Followers
Tuesday, November 1, 2016
Ang Aking Journal --Nobyembre 2016
Nobyembre 1, 2016
Masakit ang ulo ko paggising ko. Naramdaman ko ito, madaling pa lang. Siguro nasobrahan ako sa radiation ng laptop. Mabuti na lang at nawala rin naman agad.
Maghapon uli akong nakatutok sa laptop. Kailangan e, lalo na't re-opening ngayon ng SULAT Pilipinas. Gabi na nga naging active ang group. Naki-join din ako sa pagbibigay ng writing tips. Sana ay maging active uli bukas.
May pasok na bukas. Parang nakakatamad pa. Marami namang estudyante ang nagtatanong kung may pasok na. Hindi ko sinasagot ang iba. Hindi ko rin kasi sigurado.
Halos tapos na ang layout ng book namin ni Gina. Proofreading na lang. Magpapadala na nga raw siya ng pera for printing fee. Na-eexcite na kaming pareho.
Nobyembre 2, 2016
Gusto kong um-absent dahil kulang ako sa tulog, kaya lang naisip ko na sayang ang isang araw. Alam ko namang kaunti lang ang papasok ngayong araw kaya hindi ako masyadong magsasaway.
Pagdating ko sa school, ni isa kong estudyante ay walang pumasok. Sayang pala talaga kung lumiban ako sa klase.
Nakapaghanda ako ng kung ano-anong ipapasa. Nabisita ko rin ang mga evidences sa IPCRF. Then, nilaan ko ang halos anim na oras sa pag-eedit at pagsusulat. Na-finalize ko na ang 'Ang Buhay ay Isang Tula'. Ang pera na nga lang ni Gina ang hinihintay. Naisend ko na rin iyon sa LSP.
Pag-uwi ko, Umidlip ako. Kahit paano ay lumakas-lakas ako. Tapos, balik na naman sa mga gawain ko.
Nobyembre 3, 2016
Bente-singkong bata ang pumasok sa klase ko. Nag-review lang kami sa Filipino at Araling Panlipunan, gamit ang lumang test papers. Sa November 8 na kasi ang 2nd periodic test. Sa Lunes na uli kami magkikita dahil may seminar ako sa Baguio bukas. Kasama ko si Mam Loida.
Tinanggap ko ang pagyaya niya sa akin kahit kalahati lang ang isho-shoulder ng MOOE dahil gusto ko ang topic. Journalism. Makatutulong ito nang husto sa akin.
Alas-kuwatro, dumating si Epr. Ibinalita niyang paalis rin siya. Mag-eempake lang. Matagal na naman akong mag-isa.
Umalis siya bandang alas-7. Nagpabili kami ni Sir Erwin ng malong. Sa Mindanao raw kasi ang rota niya, after sa Daet.
Nobyembre 4, 2016
Ala-una y medya ay gising na ako. Pero, alas-dos pa ako bumangon para maghanda sa pagpunta sa bus terminal. Bago mag-alas tres ay nasa Victory Liner na ako. Mahigit isang oras kong hinintay si Mam Loida. Mabuti na lang at nakasakay agad kami. Alas-kuwatro na iyon.
Mabagal ang biyahe. Alas-onse na kami dumating sa Baguio. Andami ko agad gastos dahil ang pagkain ay galing sa bulsa ko. Ang kalahati ng registration fee (P1600) ay sa akin din.
Nagastusan pa kami ni Mam Loida dahil sa TESDA dapat kami magla-lodge kaya lang nagbago ang isip ng mga kasamahan namin. Naghanap kami ng iba. Nagustuhan namin sa De Javu. Sosyal at mahal, pero may breakfast at walking distance. Six hundred twenty-five ang bayad per night. Okay na. Okay lang.
Nag-bonding kami ng mga kasamahan ko sa isang carinderia, na kinainan din namin noon nina Sir Erwin noong nagseminar kami sa Baguio Convention Center. Pagkatapos ay nag-night market kami. Sa wakas naranasan ko na ang ang mag-ukay-ukay sa Baguio.
Pag-uwi namin, nagkaroon ako ng chance na maikuwento ko ang tungkol sa aking adhikain sa pagsusulat. Naging interesado silang maging author din. Nagplano tuloy kami na magkaroon ng anthology. Nakakatuwa talaga ang mga pangyayari.
Nobyembre 5, 2016
Kahit paano ay nakatulog ako nang mahaba-haba, sa kabila ng kuwentuhan ng mga kasama ko sa room. Magdamag pang bukas ang tv.
Na-late pa kami sa seminar kahit walking distance lang kami. Antagal kasi ng iba na makapag-almusal. Gayunpaman, marami pa rin kaming naunawaan. Worth it ang second day.
Nobyembre 6, 2016
Nahuli ako sa seminar kasi ang napasarap ang kuwentuhan ng tatlo kong soon-to-be-co-writers at roommates. Pasado alas-nuwebe na kami nakapag-register. Maya-maya nga ay breaktime na.
Ang bilis ng mga oras. Minadi naman ang seminar-workshop para makapaghanda sa pag-uwi ang mga participants.
Kaming taga-Pasay, lalo na kaming mga nag-check in sa De Javu Bed and Breakfast, ay namili sa Baguio Market ng mga pasalubong. Kahit wala akong budget para doon ay namili na rin ako kahit paano.
Ang saya lang mamili na kasama ang mga masiyahing kaguro.
Alas-siyete, lumarga na ang bus pabalik sa Manila. Baon kk ang mga bagong aral sa journalism, ang mga kasiyahan at pagkakaibigang nabuo, at ang pambihirang karanasan. Magastos man, hindi naman niyo mababayaran ang lahat ng aking mga nakamit.
Niyaya pa nga kami ni Mam Loida ng mga kasama namin, na pawang mga school paper advisers sa high school, sa kanilang Christmas Party sa December 9. Hindi ako tumanggi dahil bihira ang ganitong pagkakataon.
Ala-una y medya na ako nakauwi sa boarding house-- sound, safe, and happy.
Nobyembre 7, 2016
Pumasok ako kahit ilang oras lang ang tulog ko. Pagdating sa school, wala ako sa mood. Mabuti na lang at may review lang kami para sa test.
Wala rin ako sa mood dahil may sugat na naman ang palibot ng lips ko. Herpes attack.
Nag-chat kami ni Sir Imma ng SULAT Pilipinas. May project siya, ang Mobile Basyang. Since, magka-team kami, as SP Press Relations at nasabi ko dati na plano kong yayain ang SP na mag-tour around the country para sa storytelling. Heto na 'yun. Pinangunahan na niya. Nagustuhan ko ang initiative niya, since pareho kami ng advocacy. Later, nag-consult kami kay MK, ang chairman ng SP. Nakita naming excited din siya.
Sa sobrang excitement, happiness, at eagerness ko, nagpadala agad ako ng P2k kay Sir Imma. Gusto kong matuloy ang Basyang Mobile. Alam kong magiging successful ito at magiging dahilan para makilala ang SP.
Kailangan ko ng pera para sa bahay at para sa operasyon ng mta ni Mama, pero hindi ako manghihinayang na tumulong para sa project namin. Alam kong God is the great provider.
Nobyembre 8, 2016
Umaasa ang mga estudyante na exam nila ngayon, pero wala pala. Kahapon pa sinabi sa akin na hindi tuloy dahil siguro hindi pa dumating ang mga tests. Hindi pa nga nakapag-Riso. Wala pang iri-Riso. Kaya naman, napagsagot na lang ako sa lumang test paper. Maghapon na iyon. Nakaka-boring. Kahit sila ay walang ginawa kundi magpasaway dahil wala namang ibang hagawin. Nakontrol ko naman sila. Sa katunayan, nakapag-edit ako ng mga akda. Nasimulan kong kalapin ang mga quotes na ipa-publish ko.
Two-thirty ng hapon, nang umuwi ako sa boarding house. Umidlip lang ako hanggang alas-4, saka ako nagbanlaw at nag-type. Nagdesisyon akong hindi na ituloy ang pagsali sa NaNoWriMo dahil mas mahalaga na mae-encode ko na ang mga journal ko. Nasa Ocotber 2007 pa lang ako. Marami pa.
Naka-chat ko si Emily. Determinado talaga siya sa pagbibisnes. Husto raw niyang maging stockholder. In-inspire ko siya. I know, kayang-kaya niya iyon. Mahusay siya sa sales talk, kaya hindi malayong magtagumpay siya.
Oktubre 9, 2016
Naghintay kami ng halos isang oras para sa answer sheet na galing sa division office. Mga pasado alas-otso na ito na-fill up-an ng mga pupils ko. At, mga 10 AM na sila nakapagsagot sa EPP/HE.
Matagal silang bakante. Nagpasaway lang tuloy sila. Kaya nga nang mag-uuwian na, nainis ako, lalo na sa mga boys. Pinauwi na nga sila nang maaga, nagtakbuhan at naghiyawan pa. Kaya, pinabalik ko sila't pinaghintay sa loob. Kung wala nga lang kaming meeting, baka inabot sila ng alas-dos.
Sa meeting, sinuggest ko na ibigay na lang sa charity ang P10k na pang-Christmas party namin. Hindi nila ako pinansin. Madamot sila. Well, expexted ko na naman. Pinagtatalunan pa nga nila kung magluluto o cater. Poor souls! Sayang lang ang oras ko.
Pag-uwi ko, umidlip ako. Natutuwa ako dahil halos tatlong oras akong nakatulog.
Kaya naman, naging masigla ako sa mga typing jobs ko. Nakapagsimula rin ako ng isang kuwento na isasali ko sa Simpleng Book Club.
Nobyembre 10, 2016
Dahil pinostpone ang test, may dumating pa ring test questionaire at answer sheet. Kaya, kahit paano ay may nagawa ang mga pupils ko. Pinasulat ko pa sila ng sanaysay. Gayunpaman, maingay at pasaway talaga sila kapag walang ginagawa. Mabuti na lang at nakapag-encode ako ng journal ko.
Past twelve, nagyaya si Mareng Janelyn na kumain sa labas. Nilibre niya kaming kapwa niya Grade Six advisers sa Mang Inasal. Pinasama pa rin niya ako kahit sabi ko'y nag-lunch na ako.
Doon ay masaya kaming nagkainan at nagkuwentuhan. Kahit paano ay naging kampante ako na kasama sila.
Umidlip ako pag-uwi ko. Mga past 3 na iyon. Mga past five na ako bumangon.oara magbanlaw.
Nakalimutan ko palang magbayad sa Barubal Publication ng payment ko sa dalawang books na order ko. Di bale, bukas ko na lang bayaran.
Bago mag-9:30 ng gabi, naisend ko na sa email ng SBC ang entry ko sa subhero category. Sana makuha ang kuwento kong "Si Totong Saklay".
Naka-chat ko naman ang may-ari ng LSP. Made-delay raw ang delivery ng books ko at ng para sa consignment.
Nobyembre 11, 2017
Hindi ko alam na matutuloy pala ang parade at kick-off ng Reading Month. Hindi tuloy nakapaghanda ngcostume ang mga pupils ko. May nagtanong sa akin kahapon, nasagot ko ng "Sa Lunes." Mabuti na lang at may isang naka-costume. Kahit paano ay hindi ako na-zero.
Gaya ng dati, walang disiplina ang mga pupils. Maingay at magulo sila. Hindi na halos marinig ang nagsasalita sa entablado. May nag-storytelling nga, pero parang balewala. Idagdag pa ang kapangitan ng timpla ng miktinig.
Tinutulungan ko ang dati kong pupil na si Renz Alex Onato na mag-edit ng akda niya. Ginawan ko na siya ng book cover dahil gusto niya ring magkaroon ng libro. Nakakahawa pala ang pagsusulat ko. Thank you, Lord dahil may nai-inspire ako.
Nobyembre 12, 2016
Maghapon akong nagtype at nagsulat. Nakadalawang chapters ako ng bago kong nobela na "Malamig na Kape". Na-inspire akong sumulat dahil maganda ang feedbacks na natatanggap ko mula sa mga readers. Nakakaganang sumulat kapag ganun.
Gabi. Naka-chat ko si Kate Chen, isa sa mga kasamahan ko sa SP. Nagpasalamat siya sa akin dahil nakapasok na siya sa DepEd at na-promote pa. Sinunod niya raw ang mga payo ko noong nagka-chat kami nina MK last year. Pinayuhan niya rin ako at nagpalitan kami ng kuwento tungkol sa corruption. Kahit paano ay na-inspire niya ako.
Nobyembre 13, 2016
Maaga akong nagising. Sinubukan kong matulog uli, pero nabigo ako. Okay lang naman dahil maaga ko namang nagawa ang mga dapat gawin. Na-claim ko ang padala ni Gina para sa printing fee ng books namin. Then, naipadala ko naman agad iyon sa LSP. Inabot ng P7750 ang 50 books, kasama ang shipping fee. Naipadala ko na rin ang tira sa anak niya. Natutuwa ako dahil pinagkatiwalaan niya ako ng pera niya. Hindi ko siya bibiguin. Purely pagtulong ang nasa puso ko. Thankful din siya sa effort at tulong ko sa kanya para makapagsimula siyang mag-publish.
Nakapagsulat ako ng chapter 5 ng Kape. Kaya lang, bandang hapon na kasi sobrang init maghapon. Hindi gumagana ang utak ko kapag mainit.
Nobyembre 14, 2016
Natuloy rin ang periodic test. Dumating na ang mga questionaires. Nakatatlo nga sila bago nag-dismiss ang klase. Kaya lang, alas-dose na ako nakalabas para pumunta sa Tanza, for inspection purposes.
Sayang nga, e. Nataon pa na may meeting kaming board members ng coop. Hindi naman ako puwedeng hindi pumunta. Kailangan ko munang masigurado kung nasunod nila ang pinapabago ko.
Balak ko sanang bumalik agad, kaya lang natagalan ako. Tinanggap ko na kasi. Nagpa-move in clearance na ako. Nadala ko na ang ang mga susi. Nakaka-excite na kasing tumira sa sarili kong bahay. Gusto ko na ring magpundar ng mga gamit. Siyempre, ipapagawa ko muna ang kisame, bakod, flooring, grills, at iba pa. Andami pang pera ang kakailangananin, pero hindi ko na muna iyon iisipin. God is the great provider.
Nobyembre 15, 2016
Natapos na ang test ng mga bata. Naihanda ko na rin ang ipapasang answer sheet. Pero, parang hindi pa ako handa bukas na magturo para sa 3rd grading. Haist! Masyado akong na-excite sa pagsusulat at pagpa-publish ng books. Idagdag pa ang SULAT Pilipinas at ang BASYANG Mobile.
Past 1, natuloy rin ang meeting ng coop board members. Salamat dahil na-postponed kahapon. Pinag-usapan namin ang tungkol sa Christmas party, ang mga cash gift , at kung ano-ano pa.
Pag-uwi ko, umidlip ako. Palibhasa, umuulan-ulan, kaya nakatulog ako. Past five na ako bumangon para magmeryenda. Ang sarap talagang matulog. Nakakasariwa ng utak.
Gabi, naka-chat ko si Emily. Ikinuwento niya ang mga pang-aapi raw sa kanya ng ilan niyang pinsan dahil sa pananatili niya roon. Ipinagmamalaki niya raw ang pagpupunyagi ko para magkaroon ng sariling bahay.
Sabi ko naman, ipag-pray niya ako na maging successful sa larangan ng pagsusulat. Ang makapasok ng mga aklat ko sa NBS ay ang katuparan ng pangarap ko.
Nobyembre 16, 2016
Nagturo na ako sa klase ko. Ang ibang sections, nagpapatest pa. Kailangan kong gawing kapaki-pakinabang ang bawat sandali ng mga pupils ko. Malilibangin sila, kaya hindi ko sila halos mabigyan ng time para magpasaway. Gayunpaman, nagagawa pa rin nila. Ganun talaga ang mga kabataan. Nakapag-encode naman ako ng journal ko. Kahit paano ay nasa November 2007 na ako. After class, nag-send ko ng P3k kay Sir Imma as additional sa P2k na ipinadala ko. Tulong pinansiyal ko iyon sa BASYANG Mobile ng SULAT Pilipinas. Hindi naman malaking kabawasan sa pera ko ang halagang naibigay ko. Mas marami akong mapapasaya. That's the essence of my life now. Itinuloy ko ang pagsulat ng 'Malamig na Kape', kaya lang ititigil ko muna ang pag-post niyon sa Fb ko para manabik ang mga tagasubaybay. Sisikapin kong maisalibro ito sa 2017. Bukas, sana dumating na ang books na pina-print ko sa Le Sorelle. Nagkaaberya raw sabi ng may-ari.
