Naka-two points na ako. Alam kong nagsisisi na siya sa pagyaya sa akin ng lunch.

"E, siya?" Hindi nya tiningnan si Arla pero siya ang tinutukoy. 

"Si Arla? Ah.. Ano lang..." Tiningnan ko muna siya at nginitian. "..'yung dati mong order. Nung nag-date tayo? Di ba, ano nga yun?"

"How will I know? Andun ba ako sa date n'yo?" mataray na tanong ni Lanie. Pinaikot niya pa ang eyeballs niya. 

"Pareho na lang kami." Cool pa rin ako.

"Yun lang pala, e. Pinatagal pa." Nagdadabog siyang umalis. Lalo kaming natawa ni Arla. 

Antagal niyang nakapila. Patingin-tingin siya sa amin. Pero, hindi niya naririnig ang usapan namin ni Arla. 

Na-miss ko si Arla. Ang kulit pa rin niya. Wala pa rin daw siyang boyfriend. Ang maganda sa kanya, hindi niya ako nilandi. Matagal ko nang naramdaman na hindi siya ganun, dahil may pagka-boyish siya. Ang suot pa lang niyang v-neck white shirt na nakatiklop ang magkabilang manggas ay isa ng patunay. Idagdag pa ang jogger pants niya na pinartneran ng panlalaking rubber shoes at ang mga burloloy na nakikita ko sa mga rockers. 

Malayong-malayo na si Arla kay Angela. Babaeng-babae ang mahal ko, samantalang siya, babae na yata ang mahal. Gayunpaman, pasalamat ako dahil nagkita kami. Nakasama siya sa laro ko with Lanie. 

Nang kinumusta niya ang pagsusulat ko, saka ko rin nalaman sa kanya na may nakakachat siya sa wattpad. Feeling close daw. Babae. Ang duda niya ay kilala siya. Hindi ko sinabi na maaaring si Angela iyon. 

"Ano'ng username niya?" tanong ko, saka naman ang pagdating ni Lanie at ang isang crew-- parehong may hawak na tray.

Hindi tuloy agad nasagot ni Arla ang tanong ko. Naging tahimik na rin kami habang kumakain, lalo na si Lanie. Out-of-place talaga siya dahil kahit paano ay nag-uusap kami ni Arla tungkol sa wattpad.  Three points!

"Salamat nga pala sa lunch.'' ani Arla kay Lanie. Tiningnan lang siya ng huli. "Thanks din, Zil. Sa uulitin. Bye!''

Nakalayo na si Arla sa amin nang maalala kong itanong uli ang username ng babae sa wattpad na nakikipagchat sa kanya.

"gellion.'' 

"Ah, okay.. Bye!" Natigilan ako. Ang lakas ng kutob ko. Si Gelay nga 'yun..


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...