Sa isang munting tahanan,
nabuo ang grupong 3some.
Kung anuman ang dahilan,
iyan ay ating pag-uusapan.
Hideout, kanilang ipinangalan
sa tirahang puno ng tawanan.
Mula sa simpleng kapehan,
nauwi sa pagkakaibigan.
Minsan, si Mamu ay sinundan
sa kanyang malayong tirahan--
tila masamang-loob na tiniktikan
upang ang lugar ay mapuntahan.
Nagulat siya nang nasulyapan,
doon sa labas ay nagtatawanan.
Mga kaibigan ay di niya nahindian,
pinapasok at inistima sa tahanan.
Si Gloria na lagi nilang naaabutan
ay minsang naging usap-usapan,
hinusgahan at pinagbintangan
ng mga katrabahong walang pitagan.
Pagdalaw nila ay muling nasundan,
Inaraw-araw yata ng dalawang 'igan.
Kaya ang hideout, napuno ng kulitan
Matitinong usapan, meron din naman.
Nang lumaon, 3some ay nadagdagan.
Napabilang sina Mamah at Plus One.
Si Mama L., ipinatago ang katauhan
Dahil sa kontrobersyang kinasangkutan.
Si Gloria ay nag-iba ng pangalan,
kasabay ng kanyang pagyaman.
Donya Ineng, siya ay binansagan
dahil sa dami ng pinag-tutor-an.
Si Don Facade, nawili rin sa samahan
Nakita niyang grupo ito ng katalinuhan
kaya umanib siya at nakipagkaibigan.
Sa hideout, siya ay naliligayahan.
Kanilang samahan, di matatawaran.
Marami ang natutuwa, nasisiyahan
kasi ito'y pambihirang pagkakaibigan,
at bawat isa kasi ay may natutunan.
Ngunit, sa kabila nito'y kinainggitan
ng mga taong hindi sila maunawaan.
Di nila alam, grupo ay makabuluhan,
hatid ay inspirasyon, di lang katuwaan.
Gayunpaman, sila ay hinahangaan
ng mga kaibigan at mga kabataan
dahil sa sila'y may kasimplehan
pagdating sa mga pagkain o kainan.
Anuman ang nasa hapag-kainan,
lubos na silang naliligayahan
at kanila itong pinasasalamatan,
maging tuyo o tinapa man ang ulam.
Sila'y sama-sama rin sa mga galaan,
seminar man 'yan o lakwatsahan
kaya laging maingay ang usapan
dahil buong-buo ang tawanan.
Bumilang pa ng mga buwan
ang hideout, lumaki na naman
kahit si Mamu ay lumisan
at lumipat ng pinagtratrabahuan.
Hindi naman ito naging hadlang
lalo na si Intruder ay nanirahan.
Sumunod si Mumu, na baguhan
Si Mamu'y kanyang kabaligtaran.
Si Mucha ay nakasama, nautusan,
naghugas ng mga pinagkainan.
Siya'y game na game naman
Kaya ngayon, Mocha ang pangalan.
Napasama rin ang isang kaibigan
na may pagkagalante pa naman.
Napaamo siya doon sa tipanan
Samahan, kanyang nagustuhan.
Modesto, ang pagkakakilanlan,
may kuwento kasi sa likod n'yan.
Kung anuman 'yun, secret na lang.
Hideouters lang ang nakakaalam.
Kahit bata, ito'y kinawiwilihan.
Isang zilyonaryo lang naman
ang napabilang sa samahan.
Si Bebe, kanya pang naunahan.
Dahil bawal doon ang plastikan
miyembro, dumarami lang naman.
Kaya, pinto ng hideout, binuksan
para sa mga totoong kaibigan.
May mga dapat lang tandaan:
Sa hideout, walang trayduran
walang iwanan at laglagan.
Hideout etiquette, wag kalimutan.
No comments:
Post a Comment