"Cigarette smoking is dangerous to your health." Ito ang warning sign sa lahat ng pakete ng sigarilyong ibinebenta sa mga tindahan.
Mali ito. Maling-mali!
Ang dapat ay "Cigarette smoking is dangerous to our health." Take note, 'our'. Ito ay dahil lahat tayo ay biktima ng nakakamatay na usok mula sa sigarilyo, na binubuga ng mga walang utak na adik sa yosi. Lahat ng makalanghap ng nikotinang galing pa sa maysakit nilang baga ay nakakaipon ng mas matinding nikotina.
Yosi Kadiri!
Bakit ganun!? Sila na nga ang humihithit, ang mga nakakalanghap pa ang mas apektado. Mas delikado rae kasi ang secondhand smoke. Anak ng tabako naman, o! Bakit di na lang kasi nila lunukin ang usok ng sigarilyo nila? Bakit kailangan pang ibuga? Katangahan yatang masasabi na silang nagyoyosi ay nag-aaksaya ng pera palang lang bumuga ng usok. Sana naging tambutso na lang sila. O kaya, usok sa mga pabrika ang tirahin nila para may magandang epekto para sa kanila. Kakatwa ring isipin na mas matagal pa silang nabubuhay kesa sa mga hindi nagsisigarilyo.
Sana naman kasi, itong gobyerno ay gawing batas ang tuluyang pagbawal sa paggamit, paggawa at pagbenta ng sigarilyo sa Pilipinas. At sana ang lumabag nito ay may kaparuhasang death penalty, sa pamamagitan ng pagsindi sa kanya hanggang maupos siya, gaya ng yosi. --Makata O.
No comments:
Post a Comment