Gusto kong sorpresahin si Riz, kaya hindi ako nagsabi sa kanya na pupunta ako sa bahay nila. Kaya, kahit puyat pa ako dahil tumugtog ako kagabi sa MusicStram, pinilit ko talagang bumangon.
Matagal akong kumatok sa gate ng bakuran nila, bago ako labasin ng kanyang ina.
"Magandang umaga po! Si Riz po?" masuyo kong tanong kay Tita.
"Magandang umaga rin sa'yo, Red," anito habang pinagbubuksan ako ng gate. "Kaaalis-alis lang ni Riz. Hindi ba kayo nagkasalubong?"
"Po? Hindi po, e."
"Akala ko nga ay may group project kayo. Tuloy ka muna."
Nasa loob na ako ng bakuran. "Hindi na po. Naalala ko nga po na nagsabi siya sa akin. Pakibigay na lang po nito sa kanya." Inabot ko ang bugkos ng tatlong rosas at isang box ng doughnuts. "Thank you po!"
Nag-thank you rin ang nanay ni Riz, pagkatapos kong magpaalam.
Lumayo ako sa kanilang tahanan, na nag-aalinlangan. Oo, maaaring nagbago na si Riz sa pagkilos, pananalita, at pananamit. Pero, hindi ako naniniwalang overnight ay magiging gala na kaagad siya. Ito ang ayaw na ayaw niya. Hindi siya naglakwatsa. Nagtatago at umiiwas lang siya sa akin.
Tinext ko siya. "Ingat k. Enjy ur gRoup prJct." Pagkatapos ay nagkubli ako sa pader ng kanilang bakuran.
Matagal akong nakasandal doon. Nag-abang rin ako ng reply niya. Siguro, mga kalahating oras ang lumipas, nang maisipan kong umuwi na. Wala namang Riz na lumabas. Isa pa, naiinitan na kasi ako doon. Inisip ko na lang na umiiwas nga siya, habang nakikisama sa mga bagong kaibigan.
Sumilip uli ako sa tahanan nila bago ako umalis. Hindi ako dinaya ng aking paningin. Si Riz nga ang nakita ko sa balkonahe. Pumipindot siya sa kanyang cellphone.
Lumayo ako doon, bagsak ang balikat. Pakiramdam ko ay iniwan na ako ni Riz. Ang sakit pala. Sobra.
"O, Red, bakit ang aga mo? Akala ko ba'y mag-i-stay ka kina Riz," tanong ni Daddy pagdating ko sa bahay.
"Si Mommy po?"
"Naliligo. Bakit nga? Iniba ang usapan, e."
Lumapit ako sa kanya. Malakas kasi ang volume ng tv, kaya ibinulong ko na lang sa kanya. "Meron po siya. Wala siya sa mood."
Nadala ako sa tawa ni Daddy, kaya napatawa rin ako.
Lusot ako!
Naggitara na lang ako maghapon. Hindi nga lang love songs ang kinanta ko. Ayaw kong mahalata nilang may problema na naman kami ni Riz.
Followers
Friday, November 11, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment