Nag-chat si Rina kay Perry, habang ito ay nasa biyahe papuntang Baguio.
Rina: “Ano nga pala ‘yung sinabi mo na basahin ko doon sa wattpad mo? Sagot muna. At, babasahin ko ang buhay mo.”
Perry: “Chronicles: Endeavor.”
Rina: “Yan ‘yung book mo tungkol sa buhay mo?”
Perry: “Hindi.”
Rina: “Sabi mo, basahin ko. Ano nga?”
Perry: “Chronicles: Endeavor. Ipapaprint ko rin ‘yung ‘Endeavor’, From January 2006 to December 2006. Tapos na ang layout.”
Rina: “Ganun? English ba ‘yun?”
Perry: “Oo. English. Ginagawa ko naman ang ‘The Challenge. January 2007 to December 2007. Ang ‘I Love Red’, kathang-isip lang ‘yun. Pang-teenager.
Rina: Galing! Pero, ayaw ko nu’n magbasa. Baka mabalinguyngoy.”
Perry: “Sus. Simpleng English lang ‘yun.”
Rina: “Baka ‘di kayanin ng powers ko…”
Perry: “Hehe!”
Rina: “Pang-Bikol at Tagalog lang ako.”
Perry: “Kunwari…”
Rina: “Baka antukin ako, e.”
Perry: “May Tagalog naman du’n.”
Rina: “Pag ‘di ko naintindihan… Dati, hilig kong magbasa ng pocketbook sa school.”
Perry: “Maiintindihan naman ang English ko kasi very elementary. Mga January 2010 pa ang diary ko na Tagalog. Baligtad. Kung kelan teacher na ako nu’n.”
Gina: Pero, now sumasakit na ang mata ko, e.”
Rina: “Okay! Ilang taon ka na nga nagturo?”
Perry: “Pang 7.”
Rina: “Wow! Nag-private ka?”
Perry: “Oo. 2009.”
Rina: “Ilang taon?”
Perry: “Isa.”
Rina: “Ang laki rin ng naitutulong ng private, ‘no?”
Perry: “Medyo. Nakasira…”
Rina: “Nakasira, saan?”
Perry: “Sa pamilya…”
Rina: “Ang alin? Ang layo naman ng sagot.”
Perry: Kasi doon ko nakilala ang second wife ko. Nasira ang unang pamilya ko. Malayo ba ‘yun?”
Rina: “Di ko na-gets, e. Bakit ba? Ikaw ang nagloko?”
Perry: “Sabay kami.”
Rina: “Sabay kayo? Hala!”
Perry: “Inulit mo lang. Hala!”
Rina: “Oo. Hehehe! Bakit naman?”
Perry: “Ayaw kong magkuwento.”
Rina: “Hmm… Daya.”
Perry: “Basa-basa ‘pag may time. Mahirap mag-text.”
Rina: “Okay. Sige!”
Perry: “Kaya nga may book, e.”
Rina: “Babasahin ko talaga.”
Perry: “May wattpad.”
Rina: “Nasupalpal ba si Ako? O, ayan, Rina. Kaya nga may book. Basa-basa ka, ha?”
Perry: “He he!”
Rina: “He he he!”
Rina: “Ulitin ko… Ang una mong wife ba ang true love mo?
Perry: “Hindi ako magkukuwento. Inulit ko.”
Rina: “Okay! Di ‘wag. Akala mo, ha. Ako na lang ang magkukukuwento.”
Perry: “Okay!”
Rina: “Wala akong book, e. Gusto mo gawan mo ng book.”
Perry: “Ayaw kong magbasa ng kuwento.”
Rina: “Bakit?”
Rina: “He he he!”
Perry: “Sige, kuwento ka. Copy-paste ko na lang.”
Rina: “Binasa ko uli ang pinagsasabi ko, tapos natawa ako. May mga hugot pa pala ako.”
Perry: “He he!”
Rina: “Alam mo, ‘mate, kung lalaki lang siguro ako, baka playboy ako. Alam mo ba kung bakit?”
Perry: “Bakit?”
Rina: “E, kasi ako ‘yung tipo ng tao na madaling magsawa. Ewan! Di ko maintindihan ang sarili ko. Kasi ang bilis lang. Halimbawa, nagkaroon ako ng bf, tapos naging kami. Parang ang bilis ko na ma-bore. Ayoko na.”
Perry: “Kaya pala, a…”
Rina: “Kaya pala, ano?”