Nobyembre 17, 2016
Bago mag-ala-una ng hapon, dumating ang pinakaaabangan kong mga libro. Sa wakas, nai-deliver din ang 'Walang Pamagat' at 'I Love Red'. Tuwang-tuwa ako, gayundin ang mga pupils ko. Walang mapagsidlan ang ligaya nila dahil natupad na rin ang pangarap nilang magkalibro. Gusto-gusto na nga nilang mabuklat. Hindi ko lang pinayagan dahil baka magasgas, matupi o madumihan.
Alam ko, bukas, magsisibilihan na sila. Halagang P180 lang ang bigay ko sa kanila, na dapat ay P200. Pero, maaari nilang ibenta sa mas mahal na presyo.
Nawa ay gabayan ako ng Panginoon sa pinasok kong larangan. Patuloy sana akong bigyan ng magandang kaisipan, kalakasan, at puhunan para marami pa akong matulungang mag-aaral.
Gabi, nag-chat si Mam Jackyline. Nag-enroll na raw siya kaninang umaga. Hindi na niya ako na-chat. Ibinigay niya na lang sa akin ang mga subjects na kinuha niya. Pupunta ako bukas sa CUP.
Nobyembre 18, 2016
Nagturo lang ako sa Filipino ng pang-uri at pagkatapos ay nagpasulat ng sanaysay gamit ang mga naglalarawang salita. Buong hapon na akong nagsaway. Ayaw na rin naman kasi nila na magturo ako. Isa pa, kakaunti sila. Walang palitan dahil nasa palaro ang ibang estudyante.
Pinagbigyan ko rin sila sa mannequin challenge. Binidyuhan ko sila. Nag-groufie-groufie rin kami. Tapos, may photo op pa with our book, Walang Pamagat.
Alas-dos, pumunta na ako sa CUP. Andaming enrollees. Natagalan ako. Andami pang proseso. Tapos, kulang naman sa subjects. Nasaraduhan ako ng mga dapat ko pang makuha. Ang nangyari, isa lang ang na-enroll ko. Pang-alas-singko pa ng hapon. Gayunpaman, masaya ako dahil na-inspire uli akong mag-aral.
Nobyembre 19, 2016
Pasado alas-otso ay bumiyahe na ako pa-Antipolo. Matagal yata ang biyahe dahil nakarating ako ng alas-dose. Although, nakapag-grocery pa ako.
Hindi ako inaasahan ni Mama. Akala raw niya ay busy ako sa paglilipat. Tama naman siya. Isiningit ko lang talaga. Alam ko kasi na wala na siyang budget.
Naawa ako sa kanya. Alam kong hirap na hirap na siya sa kanyang kalagayan. Hindi ko naman magawang um-absent sa school para masamahan na siya sa pagpapa-schedule ng operasyon. Naisip ko, sa December 2 ko siya sasamahan. Sa December 1 ay may field trip ang GES. Sa December 3, pupunta ako sa Tanza dahil magwa-wiring. Naka-schedule na. Kakayanin ko pa kaya? I hope so.
Nobyembre 20, 2016
Kagabi, bago ako natulog, nagsulat muna ako ng kuwento ng pambata, na hinango ko sa tunay na pangyayari. Isasali ko ito sa contest ng Lampara Books.
Hindi naman ako pinatulog nang maigi ng aking rayuma sa likod. Ang lamig kasi. Pabaling-baling ako. Gayumpaman, maaga akong bumangon para sabihin kay Mama ang plano kung samahan siya. Nakita ko ang kasiyahan sa mga mata niya, na kahapon lamang ay punong-puno ng kalungkutan.
Past 9, umalis na ako sa Bautista. Dumating ako sa boarding house after 3 hours.
Sobrang init kanina. Hindi ako nakatulog nang maayos, lalo na't excited ako sa posibleng kaharapin ko sa mga susunod na araw. Andaming bago sa akin. Andami ring activities at plans na nakahanda na. Excited na ako. Isama pa ang paglipat ko ng bahay at ang pagpundar ng mga gamit. Hindi na ako ngayon masyadong nangangamba.
