Followers

Tuesday, November 1, 2016

Hawla

Matagal na panahon kitang ikinulong sa aking hawla
Inalagaan, pinakain, pinainom,
Binantayan...
Binantayan kita
Umaga... gabi..
Gabi... umaga...
Umagabi!
Umagabi!
Hanggang sa gabi,
Hanggang sa panaginip,
Nanunuot ka sa aking isip.
Hanggang...
nakalimutan kong may buhay pala ako,
Hanggang nakalimutan kong may puso pa pala ako,
Hanggang tuluyan nang mawasak...
Mawarak...
ang pagkatao ko.
Matagal kong pinaniwala ang sarili ko,
Mahabang panahon din akong naging gago...
Gago.
Gago!
Gago?
Oo, gago.
Hindi na ako nagbago.
Hindi na ako natuto.
Pinalaya na nga kita noon...
Pero bakit ikinukulong pa rin kita hanggang ngayon?
Dito sa hawla ko,
Dito sa puso ko.
Dito!
Dito!
Pati dito
Pati dito!
Buong pagkatao ko,
Ang isinisigaw ay ang pangalan mo.
Wasak na wasak na ang hawla
Itinapon ko na nga,
Pero bakit narito ka pa rin, sinta?
Narito ka pa rin...
Wala ka nga sa aking piling
Ni hindi nga kita mahipo at makasiping,
Ni hindi nga kita marinig at makita,
Ngunit ramdam na ramdam pa rin kita.
Wasak na wasak na ang aking hawla,
Lumaya ka na,
Pinalaya na kita,
Subalit, bumalik ka pa...
Bumalik ka...
Bakit bumalik ka pa?
Bakit ibinalik mo pa ang aking hawla?
Sa palagay mo ba'y magagamit ko pa ito--
Itong aking hawla?




No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...