Rina: “Kaya nga ‘di ko naramdaman ‘yung true love.”
Perry: “Kaya pala hiniwalayan mo ang asawa mo.”
Rina: “Kahit may nagparamdam sa akin ng sobrang pagmamahal, pero parang kulang pa rin. Manhid nga lang siguro ako.”
Perry: “Oo. Manhid ka.”
Rina: “Hindi ako nakipaghiwalay.”
Rina: “Oo nga! Manhid ako.”
Rina: “Pinaghiwalay kami ng magulang ko.”
Perry: “Galaw-galaw para ‘di mamanhid. He he!”
Rina: “He he he! Gumagalaw naman ako. Ewan bakit ganu’n. Ang bilis lang mawala ng nararamdaman ko
Bilis magsawa.
Perry: “Kasi hindi ka nga makuntento.”
Rina: “Kasi parang feeling ko, sa umpisa mahal ko, pero ‘di pala ganu’n kalalim. Di talaga makuntento. Grabe…”
Perry: “You are being deceived by first impression.”
Rina: “Parang mahal ko na rin dahil mahal niya ako.”
Perry: “Iba ‘yun. Dapat two way ang love.”
Rina: “Pero, kung sasabihin na maghahabol ako o masasaktan ako nang husto, ‘di ganu’n ang impact sa akin. Lumuha ako nang kunti dahil minsan name-miss ko at alam ko na nasasaktan siya dahil sa akin.”
Perry: “Kaya nga. Kasi mababaw ang love.”
Rina: “At nakakaramdam ako ng awa.”
Perry: “Oo. Awa na lang. Ang awa ay iba sa love.”
Rina: “Alam mo ba? First bf ko, iniyakan ako nang husto.”
Rina: “Oo, iba ang awa…”
Rina: “Tapos, natakot pa nga ako kasi sabi niya sa akin, kahit kanino raw ako mapunta, isinusumpa niya na ‘di ako magiging masaya. Umiiyak siya noong nagsasabi siya ng ganyan.”
Perry: “Hala ka! Babaeng sinumpa ka pala.”
Rina: “Weeee! Tinakot pa nang husto.”
Perry: “Lagot!”
Rina: “He he he! Pero, ‘di nman ako naniniwala du’n.”
Perry: “Maniwala ka.”
Rina: “May kasalanan siya sa akin, e.”
Rina: “Hala! Takutin mo pa ako.”
Rina: “Ganu’n?”
Perry: “Hala ka. Lagot!”
Rina: “Oy, tumigil ka nga!Dagdagan mo pananakot.”
Perry: “Hala. Lagot. 3x.”
Rina: “Ha ha ha! Kaasar… Natatawa ako sa’yo.”
Rina: “Kaya nga sabi ko, kung makapanliligaw lang ako, playboy nga ako. Bakit kaya ganu’n, ‘no? May abnormality sa puso ko. He he he!”
Perry: “Oo. Pa-check up ka na.”
Rina: “Noong umalis nga ang asawa ko… sabi ko, ayoko siyang makita kasi khit paano ay luluha pa rin ako at makakaramdam ng awa. Dalawa hanggang tatlong gabi, tapos na akong lumuha. Naka-move on na ako. Kung sa love ang pag-uusapan. Pero, kung sa personalidad ko naman, doon ako matagal naka-recover. Yun ang masyadong nadurog sa akin, hindi ang puso. Until now, ‘pag naalala ko, binabalot ako ng sobrang lungkot. Pero, napatawad ko naman siya.”
Perry: “Yun ang dapat.”
Rina: “Pray ko na lang na sana makatagpo siya ng babae na makakasama niya habang buhay.”
Perry: “Tama!”
Rina: “Ang mga bata, ‘di ko naman ipagdadamot sa kanya.”
Perry: “Tama! Pero, ganu’n din kaya ang prayer niya sa’yo?
Rina: “Kasi ama siya. May karapatan naman sa mga bata.”
Perry: “Oo. Hayaan mo siyang kilalanin niya ang mga bata.”
Rina: “At, siyempre ang mga bata kahit ‘di ‘yan magsabi sa akin, nasasaktan ‘yan na walang nakakasamang ama.”
Perry: “Oo naman! Sila ang apektado.”
Rina: “Oo, sila talaga. Kaya nga naawa ako, e.”
Perry: “Ganyan din ang pakiramdam ko.”
Rina: “Kasi umiiyak ang mga anak ko. Gusto nila na kasama ang Papa nila. Pero, pinaliwanag ko naman sa kanila. Kasi nakakaunawa na ang panganay ko.”
