Followers

Thursday, November 17, 2016

Pilipinas, ang Bayan Ko

Mahal ko ang inang bayan ko,
Sa isip at sa salita, ito’y totoo.
Ang edukasyon, kapag natamo,
Sa ating bansa ay isa nang regalo.

Di man ako kagaya ni Bonifacio,
Ni Rizal, ni Luna o ni Lapu-Lapu,
Na nagpatulo ang kanilang dugo,
Ako nama’y batang Pilipino.

Ang kabataang Pilipinong tulad ko,
Makabayan pa rin, kahit moderno,
Handang mag-alay ng lakat at talino
Para makibahagi sa pagbabago.

Pilipinas ang bayan ko,
Pilipino ang lahi ko,
Ang nananalaytay sa aking dugo
Ay ang pag-ibig sa bayang ito.

Taas-noong ipinagmamalaki ko,                                                                                                
Pilipino ako, sa diwa at puso!
Kasingtaas ng Bundok Apo

ang pangarap ko sa bayang ito.                                                                                   

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...