Followers

Thursday, November 17, 2016

BlurRed: Hinala

"Kumusta ang group project.
 niyo?" pabulong kong tanong kay Riz, habang tahimik karamihan. May quiz kami.

Hindi tumingin sa akin si Riz. Siniko niya lang ako.

"Nagustuhan mo ba ang flowers?" tanong ko uli. Medyo, hindi na ako sarkastiko. May inis na ako sa puso ko. Kaunti na lang ay susuko na ako sa panunuyo. Mabilis akong sumuko, alam niya 'yun. Ipinararamdam ko naman sa kanya na I'm making up with her at apologetic ako. But, then kulang pa rin. Siya na ang lumalayo at unti-unting nagbabago.

"Thanks!" sabi lang niya.

"Ihatid kita mamaya sa inyo."

"Huwag na. May lakad kami nina Ella." Hindi pa rin siya tumingin sa akin.

"Bukas na lang," hirit ko pa. Last na ito, sabi ko sa sarili.

"Di ko sure... Baka magyaya naman si Andrea."

"Okay!" Pagkatapos nun, hinayaan ko siya. Nag-focus na ako. Ang hirap niyang amuin. Hindi ko na alam kung paano.

Pagkatapos ng klase namin, kumaway lang siya sa akin, saka sumama na kina Ella at Andrea. Siyempre, kuntodo makeup at lipstick silang tatlo. Gusto ko ngang isipin na didiretso na sila sa bar.

Gusto ko lang patawanin ang sarili ko dahil masakit ang loob ko, habang nakikita ko ang girlfriend ko na masaya nga, peke naman. Hindi na siya ang dating Riz. May kakaiba na sa kanya.

Hindi ako napakali. Naisip ko kaagad na sundan sila. Gumamit ako ng ninja moves.

Akala ko totoong may lakad sila, wala pala. Naghiwa-hiwalay silang tatlo pagdating sa sakayan.

Nang akma kong lalapitan si Andrea, na siyang hindi pa nakakasaka, bigla na siyang tumawid. Pero, mabilis ko siyang nahabol at natawag sa kabilang kalsada. Bahagya naman siyang nagulat.

"O, Red?"

"Akala ko ba may lakad kayo nina Riz..."

"Lakad? Sinong may sabi? Matagal pa. Plano pa lang 'yun."

"A, akala ko ngayon na... Saan ka ba nasakay?"

"Nilalakad ko lang. Malapit lang ang dorm ko. Ikaw, bakit 'di ka na sumabay kay Riz?"

"A... e, nauna na e. Sige, dito na ako. Ingat ka!"

"Ingat ka rin, Red!"

Tama ang hinala ko, iniiwasan lang talaga ako ni Riz. Hindi naman masamang impluwensiya sina Ella at Andrea. Kagustuhan niya talaga ang baguhin ang pananamit, pananalita, at kilos niya. Kaya lang, ang pinagtataka ko, bakit? Bakit apektado ang relasyon namin. Malamig na, e. Malamig na.












No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...