Perry: “E, ‘di padalawin mo.”
Rina: “Sagad sa buto ang galit ng Mama ko, e. Magkakagulo lang. Noong huling dalaw nga sa amin, galit na galit ang nanay ko. Ayaw na talagang makita ang asawa ko.”
Perry: “Dapat mawala ‘yung galit…”
Perry: “E, ‘di pumikit muna ang Mama mo.”
Rina: “Ako, wala nang galit. Napatawad ko na talaga siya. Malaya na siya. Kung makakahanap siya ng babae, na sasamahan siya at mamahalin, kung ano at sino siya, okay na ako. Totoo. Masaya ako para sa kaniya. Gusto ko pa ring gumanda ang buhay niya para sakaling magkita sila ng mga anak niya, okay ang estado niya.”
Perry: “Naks…”
Rina: “Oo, talaga, ‘mate! Totoo talaga ang sinasabi ko. Pinagpi-pray ko talaga ‘yan na makahanap siya ng babae. At least, ‘pag nakahnap na siya tahimik na ako at ‘di na babalik pa sa akin.”
Perry: “Oo n!”
Rina: “Di ka yata kumbinsido…”
Rina: “Noong September 24. Birthday ko…”
Perry: “Di ka nagsabi. Sana binati kita.”
Rina: “Binati niya ako at umaasa na kami pa. Pero, ‘di ko sinagot. Ayoko na talaga.”
Perry: “Pakipot.”
Rina: “Para maka-move on na siya. Bago ako umuwi limot na niya ako. Four months na lang, 2 years na ako rito.”
Rina: “Wee! Pakipot nga ba? Makakalimot na ‘yun sa akin.”
Rina: “Ano pala ang sinasabi mong two-way ang love?”
Perry: “Two-way kasi dapat dalawa ang dapat nagmamahal. Give and take.”
Rina: “Oo. Ikaw siguro, dahil sobra kang nagmahal, sobrang durog puso mo.”
Perry: “No. 50-50 akong magmahal. Buong-buo ang puso ko.”
Rina: “Hmmm… Hala! Pero, naka-move on ka na?”
Perry: “Oo naman! Matagal na. Love is just a game.
Rina: “E, ano pala ‘yung ginawa mong tula na ‘Hawla’? Bakit sabi mo bumabalik pa?
Perry: “Tingnan mo naman. Di maganda. It means, ‘di mula sa puso. Ayaw kong magkuwento. Ulitin ko.
Rina: “Okay na. Sige. Daya… Ako nga, unti-unting nagkukuwento.”
Perry: “Ang gusto kong malaman ay kung ano ang kasalanan ng asawa mo sa’yo.”
Rina: “Dami nga… Hoy, tsismoso.”
Rina: “Wag ka nang magkuwento.”
Perry: “O, bakit napikon ka? Joke ko lang ‘yun.”
Rina: “Dati, naghiwalay na kmi niyan. Noong maliit pa ang anak namin. Mga isang buwan lang. Tapos, nagbalikan uli kami. Itong huli, natuluyan na kasi sinaktan niya ang anak kong panganay. Sinuntok niya sa sikmura. Nakita ng nanay ko pangyayari. Ako, wala sa house. Nasa Legazpi ako. Nag-take ng board exam. Tapos, ‘yun… Halos ‘di raw makahinga ang anak ko. Nag-away sila ng magulang ko…”
Perry: “Kaya pala…”
Rina: “Tapos, panay pa ang sagot niya sa magulang ko. Palaban siya. So, pinalayas siya ng magulang ko. Gusto kasi nilang ipakulong. Sabi ko, ‘wag na. Ayaw rin ng anak ko. Umiiyak siya kasi tatay niya ‘yun, e. Kaya, sabi ko, ‘wag nang ipakulong. Hayaan na lang siyang umalis. Paalisin na lang. Ayaw n rin kasi ng magulang ko na mkisama ako. Alam nilang sinasaktan ako. Naawa sila sa akin. So, ako na rin ang nag-decide na paalisin na lang siya kasi ang anak ko na ang sinaktan niya, e. Kung ako, makakaya ko pang tiisin… Naging martir ako sa loob ng eleven years. Alang-alang sa mga anak ko kasi ayoko ng broken family. Apektado kasi ang mga bata… Noong umalis na ang asawa ko, siyempre masakit sa anak kong panganay. Nakakaintindi