Student:
Sir? May i ask you something?
Teacher: Yes!
What is it?
Student: Last
month po kasi, may umano po sa akin sa skul mga badjao . Sinabi po sa akin, Wag
daw po akong mag papakita sa Kanila? Hindi ko naman po sila kilala. Sabi ko po,
bakit? Sabi nila matapang kaba dito? Tas umalis na po ako. tas sumigaw po sila
ng humanda ka sa amin pag nakita ka namin ulit. natakot po ako. ngayon po 1
month po akong dinaka pasok . pero pinapapasok po ako. tas 1 week nakapasok
ulit ako. tas nakita ko ulit yung mga badjao. mas lalong natakot po ulit ako
kaya di nanaman po ako nakapasok ng 1 week. Tas tinext po ng teacher ko papa
ko. pinapapunta po sa skul. e di naman po ako pumapasok. ano pong gagawin ko?
Teacher: Pumasok
ka. Isama mo ang parents mo. Sila ang dapat unang makaalam ng problemang ito.
Student: Natatakot
po ako pag nalaman ng papa ko, sasaktan po ako nun. bubugbugin. tas papahiyain.
gusto ko pong mag paliwanag kaso huli na po ang lahat.
Teacher: Ipa-blotter niyo kung kinakailangaan.
Teacher: Dapat
alam din ito ng teacher at principal ninyo.
Student: Yun
na nga po eh. Kaso natatakot po ako sa papa ko:(
Teacher: Hindi
ka dpat matakot sa Papa mo. Walang magulang na gugustuhin kang mapahamak.
Student: Bubugbugin
po ako ng papa ko. Pinapa punta po si papa sa school ngayong 3:00 pero hindi ko
pa po napapaliwanag kay papa ang lahat. Baka po bugbugin ako mamaya pag uwi ko.
Student:
Pero po, hindi po nila ako gusto:( ayaw po nila sa akin.
Teacher: Wala
ka namang kasalanan sa kanila di ba? E bakit natatakot ka sa Papa mo?
Teacher:
Hindi yan. Maniwala ka sa akin. Hindi un gagawin ng Papa mo. Nasa isip mo lang
iyon. Kaw ang anak niya.
Teacher: Pag binugbog ka, lapit ka sa akin. Tutulungan kta
Student: Ayun
na nga po yung problema ey. Hindi po ako pumapasok dahil sa takot ko.
Student:
Natatakot po akong tumungtong sa school namin. Gusto ko po sanang aminin pero
huli na po. Kung pwede lang po sana mag HOME STUDY na lang po ako.
Student: Gusto
ko po sanang umalis sa bahay-_- pero pamilya ko pa din po sila atsaka ayaw ko
pong sinasaktan ako.
Student:
Kapag may nagagawa po akong mali-_- dinadala po nya sa bugbog. Natatakot na nga
po akong umuwi em
Teacher: Humingi
ka na ng tulong sa DSWD. Kelan pa ito nangyayari?
Teacher: Wala
ka bang kamag-anak na pwede mong malapitan at masumbungan?
Teacher: Anong
school mo?
Teacher:
Gusto kitang tulungan...
Teacher: Pero di ko rin alam ang gagawin ko.. Kasi pamilya mo naman ang kalaban ko pg ginawa ko un
Student: Dati
pa naman po yun. Pero minsan na lang po mang yari yun. Meron po akong pamilyang
malalapitan. Pero humahanap pa po sila ng bahay.
Student:
Ayaw ko pong humingi ng tulong sa DSWD. Ang gusto ko lang po ang may mauuwian.
Teacher:Mag-iingat
ka na lang lagi at kausapin mo ang bawat isa na nasaktan mo. Baka dahil may
nagawa kang mali sa kanila kaya ka nakakaranas ng ganyan. Tandaan mo rin na
walang pamilya na hindi tutulong sa kapamilya.
Student:
Atsaka! Dati pa naman po yun. Ang akin lang po baka po bugbugin ako mamaya pag
uwi.
Teacher: Hindi
ka niya bubugbugin dhil wala ka namang kasalanan. Ikaw nga ang biktima ng
bullying
Student: Pero
po natatakot po ako sa kanya. Iba po kasi ang kutob ko e.
Student:
Lowbat na din po ako:/ Tas Ayoko pa pong umuwi sa bahay.
Teacher: Mag-pray
ka na. Kung may recorder ka, i-record mo na para may panghawakan ka. Mali ang
ganyang disiplina
Student:
Sige po.
Teacher: God
bless.
Student: Thank
you po. Sasabihan ko na lang po kayo pag sinaktan ako.
Teacher: Sige.
Saka na lang ako tutulong pag nasaktan ka na. Ingat!
Student: Thank
you po ulit
(Kinabukasan.....)
Student:
Sir. Naka uwi na po ako kaninang 5. Nung pag uwi ko po, Pinalo po ako sa batok.
Tas Pinalo ako ng Hanger mga 3-4 Na beses po ata. Tas nag paliwanag po ako ng
maayos. Tas pinapapasok po ako bukas. Problema ko na lang po yung kakausapin ko
po mga teachers ko. Hindi nga po ako sasaktan pero papahiyain po ako. Haha:)
Pero ok lang po. Basta po maayos ang lahat at matapos ko po high school ko:).
Maraming maraming salamat po ulit sa mga advice mo po. Malaking Tulong po ang
lahat ng advice mo po sa akin. Sige po, Ingat po kayo:)
Teacher: Thats
great! I hope maging maayos na ang lahat. Mahalaga talaga ang edukasyon. Lagi
ka lang maging mapagkumbaba pra di sila magdalawang isip na mahalin at irespeto
ka. Masaya ako sa naging resulta. God bless. Saka lagi mong sundin ang mga payo
ng parents at teachers mo.
Student: Thank
you po:)
Teacher: (Y)
(After 5
days.....)
Student: Sir
may i tell you something again?
Teacher:
Yes.
Student:
Kung anak niyo po ako? Masamang anak po ba ako?
Teacher: Hindi.
Siguro di k lang nauunawaan ng mgs magulang mo
Student: Pero
sinabihan na po ako ni papa ng harap harap na hindi niya ako gusto. Pina tigil
niya na ren ako sa pag-aaral.
Teacher: Hindi
ka niys gusto? Bkit ganun? Anak k nman niyang tunay di ba?
Student: Idk
po. Pakiramdam ko po hindi. Pakiramdam lang po kasi bakit ganun po ang
nangyayare?
Teacher: Nagpapabaya
ka ba sa pag-aaral mo?
Student: Hindi
po. Yung time po na binubully ako ng mga badjao. Yun lang po.
Teacher: Kasi
ang nakikita kong dahilan kya di k niya gusto ay dhil di ka nya tunay na anak.
Teacher:
Gusto niya sguro maging matapang k sa mga nambubully sa'yo. Gusto nya na
labanan mo sila
Student: Kasi
po sa birth certificate ko wala pong nakalagay na pangalan ng tatay. Pero po
kay ate meron.
Teacher: Itanong
mo sa mama mo kung anak k b ng Papa mo
Student: Pero
ang gusto ko po ang hindi mapahamak ang kalagayan ko kaya ayun po yung nagawa
ko
Teacher: Tama
naman ang ginawa mo na di ka lumaban. Hindi un karuwagan. Pero pra sa papa mo,
gusto niyang maging astigin ka.
Student: Bat
niya po ako pinatigil sa pag-aaral? Naka pasok na po ako nung teachers day tas
pinatigil niya na ako tas pinapaalis na den niya ako
Teacher: Pinapalayas
ka n niya?
Student: Opo
nung pag-uwe ko po galing school. Nung teachers day. Sabi po saken mag pa sundo
na daw ako sa tita ko.
Teacher: Taga-saan
ang Tita mo?
Student: Pateros
po.
Teacher: Anong
plano mo?
Student: Hindi
ko po alam. Mag work po sana muna. Mag ka pera lang po. Pamasahe papuntang
pateros.
Teacher: Sayang
ang pag-aaral mo. Tapusin mo muna ang second grading, ska k lumipat.
Student: Wala
na po. Magi stop daw ako.
Teacher: Mag-exam
k muna para pwde k png magtransfer sa pateros.
Student: Hindi
ko po alam sa kanila.
Teacher: Grabe
naman ang Papa mo. Maliit n bagay, pinalaki at ginawa niyang problema.
Student: Kaya
nga po.
Teacher: Siguro,
gusto niya na talgang lumayo ka na sa piling nila.
Teacher: Pagbigyan
mo na. Magpakatatag ka n lng. Gawing mong inspirasyon ang mga pangyyaring ito
sa buhay mo.
Student: Pakiramdam
ko din po. Lagi ko nga pong nasasabi sa sarili ko na magpakamatay na lang ako.
Teacher: Marami
ang nagiging matagumpay dahil sa mga pinagdaanan nila sa buhay. I know, isa ka
sa mga iyon.
Student: Hirap
na din po kasi ako. Pati kaligayahan ko po ayaw nilang iparamdam sa akin.
Teacher: Hindi mo man maramdaman un sa pamilyang kinagisnan mo, mahahanap mo yan sa ibang tao. Kaya wag kang susuko.
Student: Hirap
na po kasi ako. Hindi ko po alam gagawin ko sa mga oras na tumatakbo.
Teacher: Sige
lang. Kalmahin mo ang utak mo. Isipin mo na lang ang mga bagay n gusto mo pang
makamit, ang mga lugar na gusto mong marating
Student: Pagod
na den po akong mag-isip sa lahat. Gusto ko lang pong ipatating na mahal ako ng
tatay ko.
Teacher: Naku!
Paluin kita dyan, Ryan! Tumigil ka. Wag mong gawin yan. Kundi hindi ka
makkarting sa langit
No comments:
Post a Comment