Nobyembre 21, 2016
Wala pa rin kaming palitan ng klase. Pero, nagturo ako sa advisory class ko. May time din ako para magpatawa at maki-bonding sa kanila. Tapos, natuwa sila nang malaman nilang aalis ako bukas para sa RSPC.
After class, nag-deposit ako sa banko ng bayad sa bahay. Then, nag-send ko ng pera kay wifey, bago ako umuwi. Sumakit ang ulo ko sa sobrang pagod at init. Alas-5 na ako nakapag-meryenda.
Nagbago ang schedule ng BASYANG. Sa November 25 na ito gaganapin. Kailangan ko tuloy um-absent sa klase ko. Di bale. Isang araw lang naman. Kailangan kasing makadalo ako sa pilot event nito. Hindi puwedeng hindi.
Nobyembre 22, 2016
Maaga akong nagising para maagang makarating sa ABES, ayon sa pinag-usapan. Muntik nang maiwan ng L300 si Mam Loida.
Naging maayos naman ang biyahe namin papunta sa Valenzuela. Maaga nga kaming dumating sa venue. Nakapag-almusal pa kami doon. At, Filipino time, hindi agad nagsimula. Very late na tuloy ang lunch namin.
Ang contest proper ay isang mahabang paghihintay. Iba ang proseso ngayon ng laban, 'di tulad dati. Hindi nila pinagsabay-sabay. Alas-sais tuloy kami nakabiyahe pabalik. Alas-7 naman ako nakauwi. Antok na antok na ako. Gayunpaman, masaya ako sa bago kong experience. Sulit ang isang araw na wala ako sa classroom ko.
Nagpasabi na ako sa katulong ng landlady ko na isang buwan na lang akong mangungupahan sa room nila. Siyempre, nag-advance payment ako. Sayang nga, e. Kung nandito na sana si Epr, baka nakalipat na kami noong Sunday pa. Kailangan pa tuloy naming mag-one month stay. Okay lang naman dahil wala pang kuryente at tubig sa lilipatan.
Nobyembre 23, 2016
Nasa klase ko ang anim na pupils ni Mam Gigi. Absent kasi siya. Hindi naman ako nahirapan sa kanila. Mas napagal pa nga ako advisory class ko. Nagpakitang-gilas sila sa kaingayan. Gayunpaman, kalmado pa rin akong nagturo sa kanila. Lumipat din ako sa VI-Garnet. Gusto nilang basahan ko sila ng kuwento. Nagkuwentuhan na lang kami tungkol sa libro at publishing. Hinikayat ko sila na magsulat. Tutulungan ko sila.
Pagkatapos ng klase, nagbayad ako ng internet bill. Pag-uwi ko ay umidlip ako. Nakabawi na ako sa puyat kahapon.
Sobrang dami ng aking gustong gawin at ginagawa, kaya halos kulangin na ako ng oras para may due date, tulad ng contest sa Lampara Books. Sa December 2 na pala ang deadline. Kailangan ko nang makapagpadala ng entry.
Nobyembre 24, 2016
Hindi kami nagpalitan ng klase. Absent pa rin kasi si Mam Gigi. Okay lang dahil nakapagbasa, nakapag-encode, at nakapag-post ako ng mga akda ng pupils ko. Nakapagpasulat rin ako ng kuwento pagkatapos kung magturo ng matatalinghagang salita.
Gaya kahapon, umidlip ako bago ako nagbanlaw ng binabad ko. Then, nagsulat ako para sa 'Malamig na Kape'. Pagkatapos ay nag-empake na ako ng mga gamit at damit na gagamitin ko bukas para sa outreach program ng SP. Overnight kami bukas, kaya kailangan magdala ng malong. Didiretso na rin ako sa masteral class ko sa Sabado ng alas-5 ng hapon.
Napagdesisyunan kong hindi na ako sasali sa contest ng Lampara Books. Alanganin na kasi.