na, e… Kinausap ko siya… Hala, ‘mate, pinaiyak mo ako… Sabi niya, dito lang ang Papa niya. Walang kasingsakit, ‘mate. Parang dinurog ang puso ko na nasasaktan ang anak ko at umiiyak kasi ‘di na makakasama ang Papa niya… Nagtiis ako nang mahabang panahon, alang-alang sa mga anak ko kasi ayokong lumaki silang walang ama… Pero, ganu’n talaga, e. Lahat ay may hangganan. Gustuhin ko man na buo kami, pero mahirap. Mas naawa ako sa mga bata kung lumkai na may takot at sakit din ng katawan ang abutin sa Papa nila. Kaya, sabi ko sa anak ko, ‘Anong gusto mo, Ate, nandito Papa mo, na sinasaktan ako, pati kayo o ang wala siya?’ Umiyak siya nang umiyak. Niyakap ko siya nang buong higpit sa sobrang awa ko. Sabi ko, ‘Tama n, Ate! Tama na. Ano ang gusto mo, mkulong ang Papa mo o umalis na lang? Sobrang sakit sa part ko na nasasaktan ako dahil wala na silang ama. Ang sakit-sakit talaga. Ginawa ko naman ang lahat ng pagtitiis para ma-save ang family ko, pero failed pa rin. Tapos, iba na rin naman kasi ang pakiramdam na nakikisama ka nang wala nang love and respect. Parang impiyerno na ang buhay ko. Iba na talaga. Hindi na masaya… Pinaiyak mo ako, ‘mate…”
Rina: “At, kapag dumarating ang time na kailangan niya ako, tumututol ang isip, puso, at ktwan ko. Umiiyak ako kasi ayoko. Kaya, ‘pag naiisip ko na babalik siya sa akin, tapos ganu’n pa rin ang mangyayari, parang ayaw ko nang dumampi ang katawan niya sa akin. Ayoko na talaga. Umiiyak talaga ako. Parang sasabog ang dibdib ko sa sama ng loob. Tumutol man ako… Basta, ‘mate, basta ang hirap sa pakiramdam. Mahirap. Kaya nga, pag naiisip ko na babalik siya sa akin, ayoko na talaga. Di ko na ma-take. Iyan ang unang-unang pumapasok sa isip ko. Siyempre, asawa ko ‘yun, kaya mangyayari at mangyayari ‘yan. Gustuhin ko man o hindi… Kaya nga, ayaw ko nang makipag-usap du’n. Kahit humingi ng sustento, ayoko. Para wala kaming ugnayan. Pinutol ko na talaga. Ayoko na…”
Perry: “Okay!”
Rina: “Dami kong kuwento, ‘yan lang sagot mo… So now, naunawaan mo na ako kung bakit ayaw ko nang makipag-communicate? Naiyak ka na sa kuwento ko? Di pa ‘yan buong-buo?”
Rina: “O, nasaan ka na?”
Perry: “Tarlac.”
Rina: “Okay! So, anong masasabi mo? Haba ng kuwento ko…”
Perry: Isusulat ko yan. Bigay ko sa’yo. Pag-uwi ko, may kuwento ka na.”
Rina: “Need ko pa ba na makipagbalikan?”
Rina: Pag-uwi mo? Saan?”
Rina: “Ayoko. Bakit mo ibibigay sa akin?”
Perry: “Ikaw…”
Rina: “Anong ako?”
Perry: “Kasi kuwento mo ‘yun, e.”
Rina: “Ayoko. Mababasa at malalman ng mga anak ko.”
Perry: “E, d’i akin na lang. Bahala ka sa buhay mo. Binibigyan ka na, ayaw mo pa.”
Rina: “Natatakot ako…”
Perry: “Bakit?”
Rina: “Tulad ng sabi ko, ayokong tuluyang maging masama ang asawa ko sa paningin ng mga bata at saka ‘yung last part ‘di yan alam ng parents ko. Di kasi ako nagsusumbong.”
Rina: “Di ba mababasa nilang lahat ‘yan? Sa tingin mo?”
Perry: “Pag alam nila ang wattpad mo.”
Rina: “A, okay…”
Perry: Nagwa-wattpad ba ang Mama at mga anak mo?”
Rina: “Hind. Ganu’n pala ‘yun.”
Perry: “Tangerk!”
Rina: “He he he! Sige lang! Inosente pa ako, e.
Perry: “Magpinya ka muna.”
Rina: “Alam mo na?”
Perry: “Oo.”
Rina: “Tanga-tanga talaga ako. Manhid pa.”
Rina: “May tanong ka pa ba sa akin? Nasagot ko na ‘yung sabi mo kung ano kasalanan ng asawa ko.”
Perry: “Oo. Nasagot na. Tulog ka na.”
Rina: “Okay. Masalimuot ba ang buhay ko? Nawala ang antok ko. Lumuluha pa ako.”
Perry: “Hindi… Sakto lang.”
Rina: “Kulang pa kasi ‘yan, e. Di ‘yan nagsimula sa kauna-unahan. Mas marami pang masasakit na dinanas ko mula noong nagsama kami.”
Rina: “Sino sa atin, ‘mate, ang masalimuot ang love life?”
Perry: “Ako.”
Rina: “Ganu’n ba? O, sige! Ikaw na!”
Perry: “Ayokong magkuwento.”
Rina: “Ayaw patalo.”
Rina: “Oo na! Di naman kita kinukulit. Kung ayaw mo, ‘di ‘wag.” Suplado. Pero, nakurot ang puso mo sa kuwento ko?”
Perry: “Hindi ko kinurot. Naawa ako sa asawa mo…”
Rina: “Hala! Sapakin kaya kita. Bakit?”
Perry: “Kasi pinalayas niyo. Bad kayo!”
Rina: “Hmmmm… Seryoso ka?”
Perry: “Mukha ba akong nagbibiro?”
Rina: “Di nga? Siya ba ang biktima?”
Perry: “Pareho kayo. Walang tama. Walang mali. Two-way.”
Rina: “Di nman ako kumporme sa’yo. Explain mong mabuti. Baka tayo ang mag-away. He he he!”
Perry: “Bahala ka. It’s my point of view. Lalo na, ‘di ko nakita. Wala ako du’n sa pangyayari. He he. Aawayin mo ba ako? Sige.”
Rina: “He he he!”
Perry: “Pinagdaanan ko naman kasi. Hindi ko sinasabi na ako lang ang may kasalanan sa hiwalayan naming. Laging dalawa ang may mali.”
Rina: “Okay.”
Perry: “Huwag mong bulagin ang sarili mo. May part din sa’yo na dapat isisi.”
Rina: “Oo, alam ko.”
Perry: “Clear na?”
Rina: “May mga mali rin ako.”
Perry: “Yan ang nais kong malaman… Part 2.”
Rina: “Kasi ‘di naman ako perpekto. Anong part 2?
Perry: “Part 2. Sasabihin mo ang mga mali mo.”
Rina: “Part 1 lang ‘yun.
Perry: L
Rina: “Ayan, mapapasabak na si Ako d’yan. May final judgment na. Hala! Natakot akong alamin mali ko.”
Perry: “Dapat pinapakinggan pareho ang dalawang panig.”
Rina: “Tama.”
Perry: “Di ako basta-basta humuhusga.”
Rina: “Okay. Joke ko lang ‘yun. Ikaw, napakaseryoso mo.”
Rina: “Hu hu hu. Itanong mo kaya sa asawa ko kung anong mga pagkakamali ko.”
Perry: “Sige. Anong pangalan niya?”
Rina: “He he he”
Perry: “Name niya?”
Rina: “Nalimutan ko na, ‘mate, ang name niya. He he he! Seryoso ka ba? Wag na! Ako na lang ang magsasabi sa’yo? Nagmumu-muni tuloy ako kung ano ba ang malaki kong pagkakamali.”
Rina: “Siguro naranasan mo rin na palaysin ka, ‘no?”
Perry: “Oo.”
Rina: “Kaya pala. Naintindihan kita. Wala bang kasingsakit?”
Perry: “Wag mong iliko ang usapan.”
Rina: “Oo na! Sinusukol mo ako, e. Gusto mo talaga akong ma-corner.”
Perry: “He he.”
Rina: “Tawa ka d’yan. Para bang ‘pag nakorner, wala nang kawala. Sabay tutok ng kutsilyo. ‘Magsabi ka nang totoo. He he he! Mate, patawad! Ayoko na. Ayoko nang ituloy. Itatama ko na ang mali ko. Hu hu hu.”
Perry: “Naaawa talaga ako sa ex-husband mo.”
Rina: “Oo na! Sige! Maawa ka sa kanya. Magkampi kayo!”
Perry: “Kalma. Sige na. Sleep muna ako
Rina: “Okay. Bye, ‘mate! Thanks!”
No comments:
Post a Comment