Followers

Friday, October 9, 2015

BlurRed: Nalunod

Nalunod ako sa pagmamahal ni Riz. Hindi kaagad ako nakaahon. Nalimutan ko ang mga sandali. Halos hindi ko nga napansin na ilang linggo na rin pala kaming mag-on. 

Ang sarap niyang magmahal. Hindi ako nanghihinayang kung bakit nawala ang pagmamahal ko kay Dindee, Nagsisi pa nga ako kung bakit siya pa ang mas pinili ko noon. Dapat sana ay mas matagal na kami ni Riz. 

Eksakto isang isang na ngayon nang maging kami ni Dindee. Inalala ko ang mga araw na kami ay lunod na lunod sa kilig at pagmamahal. Sayang... Sayang dahil hanggang alaala na lamang ang mga iyon.

Naging mas inspirado ako... kami ni Riz sa aming pag-aaral. Hindi naging hadlang ang aming pagmamahalan para masira ang aming konsentrasyon sa mga aralin. Naging malaya na rin akong makadalaw sa kanilang bahay tuwing Linggo o walang pasok. Naipakilala ko na rin siya kina Mommy at Daddy bilang aking girl friend, na ikanatuwa naman nila nang lubos. Masaya raw sila dahil masaya ako. 

Oo, masaya ako. Masayang-masaya... Makita ko lang ang mga ngiti ni Riz, nalulunod na ako sa ligaya. Idagdag pa ang mga malalambing niyang salita at mainit na mga dampi ng kanyang kamay sa aking kamay. Wow! Hindi ko kayang i-explain. 

Wala na rin kaming narararamdamang Fatima. Nagkikita-kita kami sa mata pero wala na akong maaninag ni katiting na inggit, selos o poot. Marahil ay tanggap na niya ang relasyon namin ni Riz. Kaya nga nang sabihin niyang babayaran na niya ang gitarang winasak niya, hindi ako nagdalawang-isip na kausapin siya. Matagal na rin kasi akong hindi nagkapaggitara sa bahay. Lagi lang sa MusicStram. 

"Samahan mo akong bumili ng gitarang ibabayad ko sa'yo." aniya. Nakasalubong ko siya sa may papunta sa toilet. 

"Kailangan pa ba talaga? I mean, pwede namang..."

"Gusto mo bang makabili ako ng hindi mo gusto? Di ba, ayaw mo naman sa hindi mo gusto?" makahulugang turan ni Fatima.

"Hindi naman. Sanayan din naman 'yun."

"Basta! Ayokong magkamali ang ibabayad ko sa'yo. Baka masayang lang ang pera ko. Ayoko namang gumastos uli para lang bilhin ang gitara talagang gusto mo. Kaya sana, masamahan mo ako this weekend..." Naghintay siya ng sagot ko. Hindi lang ako kumibo. "Wag kang mag-alala. After mabayaran ko ang gitara mo, matatahimik na rin ako." Tumalikod na siya at lumayo.

"Fatima!" habol kong sigaw nang ma-realize ko na tama siya.

Huminto si Fatima at humarap sa akin. 

"Kelan?"

"Saturday night. Text me, where. Darating ako."

"Okay!"

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...