Madali lang gumawa ng yema. Para ka lang nagpapasaway sa klase.
May condensed milk ka dapat. Huwag ang evap. Magkaiba iyon. Huwag kang masyadong pahalata na bobo ka. Magbasa ka kasi. Huwag puro daldal at pagpapasaway.
Ang evaporated milk, malabnaw. Parang ang utak mo. Ang condensed milk, malapot. Parang ang laway mo pagkatapos mong matulog sa klase.
Ilagay lang sa kawali ang gatas. Iwasan mong magsalita kasi mabaho ang laway mo. Matatalsikan ang milk. Isara mo ang bibig mo habang naghahalo ka sa mahinang apoy. Huwag mong piliting uminit ang ulo ng teacher mo o mapataas ang dugo niya dahil masusunog ang gatas. Hinay-hinay lang. Kapag nasobrahan ang luto, makunat o matigas. Magiging parang bato, na kagaya mo. Ang sarap ikaltok sa'yo ang kawali at ang sarap mong ibato!
Palamigin mo pagkatapos maluto at saka mo ibalot sa yema wrapper. Ibalot mo na rin sa banig ang sarili mo para wala nang pasaway na estudyante sa iskul niyo.
Simple lang di ba? Luto ka na.
No comments:
Post a Comment