May pera sa basura, 'ika nga. Kaya, mag-segregate ka na.
Pagkakitaan mo ang mga patapong bagay.
Ihiwalay mo ang sarili mo. Plastic ka, e! Huwag kang paepal.
Hindi ka naman papel. Although, pareho lang kayo ng pinanggalingan, magkaiba pa
rin kayo. Ikaw, mapagkunwari. Ang epal, bida-bida. Ikaw, di-nabubulok. Ang
papel ay nabubulok. At dahil non-biodegradable ka, ang hirap mong tunawin sa
mundo. Lalo ka pa nga yatang lumalakas sa panahon ngayon. Padami kayo nang
padami. Usong-uso kayo ngayon, grabe!
Lumayo ka sa bakal, hindi kayo magkatimbang. Kapag dinarang
kayo sa apoy, ikaw, malulusaw at mangangalingasaw. Ang bakal, idarang mo sa
apoy ay lalong tumitibay, gumaganda.
I-segregate mo ang sarili mo. Plastic ka, e. Mumurahin ka
lang. Wala kang class.
Oo, may pera sa basura. Pero, ang basurang katulad mo ay
cheap. Kaya. I-segregate mo ang sarili mo sa mga basurang may tunay na
pakinabang.
No comments:
Post a Comment