Nobyembre 26, 2016
Maaga akong nagising. Hindi naman yata ako nakatulog dahil hindi ako komportable sa aking higaan. Pinagdikit na mga mesa lang. Isa pa ang excitement ko. Alas-kuwatro pa lang ay gusto ko nang bumangon. Pero, ilang minuto lang ay bumangon na ako. Nagkape kami ni Imma at nagkuwentuhan. Nangangamba na kami dahil baka hindi dumating si Mk.
Alas-7 na namin nakumpirma na darating si Mk, pero sad news is hindi nakapag-print ng booklet para mabigyan lahat ang mga bata. Alas-siyete rin kami pumunta sa bayan para mamalengke.
Na-enjoy ko ang pagba-budget ng P1000. Humugot uli ako sa bulsa ko para madagdagan ang P800 na na-solicit. Okay lang. Masaya naman sa kalooban.
Naghintay kami kay Mk nang mga kalahating oras. Pero, worth it naman dahil matutuloy talaga ang 3-man event namin sa Brgy. Manaol, Nagcarlan, Laguna.
Isang masayang paghahanda ng lulutuing sopas ang naganap. Nanumbalik ng saya namin ni Imma dahil tatlo na kaming haharap sa mga bata.
Past one, sinimulan namin ang kasaysayan ng SP_BASYANG. Lumabas ang kakayahan ko sa pagkukuwento. Napansin kong nakikinig sila. Interesado sila. Proper motivation and right story to be told are my considerations. Ayos! Magulo pero masaya.
Maraming flaws, pero considerable dahil tatlo lamang kami. Subalit, nang nasa kainitan na, nakakataba ng puso, nakakataas ng balahibo. Sobrang saya!
Naging makabuluhan ang aklat ng VI-Topaz. Naibahagi ko sa kanila ang kuwento ni Ashley. Na-inspire ko rin sila na maging manunulat someday. Tapos, nakapagbigay ako ng isang book, as premyo sa kanilang pagsagot sa tanong ko.
Bago magtapos ang programa, nagbasa pa ako ng kuwento. Ang kuwentong "Ang Ice Candy ng Aling Bulag" ang binasa ko sa kanila. Doon ko napansin kung paano sila mag-behave at makinig sa akin. All ears talaga. Mas nagustuhan ko ang pagkukuwento, lalo na't sarili buhay ang ikinukuwento ko.
Nakakapagod, nakakagutom, pero nakakabusog sa puso. Lutang na lutang kaming tatlo pagkatapos ng event. Saka lang kami nakaramdam ng gutom.
Hinatid kami ng barangay captain sa bayan. Then, nayaya ang dalawa sa Sampaloc Lake sa San Pablo City. Doon ay naglabas kami ng mga saloobin-- halo-halong saloobin. Una ay naging thankful kami sa isa't isa. Then, later, nang kumakain na kami, naging emotional kami dahil naging balewala kami sa mga kasulat naming hindi nakadalo. MAs pinahalagahan pa nila ang event na hindi related sa SULAT, kaysa sa BASYANG. Nailabas ko nga ang saloobin ko nang nag-message ako sa group chat namin. Sabi ko: "Guys, kagabi pa ako, kami ni Sir Imma, disappointed sa moral support niyo..aside from Luna and MK, wala na. Look at your profile pic. It's Basyang, right? Pero, nasaan kayo kagabi na kung saan kailangang naming dalawa ang moral support niyo. Hindi naman siguro lingid sa inyo ang programa. Kagabi, pakiramdam namin, walang SP admins. Pakiramdam namin, dalawa lang kami sa Manaol, na isang foreign community para sa akin. Guys, iniwanan niyo kami kagabi. Iniwanan niyo rin kami ngayong gabi, na supposedly kasalo namin kayo, kahit di namin kayo kasama personally. But, then... iba ang binigyan niyo ng pansin. Basyang is a success, but we feel like losers tonight. It hurts me too much." Grabe1 ANg tindi ng impact nito, sabi nina MK at Imma. Natahimik bigla ang GC, na dating busy sa mga hugot nila.
Nabutas man ang bulsa ko sa kahuhugot para sa mga gastusin namin, punong-puno naman ng kaligayahan ang puso ko at magagandang alaala at karanasan ang isipan ko. Sapat na iyon para maging mayaman ang buhay ko. Hangad ko na mas marami pa akong matulungan at masa marami pang events akong madaluhan.
Nakauwi ako bago mag-alas dose ng gabi. Antok na antok kao, pero sulit na sulit dahil sa achievement. Hindi man iyon alam ng karamihan, pero 150 bata ang na-inspire namin. Soon, sila naman ang gagawa ng aming adbokasiya.
Nobyembre 27, 2016
Hindi ko nagawang matulog nang mahaba. Siguro 7 hours lang ang tulog ko. Gayunpaman, thankful na ako doon. Halos nabawi ko na ang pagod at puyat ko for two days.
Past.ten, umalis ako para magsimba sa ECF- M. Dela Cruz. Inimbitahan ako ni Pastor noong Biyernes. Alam kong natapos na ang church doon.
Nag-meet up muna kami ni Luna. Inabot ko sa kanya ang espasol at ang card na ginawa namin kagabi, bago kami kumain nina Mk at Imma.
Namangha ako sa ganda ng pagkagawa ng church. Ibang-iba na kung ikukumpara sa dating abandoned Buddhist temple, nang huli kong makita. Ang sarap magsimba, lalo na't aircon. Ang sarap tuloy makinig kay Pas.
Pakiramdam ko, bagong tao na naman ako, paglabas ko sa church.
Naging active ako sa SP online, maghapon at hanggang gabi sa meeting namin. Naasar ako sa mga passive, na dati naman ay very active, kahit not related sa SP.
Hindi ako nakapagsulat ng Kape ngayon. Passive din ako. Nakalutang pa rin kasi ako hanggang ngayon, gawa ng Basyang.
Nobyembre 28, 2016
Lunes na Lunes, ako ang nag-beat para sa flag ceremony. Wala pa naman ako sa mood. Nakakatamad ang araw na ito.
Hindi lang ako nagpahalata sa mga bata. Pero, ang totoo, gusto ko lang silang kuwentuhan tungkol sa Basyang. Naibalita at naipakita ko na sa kanila ang certificate at booklet na bigay ng SP.
Kakaunti lang ang pumasok. Siguro, inisip nilang absent pa rin ako. Okay lang naman. Halos kasi wala pang regular na klase, gawa ng Division Palaro, field trip, Reading Month culmination, fun day at iba pa.
Sobrang init kanina, pag-uwi ko mula sa school. Kaya nga, kailangang makalipat na kami sa Cavite. Hindi ko na kaya ang init. Grabe! Parang pugon. Nakaka-drain ng utak.
Nobyembre 29, 2016
Bente-singko na lang ang pumasok sa klase ko. Tapos, nagalit pa ako dahil pasaway sila sa baba, habang nanunuod ng culminating program ng Reading Month. Although, naunawaan ko sila, hindi pa rin naman tama na maglaro lang sila habang mag nagde-declaim sa entablado. Bakit kasi ang pangit ng miktinig? Hindi tuloy marinig at hindi nakakaengganyong pakinggan. Lagi na lang palengke kapag may program.
Nag-stay ako sa classroom ko hanggang 3:30. Sinubukan kong umidlip doon. Bigo ako.
Nobyembre 30, 2016
Salamat kay Bonifacio dahil holiday ngayon!
Past 9, nasa Bucal na ako. Naglinis ako sa loob ng bahay at nagtanggal ng damo sa harapan. Hindi na ako nahirapan masyado dahil natanggalan na ito. Kaunti na lang ang tira. Gusto ko pa sanang mag-stay doon kaya lang kailangan ko nang mananghalian.
Sa daanan, nakakita ako ng gumagawa ng grills. Nag-inquire ako dahil gusto ko naman talagang maging secured ang bahay at mga gamit kahit walang tao. Nagustuhan ko ang offer ng may-ari kaya nagbayad ako ng P7500 ay 50% down payment sa 7 grills -- dalawang pinto at limang bintana. Sa tingin ko ay mura na iyon.
Naisip ko lang ang pambayad ko na naman sa bond/permit. Seven thousand din iyon. Hindi bale na. Ang mahalaga ay ang security. Saka, God is the great provider. Hindi niya ako pababayaan sa mga gastusin.
Bukas na ang field trip. Didiretso na ako sa Antipolo, pagakatapos niyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment