Pare-pareho silang nahihirapan sa pang-araw-araw na pangangailangan. Ayaw na niyang maging pabigat. Ayaw na niyang pati ang gatas ng kanyang mga anak ay iasa pa sa kaniyang mga biyenan.
Kagabi, hindi siya nakarinig ng kahit ano, mula sa asawa niya. Gaya ng dati, galit ito sa kanya.
Maya-maya, narinig niyang pumalahaw ng iyak ang kanyang dalawang taong gulang na anak. Kagabi pa ito tinitipid ng ina sa gatas dahil paubos na.
"Doon ka sa Papa mo humingi ng gatas!" sabi ng ina. Halos ipagsigawan pa niya iyon.
Tila tinambol ang puso ni Daniel sa narinig. Gusto niyang yakapin na lang ang anak at ipadama ang kanyang pagmamahal, kaya lang ay lalo pa siyang nahiyang lumabas sa kuwarto para magkape.
Kinuha niya ang kanyang coin purse sa bag. Nais niyang mabilhan ng gatas ang anak, kahit ang pinakamaliit na karton. May P97.50 pa siya. Pamasahe niya sana ito para mabalikan ang nakapondong sahod sa kompanyang iniwanan niya. Hindi bale na, aniya. Mas mahalagang makainom ng gatas ang kanyang anak.
"Makakabili na yata ito ng gatas..." Iniabot ni Daniel sa nakasimangot at umiiwas na asawa ang kanyang coin purse.
Tiningnan lamang iyon ni Lorenzana. Ni hindi nito inabot upang bilangin. Wala rin siyang sinabi, ni isang kataga.
Pakiwari ni Daniel, wala siyang kuwentang ama. Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya at magbibitak na ang puso niya.
"Tama bang magalit si Lorenzana? Tama bang kamuhian niya ako? E, hindi naman talaga kaya ng kalusugan ko ang kemikal na ginagamit sa kompanya. Unti-unti lang akong igugupo niyon sa sakit, kung hindi ako aalis. Sana maintindihan niya ako," sabi niya sa kanyang sarili. Wala siyang magagawa, nasa puder siya ng kanyang mga biyenan.
Ilang minuto ang lumipas, mahapdi na ang sikmura ni Daniel. Matagal na siyang nakaupo doon, pero hindi pa siya hinahatiran ng kanyang asawa ng almusal o kahit kape man lang, gaya noong may trabaho pa siya.
"Gising na, Beh! Breakfast in bed!" Naalala ni Daniel ang mga sandaling kay sweet pa ni Lorenzana.
Sana... sana ganoon pa rin siya, naisip niya.
Gusto na niyang mahiga at matulog na lang ulit. Binigo siya ng kanyang asawa. Tuluyan na nga itong nagbago.
"Kape mo," blankong bungad ni Lorenzana, habang hawak-hawak ang tasa ng kape.
Napangiti nang kay tamis si Daniel. Hindi pala siya binigo ng asawa. Kay sweet pa rin nito, sa kabila ng kanyang kakulangan.
"Salamat, Beh!" Mas maraming ang boses niya kumpara noong mga nakaraang araw. Gusto niyang ipadama sa asawa niya na hindi siya magbabago kahit naghihirap sila. Natutuwa siya kahit agad na lumabas ang asawa nang walang salita.
Masayang humigop ng kape si Daniel, ngunit nasuklam siya sa asawa. Mas malamig pa sa pakikitungo niya ang tubig na ginamit sa pagtimpla ng kape. Halos mailuwa niya iyon. Subalit, nilunok pa rin niya. Naniniwala siyang ang buhay may asawa ay hindi mainit na kapeng hihigupin at iluluwa kapag napaso. Hindi niya kayang uminom ng malamig na kape, ngunit kailangan niya itong lunukin.
Tinungga niya iyon. Mapait, pero nakayanan niya.
Ilang sandali pa, lumabas si Daniel sa bahay ng kanyang mga biyenan, iniwan niya ang kanyang coin purse at binitbit naman ang pagmamahal sa kanilang anak.
"Patawad, anak... Hindi ko pa alam kung kailan nakita mabibilhan ng gatas," bulong niya, habang nilalakad niya ang kalsada patungo sa bahay ng kanyang ina, na kilo-kilometro ang layo. Gusto niyang umiyak doon at magkape--- mainit na mainit na kape.
------
Isang oras nang nilalakad ni Daniel ang kalsada pauwi sa
bahay ng kanyang ina. Laylay na ang mga balikat at halos matuyot na ang
lalamunan niya dahil sa tindi ng sikat ng araw. Nais niyang magsisi kung bakit
siya umalis sa tahanan ng kanyang mga biyenan. Ngayon pa ba siya susuko? Gayong
hindi lang isang beses na ipinadama sa kanya ni Lorenzana ang panlalamig.
"Tawagin mo na ang Papa mo. Kakain na." Naalala
niyang sabi ng asawa noong uuwi siyang kakarampot ang suweldong inuwi niya,
dahil ipinambayad niya sa mga utang sa mga katrabaho. Madalas magkasakit ang
kanilang anak, kaya halos sa antibiotic lang nauuwi ang suweldo niya.
Mahapdi na ang sikmura ni Daniel. Hindi niya alam kung
kakayanin niya pang ihakbang ang kanyang mga paa, pauwi sa bahay, na kanyang
iniwan noon upang makisama kay Lorenzana, na siya namang dahilan ngayon upang
bumalik siya nang wala sa oras.
"Wala na akong magagawa, 'nak. Panindigan mo
siya..." Naalala niya ang mga salita ng kanyang ina, noong nabuntis niya
si Lorenzana. "Magsumikap ka na lang para maitayo mo ang pamilya mo. Dapat
sana'y napaghandaan mo ang pagpasok mo sa buhay may asawa, ngunit hindi...
Ngayong magiging ama ka na, maging responsable ka. Huwag ka nang mamili ng
trabaho. Ang mahalaga, mapakain mo ang iyong mag-ina." Hindi maitago ng
ina ang mga luha ng pagkaawa.
Hindi na niya mapapanindigan ngayon si Lorenzana. Labis na
nadurog ang puso niya. Ginawa naman niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ni
halos, isinubsob niya ang kanyang sarili sa trabaho.
"Wala ka nang panahon sa amin ng anak mo,"
pagtatampo ni Lorenzana, nang dumating siya ng Sabado ng alas-onse ng gabi mula
sa overtime at nang ibinalita niyang may pasok sila kinabukasan. "Pati ba
naman Linggo ay ipagkakait mo sa amin."
Huminto siya sa paglalakad upang pahupain ang kanyang
mabilis na tibok ng puso at amg malakas na paghinga. Nais niya rin sanang
mawala ang pagkawala ng kanyang pandinig. Matitiis niya ang hilab ng sikmura at
ang uhaw, ngunit hindi ng sakit ng dibdib.
Hinimas-himas niya ang kanyang dibdib upang lumuwag-luwag
ito, subalit hindi man lamang naibsan ang paninikip nito. Makakatulong ba ngayon
kung sisisihin pa niya ang sarili niya sa pagiging pabaya sa kanyang kalusugan?
Noon pa sana niya pinahalagahan ang kanyang mga baga. Huli na ang lahat. Marahil
ay masyado nang malala ang pinsala nito, kaya gayon na lamang ang kanyang
nararamdaman.
“Mag-vitamins ka, Daniel.” Naalala niya ang payo sa kanya ng
isa sa mga katrabaho niya. “Sa uri ng trabaho natin, kailangan mo ang
resistansiya.”
“Saka na, Ate. Kapag nakaluwag-luwag ako. Mas mahalaga para
sa akin na may gatas at bitamina ang anak ko,” sagot naman niya.
“Naku! Mahalin mo ang sarili mo. Wala namang magmahal na iba
sa’yo, kundi ang sarili.”
Ngumiti lang noon si Daniel.
“May magmamahal pa diyan kay Daniel,” biro ni Felix. “Si
Virgie!”
Nagtawanan silang lahat. Namula naman si Daniel.
“Ikaw kasi Virgie, e. Bakit kasi tomboy ang sinamahan mo?
Andiyan naman si Daniel. Pareho kayong nangangailangan ng pag-aalaga,” tudyo naman
ng pinakamatanda sa lahat na si Ate Molly.
Hindi nakasagot si Virgie. Nagkatinginan na lang sila ni
Daniel.
Sa kabila ng sakit ng dibdib ni Daniel, nagawa pa rin niyang
ngumiti sa mga naalala. Nanghihinayang siya sa kanyang trabaho at sa masayang
samahan, kung saan doon siya panandaliang nakakalimot sa mga problema sa
pamilya, biyenan, at asawa. Aniya, kung maibabalik lamang niya ang dating hubog
ng kanyang katawan at kung hindi sana siya madalas trankasuhin, hindi siya bibitiw
sa trabahong nagbibigay naman sa kanila ng magandang sahod. Sayang…
Muli siyang naglakad, kahit pa unti-unti nang nanghihina ang
kanyang pandinig, lumalabo ang kanyang paningin, at patuloy na gumuguhit ang
sakit sa kanyang kanang dibdib. Kailangan na niyang makarating sa bahay ng
kanyang ina, bago pa siya abutin ng hapon.
Kung tutuusin, maaari naman siyang makiusap sa drayber ng
dyip para pasakayin siya nang libre, ngunit hindi niya ginawa. Ayaw na ayaw
niya kasi ang humihingi ng tulong. Hangga’t maaari sosolohin niya ang problema.
Sa buong buhay niya, ang kanyang ina lamang niya ang hinihingian niya ng
tulong.
“Ano ba? Nagpapakamatay ka ba? Huwag mo kaming idamay!”
bulyaw ng jeepney driver na muntik na siyang mabundol dahil sa kanyang biglaang
pagtawid.
Tiningnan lamang ni Daniel ang nanggagalaiting drayber. Hindi
niya iyon naririnig. Pagkatapos, nagpatuloy siya sa paglalakad.
Sa isang carinderia, tumulo ang laway niya sa mga pagkaing
nasa istante. At, kinainggitan niya ang lalaking humihigop ng mainit na kape. Ngunit,
wala siyang magagawa.
Ilang kilometro na lang ay mararating na rin niya ang bahay
ng kanyang ina. Muli siyang humakbang palayo sa aroma ng kape, subalit siya’y nahilo
at nagdilim ang paningin.
--------
"Iho, saan ka ba patungo?" tanong ng ale kay
Daniel, na siguro ay senior citizen na. Pinapaypayan siya.
Inikot ni Daniel ang paningin niya. Nasa harapan niya ang
mga customer Nasa tabi siya ng karinderya, nakaupo sa monobloc.
"Nawalan ka ng malay kanina diyan sa tapat," ang
hula ni Daniel siya ang may-ari ng carinderia dahil naka-apron ito na may bulsa
sa harapan-- lagayan ng pera.
"Salamat po sa inyong lahat!" Kinapa-kapa niya ang
kanyang ulo, batok, at balikat. Hindi naman masakit.
"Mukhang hindi ka pa nananghalian. Tama ba ako?"
tanong naman ng mama na may hawak na baso ng tubig.
"Opo," pakli ni Daniel. Ramdam na ramdam na nga
niya ang pagkulo ng sikmura niya.
"O, tubig. Uminom ka muna."
Sige po.... Pero, gusto sana ng kape. Wala lang akong pera...
"
"Naku, iho, huwag na huwag kang magkakape kapag gutom
ka," sabi ng lola. Paypay pa rin ito nang paypay.
"Bakit po?" maang ni Daniel.
"Acid ang kape, 'di ba?"
Tumango na lamang si Daniel, kahit hindi siya kumbinsido.
Mas gusto niyang uminom ng kape. Para bang ito ang makakapagpalakas at makakapagdala sa kanya tungo sa paglimot.
Marami pang maging tanong sa kanya ang mga tumulong para
magkamalay siya. Naipagtapat tuloy niya ang nangyari. Binigyan pa siya ng
may-ari ng isandaang piso para makauwi na agad siya, pagkatapos niyang
tanggihan ang alok nitong kumain muna siya. Para sa kanya, sapat na ang pamasaheng
iniabot sa kanya. Gusto na niyang makausap ang ina. Gusto na niyang magsumbong.
Sigurado siyang mapapasarap na naman ang
kuwentuhan nila, habang nagkakape.
Masayang nagpaalam si Daniel sa lahat ng naroon sa
carinderia, bago siya pumara ng dyip. At habang nasa biyahe, napagtanto niyang
marami pa ring kapwa ang may mabubuti ang kalooban.
Kung gaano katagal siyang naglakad kanina sa kalsada, ganoon
naman kabilis ang pagdating niya sa tapat ng pulang gate sa tahanang kanyang
kinalakhan.
Mula sa labas ng gate, tanaw na tanaw ni Daniel ang kanyang
ina, na nasa balkonahe—nakatanaw sa kanyang hardin.
Gustong umurong ng mga paa niya. Kumabog bigla ang puso
niya. Handa na ba siyang aminin sa kanyang ina ang totoong kalagayan niya?
Saglit siyang luminga-linga, nag-isip, at saka humugot ng
lakas ng loob.
Umingit ang gate.
“Daniel?” tanong na bati ni Mommy Nimfa.
Nagtagpo sila sa hardin. Nagyakap.
“Daniel, anak, anong nangyari sa’yo?” mangiyak-ngiyak na
tanong ng ina, habang hawak-hawak ang kamay ng anak.
“Nag-resign na po ako sa trabaho?” nakayukong sagot ni
Daniel. Ayaw niyang ipakita ang kanyang nangingilid na luha.
Hinipo ni Mommy Nimfa ang pisngi at ang mga braso ng anak. “O,
my God, Daniel! Anong klaseng trabaho ba ang napasok mo? Come… Pasok tayo.”
Ramdam ni Daniel na awang-awa ang kanyang ina sa pisikal na
kondisyon niya.
Naging aligaga si Mommy Nimfa sa paghanda ng pananghalian ng
anak, habang tahimik na nakamasid ang anak. Hindi niya alam kung paano
sisimulan ang kanyang pagtatapat.
“Mabuti naman ay nag-resign ka na. Hindi puwede ang ganyang
trabaho sa’yo. Hindi ba’t mahina nga ang baga mo?”
“E, Mommy, hindi na po ako nakapili ng trabaho…”
“Nandoon na ako. Pero, sana… nagpalit ka ng ibang department…
Sige na, kumain ka na muna,” anang ina nang matapos niyang mahainan ang anak. “Si
Ate mo pala, humiwalay na. Nakabili ng bahay si Kuya Edwin mo.”
“Si Donald po?”
“Nasa galaan. Wala namang pagbabago sa kapatid mo…”
Natahimik ang mag-ina. Sumubo na ng pagkain ang anak. Si Mommy
Nimfa naman pinagmamasdan ang kanyang mukha. Noon lamang nagkaroon ng hiya si
Daniel.
“Kumain ka nang marami. Malamang hindi naman dito kakain si
Donald. Ubusin mo na ‘to.”Inabot pa ng ina ang adobo.
“Gusto ko pong magkape…” Tila, nabunutan ng tinik ang dibdib
niya. Kape lang ang maaaring mag-alis ng kaba at hiya na nararamdaman niya.
Agad na tumayo ang 58-anyos na ina. “Anong gusto mo? Instant
o brewed?”
“Instant na lang po. Basta iyong… mainit na mainit po.
Salamat!” Gumaan ang pakiramdam ni Daniel. Pakiramdam niya’y malapit na niyang
mabuksan sa ina ang puso niya.
“Instant? Ganyan ang pinili mong buhay. Alam ko, panandalian
lang ang ligayang naibigay sa’yo ng kapeng pinili mo…”
Natigilan si Daniel. Alam niyang humuhugot na naman ang
kanyang ina, ngunit hindi niya pa kayang unawain ang katuturan ng kanyang mga
salita.
--------
Hinalo-halo ni Mommy Nimfa ang instant coffee, pagkatapos niyang buhusan ng mainit na mainit na tubig. Kumawala ang mabangong amoy nito at pinuno ang kanilang dining area.
"Here's your coffee!" Masayang nilapag ng ina ang tasa ng kape sa harap ni Daniel.
Ninamnam ni Daniel ang aroma nito, saka siya maingat na humigop. Sa wakas, sumayad na naman sa lalamunan niya ang paborito niyang inumin. Guminhawa lalo ang kanyang sikmura. At tila ba namulat ang kanyang pagkatao. Nalimutan niya ang kirot na matagal na nagpahirap sa kanya sa tahanan ng kanyang asawa at mga biyenan. Pumalit ang magagandang alaala na nabuo niya sa hapag na iyon.
"Masarap ang kape... " pagsisimula ni Mommy Nimfa. "Noong bata pa ako, madalas akong utusan ng Daddy ko, na timplahan ko siya ng kape. Madalas, nasasabihan niya ako na puwede na raw akong mag-asawa." Bahagyang sumilay ang ngiti sa labi niya. "Hindi ko pa iyon noon nauunawaan, pero tuwang-tuwa ako na napupuri ako ng magulang ko sa simpleng bagay na iyon."
Muling humigop ng kape si Daniel. Lalong lumilinaw sa kanya ang dahilan ng pag-uwi niya. Aniya, si Mommy pala ang gagamot sa malalim na sugat sa kanyang puso.
Nakatatlong higop pa siya bago muling nagsalita si Mommy Nimfa. "Alam mo ba kung bakit hindi kita inutusang magtimpla ng kape ko noong bata ka pa?"
Tumingin lamang si Daniel sa ina. Ang mga mata niya ang nagtanong.
"Ayaw namin ng Daddy mo, na kayong magkakapatid ay makapag-asawa agad nang maaga. Hangad namin ang magandang kinabukasan ng bawat isa sa inyo. Pinalaki namin kayo nang mabuti para ihanda sa inyong pagsasarili at pagpapamilya..."
Napahigop na uli si Daniel sa lumalamig niyang kape. Nakadalawang higop siya. Lumabo yata ang nais iparating ng kanyang ina.
"Ang kape ay parang pag-aasawa. Mapait. Minsan, matamis. Nakakabuhay. Pero, anak, lalamig at lalamig ang kape kapag hindi mo nainom agad..."
"Mommy, bakit hindi mo ako tinuruang magtimpla ng kape?" Sa wakas, may mga kataga nang nabigkas si Daniel. "Hindi ba't ang sabi mo'y inihanda niyo kami sa pag-aasawa?"
Umiling-iling ang ina. Pilit nitong ikinukubli ang kumikislap na mga mata. "Hindi itinuro ang pagtitimpla ng kape. Dapat kusa mo itong madiskubre. Kung tinuruan kitang gumawa ng masarap na kape, para ko na ring pinangunahan ang puso mo.Tandaan mong may kanya-kanya tayong panlasa. Maaaring gusto mo ng mapait na timpla. Maaaring ayaw ko..."
Sumang-ayon si Daniel sa pamamagitan ng bahagyang pagtaas-baba ng kanyang ulo.
"Hindi ko kailanman hinadlangan ang mithiin mo sa buhay, kahit nararapat lamang na ako ang unang titikim sa kapeng ititimpla ko sa'yo."
Saglit na nag-isip si Daniel. Hindi man niya nasabi sa ina na naniniwala siyang naging malaya siya sa pagpili ng buhay na tatahakin. Hindi pa nga siya nakakatapos ng kolehiyo ay nabuntis na niya si Lorenzana. Pero, ni isang masakit na kataga ay wala siyang narinig mula sa kanyang ina at ama.
"Hindi mo lang matandaan, pero ipinalasap ko sa'yo ang iba't ibang uri ng kape... Hindi ba't habang iginagawa ko kayo ng kape ay nanunuod kayo?"
Tumango-tango si Daniel. Parang naalala niya nga iyon.
"Minsan, tuwang-tuwa ka dahil ang lumamig na kape ay nagawa kong masarap na inumin..."
"Nilagyan niyo po ng maraming yelo," dugtong ni Daniel.
"Oo. Natatawa nga ako sa'yo dahil gusto mo pang magbaon sa school."
Ngumiti ang anak. Nagpahid naman ng mata ang ina.
"Tinanong kita kanina kung instant coffee or brewed. Mas pinili mo ang instant," patuloy na litanya ni Mommy Nimfa. Mas light na ngayon ang kanilang emosyon. "Ang henerasyon niyo ngayon, mahilig na sa instant. Instant food. Instant pamilya. Ganyan ang nangyari sa'yo, Daniel. Look at you now?"
Gumihit sa buong katawan ni Daniel ang guilt. Hindi siya makatitig sa ina. Ni hindi rin niya matingnan ang kanyang sarili.
"Look, what you've done to yourself... Anak, pinalaki kita nang maayos. Pinag-aral ka namin ng Daddy mo, pero you choose a desperate life. Nagkamali ka ng pagpili ng kapeng iinumin. Tama ako, hindi ba? I'm sorry..." Tumayo siya at kinuha ang malamig na kape ni Daniel. "Malamig na ito. Hindi na masarap. Maasim na. Malalasahan mo na ang pait. Igagawa kita uli."
Sapul na sapul siya. Hindi niya puwedeng itanggi ang katotohanan. Tunay nga ang kasabihang 'Mothers know best.'
Pinakiramdaman na lamang ni Daniel ang ina sa kanyang likuran. At maya-maya pa'y naamoy na niya ang kapeng barako, habang ito ay papakulo na sa coffee maker ng ina.
----
“Walang kape!” singhal ni Lorenzana kay Daniel, minsang
nag-request siya para mainitan man lang ang sikmura niya bago pumasok sa
trabaho.
Wala namang narinig na masama si Lorenzana mula kay Daniel.
Hindi rin siya nagpakita na masama ang loob, subalit nagsalita pa rin ang
asawa.
“Akala mo kasi sapat na sapat na ang inaabot mo sa akin. E.
andami natin dito sa bahay. Ni hindi na nga ako makabili ng para sa sarili ko.”
Gusto nang sumulwak ng dugo ni Daniel sa ulo. Nagtimpi
lamang siya. Natutulog pa ang mga biyenan at iba nilang kasamahan sa bahay.
Gaya ng dati, ayaw niyang nag-aaway sila nang maingay. Napigilan niya rin ang
paglabas ng halimaw na matatagal na niyang inaalagaan sa kanyang puso.
Nagpakapipi pa rin siya.
“O, ang tamlay mo, kabayan!” pansing-bati ng sikyu kay Daniel
nang makarating na siya sa pabrika.
Ngumiti man si Daniel, halata pa ring may pinapasan siyang
problema. “Traffic, e…” Didiretso na sana siya para itago ang kanyang mapupulang
mata.
“Hindi ka na naman, ipinaghanda ng misis mo ng almusal, ‘no?”
May kinuha siyang baunan sa drawer. “Eto, o… tinira ko talaga para sa’yo.”
“Naku, ‘wag na. Nakakahiya na sa’yo.”
“Ala, e… nabubulag ang tumatanggi sa grasya. Sige ka.”
Ayaw naman niyang mangyari iyon sa kanya, kaya tinanggap
niya pa rin.
“Kape?” alok pa ng lady guard.
Natauhan si Daniel nang maamoy na niya ang kapeng inihanda
ng kanyang ina.
“Brewed coffee!” masiglang sambit ni Mommy Nimfa. Pagkuwa’y
iniabot niya ang tasa ng kape sa anak.
Excited na humigop si Daniel.
“Masarap?”
Hindi nakapagsalita si Daniel dahil napapaitan siya.
“Ganyan ang buhay may-asawa, ‘nak. Mapait. Pero, huwag kang
mag-alala. Puwede mong patamisin ang pagsasama niyo…” Tumayo siya at kinuha ang
mga canister ng creamer at sugar. “Dagdagan mo ng asukal para tumamis. Huwag
mong hayaang maging mapait. Hindi mo kakayanin ‘yan.”
Naglagay nga si Daniel ng asukal, saka ito hinalo-halo.
“How’s the taste?”
“Um-okay-okay na po.” Alam niya kung saan patungo ang usapan
nila ng mommy niya. Hindi niya iyon ikinaiinis. Iyon nga ang ipinunta niya roon—ang
matikman ang kape ng ina na may aral sa buhay. Nais niyang lumiwanag sa kanyang
isip ang mga pinagdadaanan niya.
“Hindi sapat na okay lang. Dapat sakto sa panlasa mo. Huwag
mong dayain. Hindi mo maikukubli ang pait… Nariyan ang mainit na tubig.
Dagdagan mo. Dagdagan mo ang effort mo para hindi ka mapaitan…”
“Tama na po ‘to, Mom.”
Humigop muna ng kape si Mommy Nimfa. Pagkatapos, tumayo siya
at nilagyan ng creamer ang tasa ng kape ng anak. “Kahit lagyan mo pa ng
sangkatirbang creamer o gatas ang kape mo, kung mapait, mapait talaga,” anito
habang hinalo-halo ang kape ng anak. “Ngayon ay tikman mo. Anong lasa?”
“Creamy and sweet na.”
“Ganyan din ba ang pagsasama niyo ni Lorenzana?”
sarkastikong tanong ng ina.
Nakita na naman ni Daniel kung paanong kumurba ang mga kilay
nito. At, agad na humigop siya ng kape. Ayaw niyang sagutin ang tanong ng ina.
Nagkunwari siyang napaso. Pero, hindi siya pinansin ni Mommy Nimfa.
“Hindi ka lumaki sa mapait na kape… Alam mo ‘yan, Daniel.
Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nagkaganyan ka.” Mataas na ang boses ng
ina, nang umupo ito uli. “Look… Your eyes. Halatang kulang sa tulog at pahinga.
Your physique… o, my God, Daniel! Dalawang taon pa lang kayong nagsasama ni
Lorenzana, ganyan ka na. How much more kung maging tatlo, apat, limang taon pa
kayo!? Ican’t imagine, Daniel!”
“Mommy… it’s my work.”
“Work? Anong klaseng work? Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na…
na establish first your life. Ayan! Kung ano-ano na lang trabaho ang pinasok
mo.”
“Sorry po…” Nangangatal na ang boses ni Daniel. Kinakain na
siya ng kanyang awa sa sarili at hiya sa
ina. Naging matigas din kasi ang ulo niya dati.
“Puwede mong iluwa ang kape kapag napaso ka, pero napaso ka
na, Daniel. Sana nag-ingat ka…”
Naisip ni Daniel, na iyon na siguro ang tamang panahon para
maipaliwanag niya sa ina ang dahilan kung bakit nakapag-asawa siya nang maaga. “Bigo
lang po ako noon, kaya nang lumapit si Lorenzana sa akin para damayan ako…”
“Natukso ka?”
Tila batang tumango si Daniel.
“Iba ang tinukso sa nagpatukso, sa natukso. Alin doon?”
Umiling-iling si Daniel. Hindi niya alam. Ang alam niya lang
ay init lang ng laman ang namagitan noon sa kanila ni Lorenzana.
“Hindi mo pa talaga kilala si Lorenzana…”
Napasulyap si Daniel sa ina. Nakitaan niya ito ng isang
bomba sa
kanyang dibdib.
Pumitlag ang puso niya.
“Hindi lahat ng kape ay maaroma. Tandaan mo ‘yan, Daniel.”
Tinalikuran na niya ang kanyang anak.
----
Hindi talaga naarok ni Daniel ang ibig sabihin ng mga huling
salita ni Mommy Nimfa. Nagsalubong ang mga kilay niya at biglang may pumintig
sa puso niya.
“Mom, ano’ng ibig niyong sabihin?” Hindi natiis ni Daniel na
hindi magtanong. Wala siyang panahon at lakas ngayon para sa sikolohikal na
gawain.
“Tulad ng kape, dapat ay inaamoy-amoy muna ito, bago ka
humigop… Ikukuha kita ng towel. Maligo ka.”
Lalo yatang nagulumihanan ang isip ni Daniel. “Bakit masyado
yatang idyomatiko ngayon si Mommy o baka naman nabobo na ako dahil sa aking
pinagdadaanan?” tanong niya sa kanyang sarili.
Pinilit inubos ni Daniel ang kanin na inihain ng kanyang
ina. Wala pa rin siyang ganang kumain, simula nang naratay siya higaan ng
mahigit isang linggo. Gustuhin man niyang mapanumbalik ang dating katawan at
gana, hindi naman ito sinasang-ayunan ng kanyang sikmura.
“Ako na ang magliligpit niyan. Maligo ka na.” Inaabot na ni Mommy
Nimfa ang tuwalya. “Ang undie mo at mga damit mo, isusunod ko na lang…”
Hindi naman agad naligo si Daniel, pagkatanggal niya ng kanyang
saplot. Humarap siya sa salamin. Hindi niya agad nakilala ang kanyang sarili.
Bahagya pa nga siyang napaurong.
Ilang milimetro na lamang ang laman niya sa kanyang mga
pisngi. Para na siyang taong bungo. Mapagkakamalan na rin siyang durugista
dahil ang dating mapupungay niyang mga mata, ngayon ay lubog na. Ang collarbone niya ay kawangis na ng hanger.
At, sobra siyang naiyak nang mahipo niya ang kanyang dibdib. Wala na ang dating
matipuno niyang katawan.
Hiniling niya na sana’y bahagi lamang ito ng kanyang
panaginip.
Pinihit niya ang shower knob. Tumapat siya roon. Gumapang sa
buo niyang katawan ang lamig, kahit maligamgam na iyon.
Pagkuwa’y muli niyang sinipat ang sarili sa salamin… “O,
Lord…” sambit niya. Hindi niya alam kung tubig ba o luha na ang dumadaloy sa
kanyang pisngi. Ang tangi niyang alam, hindi siya ang kaharap niya.
Hindi siya nagtagal sa pag-shower dahil pakiramdam niya ay
nagyeyelo ang kanyang ipinapaligo. Nagsabon lang siya at nag-shampoo, saka
hinintay ang iaabot na mga damit ng ina para sa kanya. Tanggap na rin niya ang
pagbagsak ng kanyang katawan. Nangangamba lamang siya kung paano niya ngayon bubuhayin
ang kanyang mag-ina. Tiyak siyang walang kompanya ang magtitiwala sa kanya.
“Tawagan ka na lang naming, Sir.”
“Mukha kang may sakit. Hindi ka namin matatanggap.”
“Pasok ang mga qualifications mo, pero we have health requirement
here. I’m sorry.”
“Trabaho ba ang hanap mo, Mister… Daniel?”
“Tatapatin na kita… Para kang may TB. Magpagaling ka muna,
iho.”
Tuluyang yumugyog ang mga balikat ni Daniel, habang nakasandal
sa pinto at yakap-yakap niya ang kanyang mga binti.
Tatlong mahihinang katok ang nagpanumbalik sa ulirat ni
Daniel. Kagyat siyang tumayo upang buksan ang pinto at abutin ang kanyang
isusuot.
“Anak, sasaglit lang ako sa palengke…” paalam ng ina.
“Opo!” sagot niya, pagkatapos niyang maiubo ang nakabara sa
kanyang lalamunan. Saka nagbihis na siya.
Muli niyang pinagmasdan ang kanyang sarili. “May nagbago ba?”
aniya sa isip. Bigo siyang makita ang dating siya. Awa lamang ang naramdaman niya para sa sarili
at sa kanyang anak. Pakiwari niya’y mahihirapan siyang makabangong muli ngayong
lugmok na lugmok na siya.
“Oy, nandito pala ang magaling kong kuya! Nice to see you again,
Bro!” sarkastikong bati ng bunsong kapatid ni Daniel. Nagkagulatan sila,
paglabas niya sa banyo.
“Musta?” pakli ni Daniel. Gusto niyang itago ang kanyang
mukha.
Padaskol na ibinigay ni Donald sa kuya ang basketball. Nasaktan
ang dibdib ng kapatid. “Nga pala, bagay sa’yo ang paborito kong damit,” anito
bago pumasok at malakas na isinara ang pinto ng banyo.
Hindi mapakali si Daniel. Sana hindi muna umalis si Mommy,
naisip niya.
Nagtungo siya sa garden para makahinga. Hindi niya gustong
makipagtalo kay Donald. Tama na ang away nila dati. Wala na siyang ibabatbat
ngayon.
“Kumusta ang pinakamagaling at pinakamatalinong anak nina
Mommy at Daddy?”
Hindi man lingunin ni Daniel ang kapatid, damang-dama pa rin
niya ang hinanakit nito sa kanya.
“W-wala na… wala na akong trabaho…” Nakaharap na siya sa
kapatid.
Tinawanan siya ni Donald. Abot sa impiyerno. “Sino ngayon sa
atin ang kawawa? Ako ba na sabi mo’y sakit sa ulo ng mga magulang natin o ikaw
na sakit sa puso ng asawa mo?” Tumawa uli siya, pero mas mahina na.
Wala siyang karapatang pagsalitaan siya nang ganun. Subalit,
hindi kumibo si Daniel, kahit gustong-gusto na niya ulit gamitin ang kanyang
pagkakuya.
“Bakit ka napasyal? Hihingi ka na naman ng pera kay Mommy?
Mahiya ka naman, Bro.”
Nanginig bigla ang mga kalamnan ni Daniel at lumagitnit ang
kanyang mga ngipin. Kapagdaka’y nabasag ang paso sa may harapan ni Donald, na mabilis
niyang naibinato. Kung hindi lamang ito nabangga sa balustre ng balkonahe ay
sapul sana ang kapatid niya.
“Demonyo ka! Pati ako gusto mong patayin! Gago!” pasigaw na
tumakbo paloob si Donald. Nag-lock siya ng pinto. “Mamatay ka na sana, gaya
kung paano binawian ng buhay si Daddy dahil sa kagaguhan mo! Puta ka!”
Nasapo ni Daniel ang kanyang sintido at muling yumugyog ang
kanyang balikat. Sobrang sakit na ng kanyang damdamin.
----
Makata O.
https://www.wattpad.com/myworks/89788981-malamig-na-kape
"Mamatay ka na sana, gaya kung paano binawian ng buhay si Daddy dahil sa kagaguhan mo! Puta ka!" Pauli-ulit na narinig ito ni Daniel sa kanyang utak. Nakakabingi. Nakakarindi.
Hindi niya nakayanan ang dagundong niyon sa puso niya, kaya lumabas siya sa bakuran nila. Natagpuan niya ang sarili sa chapel. Doon ay umupo siya’t binalikan ang nakaraan.
“Hello, Daniel? Nasaan ka?” tawag ni Mommy Nimfa.
“Hello, Mommy? Sorry po, hindi po ako makakarating…” nahihiyang sagot ni Daniel.
“What? My God, Daniel. Why? Nasaan ka ba? Sabi mo, hahabol ka na lang…”
“I’m sorry, Mom. I can’t make it…”
“Bakit nga?”
Matagal na naghintay si Mommy Nimfa sa sagot ni Daniel kung bakit siya hindi makakadalo sa graduation rite, gayong malinaw ang kanilang usapan na dadalo lamang siya ng graduation party nilang magkakaklase.
“Nandito naman ang mga kaklase mo. Hinahanap ka nga…”
“Hindi po sila ang kasama ko kagabi.”
“So, sino? Bakit hindi ka makakadalo? This is your day.”
“It’s okay, Mom… I’m sorry.” Ibinababa na ni Daniel ang linya.
Hindi nga siya nakapagmartsa at nakadalo sa graduation ceremony. Galit na galit, ngunit nag-aalala na, ang kanyang pamilya. Lalo pa nang mag-iisang linggo na siyang hindi umuwi.
“Hoy, ubusin mo itong kape mo!” sabi ni Lorenzana sa nagmamadaling si Daniel.
“Ayoko na. Sa’yo na lang. Kailangan ko nang umuwi.”
Nagpaalam si Daniel sa mga magulang ng dalaga. Nakaupo sila sa gitnang bahagi ng hagdanan.
“Uwi na po ako.”
Tumango lamang ang ina nito.
“Anong plano mo sa aking anak?” mahinahon, ngunit makapangyarihang tanong ng ama ni Lorenzana. Pinagsasabay nito ang pagkakape at pagsisigarilyo.
Nautal si Daniel. Hindi agad niya nabitawan ang mga salitang nasa dulo ng kanyang dila, lalo na nang mariing pinatay ng ama ng dalaga ang mahaba-haba pang nakasinding sigarilyo sa palad nito.
“Ganun na lang ba ‘yun?” Muling nagsalita ang ama ni Lorenzana.
“P-papanagutan ko naman po ang anak ninyo.” Grabe ang tibok ng dibdib ni Daniel. Hindi niya akalaing ang pakilala pala ni Lorenzana sa kanyang mga magulang ay magkasintahan sila. Ang dinig niya kagabi, makikitulog lamang siya. Hindi alam ng mga magulang nito na magkasama sila nang apat na gabi at nakituloy lang sa bahay ng kaibigan nila.
Napasubo na siya. Kailangan na niyang panindigan ang nangyari.
“Lalaki ka naman palang kausap. Sige, ipaalam mo na ito sa mga magulang mo.”
Nanginginig pa rin ang laman niya nang siya ay tumango-tango at mabilis na lumayo sa mag-asawa.
Gusto niyang magsisi sa kanyang kapusukan, pero naisip niyang wala namang magagawa iyon. Kailangan niya itong harapin. Siguro nga, ito na ang katuparan ng kanyang pangarap—ang magkaroon ng anak.
Parang napagod ang utak niya sa limang taon niyang pag-aaral sa kolehiyo. Kaya, nang minsang nag-iisa siya sa bench ng campus, nahiling niya sa Diyos na sana ay may babaeng handang magparaya sa kanya. Sana may babae pang gustong magdadalantao, ngunit iiwanan lang sa kanya ang bata.
Ito na nga iyon, aniya sa isip niya, habang may tumatambol sa loob ng kanyang katawan. Hindi lahat ng pamilya at makakaunawa sa gusto niya at sa ginawa niya. Lalo hindi lahat ng babae ay may kakaibang pag-iisip na katulad ng hinahangad niya.
Habang papalapit siya sa kanilang tahanan, para namang pinipilit ang ulo niya. Natatakot siya sa posibilidad nito. Oo, hindi na siya bata, pero saklaw pa rin siya ng kanyang ina at ama, lalo na’t wala pa rin siyang kakayahang magpamilya.
Inaasam niya na nakapasok na sa trabaho ang kanyang ama. Ang mommy niya muna ang gusto niyang makausap.
“Mommy, nandito na si Kuya Paasa!” sigaw ni Donald nang makita siya na papasok ng bahay.
“Andami mong alam!” Kahit naiinis sa kapatid, hindi pa rin niya ito binatukan gaya dati. Hinanap niya na lang ang kanyang ina. Natagpuan niya ito sa laundry area.
“Kumain ka na doon.” Naabutan niya ang kanyang ina na nagtatanggal ng bula sa kanyang kamay. Tila, inaabangan ang kanyang pag-uwi.
Nagmano muna si Daniel.
Parang malamig na kape naman si Mommy Nimfa. Kataka-takang hindi niya niyakap ang anak. Kapag matagal silang nagkakawalay, niyakap-yakap pa niya si Daniel. Hindi lang siya, kundi pati ang mga kapatid niya.
“Magkape ka na doon, pagkatapos ay magpahinga ka. Linawan mo ang isip mo. Mamaya na tayo mag-usap.”
Hindi ganoon ang nais niyang mangyari. Hindi niya kayang maghintay pa ng ilang oras. Para nang binarena ang puso niya.
“Mommy, I’m sorry po uli… Alam kong nabigo ko kayo nang husto…”
Tumayo na si Mommy Nimfa at pumasok sa kusina. Sinundan siya ni Daniel. Tahimik siyang nagtimpla ng kape. Pinagmasdan siya ng anak.
“Mommy, andami mong nilagay na asukal at gatas!” sawata ni Daniel.
“Hindi kami nagkulang sa’yo ng Daddy mo. Sobra-sobrang pagmamahal, pang-unawa, at pagkalinga ang ibinigay namin sa’yo, sa inyo. Pero, bakit sa araw ng sana ay matanggap mo ang bunga ng tagumpay mo, bigo pa rin kami…” Nagbukas ito ng ref at kumuha ng ice cubes. Naglagay siya sa mas malaking tasa ng limang cubes at isinalin doon ang tinimpalng kape. Pagkatapos ay nilagyan niya uli ng tatlo pa. “Gayunpaman, narito pa rin ako… kami, para unawain ka. Wala naman akong magagawa. Kagustuhan mo ‘yan.” Iniabot na niya ang malamig na kape sa anak at tumalikod. Pinuntahan si Donald. “Donald, gisingin mo na nga ang ate mo. Sabihin mo, nandito na ang kapatid niyo.”
Tumalima naman si Donald. Nakita ni Daniel na ngumunguso ito.
----
"May dapat po kayong malaman, Mommy..." turan ni Daniel, nang wala na sa paningin niya ang nang-aasar na kapatid.
Natigilan si Mommy Nimfa.
"Mommy... kailangan ko pong panagutan ang nakasama kong babae nitong mga nakaraang araw." Malinaw niyang sinabi.
Animo'y nawalan ng hangin ang katawan ni Mommy Nimfa. Napaupo siya sa sofa at nasapo ang dibdib. "O, my God... It can't be."
Tinabihan ni Daniel ang ina. Niyakap niya ito. "Mommy, sorry po...Tulungan niyo na lang po ako."
Lumaya na ang mga luha sa mata ni Mommy Nimfa.
Natanaw naman ni Daniel ang bababa sana niyang kapatid. Tumakbo ito pabalik sa kuwarto ng ate nila.
"Alam mo ba ang pinasok mo, anak? Responsibilidad. Malaking responsibilidad. Kaya mo na ba?"
Hindi niya sigurado, pero umoo siya. Gusto niya lamang ipakita sa kanyang ina na malakas siya at hindi niya pinagsisisihan ang ginawa niya.
"Kung ganu'n... panindigan mo siya. Bumalik ka du'n." Nagpahid ng luha ang ina.
Nang bumaba si Doreena, ang ate ni Daniel, kalmado na si Mommy Nimfa. Ilang segundo na rin silang natahimik.
"Anong nangyayari dito?" ani Doreena, habang pababa ito ng hagdan. "Donald, bakit? Ano bang problema mo?"
"Sa garden lang ako, Doreena. Ikaw na ang bahala," paalam ng ina.
"Sige po Mommy." Pinandilatan ni Doreena si Daniel at nang nasa labas na ang kanilang ina, pinasunod niya sa dining area ang kapatid.
Doon ay hinarap ni Daniel ang malamig na kapeng inihanda ng kanyang ina. Humigop siya. Gustong-gusto niya ang lasa niyon. Magkahalong pait at tamis, parang ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Nasa bingit siya ng problema, pero alam niyang nariyan ang kanyang pamilya para alalayan siya.
Kumuha ng maliit na tasa si Doreena. Nilagyan niya ng imported na kape at kaunting asukal na puti, saka niya pinatuluan ng tubig mula sa airpot. Pagkatapos, humarap siya sa kapatid.
"Mataas ang pangarap sa atin nina Mommy at Daddy. Alam mo 'yan. Mataas din ang pangarap ko sa buhay. Sana ganun ka rin," litanya ni Doreena, habang naghahalo ng kanyang kape. "Pero, sa ginawa mo, mukhang ikakahiya ka ng angkan." Humigop siya ng kape. "Tama ba ang narinig ni Donald?"
Inalog-alog ni Daniel ang kanyang tasa, bago nagsalita. "Oo, 'te."
Bahagyang kinurot ng ate si Daniel. "Paano na, Daniel? Nag-iisip ka ba? Huwag mong sabihing iaasa mo kina Mommy at Daddy? Diyos ko naman, ako ngang may asawa na, hindi pa ako maibahay... ikaw pa kaya. Pare-pareho na tayong palamunin dito."
"Ate, 'di ko naman siya dito ititira, e."
"Saan? Sa kalye? Sa mga biyenan mo?" mabilis na tanong ni Doreena.
Humigop ng malamig na kape si Daniel. Hindi niya kasi alam ang sagot sa tanong ng ate niya. Saan nga ba?
"Anong klaseng babae siya? Anong klase ng pamilya ang meron siya?"
"Hindi mahalaga ang katayuan sa buhay, ate..."
"Hindi?" Tumawa si Doreena. "Ang kapeng ito ay imported. Iba ang lasa nito kumpara sa lasa ng pipitsuging kape. Ngayon, sabihin mong hindi mahalaga ang katayuan sa buhay..."
Nasa tamang pag-iisip pa si Daniel, kaya alam niya ang ibig ipakahulugan ng ate. Nayabangan lamang siya sa kapatid. Hindi niya alam na may pagkamatapobre ito.
"Hindi naman sila mahirap. Hindi rin mayaman," paliwanag ni Daniel. Napadalas ang paglagok niya ng malamig na kape. Pinag-ingay niya pa ang mga yelo sa loob ng tasa, para mabawasan ang nginig niya sa katawan.
"Tama na 'yun sa'yo? Hindi ka man lang nangarap ng babaeng mas angat sa buhay natin."
"Para saan, 'te? Hindi naman yaman ang basehan ng kaligayahan, e."
Lalong natawa si Doreena. "Wow! Humuhugot ka pa. Lakas ng loob mo... Sana, one day, maalala mo ang mga sinabi mong 'yan."
Tinungga ni Daniel ang kape at saka tumayo para ilagay sa lababo ang tasa.
"Aalis na ako," naiinis siyang sabi.
"Hindi naman kita pinapalayas. Gusto ko lang malaman mong maling-mali ang ginawa mo. Sana nag-isip ka bago ka tumikim. Ngayon, sige... panindigan mo 'yan. Ang pag-aasawa ay parang kape. Ingat ka!"
Kahit paano ay naibsan ang pagkainis niya nang marinig niya ang huling pangungusap ng kanyang ate. Alam niyang concern ang kapatid niya sa kanya. Kahit anong mangyari, may pamilya siyang uuwian. Kaya, handa na siyang harapin ang panibagong buhay, na hindi man niya pinaghandaan, ay willing siyang harapin at ipaglaban.
----
Natanaw ni Daniel sa hagdanan ang kanilang bunsong kapatid.
Hindi niya nabasa ang emosyon nito. Ang hula niya ay nalulungkot din ito sa
nangyari sa kanya. Pero, hindi na siya nagpaalam pa, baka ipinagkakanulo lang
siya ng kanyang hinuha. Ayaw na niyang dumagdag pa si Donald sa mga bagabag
niya. Hangad niyang napatawad na siya nito.
“Tuloy na po ako, Mommy,” bantulot na paalam ni Daniel sa
natulalang ina. Hindi siya sanay sa ganoong sitwasyon. Lumaki siya sa
masiyahing pamilya, ngunit ngayon, siya pa yata ang nagdala ng pighati at
pagluha.
Ilang segundo rin siyang naghintay sa pagtugon ng ina. Sa
mga sandaling iyon, awa ang naramdaman niya sa babaeng pinakamamahal niya.
Tatalikod na sana si Daniel, nang magsalita na si Mommy
Nimfa. “Makisama ka sa mga biyenan mo…”
Napahinto si Daniel.
“Alam kong magiging mabuting ama, asawa, at manugang ka sa
kanila, dahil naging mabuting kapatid ka sa mga kapatid mo at anak, sa amin ng
Daddy mo…”
Hindi na siya humarap sa ina, bagkus itinago na lamang niya
ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi.
“Hindi ko alam kung paano ito tatanggapin ng Daddy mo, pero
tandaan mo, bukas ang tahanang ito para sa’yo…”
Tumango lang siya at saka lumabas sa bakuran ng tahanang
kanyang kinamulatan at bumuo sa kanyang kabataan. Ngayon ay kanya nang iiwanan
para harapin ang panibagong buhay, na hindi niya alam kung ano ang
kahahantungan.
Habang nasa biyahe siya pabalik sa bahay nina Lorenzana,
pakiramdam niya ay tuluyan na siyang itinaboy ng kanyang pamilya. Wala man
lamang pumigil sa kanya.
Isang malakas na salpukan ng mga sasakyan ang narinig ni
Daniel mula sa kanyang likuran, na naging dahilan upang manumbalik siya sa
reyalidad. Kinabahan siya. Naalala niya ang kanyang ama, na nagmomotorsiklo
lang sa pagpasok sa trabaho. Agad siyang lumabas sa chapel upang tingnan ang
aksidente, pagkatapos niyang umusal ng maikling panalangin.
Isang banggaan ng motorsiklo at kotse ang natanaw niya.
Marami na ang rumesponde, kaya hindi na siya lumapit. Sa halip ay bumalik na
siya sa kanilang bahay. Doon ay halos kapanabayan niya ang pagdating ng ina, na
mula sa palengke.
“O, bakit nabasag itong paso ko! Nasira na ang halaman ko!”
hinayang na hinayang na bulalas ni Mommy Nimfa.
“Ayusin ko na lang po,” presenta ni Daniel.
“O, andiyan ka pala. Sino kaya ang may gawa nito? Andiyan na
ba si Donald?”
Hindi niya sinagot ang tanong ng ina. Ayaw niyang manggaling
sa kanya ang sagot.
“Donald! Donald, pumarito ka nga saglit!” tawag ng ina sa
bunsong anak nang makapasok ito. Itinuloy naman ni Donald ang pagliligpit sa nadurog
na paso, nagkalat na lupa, at nasirang cactus.
Alam niyang pinuntahan ng ina si Donald sa kuwarto nito.
Kaya, nang lumabas si Mommy Nimfa, lumuluha ito.
“Ano ba kayong magkapatid? Hindi na ba talaga kayo
magkakasundo?” Nahuli ni Mommy Nimfa ang braso ni Daniel, na halatang umiiwas
ng tingin sa ina.
“Si Daddy po, Mommy… si Daddy. Namatay po ba siya dahil sa
kape o dahil sa sama ng loob sa akin?” Tumingin na siya sa ina. Gusto niya
kasing malaman ang totoo.
Binitiwan ni Mommy Nimfa ang anak. Umupo siya sa nabakanteng
patungan ng paso. Nag-aabang naman si Daniel sa kanyang paliwanag.
“Mahal na mahal ka ng Daddy mo, anak. Alam kong ramdam mo
‘yun…”
“Alam ko po ‘yun, Mommy. Kaya nga po, ganun na lamang ang
pagseselos sa akin ni Donald. Kasalanan ko po ba?”
“Ang alin? Kung ang pagseselos ng kapatid mo, hindi, Daniel.
Pare-pareho ang pagtingin sa inyo ng Daddy niyo. Pare-pareho ang pagmamahal
namin sa inyo…” Yumuko ang ina. Puspos pa rin ito ng luha. “Tama na ang
bangayan ninyo. Please, Daniel… Ikaw ang kuya. Ikaw na sana ang umunawa. Heto
nga’t nahaharap ka na naman sa…” Hindi naituloy ng ina ang sasabihin. Naisip
niya kasi na baka masaktan lamang ang anak.
“Hindi po iyan ang gusto kong marinig… Ako po ba ang dahilan
ng pagkamatay ni Daddy? Sabi niyo dati, inatake.” Pinunasan agad niya ang luhang
nagbabadyang tumulo. “Mommy, ‘yan ang dahilan ng away namin kanina ni Donald.”
“Inatake ang Daddy mo, habang nagkakape. Iyan ang totoo.”
Tumayo na siya at tinalikuran ang anak.
“Ganyan kayo, Mommy noon pa. Mahilig kayong magtakip-takip
at magtago ng sekreto para walang masasaktan sa amin,” malakas na sambit ni
Daniel. Gusto niyang maukilkil mula sa ina ang katotohanan. Sinundan niya ang
kanyang ina. “Gusto niyong itago sa akin, pero kay Donald, hindi niyo naman
naikubli.”
Sa kusina na nila natagpuan ang kanilang sarili.
“Daniel, hindi ito ang tamang panahon para sa bagay na ‘yan.”
“Kailan pa, Mommy? Hanggang tuluyan akong kamuhian ni
Donald?” Gusto nang sumabog ni Daniel. Samu’t saring negatibong damdamin ang
laman ng puso at isip niya. Humagulhol na siya. “Mommy, hindi man lang ako
nakahingi ng tawad kay Daddy. Ilang taon pa ninyong itatago sa akin?”
“Makakabawas ba sa problema mo kung sasabihin kung ikaw nga
ang dahilan ng atake niya?” mahinang sambit ng ina, pero malinaw kay Donald. Malinaw
na malinaw.
Nagkatinginan ang mga luhana nilang mata.
“O, my God… Daddy, I’m sorry po…” Napaupo si Daniel at napasubsob
sa dining table. Lubusang kumawala ang impit sa kanyang lalamunan.
----
Hindi kinaya ni Daniel ang pagkatuklas sa itinagong lihim ng
ina. Agad siyang umalis. Alas-singko na iyon ng hapon. Ni hindi na nga siya
nakapagkape.
Sa isang kabayanan niya natagpuan ang sarili. Ayaw niya pang
umuwi kina Lorenzana. Nais niya munang pag-isipan lahat ang mga pangyayari sa
buong maghapon. Gusto niyang ikonekta ang nakaraan at kasalukuyan.
Hindi niya alam kung bakit sa isang coffee shop siya
napanumbalikan ng ulirat. Malapit iyon sa bahay ng kanyang mga biyenan. Limandaang
metro lamang ang layo nito, kaya hindi na siya mamamasahe.
Binilang niya ang tira niyang pera. Forty-three pesos.
Aniya, maaari pa siyang makabili kahit ng pinakamurang kape. Agad siyang
pumasok at nag-order ng caffe Americano.
Habang naghihintay sa inorder na kape, pinanuod niya ang
performer ng spoken word poetry. Muntik siyang maiyak sa mahusay na performance
niyon. Naisip niya, hindi lamang pala siya ang dumaranas ng sakit. Pakiramdam
niya ay magkarugtong ang mga puso nila. Nadama niya ang sugat sa puso ng
manunula.
Hindi niya napigilang lumuha, habang pumapalakpak. Hindi
niya first time makapanuod ng ganung pagtatanghal. Matagal na rin siyang
nagluluto ng mga salita at tugma sa kanyang isip upang kapag may pagkakataon ay
aakyat siya sa entablado at bibigkas ng kanyang tula.
“Thank you, Sir! It was indeed a heart-twisting performance.
Bravo,” sabi ng crew. “Sino pa po ang nais magparinig ng kanyang puso at
damdamin. Ang sarap humugot, tama ba? Lalo na kapag may kasalong kape. Anybody?”
Nagtaas ng kamay si Daniel. Tutal wala pa ang kanyang order…
Nais niyang ilabas ang kanyang nararamdaman sa mga taong hindi naman nakakaalam
kung gaanong nagdurugo ang puso niya.
“Oy, si Sir! Come here, Sir.”
Biglang nahiya si Daniel. Na-conscious siya sa kanyang
pisikal na anyo, pero nilakasan niya na lang ang loob niya. Umubo muna siya
upang matanggal ang bara sa kanyang lalamunan.
“Please, give him a round of applause,” pagbati ng crew,
saka ibinigay sa kanya ang entablado.
Tinantiya muna ni Daniel ang kanyang sarili. Unang beses
niya itong gagawin. Tinantiya niya ang audience. Walo katao lahat ang mga nasa
table, maliban sa mga crew at cashier. Lahat sila ay matamang nag-aabang sa
kanyang pagsisimula.
“Pasensiya na po kayo… this’ my first time,” aniya. Narinig niya
ang mga salitang, Okay lang. kaya, nagsimula na siya.
“Ama,
patawad po…
Patawarin mo
ako sa kabiguang dinulot ko
Patawarin
Niyo ako. Patawarin Niyo ako…”
Tumigil siya
ng ilang Segundo. Nakatingin lahat sa kanya.
“Ina,
patawad po…
Patawarin mo
ako sa mga kakulangan ko
Bilang anak
ninyo, ‘di tumupad sa pangako,
Patawarin
niyo ako dahil hindi ko natupad ang nais ninyo.”
Ginanahan na
ang mga naroon. Tinuloy-tuloy na niya.
“Patawad,
Beh ko…
Patawad
dahil naghihirap ka sa piling ko,
Patawad
dahil hindi ko maibigay ang ginhawa sa’yo.
Patawad
dahil lugmok na lugmok ako.”
Luhaan na
siya pagkatapos nito. Nangangatla na nag boses niya. Medyo, nadala na rin halos
ang mga nakikinig.
“Anak,
patawarin mo ang Daddy mo,
Mahina ako,
mahina ako…
Nasaan na
ang silbi ko?
Wala na,
anak ko, wala na…
Hindi na kita
mabibilhan ng gatas mo…
Paano na ang
iba pang pangangailangan mo?
Patawad,
anak, bigo ang Daddy mo.”
Yumugyog ang
mga balikat niya, bago niya naipagpatuloy ang tula. Hindi na niya napansin ang
mga nakikinig, kung paano sila na-carried away. Guminhawa ang pakiramdam niya.
Feeling niya ay nabawasan ang nakadagan sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay
nalaglag ang lima sa sampung punyal na nakatarak sa puso niya.
“O, Diyos
ko! Paano na ako?
Nais kong
umamot ng kaunting awa sa’yo…
Gusto kong
humingi ng kapatawaran sa’yo.
Diyos ko!
Diyos ko! Patawad po..
Durog na
durog na ang puso ko.
Durog na
durog na ang pagkatao ko.
Durog na
durog na ang buhay ko.
Durog na
duro na ako, Diyos ko.
Tulungan Niyo
po ako,
Iahon Mo ako
sa kumunoy na ito.
Iahon Mo
ako, Diyos ko…”
Humina na
ang tono niya. Napagod siya sa pagbulalas ng bawat salita, ngunit buo pa rin
ito sa pandinig ng mga kapwa niya customer, gayundin sa mga trabahador doon.
“Ang pamilya
ko,
Ang mga
kapatid ko,
Ang ama ko,
Ang ina ko,
Ang asawa
ko,
Ang anak ko,
Lahat sila
ay nasasaktan ko,
Lahat sila
ay napaluha ko…
Paano na
ako? Paano na, Diyos ko?”
Bahagya
niyang iniyuko ang kanyang ulo, hudyat ng kanyang pagtatapos. Kasabay niyo ang
pagkalaglaga ng mg huling luha sa kanyang mga mata at ang paglaya niya sa
kapighatian. Pakiramdam niya ay kaya na niyang haraping muli ang masalimuot
niyang buhay.
“Maraming
salamat! Ipagpaumanhin ninyo…” Bumaba na siya sa entablado. Sinablubong siya ng
isang crew at kinamayan, habang ang host-crew ay nagpasalamat sa kanyang
performance.
“Thank you,
Sir, for sharing your heart with us! God bless…” Kinamayan siya nito nang
mahigpit at tinapik-tapik ang kanyang likod.
Tumango-tango
lamang si Daniel. at saka pa lamang siya nakapagpunas ng mata.
Maya-maya
pa, inihain na sa kanya ang kanyang order. “Enjoy your caffe Americano, Sir,”
masuyong sambit ng babaeng crew.
Tinanguan at
nginitian lang uli ni Daniel ang crew.
“Sir, in
behalf po ng Café Perry-Rina, natutuwa po kami sa inyong performance. Sa tulad
niyong first timer, napakahusay po ng inyong delivery. Kaya po… ang inyo pong
kape ay inihahandog na po namin sa inyo, free.”
Namilog ang
mga mata ni Daniel. “Talaga?”
“Yes, Sir. ‘Yan
po ang promo namin dito… Welcome po kayo rito, anytime. Enjoy!” Yumukod pa nang
bahagya ang magandang crew.
Sa unang
higop pa lamang ni Daniel sa kanyang kape, tila naglaho ang kanyang mga
problema.
---
11
Paglabas ni
Daniel sa Café Perry-Rina, animo’y bagong tao na siya. Na-appreciate na niya
ang kagandahan ng paligid. Ang iba’t ibang neon sign na kanyang natatanaw ay
nagtila Christmas lights--- kumukuti-kutitap. Ang mga ingay ng mga tao at sasakyan
ay naging musika sa kanyang pandinig.
Hindi niya
namalayang nasa tapat na siya ng tahanan ng kanyang mga biyenan. Madilim sa
labas, ngunit batid niyang gising pa ang lahat. Alas-siyete pa lamang naman ng
gabi.
Tatlong mahihinang
katok ang ginawa niya sa pintong plywood, pagkatapos niyang palayain ang
malalalim na hininga at patigilin ang pagkabog ng kanyang dibdib.
“Papa! Papa!”
sigaw ng anak ni Daniel, pagsungaw pa lamang niya sa pinto. Nagmano muna siya
sa kanyang mga biyenan, bago kinarga ang nakakunyapit na anak. Pumasok sila sa
kuwarto at doon niya hinagkan at niyakap nang mahigpit ang bata. Miss na miss
niya ito, na parang isang taon silang hindi nagkita.
Nakatunghay
naman sa kanila si Lorenzana. Nais niyang yakapin si Daniel.
“May
pasalubong si Papa sa’yo.” Masayang hinugot ng ama mula sa kanyang bulsa ang pahabang
marshmallow. Hinding-hindi niya makakalimutang magbitbit ng pasalubong para sa
anak.
“What will
you say?” Umintra si Lorenzana.
“Tey shu!”
sagot ng bata.
“Welcome,
baby ko!” Muli niyang niyakap ang kanyang anak. Parang naglaho na ang sakit na
kanina lang ay nagpahirap sa kanyang pagkatao.
“Lorenz,
maghain ka na. Kain na kayo ni Daniel,” utos ng ina ni Lorenzana, na agad
namang tumalima.
Pinagmasdan
ni Daniel ang anak niya, habang nilalantakan nito ang marshmallow. Napuno ng
ligaya ang puso niya. Naisip niya kasi na mabuti pa ang bata, madali lang mapasaya.
Marunong na ngang magpasalamat, marunong pang makuntento.
“Kain na
tayo, Beh!” masuyong yaya ni Lorenzana kay Daniel. Nangingilag pa rin ang
tingin nito kay Daniel.
Gaya ng
dati, silang mag-asawa ang unang kakain, kaya pigil na pigil si Daniel. Kahit
gusto pa niyang humirit ng sabaw ng instant noodles at pumutol pa ng kalahating
tuyo, hindi na niya ginawa. Gayunpaman, sige pa rin ang paglagay ng kanin ni Lorenzana
sa kanyang plato. Natuwa siya sa asawa dahil biglang nag-iba ang trato nito sa
kanya. Dati-rati, kailangan pa nilang magtalo kapag nais pa niyang humingi ng
ulam o kaya ay kanin. Minsan pa nga, nagkatampuhan pa sila sa isang pandesal.
“Nakatatlo
ka na. Akin naman ‘to!” bulyaw ni Lorenzana kay Daniel.
“Bitin, e.
Ang liliit naman kasi. Kuha ka na lang uli doon, o.”
“Sa kanila
na nga ‘yun, e. Ang siba mo naman!”
Gustong
tabigin ni Daniel ang tasa ng mainit-init pang kape niya. Pakiramdam niya ay
umakyat sa ulo niya ang nainom na kape. Subalit, natiim na lamang niya ang
kanyang mga bagang sa sobrang galit niya. Hindi na nga siya pinagbigyan,
inalimura pa siya. Kung may sarili sana silang bahay, baka nasampal na niya ang
asawa.
Natawa na
lamang siya sa kanyang naalala. Kahit paano, mayroon silang pagkakamali sa
nangyari. Hindi naman magkakaganun si Lorenzana, kung hindi siya nagmalabis.
Tama nga ang kasabihang “Ang lahat ng sobra ay masama.” Hindi siya nakuntento
sa tatlong pirasong pandesal at isang tasa ng kape.
Sa kanilang
pamamahinga, nagpakiramdaman silang mag-asawa. Nakita ni Daniel kung gaano pa
rin kaalaga sa anak si Lorenzana. Sinirurado niyang malinis at mabango ang
kanilang anak, bago niya ito pinatulog.
Napuspos ng
ligaya ang puso ni Daniel, bago niya ipikit ang kanyang mga mata. Pumaling siya
sa kaliwa upang siya ay makatulog na. Maya-maya, niyakap siya ni Lorenzana.
Dinig na dinig niya ang pintig ng puso nito. Nagpatay-malisya siya, ngunit
hindi niya maitatago ang pananabik sa kanyang maybahay. Nais niyang maging buo
ang pagmamahal niya rito.
Ang hiling
niya sa Diyos ay sana maging maayos na ang pamumuhay nila at ang kanyang
kalusugan upang hindi madamay ang relasyon nila sa isa’t isa. Alam niyang
matutuhan niya ring mahalin si Lorenzana.
---
“Magpapahinga lang ako nang kaunti. Nasaan nga pala sila?” Ang tinutukoy ni Daniel ay ang mga magulang ni Lorenzana. Silang tatlo na lang ang tao sa bahay.
“Pumunta kay Tita. Alam mo na. Wala na naman tayong sasaingin.”
Hindi naman bitter at sarkastiko ang pagkakasabi niyon ni Lorenzana, pero nakaramdam na naman siya ng hiya. Alam niyang magiging usap-usapan na naman siya ng pamilya at kamag-anakan ng asawa.
“Si Baby, may gatas pa ba?” Nakita niya ang anak niya na sumalampak na sa gula-gulanit na sofa. Dinidede ang tira nitong gatas.
Tumalikod si Lorenzana upang kunin ang canister. “Dalawang timpla? O tatlo…”
Nalungkot pareho ang mag-asawa. Mahabang segundo rin silang natahimik, bago paiyak na humingi si Baby ng gatas.
Agad na kinuha ni Daniel ang bote ng anak. “Akin na, Baby… Igagawa ka na ni Papa ng milk, ha? Wait lang ang baby namin,” pangangarenyo ng ama sa anak, na naging epektibo naman.
Nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Daniel, habang tinatakal niya ang gatas. Ayaw niyang makatikim uli ang anak nila ng am na may kaunting gatas, gaya dati. Lalo’t ayaw niya itong padedehin ng kape. Ngunit, paano? Paano na ngayong wala siyang trabaho?
Habang tinatapik-tapik ni Daniel ang binti ng anak upang makatulog sa pagdedede, pumasok sa isip niya ang mga kaibigan at mga dating kaklase. Sila ang maaaring makatulong sa kanya upang makahanap ng trabaho.
“Ney, may load ba ang cellphone mo?” masuyong tanong ni Daniel kay Lorenzana.
“Bakit?”
Ayaw ni Daniel na maging sanhi na naman ng away o tampuhan nila ang cellphone, kaya agad niyang sinabi ang kanyang interes.
“Sige, magloload ako. May kinse pa ako d’yan,“ ani Lorenzana at agad na kinuha ang pera. “Sana makatulong nga sa’yo ang mga babae mong kaibigan.”
Hindi na lamang pinansin ni Daniel nang pinagdiinan pa niya ang salitang babae. Sa tingin niya, hindi ito ang tamang panahon para sa isyung wala namang kabuluhan. Ang anak nila ang maiipit sa kasalukuyan nilang sitwasyon.
“Saglit!” tawag ni Daniel sa asawa nang may maalala siya. “Sa number ko, mo, ipa-load. Isasalpak ko na lang ang sim card ko sa cp mo.”
Napatda si Lorenzana. Gusto niya sanang umapela, pero hindi na niya itinuloy. Umiiwas na rin siya sa posilibidad ng isa na namang away.
Sa dinami-dami nang tinext ni Daniel, dalawa lang ang nag-reply—sina Rubina at Shirley.
Si Rubina ang dati niyang kaklase sa college. Imbes na bigyan siya ng idea kung paano makapasok sa call center, gaya niya, sinermunan pa siya nito nang tumawag. “I told you before to choose between career and family. You chose family. So, there you are! Unemployed…”
Hindi nagsalita si Daniel, nakikinig kasi si Lorenzana. Isa pa, wala naman siyang irarason. Tama naman si Rubina. Nagkamali siya. Nagmadali.
Ibinaba na lang ni Daniel para maputol na ang iba pang sasabihin ni Rubina. Sa halip, nagtext siya. “So, u mean…ur still single?” Napangiti pa siya nang mag-send iyon.
“Yes!” reply ng kaibigan niya.
“Sayang… kung wala pa sana akong asawa’t anak.”
Nag-send lang ng smiley si Rubina. Hindi na rin nag-reply pa si Daniel. Hindi naman talaga siya nanghihinayang sa naudlot nilang pagmamahalan. Nanghihinayang siya dahil hindi siya nito matutulungan.
Si Shirley naman ang kaklase niya noong elementary. Pagdya-janitor naman ang trabahong iniaalok sa kanya dahil ang asawa niya ay may mataas na posisyon sa janitorial services. Ang sabi niya’y pag-iisipan niya muna. Pero, ang totoo, ayaw niya dahil hindi pa kaya ng katawan niya.
Nang lumaon, nauwi sa pagrereto ang kanilang usapan sa text. Crush daw ng hipag niya si Daniel, kaya expect niya raw ang text niyon.
Tukso, layuan mo muna ako, nasambit ni Daniel sa kanyang isip.
Pinilit niyang sumimangot upang iparamdam at ipakita kay Lorenzana na wala siyang nahita sa mga ka-text niya. Gayunpaman, binigyan niya ng pag-asa ang asawa. “Sabi ni Larry, ihahanap niya raw ako. Text niya ako as soon as mayroon na.” Nakita naman niyang nabuhayan ng loob ang asawa.
“Sige, ikaw na muna ang gumamit ng cellphone…”
Hindi natuwa siya Daniel sa sinabi ng asawa. Tuwang-tuwa siya. Hindi niya lamang nailabas. Naisip niyang muli na naman siyang pinagkatiwalaan ng kanyang asawa. Hinangad niya na sana ay magtuloy-tuloy na. Pero, biglang sumagi sa isip niya ang hindi niya makakalimutang sandali—nang ilubog ni Lorenzana ang cellphone niya sa kanyang iniinom na kape. Ayaw na niya itong maulit.
-----
“Alaagan mo nang husto si Baby, ha?” bilin ni Lorenzana kay Daniel.
Hindi napigil ni Daniel ang sarili, lalo na’t nasa kalsada na
sila—nag-aabang ng tricycle. “Magulang din ako. Alangan namang pabayaan ko ang
anak ko. Wala ka na namang tiwala sa akin, e. Samantalang, puwede naman akong
umalis mag-isa…”
“Kasi… malikot si Baby. Bawal malingat sa kanya.”
Hindi na sumagot si Daniel. May huminto na kasing traysikel.
“Ba-bye, Baby!” ani Lorenzana. Humalik at kumaway pa ito sa anak.
Kumaway naman si Baby.
Sa bahay nila, tila nakahinga si Daniel nang maluwag. Sila lang ng
anak niya ang tao doon. Malaya sila. Malaya si Baby na maglakad-lakad o
magtakbo-takbo. Napansin niyang tila nakawala rin sa hawla ang kanyang anak.
Inalagaan nga ni Daniel nang husto si Baby. Hindi halos siya kumurap
upang hindi mapaano ang anak, na totoo ngang malikot. Gayunpaman, punong-puno
ng ligaya ang puso niya lalo na kapag nakikita niyang nakangiti ito at kapag
napapatawa niya sa simpleng bagay, gaya ng pag-iiba niya ng boses o kapag
pinagsasalita niya kunwari ang stuffed toy.
Noon na lamang naramdamang muli ni Daniel ang ligayang hatid ng
pagiging ama. Simula kasi ng isinilang si Baby, kumayod siya nang kumayod. Sa
layo ng kanyang trabaho, tulog pa madalas ang anak niya, tuwing aalis siya at
tulog na kapag siya ay nakauwi na. Wala na halos siyang panahon na makasama ang
anak, kahit Linggo. Gusto nga niyang magpasalamat dahil wala na siyang trabaho
ngayon. Gayunpaman, binawi niya ito. Mas hahangarin niya ang trabaho. Kahit
paano ay nakikita at nakakasama naman niya ang kanyang mag-ina kapag may
hanapbuhay siya.
Pinakain ni Daniel nang pinakain si Baby. Marami ang pagkaing iniwan ni
Mommy Nimfa sa ref at cabinet. Hindi sila magugutuman kahit mag-isang linggo
sila doon.
Nang makatulog si Baby, saka lamang nakadama ng kalungkutan si
Daniel. Bumalik sa alaala niya ang mga nangyari kahapon sa pagitan nila ni
Donald. Hindi naman niya sinasadya. Nasaktan lang talaga siya nang husto sa
sinabi nito at sa katotohanang noon niya pa lamang nalaman.
Nilapitan niya ang malaking family portrait. Buhay na buhay pa rin
doon ang imahe ng kanyang ama. Mga bata at kumpleto pa sila.
“I’m sorry, Dad… I’m sorry. Hindi ko po alam. Hindi ko po alam na… na
ako pala… ang dahilan.” Pumatak ang luha ni Daniel. Pinahiran niya ang kanyang
mata. “Hindi pa nga kita nagawang maging proud sa akin… pero heto po ako, bigo.”
Hindi niya napansing nabasa ng kanyang luha ang mata ng kanyang ama sa painting
nang hipuin niya ito. Para namang ngumiti ang daddy niya pagkatapos niyon. Gumaan
ang pakiramdam niya kahit paano. Alam niyang napatawad na siya ng kanyang ama.
Hindi niya lang sigurado kung gayon din ang mga kapatid niya, lalo na si
Donald. Kailangan niyang bigyan sila ng panahon na makausap. Hindi niya
maaaring hayaang wasak ang kanilang samahan. Hindi na niya kaya pang dumagdag
ng isa pang bagahe sa puso niya.
Nag-stay si Daniel sa balkonahe. Nais naman niyang namnamin ang
sariwang hangin at ang tanawin, lalo na ang magagandang halaman ng kanyang ina,
na pinaniniwalaang niyang therapeutic.
“Daniel!” tawag ni Rodney, pinsan ni Daniel. Mas matanda ito sa kanya ng isang taon. Nakasungaw ito sa
kanilang gate.
Kumaway lang si Daniel. Hindi niya pa rin nalilimutan ang ginawa dati
sa kanya ng pinsan niya.
“Nakita kita. Kumusta? Diyan ka na ba uli? Hiwalay na kayo ni
Lorenzana?” Tumawa pa.
“Bakit ba?” Nabuwisit si Daniel.
“Wala naman, ‘insan. Nagtatanong lang… kasi hinihintay ko kung kailan
mauuntog, e.”
Umakyat ang dugo sa ulo ni Daniel. Pero, imbes na magsalita pa.
Pumasok na lamang siya. Naibalibag niya ang pinto. Nagising tuloy si Baby.
Hindi niya agad napatahan ang kanyang anak, kaya inaliw niya ito sa
labas. Kinanta-kantahan niya at isinayaw-sayaw niya pa para makatulog uli.
Hindi pa nga niya napapatahan si Baby, dumating naman ang tito ni
Daniel, na si Uncle Menard. Hinahanap nito si Mommy Nimfa.
“Wala po dito si Mommy. Nasa Batangas,” mahinahong sagot ni Daniel.
“Anong nangyari sa’yo? Bakit ang payat mo? Adik ka ba?” Lasing ang
kanyang tiyuhin.
Gaya ng dati, natakot siya dito. Ngayon, hindi na lang takot ang
naramdaman niya. Inis na.
“Nagkasakit po ako.”
“Wow! Ganyan kayo ng ina mo… mga sinungaling!” Umalis na ang kanyang
tiyo. Pasuray-suray.
Gustong maiyak ni Daniel. “Kailan ba matatapos ito?” Naitanong niya
sa kanyang sarili. Gusto na lang niyang magtago. Gusto na niyang tumakas.
---
Pinayapa ni Daniel ang kanyang sarili. Ayaw niyang maapektuhan si
Baby dahil sa kanyang emosyon. Inaliw niya ang anak, habang tinatanggap niya
ang mga salita ng kanyang pinsan at tiyo. Sanay na rin naman siya.
“Daniel, ipakilala mo naman ako sa asawa mo,” minsang sabi ni Rodney
nang makita sina Daniel at Lorenzana na nag-aabang ng masasakyan.
“A, Lorenzana… si Rodney. Pinsan ko, “ pakilala ni Daniel.
“Lorenzana pala.” Tiningnan ni Rodney ang asawang buntis ni Daniel,
mula mukha hanggang paa. “Sigurado ka na ba dito kay ‘insan?” Inakbayan naman
niya si Daniel. Matulis ‘to.”
Ngumiti lang si Lorenzana. Ayaw niyang ipahalata na naiinis siya sa
asta ng pinsan ng asawa.
Hindi naman kumibo si Daniel.
“Kapag sinaktan ka nito, sabihin mo lang sa’kin, ha?”
Tumango na lang si Lorenzana. Si Daniel naman, nagtimpi lang.
Gaya ng pagtitimpi niya noon, nagtitimpi pa rin siya ngayon. Ang
galit niya kay Rodney ay para isang mainit na kape--- mainit sa una, pero
unti-unting lumamig.
Subalit, hindi niya yata mapapatawad ang kanyang tiyo. Sagad sa buto
na ang sakit na dulot ng kanyang matalim na dila.
Hindi niya kayang kalimutan ang sandaling ipinahiya siya nito sa
kanilang mga kapitbahay.
Nasa may tabi ng tindahan ang tiyo niya, nakikipag-inuman, nang
bumaba siya mula sa pampasaherong dyip. Galing siya noon sa isang school.
Sinisitan ni Uncle Menard si Daniel. Ayaw niya sanang lumingon, kaya
lang sinigawan siya nito.
“Bastos kang bata ka! Ganyan ba ang pagpapalaki sa’yo ni Kuya?”
Lumapit ka nga rito?”
Takot na takot na lumapit si Daniel. Hindi niya alam kung bakit may
phobia siya sa mga lasing. Andami pa naman niyang kainuman, Mayroon ding limang
katao sa tindahan na nakikiusyuso sa ingay ng kanyang tiyo.
“Hindi ko po alam na tinatawag niyo ako,”paliwanag ni Daniel.
“Ganyan naman kayo, e. Ang tataas ng tingin niyo sa sarili niyo.
Akala niyo siguro, porke’t nakapag-aral kayo at ako ay…”
“Lasenggo lang, p’re,” dugtong ng isang kainuman ni Uncle Menard.
Nagtawananan naman ang iba.
“Oo… akala niyo siguro, wala na akong kuwentang tao… Punyeta!
Babagsak ka rin sa alak, Daniel!” Tila, demonyo pa itong tumawa. Nakipagsabayan
pa ang mga katropa.
“Tagay,” alok ng isa kay Daniel. Inaabot na ang alak at tagayan.
Tumanggi si Daniel.
“P’re, ayaw, o. Pinahiya ka…”
Agad na tumayo si Uncle Menard at dinaklot ang kanyang kuwelyo.
“Pinapahiya mo ako, ha? Uminom ka!” Saka siya padaskol na pinakawalan.
Napilitang uminom ni Daniel, bago siya pinaalis ng kanyang tiyo.
Dinig na dinig niya ang malakas na tawanan habang papalayo siya sa umpukan.
Simula noon, naipangako niya sa kanyang sarili na kailanman man ay
hindi siya paaalipin sa espiritu ng alak.
Hindi na siya nagsumbong sa kanyang ina at ama. Batid niyang
itatanggi lamang ng tiyo niya ang kanyang ginawa.
Nang nakatulog na muli si Baby, sinubukan rin ni Daniel na
mahiga at matulog sa tabi ng anak. Pagod na pagod na ang isip niya. Kailangan
niya itong ipahinga.
“Lumayas ka na! Hindi na kita kailangan. Hinding-hindi mo
makukuha sa akin ang anak ko!” sigaw ni Lorenzana.
Isa-isa namang dinampot ni Daniel ang nagkalat na mga damit
at gamit sa labas ng kanilang bahay. Pinagtitinginan ng mga kapitbahay si
Daniel. At saka, mabilis niyang isinilid at pinagkasya sa kanyang backpack.
Walang lingon-likod siyang umalis. Walang nakakita sa kanyang mga luha.
“Ano ba? Magpapakamatay ka ba?” sigaw ng taxi driver, na
muntik na siyang mabundol.
Napakislot ang katawan ni Daniel at kusang bumukas ang
kanyang mga mata. Isang ordinaryong panaginip, ngunit, alam niyang, malalim ang
kahulugan niyon.
Bumangon siya at nagsalang ng kapeng barako sa coffee maker.
Nang kumulo na, nagsalin siya nito sa maliit na tasa.
Nilagyan niya ng kaunting ng asukal. Nais niyang tikman ang pait ng kapeng
barako.
Sa unang higop pa lamang niya ay lasang-lasa niya ang pait
nito. Gaya kung paano siya sinubok ng buhay, damang-dama niya ito. Barako siya.
Alam niyang kakayanin niyang lampasan ang hamon ng Diyos sa kanya. Hindi rin
kaila sa kanya na hindi pa ito ang pinakamatinding pagsubok sa kanya.
Sa pangalawang higop, tila nasarapan na siya sa lasa ng
kape. Alam niyang masasanay rin siya sa pait at pagdurusa. Pasasaan ba’t
magagamay niya ang pagharap sa mga problema. Kailangan lang niyang maging
matatag. Barako ako, aniya.
---
Pinilit iwaglit ni Daniel sa kanyang isipan ang mga alaalang
nagpapahina sa kanya. Si Baby ang binigyan niya ng atensiyon at pokus. Sa mga
sandaling gising ang kanyang anak, ngiti at tawa nito ang tumulong para pansamatalang
makalimutan niya ang masalimuot na mga bahagi ng kanyang buhay.
Gusto niyang ituring ang kanyang anak na biyaya sa kanya ng
Diyos. Noong panahong humiling siya ng anak, asawa ang ibinigay sa kanya ng
Panginoon. Nang nagdalantao si Lorenzana, akala niya’y matutupad na ang
pangarap niya na magkaroon ng lalaking anak, ngunit nabigo siya. Babaeng anak
ang ibinigay sa kanya.
Ngayon, maituturin na nga niyang biyaya si Baby. Siya ang
katuparan ng kanyang pagiging anak. Dahil sa kanya, patuloy siyang lumalaban sa
pait ng buhay. At patuloy siyang lalaban dahil alam niyang ang buhay ay isang
kape—mapait, ngunit maaaring maging isang masarap na inumin, depende sa
pagkatimpla. Nararapat lamang na pasarapin ang pagkatimpla upang ligaya ang
maihatid nitong epekto.
“Dance nga ang baby ko,” utos niya sa anak nang may
magandang tugtog mula sa telebisyon.
Kumembot-kembot naman si Baby. Napapalakpak si Daniel sa
kabibuhan ng anak. Aniya, “Galing-galing naman ng baby ko, manang-mana kay
Papa.” Pumalpak din ang bata, na animo’y sumasang-ayon sa ama.
Nag-ring ang telepono.
“Wait lang, Baby, ha?” Nakatingin pa rin siya sa anak,
habang tinutungo ang telepono. “Hello! Alvarez residence. Good morning!” Saglit
na nag-abang si Daniel sa sasabihin ng kausap. Ang pinsan niya pala na
nag-aalok ng trabaho kay Lorenzana, ang tumawag. “Ate, ‘musta?” Nakabantay pa
rin siya sa anak. “Okay naman, ‘te… Oo. Nilakad na niya kahapon. Nasa bahay
kami ng anak ko ngayon… Wala si Mommy. Ako ang pinagbantay dito. Wait ko lang
ang pagdating niya… Oo. Pag-uwi namin, malalaman ni Lorenzana ang good news na
‘to. Salamat, ‘te, a. Bye!” Nayakap ni Daniel ang kanyang anak. “Makakaalis na
si Mama.”
“Ma… ma? Mama?” Tila nalungkot si Baby nang maalala ang ina.
“Opo. Si Mama nasa bahay. Miss mo na si Mama?”
“Mis ma ma! Mis ma ma!”
Muli niyang inaliw ang anak dahil nawala ang sigla nito.
Nagsisisi siya kung bakit ipinaalala pa niya rito ang ina. Gayunpaman, nagawa
niyang ipanumbalik iyon. Naglakad-lakad sila sa garden. Tinuruan niya ang anak
kung ano-ano ang pangalan ng mga halaman at bulaklak na tanim ng kanyang lola.
Aliw na aliw naman ang bata.
Nang magsawa si Baby, nagkantahan naman silang mag-ama.
Tuwang-tuwa ang bata nang kantahan siya ni Daniel ng ‘Itsy Bitsy Spider’.
Bahagya rin niyang kinikiliti sa kilikili ang anak.
Napuno ng ligaya ang puso ni Daniel sa maghapong pagsasama
nila ni Baby. Natupad niya ang pangako niya kay Lorenzana na aalagaan niya nang
mabuti ang kanilang anak. Napakain niya rin ito bago napatulog.
Alas-diyes na nang gabi nang maramdaman ni Daniel ang
pagdating ng kapatid niya. Bumangon siya
para ipagluto ito kung sakaling hindi pa kumain.
“O, Donalad, ‘musta? Kumain ka na ba?” kaswal na tanong ni
Daniel, ngunit may halong pag-aalala.
Tumingin muna sa kanya ang kapatid, saka ipinagpatuloy ang
pagtatanggal ng sapatos.
“Ipagluluto kita…” sabi ng kuya.
“Huwag na. Kumain na ako,” mahinahon ang boses ni Donald.
“A, sige. Ikaw na ang bahala sa mga ilaw diyan. Aakyat na
ako. Andiyan kasi si Baby. Kasama ko.”
“Andiyan?” Natuwa si Donald. Paborito niya kasi si Baby.
Palibhasa, unang pamangkin.
“Oo. Tulog na nga lang. Bukas na lang kayo maglaro. May
lakad ka ba bukas?”
“Hindi na muna ako aalis.”
“Okay!” Lihim na natuwa si Daniel. Dahil sa kanyang anak,
tila napatawad na nila ang isa’t isa. “Akyat na ako.”
Nasa taas na si Daniel nang tawagin ni Donald ang kapatid.
“Kuya, nagtext pala sa akin si Ate Lorenz…”
“Ano raw?”
“Nakakuha na raw siya ng NBI clearance, pero may problema
ang birth certificate niya…”
“Ano raw ang problema?”
“Ang Z ng Lopez niya ay S.”
“A, sige… Salamat!” Bumigat ang ulo ni Daniel. Hindi agad
siya dinalaw ng antok dahil sa panibagong problema. Subalit, naisip niya na
hindi iyon masyadong mabigat. Madali lang masolusyunan iyon. Libre na ngayon sa
NSO ang pagpapaayos ng pangalan at apelyido.
Kinabukasan, na-enjoy ni Daniel ang kanyang mainit na kape
dahil kalaro ni Donald si Baby. Nakapagluto rin siya ng masarap at masagana
nilang almusal.
Sabi niya sa sarili, “Sana ay magtuloy-tuloy na ang ganitong
samahan. Sana rin ay maayos agad ang papeles ni Lorenzana. Handa na akong
mag-alaga kay Baby sakaling matuloy siya.”
Naghuhugas ng mga pinagkainan si Daniel nang dumating si
Lorenzana. Tuwang-tuwa si Baby nang makita siya, kaya agad na nagpakarga, saka
naman umalis si Donald para mag-basketball.
“Kumusta ang lakad mo kahapon,” tanong ni Daniel.
“May problema ang apelyido ko,” matamlay niyang sagot.
“Tumawag si Ate Nellie. Kailangan daw na kumuha ka nan g passport mo.”
Hindi kumibo si Lorenzana. Nagkunwari itong abala sa anak.
“Gusto kong makaalis ka na agad. Hayan na… May tutulong na
sa’yo…” Tumaas sa ulo ang dugo ni Daniel nang mapansin na tila hindi interesado
ang asawa. “Wala ka man lang bang reaksiyon? Hindi ka masaya?”
“Bakit? Kailangan ba may reaksiyon ako? Hindi pa naman ako
makakaalis, a,” mataray pa nitong sagot. “Magpa-process pa nga lang ng mga
papeles, e.”
“Kaya nga, e… Bakit kasi andito ka? Dapat inaasikaso mo na
ngayong araw. May problema pala,e .”
“Diyos ko! Kakarampot na pera, ipanlalakad ko pa! Paano na
ang gatas nitong anak mo? May ibibigay ka ba?”
“Wala! Wala akong trabaho, ‘di ba?” Sumigaw na si Daniel.
Ngayon lamang siya nakapagtaas ng boses, simula nang magsama sila. “Kaya
ka nga tinutulungan ng Mommy ko at pinsan ko.”
“Sana ikaw na lang ang tulungan. Huwag ako!” Mataas na rin
ang boses ni Lorenzana.
“Puta… Paulit-ulit na lang ba nating pag-aawayan ‘to? Mahina
ba ang ulo mo o sadyang manhid ka lang?”
“Manhid na ako, Daniel! Manhid na ako sa paghihirap… Ikaw
ang lalaki. Ikaw dapat ang nagpapasok ng pera. Hindi ako. Ngayon, kung hindi mo
kaya, lalong hindi ko kayang malayo sa anak ko. Hindi ako aalis…”
Naiiyak-iyak na si Baby, kaya tumigil na ang mag-asawa.
Agad na inempake ni Lorenzana ang mga gamit ng anak.
Nahulaan naman ni Daniel na iuuwi ng asawa si Baby.
“Ang usapan natin, dito siya hanggang dumating si Mommy…”
“Iuuwi ko na siya, sa ayaw at sa gusto mo.”
Harangan man ni Daniel ang asawa, wala rin namang mabuting
kahihitna niyon, kaya minabuti na lamang niyang umalis ang mag-ina. Ang
nakakasama ang ng loob ay ni hindi sa kanya inilapit si Baby para
makapagpaalaman silang mag-ama. Basta na lamang itong umalis. Nakatayo lang
naman siya doon. Para siyang isang lumamig na kape.
----
Tila nagdilim ang kabahayan nina Daniel nang wala na si
Baby. Lalo naman niyang naramdaman ang panlalamig kay Lorenzana. Hindi na nga
niya matututuhang mahalin ang asawa.
Nanginginig ang mga kalamnan ni Daniel nang tinungo niya ang
kusina. Gusto niyang magkape, kaya nagsalin siya ng coffee granules sa tasa.
Nahulog pa ang dalawang butil dahil sa tindi ng pagnginginig ng kamay niya.
Kaya, maingat na naglagay siya ng kalahating kutsarita ng asukal. Then,
binuhusan niya iyon ng mainit na tubig mula sa thermo. Napatakan ng kaunting
tubig ang granules sa lapag ng countertop. Pagkatapos niyang mahalo ang kape,
kumuha siya ng paper towel at hinayaang ma-absorb doon ang naghalong tubig at
coffee granules. Pagtingin niya, isang mala-anghel na pigura ang kanyang
nakikita sa basang paper towel. Napagtanto niyang ang kape ay maaari rin palang
maging medyum ng isang obra maestra, gaya ng mapait niyang buhay. Alam niyang
mayroon pang pag-asang maging matamis.
Muli niyang na-miss si Baby. Kaya, pagkahigop ng kape,
kumuha uli siya ng paper towel. Sa kanyang pag-alala sa mukha ng anak at gamit
ang kape ay naiguhit niya ito. Isang kakayahan sa pagguhit surreal na portrait
ang kanyang nadiskubre sa sarili. Napagtanto niyang may kalakasan sa kahinaan.
Muli niyang napahalagahan ang silbi ng kape sa kanyang
buhay. Dahil dito, marami siyang napag-aalaman tungkol sa kanyang sarili.
Kinabukasan, maagang umalis si Daniel patungo sa bahay ng
kanyang biyenan.
Masaya siyang sinalubong ni Baby, kaya kinarga niya ito bago
nagmano sa mga magulang ni Lorenzana. Nakatingin lang ang asawa, habang
naglalambing ang kanilang anak.
"Miss na miss ka ni Papa," sabi ni Daniel sa anak
nang nasa kuwarto na sila. "Miss na miss mo rin ba si Papa?"
"Mis mis Papa!" Ngumiti pa nang kay tamis si Baby,
kaya napupog siya ng halik sa leeg ng ama.
Bahagyang napangiti si Lorenzana sa kasiyahan nadarama ng
kanyang mag-ama. Paglingon ni Daniel, nahuli niya ang tila naiinggit na ngiti
ni Lorenzana.
"Mabuti pa si Baby, may kiss," biro ni Lorenzana.
Sinimangutan siya ni Daniel. "Come to Mama."
Pinakawalan niya si Baby. "Kiss Mama..."
Narinig niya ang matunog na halik na ginawa ng anak sa ina.
"Mabuti ka pa, kiniss si Mama," parinig ni
Lorenzana.
"Magbabakasyon nga pala ako sa Batangas," sabi ni
Daniel, habang namimili ng mga damit na dadalhin.
Ikinagitla iyon ni Lorenzana. "Paano ang gatas ni
Baby?"
"Nanay ka niya. Alam kong hindi mo siya
pababayaan."
"Daniel naman! Mahiya naman tayo sa mga magulang ko.
Gusto ko na ngang umalis dito, e. Hiyang-hiya na ako. Iahon mo kami. Huwag kang
tatakas sa responsibilidad mo!" Nanginginig na ang boses ni Lorenzana,
pero hindi iyon halos marinig ng mga kasamahan nila sa bahay.
"Kung si Baby lang, kayang-kaya kong buhayin..."
"Paano ako?"
"Tulungan mo ang sarili mo. Hindi ba't makasarili ka?
Hindi mo nga ako tinutulungang makabangon sa pagkakalugmok ko, e."
Bumagsak na ang mga luha ni Lorenzana.
"Mahal na mahal ko si Baby. Pero, sa ngayon... ikaw na
muna ang bahala. Kailangan ko ring mahalin ang sarili ko. Sa ayaw at sa gusto
mo, aalis ako." Nilapitan niya si Baby. Hinalikan niya ito sa noo. "I
love you, baby ko." Pagkatapos ay itinago niya ang kanyang mga mata habang
nagpapaalam sa mga biyenan. Sa labas na niya pinatulo ang kanyang mga luha.
Iyon na ang ikalawang beses siyang aalis, ngunit iyon na
siguro ang pinakamatagal niyang mapapalayo sa kanyang anak. Labag man sa loob
niya, pipilitin niya para sa kanyang sarili.
Isa siyang barakong kape na hindi napakuluan nang mabuti,
kaya hindi siya mabango sa pang-amoy ng iba. Kailangan niya munang lutuin ang
sarili.
"Babalik ako, Baby..." aniya. Ang anak pa rin ang
nasa isip at puso niya.
----
Dumaan siya sa palengke upang tumingin ng mumurahing
cellphone. Ilang tindahan rin ang kanyang pinuntahan, ngunit tila sumabog lang
ang puso niya sa kabiguan. Hindi niya kayang bumili sa ngayon. Hindi siya dapat
maubusan ng pera sa bulsa. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noong isang araw.
Ayaw na niyang maglakad.
Gumaan lang ang loob niya nang maisip niyang makigamit na
lamang ng cellphone sa mga pinsan niya sa Batangas.
“Kuya, may pera ka? Pautang naman ng P200,” ani Donald.
Kararating pa lamang niya sa kanilang bahay.
“Bakit?” mahinahong tanong ni Daniel. Hindi niya na kayang biguin
pa ang kanyang kapatid, ngunit kailangan niyang malaman ang dahilan.
Pinaikot-ikot muna ni Donald ang bola sa kanyang mga kamay.
“Ipambabayad ko lang sa barkada ko.”
Hindi na nag-usisa si Daniel. Alam niyang kukunsintihin niya
lang ang kapatid niya. Ang duda niya ay ipampupusta niya ang pera sa
basketball. Gayunpaman, binigyan niya agad ito ng dalawandaang piso para kahit
sa munting halaga ay mabawasan ang galit nito sa kanya.
“Salamat, Kuya!” Tinapik lang ni Donald ang balikat niya at
dagli itong umalis, dala ang basketball.
“Ingat!” sigaw ni Daniel. Sinundan niya ng pagsambit ng
“Ingat sa paggasta ng pera.”
Alas-singko na. Naghanap na ng kape ang sikmura niya, kaya
agad siyang nagpainit ng tubig. Habang hinihintay itong kumulo, naghanda na
siya ng tasa. Sa ibabaw ng canister ng kape, nakita niya ang kanyang obra.
Sumikip ang dibdib niya sa isiping malalayo siya nang matagal kay Baby.
Matagal niyang tinitigan ang towel paper na iyon, hanggang
sa kumulo na ang tubig. Nagpatulo siya nito sa tasa. Hinalo-halo. Humigop…
Natawa si Daniel. Wala palang asukal ang kanyang kape.
Tinikman niya uli. Matabang nga. Lasang-lasa niya ang pait ng kape. Naalala
niya tuloy ang pag-ibig niya kay Lorenzana. Simula pa lang nang nagsama sila,
matabang na ang pakikitungo niya rito. Damang-dama niya ang pait ng buhay
simula noon. Palibhasa, hindi niya ito mahal. Gaano mang pagpilit ang ginawa
niya na matutuhang mahalin ang asawa, hindi pa rin niya nagawang patamisin ang
kanilang relasyon. Kundi nga lamang kay Baby, na siyang naging tubig ng
kanilang mapait na kape, hindi magtatagal ang kanilang pagsasama.
Parang nagustuhan na ni Daniel ang kapeng walang asukal.
Nakalimang higop na siya, nang magdesisyon siyang sanayin ang sarili sa kapeng
walang asukal. Iwas na sa diabetes, matipid pa. Aniya, “Masarap naman ang kape at tubig lang.”
Noon pa
man, hindi na niya kailangan ang asawa para lumigaya. Sapat na sana si Baby na
kasama niya. Kaya nga, pinagtutulakan niya si Lorenzana na mag-abroad. Kapag
lumayo ito, baka sakaling mabago ang pagtingin nito sa kanya. Hindi malayong
makatagpo siya doon ng lalaking magmamahal sa kanya, gaya ng isang mamahaling
kape.
Huminga
siya nang maluwag. Kahit paano ay naramdaman niya ang bahagyang pagluwag ng
kanyang dibdib, na kanina lamang ay sumasakit. “Kailangan ko na talagang
magbakasyon sa Batangas, naisip niya.
Dinaganan
niya ng ref magnet ang larawan ni Baby. Isang ngiti ang pinakawalan niya sa
anak, bago siya nagsimulang maghanda ng kanilang hapunan. Pakiwari niya’y
gumanti ng ngiti ang kanyang anak.
Nanunuod si
Daniel ng balita nang dumating si Mommy Nimfa. Gusto niyang luksuhin at yakapin
ang ina dahil sa tuwa, ngunit tanging pagmano lang ang nagawa niya. Kailangan
niya muna kasing kunin sa kanya ang mga bitbit nitong pasalubong.
“Kape po?”
tanong ni Daniel sa ina.
“Sige na,
‘nak, para mawala ang pagod ko.”
“Anong
gusto niyo po? Brewed o instant?”
Makahulugan
ang ngiti ni Mommy Nimfa. ”Brewed.”
“With
sugar, less sugar o no sugar?” inosenteng tanong niya.
Napahagalpak
sa tawa ang ina. “Anong nangyari sa’yo, Daniel?”
Napilitang
ngumiti si Daniel nang makitang tumatawa pa rin ang ina. “Kasi po, kanya-kanya
po tayo ng panlasa at standard. Parang sa buhay. Kanya-kanya tayong may
pangarap. Magkakaiba…” Tumalikod na siya upang ihanda nag brewed coffee ng ina,
ngunit nagsasalita pa rin siya. Dinig naman iyon ng kanyang ina, na nasa sala.
“Kanya-kanya tayong kakayahang tanggapin ang pait ng kape… ang pait ng buhay.”
Nang
matapos ang pagsalang ni Daniel ng tubig at barakong kape, naabutan niyang
tumatawa pa rin ang ina.
-----
-----
------
-----
“Magbabakasyon
po ako sa Batangas,”pagbubukas ni Daniel ng usapan sa ina nang naghahapunan na
sila.
Saglit na
natigilan si Mommy Nimfa. “Nag-usap na ba kayo ni Lorenz?”
Sumubo muna
si Daniel at nginuya niya iyon upang pag-isipan ang isasagot sa ina.
Naguguluhan siya, pero alam niyang makakabuti para sa kanya ang kanyang
desisyon. “Nahihiya na po ako sa mga biyenan ko. Gusto ko rin po sanang
makalanghap ng sariwang hangin at tubig-dagat. Makakabuti po kung mag-stay ako
doon kahit isang buwan, hanggang sa mabawi ko ang dati kong lakas at katawan.”
“Pagkatapos
ba noon, maaayos mo na ang buhay at relasyon mo sa kanya?”
Muling
natigilan si Daniel. “Siguro po.”
“Anak,
hindi puwede ang ganyan. Isipin mo na lang si Baby. Hindi sa hinahadlangan ko
ang gusto mo, pero sana… sana maayos mo ang lahat. May pagkukulang ka rin
talaga sa iyong mag-ina. Oo, may kakayahan akong buhayin ka dahil sa pension na
tinatanggap ko mula sa iyong ama, pero hindi iyon ang tama…”
“Mommy,
pinilit kong maging responsableng ama…”
“Daniel,
tulungan mo si Lorenzana na tulungan ka. Sabihin mong malaki ang posibilidad na
makaalis agad siya.”
“Ayaw niya
po, Mommy! Ayaw niyang iwan si Baby sa pangangalaga ko.” Gusto na niyang umiyak
sa harap ng ina. Pinigilan niya lang.
“Naunawaan
ko siya… Hindi natin siya maaaring piliting magtrabaho. Ikaw nga ang dapat na
kumilos.”
Pagkatapos
nito, natahimik ang mag-ina. Nagpatuloy sila sa paghahapunan.
Lalo yatang
bumigat ang pakiramdam ni Daniel. Sa palagay niya, hindi nakatulong ang ina. Handang-handa
na ang mga gamit niya para sa kanyang pag-uwi sa Batangas.
“Mommy,
kumusta po pala ang lakad niyo? May bibili na po ba ng lupa natin?” tanong ni
Daniel sa ina, habang naghuhugas ito ng mga pinagkainan.
“Namahalan
siya, anak, sa presyo ko.”
Nadismaya
si Daniel. Akala niya ay makakapagsimula siya ng kahit isang maliit na negosyo.
“Okay lang
naman ‘yon. Hindi natin puwedeng ipakita sa buyer na kailangang-kailangan natin
ang pera. Tatagain niya tayo sa presyo.”
“Opo. Hindi
po promo ang lupa natin,”sang-ayon ni Daniel. Kahit paano ay nabawi niya ang
kabiguan. “Naisip ko ngang itira na lang doon ang mag-ina ko. Sayang po kasi
ang lupa natin.”
“Iyan ang
pinakamagandang bagay na maaari mong gawin, Daniel. May lupa tayo na maaari
niyong pagsimulan.”
Lihim na
natuwa si Daniel. “Galing po ako kanina kina Lorenzana. Alam niyang bukas ay
papunta ako sa Batangas.”
Tiningnan
ni Mommy Nimfa ang anak. “Alam ko ang pinagdadaanan mong pait. Ito na lang
siguro ang maitutulong ko sa’yo… Sige, lumagi ka muna roon. Ako na ang bahala
sa mag-ina mo.”
“Salamat
po!” Gustong lumandag ng puso niya dahil sa tuwa.
“Tandaan mo
lang, ang pamilya ay pamilya. Anumang pait ng buhay, pamilya pa rin ang
makakaagapay mo. Ingatan mo ang iyong mag-ina.”
“Opo.
Siyempre po! Mahal na mahal ko si Baby. Siya ang nagbibigay ng tamis sa aking
kape.”
Marami nang
napag-usapan ang mag-ina nang dumating si Donald. Agad na ipinabasa nito ang text
messages ni Lorenzana para Daniel.
“beh, my
pera k p b? anjn n b si mami? my lagnat c baby. nid kong ipacheckup,” sabi ni
Lorenzana sa text. Alas-sais pa ng hapon iyon na-sent sa number ni Donald.
Biglang
naglaho ang excitement ni Daniel dahil sa nabasa. Pakiwari niya’y hinahadlangan
ang pag-alis niya ng mga problema.
Kinabukasan,
umuwi siya kina Lorenzana. Agad niyang niyakap si Baby. May sinat nga ito.
Awang-awa siya sa katamlayan ng anak.
“Baka may
pilay siya,” ani Daniel. Gusto niyang sisihin si Lorenzana. Naisip niyang baka
napabayaan niya ang anak, dahil sa dami ng gawaing-bahay. O baka nasaktan o
napilayan dahil sa mga pinsang kalaro.
“Alagang-alaga
ko si Baby, Daniel. Alam mo ‘yan.”
“Bakit
ganito? Noong isang linggo lang, may ubo’t sipon na siya. Halos napunta na nga
sa doktor at antibiotic ang suweldo ko.”
“Sinasabi
mo bang pabaya akong ina? My God, Daniel, tingnan mo nga ako. Halos lusyang na
ako sa bahay na ito at sa anak mo. Minsan ba ay narinig mo akong magreklamo?”
Hinipo-hipo
uli ni Daniel ang leeg at noo ni Baby. “Iuuwi ko muna siya kay Mommy. Bihisan
mo siya?”
“Bakit?”
maang ni Lorenzana.
“Para
makapagpahinga ka. Para gumaling siya. Nai-stress ang bata dahil andami nating
nakatira sa bahay na ito.”
Tiningnan
at pinakinggan nga ni Lorenzana ang paligid. Maingay at magulo nga dahil sa
kanyang mga pamangkin. “Dito ba, hindi gagaling si Baby?”
“Basta!
Bihisan mo siya!” Napalakas ang boses ni Daniel.
“Ayaw ko!
Dito lang siya. Kung ayaw mong magbigay ng pampa-checkup, e, ‘di ‘wag!”
Binulyawan an rin siya ni Lorenzana, bago tinalikuran.
Kumuha
naman ng damit si Daniel at binihisan ang anak. Nang matapos, saka namang
pagpasok muli ni Lorenzana sa kuwarto.
“Akin na si
Baby. Hindi mo siya puwedeng dalhin!” ani Lorenzana. Matigas na ang boses niya.
Inilayo ni
Daniel si Baby sa ina, habang karga ito. Nang ayaw niyang ibigay kay Lorenzana,
isang malakas na sampal ang nagpahinto sa kanilang dalawa.
Pareho
silang nagitla. At, tila natauhan si Daniel.
------
Napaangat
ang ulo ni Daniel. Hindi niya naramdaman ang pisikal na sakit. Mas nasaktan ang
puso niya.
Natulala si
Lorenzana at nagkasalubong ang kanilang mga mata. Maikling segundong sila ay
parang nag-usap—humihingi ng dispensa sa isa’t isa.
Marahang
inihiga ni Daniel si Baby sa kutson, pagkatapos hagkan ang noo nito. “Baby ko,
pagaling ka na, ha? Paggaling mo, Jollibee tayo…”
Tumingin
lang sa kanya ang anak. Gustuhin man nitong matuwa, hindi kaya ng kanyang
katawan.
Muling
hinagkan ni Daniel ang noon g anak, saka lumabas sa kuwarto upang magpaalam sa
mga biyenan. Hindi pa siya nakakalabas sa pinto, narinig na niya ang iyak ng
kanyang anak. Nais niyang pigilan ang kanyang paghakbang. Nais niyang ibitin
ang kanyang pag-alis, pero hindi niya ginawa. Ang paglayo niya ang paraan para
mabuo niya ang kanyang pamilya. Si Baby naman ang dahilan ng kanyang pagtakas
sa realidad. Siya rin ang dahilan kung bakit niya kailangang bumalik sa lalong
madaling panahon.
Pasan niya
ang kanyang backpack, sinikap niyang isarado ang puso para sa awa niya kay
Baby. Lumayo siya sa bahay ng kanyang mga biyenan, pagkatapos niyang magalang
na nagpaalam. Hindi naman nag-usisa ang mag-asawa.
Bitbit ang
malaking pag-asa na babalik ang dati niyang lakas at katawan, sumakay siya ng
dyip patungong Cubao. Sa kakarampot na halagang nasa bulsa niya, alam niyang
malayo ang mararating niya. Simula nang magsama sila ni Lorenzana, nasanay na
siyang pagkasyahin ang maliit na badyet para sa malaking pangangailangan.
Sa
terminal, isang mainit na kamay ang dumampi sa balikat ni Daniel, habang siya
ay naghihintay ng bus patungong Batangas.
“Mommy?”
Hindi niya alam na pupunta rin pala doon ang ina. “Bakit po nandito kayo?”
“Ihahatid
kita…” Ngumiti muna si Mommy Nimfa. Pagkatapos ay may dinukot sa kanyang bag.
“Gusto kong maging konektado ka pa rin sa iyong mag-ina.” Iniabot niya kay
Daniel ang isang box.
Napa-wow
ang mga labi ni Daniel. “Cellphone! Thank you, Mommy! Kailangan ko talaga ito!”
“Huwag mo
na lang sasabihin sa mga kapatid mo, lalo na kay Donald…”
“Opo!” Binuksan
niya na ito.
Pinagmasdan
siya ni Mommy Nimfa. Hindi naman napansin ni Daniel ang mga luhang tumulo sa
pisngi ng ina, na agad naman nitong napahiran. Luha iyon ng pinaghalong
kalungkutan at kabiguan. Sa palagay niya, iyon na ang pinakatulong niya para
hindi masira ang relasyon ng anak sa mag-ina nito.
Naisalpak
na ni Daniel ang dati niyang simcard sa bago niyang cellphone, nang tumingin
siya sa kanyang ina.
“Nagustuhan
mo ba? mabilis na tanong ng ina.
“Siyempre
po! Hindi naman po sa akin mahalaga ang mamahaling cellphone. Makontak ko lang
ang mga kaibigan ko, na maaaring makatulong sa akin para makapasok ako sa
trabaho, okay na ‘yun…”
“Huwag mong
kakaligtaang tawagan at kausapin si Baby. Kailangang hindi ka niya
makalimutan…”
Tumango-tango
lang si Daniel. Hindi niya maaaring kalimutan ang bagay na iyon.
“Mabuti
ka nga ma, Daniel, gaya ng Daddy mo…”
Napatinging
muli si Daniel sa ina.
“Anak,
gawing tulay ang mga masasakit na pangyayari sa buhay mo. Kung ang mapait na
kape nga ay naiinom natin, bakit hindi natin kakayaning pasanin ang masaklap na
buhay? I know, you can do it, Daniel.”
“Yes, Mom…
Thank you!” Niyakap niya ang kanyang ina, saka siya sumakay sa bus.
Natanaw pa
ni Daniel ang ina nang makaupo na siya. Kumaway pa ito sa kanya at nabasa niya
ang pagsabi nito ng ‘Ingat,’ bago umalis.
Punong-puno
ng pag-asa ang puso ni Daniel nang lumarga ang bus.
Isangmalalim
na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago niya ipinikit ang kanyang mga
mata.
“Sumama ka
sa bahay. Pagagalitan ako ng mga magulang ko kapag wala akong kasama pag-uwi,”
natatarantang sabi ni Lorenzana. Naalala niya ang pagsakay nila ng bus pauwi
noong nag-out-of-town sila, kasama ang mga common friends.
“Ihahatid
kita. But, I’ll go home. Ako naman ang mayayari kina Mommy at Daddy, to think
na hindi na nga ako umattend sa graduation.”
“Pagkatapos
mong magpakasarap, tatakasan mo ako? Anong klaseng lalaki ka?”
“Hindi kita
tatakasan. Unawain mo naman ako. Hindi pa naman buo, a!”
“A, ganun?
Kailangan bang mabuo muna, bago mo ako panagutan?”
“Oo!”
Ipinaghahampas
ni Lorenzana ang balikat ni Daniel.
Napadilat
siya. “Hindi ako tatakas, Lorenzana,” aniya sa kanyang sarili. Saka namang
pagtunog ng kanyang cellphone.
-----
Abot-tainga
ang ngiti ni Daniel nang mabasa ang mga text ng pangungumusta ni Pamela. Sabi
pa nito, “Muzta ka na? Bkit d k n mkontak? Miz n kta.” Dalawang araw pa lang
ang nakalipas nang i-send na ito sa kanya.
Sayang,
aniya. Hindi pala siya nakabili ng load. Hindi pa niya ito mare-reply-an. Gayunpaman,
lumakas ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili dahil si Pamela ang isa sa mga
kaibigan niyang madalas na nagpapalakas ng kanyang loob tuwing down siya.
“Ala, e,
hindi madrowing ‘yang mukha mo. Bakit ba? Tambak na naman ba ang assignment mo?”
minsang pansing-biro ni Pamela kay Daniel nang nasa library sila.
“Hindi…”
“E, ano?
Inborn?” Humagalpak ito nang tawa. Kaya, tiningnan siya nang masama ng
librarian.
“Ayan. Yari
ka na naman kay Mrs. Kilay.” Natawa na rin si Daniel.
“Hayaan mo
siya. Inborn din ang kilay niyang nilalapis.”
Imbes
na maiyak sa dami ng school works, napatawa ni Pamela si Daniel. Iyan ang
nami-miss niya sa kaibigan. No dull moment, ‘ika nga, kapag magkasama sila.
Minsan
pa nga, green jokes na. Hindi naman nao-offend si Daniel. Hindi rin niya
inaabuso.
“Palitan
mo na kasi ‘yan girl friend mo. Ang lakas lumamon. Panay naman palibre. Kung
ako na lang ba ang…”
“Nililibre
ko?”
“Hindi.
Ang gini-girl firend mo!” Humagalpak siya ng tawa at hinampas pa siya sa braso.
Speechless
si Daniel.
“Promise…
hindi ako magpapalibre. “ Pagkatapos ay nagsabi siya ng “Joke!” nang ‘di na umimik si Daniel.
Napangiti
na lang si Daniel, habang itinatago niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag. Malapit
na siyang bumaba.
Isang
malamig at sariwang hangin ang yumakap sa kanya, pagkababa na pagkababa pa
lamang niya sa bus. Pakiramdam niya ay agad na mawawala ang pananakit ng
kanyang dibdib sa bayang iyon.
Nagpa-load
muna si Daniel bago sumakay ng traysikel na maghahatid sa kanya sa bahay ng
kanyang tiyo. Tinext niya si Pamela. “Pam, msta n? D2 aq s Batngas.” Isang
masarap na ngiti ang ginawa niya pagkatapos ma-isend ang kanyang mensahe.
“Tito
Daniel! Tito Daniel!” salubong na bati sa kanya ng kanyang mga pamangkin.
Isa-isa niya itong binati at kiniss sa noo. Pagkatapos ay iniabot niya ang
kanyang pasalubong sa mga ito.
Sa
sala niya naabutan ang kanyang Tiyo Vicente at Tiya Leonora. Nanunuod sila ng
balita. Nagmano siya. Kahit paano ay nagulat ang mga ito sa pagdating niya,
ngunit masaya silang makita siya.
“Kailangan
mo ngang magpagaling, Daniel,” ani Tiya Leonora, pagkatapos siyang pagmasdan. “Tama
nga ang Mommy mo…”
“Opo,
Tiya… Iniwan ko nga po ang mag-ina ko para magpahinga at magpalakas dito sa
inyo.”
“Tama
‘yang ginawa mo. Sabi ko naman kasi sa’yo, dumito ka na lang. Hayaan mo na ‘yang
asawa mo,” sabi naman ng kanyang tiyo. Gaya ng dati, mainit pa rin ang dugo
niyo sa kanyang asawa. Minsan kasi, nang dumalaw sila, nag-astang mayaman si
Lorenzana.
Hindi
na kumibo si Daniel. Kahit paano ay nasasaktan siya tuwing magagalit ang amain
niya kay Lorenzana. Isa pa, ayaw na muna
niyang isipin ang kanyang asawa. Hangga’t maaari ayaw niya itong kontakin.
Kasama ng pagbabakasyon niya ay ang pagkamit ng kasiyahan—kahit panandalian
lamang. Gusto niyang tumawa at ngumiti. Gusto niyang maranasan iyon sa tulong ni
Pamela, na hindi naman kayang ibigay ng kanyang asawa.
“Kumain
ka na doon.,” utos ng kanyang tiya. “Tapos na kami. Bahala ka na. Feel at home.”
“Sige
po. Iaakyat ko lang po itong gamit ko.”
“Kakaiba
talaga dito sa Batangas,” naisip ni Daniel. “Bukod sa sariwa ang hangin, ang
sarap pang kumain.” Andami niyang nakain. Siguro ay nakatatlong servings siya
ng kanin. Sinabawang isda pa naman ang ulam. May ginataang gulay pa.
Habang
naghuhugas siya ng kanyang pinagkainan, dumating ang pinsan niyang si Ate Remy.
“Hello,
Dandan!” masayang bati nito.
“hello,
Ate Remy! Kumusta na? Pasensiya na ‘di na ako nakakpag-text sa’yo.”
“Bakit
nga ba?”
“Nilublob
ni Lorenzan sa kape.” Natawa si Daniel. Ayaw niyang maging isyu ang ginawa ng asawa.
Natawa
rin si Ate Remy. “Hayaan mo na.”
“Kaya
nga, e… Na-miss ko ang mga godly quotes mo.”
Close
sila ng kanyang Ate Remy. Siya kasi ang madalas niyang kausap kapag pakiramdam
niya ay nawawala ang pananampalataya niya sa Panginoon. Hindi siya nito
hinahayaang i-condemn ang Diyos.
Habang
nakikinuod ng tv si Daniel, nagkape siya. Isang mainit na kape, na walang
asukal ang kanyang itinimpla. Gusto niya lang malasahan ang pait nito, dahil
bukas sigurado siyang tatamis na ang panlasa niya sa buhay.
“Kita
tyo bkas, Bes! I miss u na tlga. Grabe!” text ni Pamela.
Nakangiti
si Daniel, habang nagta-type.
------
Isang
malakas na tili ang pinakawalan ni Pamela nang magkita na sila ni Daniel sa
park. Halos piratin pa siya nito sa yakap.
"In
fairness, Bes, ang guwapo mo pa rin, kahit payatot ka. Promise! At, miss na
miss kita," anito nang kumawala kay Daniel.
Napilitang
ngumiti si Daniel. Gusto niyang itago ang mga braso.
"Di
bale, Bes... kapag dito ka na uli, patatabain kita, like me." Natiklop pa
siya ng isang manggas ng damit at pinalobo ang muscle. "O, 'di ba? Parang
si The Rock lang."
Tuluyan
nang natawa si Daniel.
Hinampas
ni Pamela ang braso ni Daniel. "Hoy, si The Rock ang sabi, hindi darak!
Hindi ako baboy, 'no."
Nagkunwaring
nasaktan si Daniel.
"Ay,
sorry, Bes... Napalakas yata ang palo ko." Hinimas-himas pa nito ang braso
ng kaibigan. "Sorry, nakalas yata ang mga buto mo..." Lalo pang
umarte si Daniel. "Sige na nga, yakapin na kita uli para mawala ang
sakit."
"No!
Okay na ako. Okay na, Bes!" Umayos siya ng upo. Umayos na rin ng upo si
Pamela. Pagkatapos, umubo siya nang bahagya. "Kumusta ka na?"
"Ako
ba dapat ang tanungin mo ng ganyan?"
"Oo,
kaya sagutin mo."
"Sige...
I'm okay. Moved on na. Ikaw?"
Tinabihan
ni Daniel si Pamela. Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ng kaibigan at
ikinalawit ang kamay sa baywang nito. "Hindi ako masaya sa piling ng asawa
ko. Ang pagsasama namin ay para ng isang malamig na kape."
"Bakit?"
"Hindi
ko nga siya mahal, 'di ba? Pinaniwala niya lang ako noon na buntis
siya..."
"I
mean, bakit hinayaan mong lumamig?"
Napipi
si Daniel. Matagal niyang inisip ang dahilan.
"Sabi
mo... susubukan mo siyang mahalin," ani Pamela. "Bakit nagkaganoon?
May iba ba?"
Umiling
lang si Daniel.
"Bes,
hindi sa kinakampihan ko ang asawa mo... Alam mo naman, noon pa, na patay na patay ako sa'yo... Kahit ngayon, puwede kitang agawin sa kanya... pero, 'di ko
gagawain 'yon. Bes, to tell you frankly, may kasalanan ka rin, e... Why? Kung
lumamig na ang kape, dahil hindi mo ininom agad. Hindi mo pinahalagahan ang
nagtimpla. Am I right?"
"Maybe..."
"Daniel,
noon pa man, lahat ng babae ay walang halaga sa'yo. Kahit nga ako, pinalamigan
mo lang ng kape. So, you can't blame her..."
Hindi
nagsalita si Daniel. Nilaro-laro niya na lang ang mga matatabang daliri ni
Pamela.
"Ayan
ka na naman, e!" sabi ni Pamela. Inilayo niya ang kanyang kamay.
"I
just missed you... Sana... sana ikaw na lang..."
Si
Pamela naman ang natahimik.
"Ang
hirap niyang mahalin. Akala ko noon, madali ko na lang siyang matatanggap.
Noong una, oo, parang siyang kape na maraming froth. Maganda at masarap
tingnan, pero kapag naubos na, mapait pala."
"Naiyak
ako, Bes?" Humikbi-hikbi siya kunwari.
"Bakit?"
"Ang
lalim mo, e. Di ko ma-dig."
Nagtawanan
sila. Pagkatapos, pinisil-pisil ni Daniel ang pisngi ng kaibigan. Nang nagtama
ang mga mata nila, saka lamang siya tumigil.
"Kung
kailan nawala ang isang bagay, saka natin nakikita ang halaga..."
Unti-unting bumaba ang tingin ni Daniel, kasunod ng pagbuhat sa kanyang ulo.
Sumandal
naman si Pamela sa kanyang likod at ikinalawit ang kanyang kamay sa balikat ni
Daniel. "Matututuhan mo ring tanggapin ang lahat. Natuturuan natin ang
ating mga panlasa. Time will come..."
Matagal
na sila sa ganoong posisyon nang tumunog ang cellphone ni Daniel. Naghiwalay
sila.
"Beh,
dnla q n s hspital c Bby. Ngssuka tae cia." Iyan ang text ni Lorenzana.
"Bkit?
Anong pnkain mo?"
Agad
na umuwi si Daniel. Naunawaan naman iyon ni Pamela.
"Just
pray," payo ni Pamela, bago sila tuluyang naghiwalay. "Ipapanalangin
ko rin ang anak mo. Just calm down. Ingat sa pag-uwi. I'll text you later.
Thanks!"
Hindi
na iyon pinakinggan ni Daniel. Mas pinakinggan niya ang hagupit sa kanyang
puso. Ramdam na ramdam niya ang sakit nito.
"My
babae k jn no?" text ni Lorenzana.
Hindi
niya ito ni-reply-an. Alam nilang pareho ang sagot.
-----
Gustong
magsisi ni Daniel kung bakit umalis pa siya at iniwan ang anak sa ganoong
kondisyon. Naisip niyang bumalik para maalagaan si Baby, ngunit mas matimbang
ang pagtanggap niya sa katotohanang wala siyang maitutulong pagdating doon.
Tinext na lamang niya si Mommy Nimfa. Pinakiusapan niya rin si Donald na
dalawin ang pamangkin. Nakahinga siya nang maluwag, nang hindi ito tumanggi.
Kahit paano ay hindi na nakakahiya sa kanyang mga biyenan, lalo na't nagbigay
ang kanilang ina ng tatlong libong piso.
Tinawagan
niya si Lorenzana. "Kumusta na si Baby?"
"Nakatatlong
poo-poo na siya ngayong umaga at nakadalawang suka."
Ramdam
na ramdam ni Daniel ang pagod, awa, at takot sa boses ng asawa. Pero, higit pa
roon ang nararamdaman niya. "Kapag may time, umidlip ka. Tutal andiyan
naman si Donald." Gusto niyang malakas ito para hindi apektado ang mood
nito.
"Sana...
ikaw ang nandito, Daniel."
Kusang
tumulo ang mga luha niya. Kung alam lang ni Lorenzana ang kanyang
nararamdaman...
Maghapon
siyang balisa. Hindi halos siya makakakain nang maayos. Nagkape lang siya sa
umaga at hindi niya nga naubos ang kanin at sinabawang isda sa tanghali. Ang
isiping nakasuwero si Baby ay hindi niya matanggap. At, hindi pa rin niya
maamin sa kanyang sarili na ang kanyang anak ang nagbabayad sa kanyang mga
kasalanan. Ang bilis ng karma, aniya.
Natagpuan
ni Daniel ang sarili sa may dalampasigan. Umupo siya sa buhanginan, na nasa
ilalim ng mababang puno ng niyog. Kung gaano guminhawa ang kanyang baga dahil
sa simoy ng hangin mula sa dagat ay kabaligtaran naman ang paninikip ng kanyang
puso at isip.
Nang
maramdaman ni Daniel ang tumatagos sa balat na sikat ng araw, umuwi na siya. Sa
bahay ng kanyang tiyo at tiya ay kailangan niyang gumawa ng mga gawaing-bahay.
Hindi siya kailangang magpahalata na napupuspos siya sa dalamhati. Naroon siya
upang magpalakas, hindi upang panghinaan ng loob. Ayaw niyang makatikim na
naman ng pagalit mula sa kanyang tiyo. Malamang mamaliitin na naman nito si
Lorenzana. Kahit paano ay nasasaktan siya kapag ganoon.
Pagkatapos
mananghalian at makapaghugas ng mga plato, nagdesisyon siyang pumunta sa bahay
ni Pamela. Nais niyang masorpresa ang matalik na kaibigan, kaya hindi na siya
nag-text. Isa pa, nais niya lang sanang magbisikleta kung saan upang mabawasan
ang bigat ng kanyang kalooban. Inaasahan niya na makakatulong ang kaibigan na
tumibok muli ang puso niya. Kung ipagkanulo man siya ng puso niya, mas
gugustuhin niya iyon dahil mas mahal niya ito kaysa kay Lorenzana.
Ipinarada
ni Daniel ang bike sa tapat ng gate ng bahay ni Pamela, saka siya nagtao po.
“Hi,
Bes!” masayang bati ni Pamela, paglabas pa lamang niya sa pinto. “Bakit hindi
ka nag-text man lang. Anyways, halika… pasok ka. Ipapakilala kita sa bisita
ko.”
“Hindi
na. Napadaan lang ako. Nagbibisikleta ako.” Itinuro pa niya ang nakaparadang
bike.
“Okay,
wait… wait.” Tumalikod siya’t pumasok sa bahay. Paglabas niya, hila-hila niya
ang nahihiyang lalaki. Kaedad niya ito. “Say hi to my fiance’, Daniel.”
Hindi
agad nakabati si Daniel. Para siyang mainit na kape na biglang nilagyan ng
sankatirbang ice cubes. “Hi! Kumusta?”
“Ayos
lang!”
“Siya
si Rick,” pakilala ni Pamela.
Tumango-tango
lang si Daniel, pagkatapos ay umangkas na siya sa kanyang bisikleta. “O, pa’no
‘yan? Iwanan ko na kayo. Nakaistorbo yata ako sa inyo.” Pilit pa siyang tumawa
upang pagtakpan ang sakit na kanyang nararamdaman.
“Hindi,
a. You can join us, if you want,” ani Pamela.
“No.
Hindi na. Next time siguro. Bye!” Agad na pinaharururot ni Daniel ang kanyang
bike upang takasan ang kabiguan. “Ang sakit-sakit,” aniya sa likod ng kanyang
isipan. “Kung kailan binuksan ko ang puso ko para sa kanya, saka naman siya
nakahanap ng iba.”
Muntik
na siyang sumemplang dahil sa mabilis niyang pagpedal, bago niya narating ang
tahimik na bahagi ng simbahan. Doon siya madalas pumunta sa tuwing nais niyang
mapag-isa at makapag-isip-isip.
Sa
kanyang pag-iisa at pagdidili-dili, napagtanto niyang hindi naman siya binigo
ni Pamela. Mali naman talaga, na mahalin nila ang isa’t isa. Naipangako niya sa
sarili na hindi siyang magiging mapait na kape sa kaibigan. Walang magbabago.
Subalit, kailangan niyang itago ang kanyang pagseselos at panghihinayang.
“Hello?!”
sagot niya sa tawag ni Lorenzana.
“Hello,
Beh? Si Baby, ngumingiti na,” masayang pagbabalita ng asawa niya. “Sabi ni Dok,
mamaya raw, kapag naubos na ang dextrose, puwede na siyang i-discharge.”
“Thanks,
God! I-kiss mo ako kay Baby. Pakisabi na rin na ‘I love you!’ sa kanya,” mangiyak-ngiyak
na sagot ni Daniel. Naisip niya, ito ang good karma.
“Hmm.
Ako ba, walang kiss at I love you?”
“Bye.
Ingat kayo. Pakisabi kay Donald, salamat!”
“Tse!”
Napangiti
na lang si Daniel pagkatapos niyang tapusin ang phone call.
------
------
Tumingin-tingin
si Daniel sa paligid. Nang masiguro niyang walang tao, naghubad siya ng damit
at shorts, saka patakbong lumusong sa dagat. Sa una, nakaramdam siya ng parang
dampi ng yelo sa kanyang katawan, pero lumipas ang ilang segundo, kusa itong
nawala.
Lumangoy
siya palayo. Siguro ay naka-kinse na siyang kampay nang mapagod siya. Nang
makapagpahinga, nilangoy-aso naman niya ang pabalik. Sa bandang baybayin,
nagbabad siya. Humahangos man siya, ngunit kapansin-pansin ang hindi paninikip
ng kanyang dibdib. Nagsilabasan din ang kanyang sipon at plema. Sa mga oras na
iyon siya naniwala na maganda raw talaga ang dagat para sa baga ng tao.
Bago
siya umahon, lumangoy-langoy muna siya at sumisid. Aniya, "Bukas, lalangoy
uli ako."
Sa
ilang araw niyang pananatili ni Daniel sa bahay ng kanyang toiyo, nanumbalik
ang gana niyang kumain, palibhasa kasi sagana sa pagkain doon. Sinisipagan niya
lang ang pagluluto, na hindi niya nagagawa sa bahay ng kanyang mga biyenan.
"Umuumbok
na ang mga pisngi mo, Dandan," pansin ni Ate Remy sa kanya, habang
nagmemeryenda sila.
Muntik
pang mailuwa ni Daniel ang nahigop na kape nang marinig iyon. Natawa pa nga ang
pinsan niya.
"Oo
nga! Tingnan mo sa salamin. Lubog na lubog ang pisngi mo nang dumating
ka."
Seryoso
ang pagkakasabi niyon ni Ate Remy, kaya gustong makumpirma ni Daniel. Simula
nang nakita niya ang kanyang sarili sa salamin ng banyo nila, ito lang ang
susunod niyang pananalamin. Ang totoo, nagkaroon siya ng takot sa salamin dahil
doon. Ngayon, muli niyang haharap sa salamin.
Hinipo
pa niya ang kanyang pisngi habang nakatingin sa repleksiyon ng sarili sa
salamin. Tinangnan niya iyon sa mga mata. Isang matamis na ngiti ang
pinakawalan niyon sa kanya.
"Oo
nga, 'te!" masayang sambit ni Daniel nang bumalik siya sa mesa.
"Sabi
ko sa'yo, e. Alam mo? Dito ka na lang mag-work. Marami rin namang puwedeng
apply-an dito. Huwag ka na doon sa Manila... para bumalik na ang dati mong
katawan."
Nginitian
lang ni Daniel ang pinsan. Hindi niya kasi alam kung ano ang dapat gawin.
Kapansin-pansin
ang paglakas ng gana niya sa pagkain. Kung noon ay halos hindi niya maubos ang
isang serving, ngayon, nakakadalawa at kalahati siya. Medyo, napapalakas rin
ang kanyang pagkape—less sugar nga lang. Nasanay na siya sa kapeng matabang. Parang
ang pagkalayo kay Lorenzana, nasayang na rin siya. Kung hindi nga lang kay
Baby, baka tuluyan na niyang makalimutan ang asawa. Gayunpaman, nais niyang
subukang muli ang mahalin siya. Ang kanyang pagpapalakas ay para sa kanyang
mag-ina, higit lalo kay Baby. Nais niyang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang
kanilang anak. Pangarap niyang makakuha ng hiwalay na tirahan. Ayaw na niya ang
nakikipisan sa kanyang mga biyenan. Kaya, plano niya sa kanyang pag-uwi sa
Manila ay maglalaan siya ng oras at tiyaga sa paghahanap ng trabaho na akma sa
kanyang pinag-aralan.
“Dandan,”
tawag-bati ni Celso, ang kababata ni Daniel.
“Uy,
Celso! Kumusta?” Nakipag-fist bump pa siya.
“Heto!
Hamak na CW lang.” Ngumiti si Celso.
Nakakunot-noo
naman si Daniel. “CW?”
“Oo.
Construction worker!” Marahang sinuntok pa siya ni Celso sa braso. “Ikaw,
nakapag-aral ka lang sa Manila, kinalimutan mo na ang mga pangmahirap na
trabaho.”
“Hindi
naman. Naapektuhan lang siguro ako sa ilang araw kong pagkakasakit. Napatigil
tuloy ako sa trabaho nang ‘di oras. Pang-mahirap na trabaho rin ‘yun.”
“A,
kaya pala, medyo pumayat ka. Ano bang trabaho mo doon? Dito ka na ba uli?”
Kumamot
muna ng ulo si Daniel. “Hindi. Nagpapalakas lang ako. Humina kasi ang baga ko.”
“Ayos
‘yan. Gusto mo bang kumita ng extra? Naghahanap si Boss ng tauhan.”
Habang
nag-iisip si Daniel, tiningnan niya ang katawan ng kaibigan. Bato-bato ito. Ang
layo ng agwat nila. Naisaloob niyang hindi niya kakayanin. Baka lalong manikip
ang dibdib niya.
“Ano?
Bukas ng umaga?” untag ni Celso.
“Kaya
ko ba?”
“Lalaki
ang katawan mo doon. May mas payat pa nga sa’yo nang pumasok. Ngayon, maskulado
na. Ano, game?” Nag-thumb up pa ang kaibigan ni Daniel.
‘Sige,
par. Bukas. Daan mo ako dito, ha?”
“Oo,
par! Akong bahala!” Nakipag-apir pa si Celso bago siya nagpaalam kay Daniel.
Abot-langit
naman ang kaba ni Daniel sa desiyon niya. Ang isip niya ay nagsasabing kaya
niya, pero nagdududa siya sa kakayahan ng katawan at baga niya.
Napabuntong-hininga na lamang siya. “Para kay Baby, kaya ko ’to!” aniya sa
kanyang isip.
-----
Bawat
pagpala ni Daniel ng buhangin, si Baby ang nasa isip niya. Kailangan niyang
maging malakas. Kailangan niyang gawin iyon, bumaba man siya sa level ng
kanyang pinag-aralan. Para sa kanya, hindi na mahalaga ang edukasyon sa panahon
ngayon. Diskarte na lang sa buhay ang nararapat niyang isipin.
"Salamat,
Celso, hindi mo sinabing engineering graduate ako," ani Daniel sa kaibigan
habang nagmemeryenda sila.
"Ayos
lang, par. Saka, ano naman kung graduate ka? Ang mahalaga, kaya mong gawin ang
ibinigay na trabaho sa'yo."
"Nagawa
ko ba nang tama, par?" alangang tanong ni Daniel.
Humagalpak
muna ng tawa si Celso. "Mabuti kamo, hindi nakatingin masyado sa'yo ang
foreman..."
"Bakit?"
"Par,
ngayon ka lang ba nakahawak ng pala?" Natatawa pa rin si Celso.
"Hindi
naman..."
"Bigat
na bigat ka kasi, e."
Medyo
nainsulto si Daniel, pero hindi niya iyon ipinahalata sa kaibigan. Tama naman
kasi ang obserbasyon nito sa kanya.
"Ayos
lang 'yan, par. Masasanay ka rin. Parang kape lang 'yan..."
Napatingin
si Daniel sa sumeryosong kaibigan.
"Nasanay
na tayong uminom," patuloy ni Celso, " kahit mainit ang
panahon."
Napangiti
si Daniel. At napahigop tuloy siya sa kanyang kape.
"Tama
ka, par. Masasanay rin ako."
Sa
maghapong pagtratrabaho ni Daniel, nakadama man siya ng kasiyahan sa kanyang
puso dahil kahit paano ay may papasok na pera sa kanyang bulsa, ramdam na
ramdam naman niya ang sakit sa katawan. Para siyang minaso-maso. Gusto na nga
niyang puntahan si Celso upang sabihing ayaw na niyang magtrabaho, kaya lang
nag-text si Lorenzana. Nagtatanong ito kung may pera siya. Pambili raw ng
gatas.
Hindi
niya kayang isipin na magugutuman si Baby. Ngayong may oportunidad para kumita
siya, hindi na rin niya sasayangin.
Nangutang
siya ng P500 kay Ate Remy at ipinadala niya ito. Isang malalim na
buntong-hininga ang pinakawalan niya at mataas na pag-asa na makakaahon siya sa
sitwasyong ito, pagkatapos niyang masiguro na natanggap at naibili ni Lorenzana
ng gatas ang kanilang anak. Inasam rin niya na sana mapagtanto ng asawa niya na
kailangan nitong magkaroon ng trabaho, sa loob o labas ng bansa. Hindi sila
habang buhay na ganito.
Sa
ilang araw na pagtratrabaho ni Daniel sa construction, tila nagagamay na niya
ang mga mabibigat na trabaho. Hindi na rin siya masyadong nakakaramdam ng sakit
ng katawan. Lalo namang lumakas ang kain niya.
"Miz
n kTa," text ni Pamela.
Hindi
naman nakapag-reply si Daniel dahil wala siyang load. Isa pa ay nasa trabaho
siya.
Nagtanong
pa ang best friend niya kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon at kailan
siya dadalaw sa bahay nito. Ang totoo, nasasaktan pa rin siya. Hindi niya pa
kayang harapin si Pamela. At, lalo siyang hindi magugustuhan ngayong isa lamang
siyang construction worker. Naisip niyang masanay na lamang sa mapait na kape
kaysa uminom na matamis nga, pero hindi naman nakakabuti sa kanyang buhay.
Sisikapin na lamang niyang maging maayos ang relasyon nila ni Lorenzana. Ayaw
naman niyang kumuha ng bato na ipampupukpok niya sa kanyang ulo. Tama na ang
isang pagkakamali.
Na-miss
niyang bigla si Lorenzana. Naalala niya ang mga sandali na masaya sila.
"Beh,
hawakan mo... dali!" tawag ni Lorenzana kay Daniel, habang sila ay nanunuod
ng telebisyon.
Agad
namang hinawakan ni Daniel ang tiyan ng asawa at nakiramdam. Ilang segundo lang
ang lumipas, tila nakipag-apiran sa kanya ang sanggol sa sinapupunan ni
Lorenzana.
"Wow!
Sinipa niya ako." Walang mapagsidlan ang ligayang nadama ni Daniel.
Hinalikan niya pa ang tiyan ng asawa. "Baby ko, excited na kami ni Mama mo
sa paglabas mo." Pagkatapos, niyakap niya ang asawa. "Gusto ko,
lalaki ang baby natin."
"Anong
ipapangalan natin kung lalaki ito?"
Saglit
na nag-isip si Daniel. "Ipaghahalo natin ang mga pangalan natin..."
"Like
what?"
"Danilo!"
Napuno
ng tawanan ang sala nila.
"Grabe
ka naman, Beh! Wala na bang iba? Huwag na nga lang nating paghaluin ang names
natin," ani Lorenzana.
"Sige.
Sige... Sean na nga lang."
"Ang
ikli. Dagdagan natin."
"Okay!"
Nag-isip uli si Daniel. "Howard! Sean Howard!"
"Ang
ganda! Sige, 'yan na lang."
Hinipo
uli ni Daniel ang tiyan ng asawa at kinausap ang anak. "Sean Howard,
kumusta ka diyan? Tatlong buwan na lang, lalabas ka na. I love you, baby!"
Kiniss niya uli ito.
Napangiti
si Daniel sa alaalang iyon. Hindi niya maunawaan ang kanyang sarili. Ayaw man
niya noong maniwala sa kasabihang “Absence makes the heart grow fonder,” nais
na niyang maniwala ngayon. Hindi niya maaaring dayain ang kanyang sarili.
-----
-----
"Ney,
my perA kb jan? Iko-confine c Baby." Alas-tres na ng hapon nang nabasa ni
Daniel ang text ni Lorenzana. Alas-una pa iyon nai-send.
Hindi
mapakali ang ama. Halos hindi niya mai-shoot sa balde ang hinalong semento at
buhangin. Nabulyawan na nga siya ng foreman.
"Dan,
may problema ba?" Tinapik pa ni Celso ang balikat niya. "Chicks
ba?" Tumawa pa ito.
"Pautang,
par..." seryosong sagot ni Daniel.
"Pautang
ina!" Mas lumakas ang tawa ni Celso. "Ako pa talaga ang inutangan mo.
Bakit nga ba?"
"Nasa
hospital ang anak ko. Tae-suka, par."
Biglang
nawala ang smile line sa mukha ng kaibigan. Pareho na silang malungkot.
"Mahirap 'yan, par. Diyan namatay ang panganay ko. Na-dehydrate
siya."
Dumagundong
ang puso ni Daniel. Nanginig rin ang mga laman niya. Hindi niya kayang
tanggapin ang bagay na iyon.
Hindi
siya kumibo. Napansin iyon ni Celso.
"Par,
pasensiya ka na... Gipit din ako. Pero, pero... masasamahan kita kay boss.
Nagpapautang yun, lalo na kapag ganyan..."
Tiningnan
lang ni Daniel ang kaibigan. Tapos, umiling-iling siya. "Huwag na, par.
Okay lang. Kay Ate Remy na lang ako manghihiram."
"A,
oo! Kay Ate Remy nga!"
Akala
ni Celso ay guminhawa na ang loob ni Daniel. Hindi pala. Gusto na niyang umuwi
para matawagan niya si Lorenzana. Hindi sapat ang makapagpadala siya ng pera.
Nais niya sanang makita, mayakap, at maalagaan man lamang ang anak.
Nagmadali
siyang umuwi pagkatapos ng trabaho. Agad siyang nagtimpla ng kape. Instant
3-n-1 coffee ang tinimpla niya. Gusto lamang kasi niyang maaliw sa artipisyal
na bango nito na parang kung paano niya nais na ikubli sa mga kamag-anak, na
kanyang tinutuluyan, ang kanyang pait na nararamdaman.
Mabilis
na naibsan ang mabigat niyang nararamdaman, subalit mabilis ding naglaho.
Hinirap
niya ang bisikleta ng kanyang pamangkin at pinaharurot ito palayo sa maingay na
tahanan ng kanyang tiyuhin. Natagpuan niya ang sarili sa simbahan. Doon ay
lumuhod siya at nagdasal sa Panginoon.
"Lord,
iligtas mo ang aking anak. Pagalingin mo po siya. Tulungan Niyo po kaming
mag-asawa. Tulungan Niyo po ako. Patawad sa mga kasalanan ko..." Yumugyog
ang kanyang balikat.
Hindi
agad umuwi si Daniel. Sa isang bench sa may gilid ng simbahan siya namalagi.
Paulit-ulit niyang binasa ang mga text messages ng asawa. Paulit-ulit rin
siyang lumuha.
"O,
Diyos ko, kay hirap po nito. Masakit po sa loob ko na wala ako sa tabi ng anak
ko. Ni wala akong hawak na pera para umuwi doon... Diyos ko... Diyos ko, bigyan
Mo po ako ng pag-asa na malampasan ko, namin ang lahat ng ito..." tahimik
niyang dasal.
Alas-siyete
y medya na nakauwi si Daniel. Noon niya lang din naisipang mag-load at tawagan
si Lorenzana.
"Hello?
Kumusta na si Baby?" nag-aalalang tanong ni Daniel sa asawa.
"Kakapalit
ko lang ng diaper niya. Pumu-poo na naman. Kanina, sumuka. Heto, nakadalawang
dextrose na siya, mula kanina."
Ramdam
ni Daniel ang paghihirap ni Baby at Lorenzana sa mga sandaling iyon. Naririnig
niya rin ang paimpit na boses nito. Halata niyang itinatago lamang ng asawa ang
pag-iyak.
"Sana
nandiyan ako para dalawa tayong mag-aalaga ka Baby..."
"Sana
nga, Daniel... Sana nga."
"Pasensiya
na, Beh, hindi ako makakauwi. Pero, huwag kang mag-alala, humahanap ako ng
peara paea ipadala ko sa'yo bukas. Next week pa kasi ang sahod ko..."
"Salamat,
Ney! Malaking tulong ang ipapadala mo." Bumuntong-hininga muna si
Lorenzana. "Walang-wala kami ngayon. Nakasimangot na naman si Mama. Kulang
na lang, sabihin niyang pabigat na nga kami, sakitin pa ang anak natin..."
Lumabo
ang paningin ni Daniel dahil sa luha na tumakip sa kanyang balintataw. Tila
nabalot ng pagkahabag ang puso niya. Awang-awa siya sa kanyang mag-ina. Nais
niya pang sisihin ang sarili dahil sa mga nangyayari.
"Hello,
Dan? Hello?"
"Hello..."
Gumaralgal ang boses ni Daniel. "Kapit ka lang, Beh. Nandito lang ako.
Kapit lang. Kaya natin 'to. Makakaahon tayo. Alam kong hindi tayo habambuhay na
ganito..."
"Uwi
ka na, Ney. Uwi ka na. Hinahanap ka ni Baby..."
Pinindot
na niya ang cellphone. Hindi na niya kayang pigilan ang mga luha niya. Paimpit
siyang tumangis. Sumikip ang kanyang dibdib, pero agad ding nawala nang kumalma
siya.
"Be
strong, Beh. I luv U both!" Pinilit niyang i-send ang text message na ito
sa gitna ng kanyang pag-iyak.
----
“Sige po, tiyo. Tuloy na po ako.
Hinihintay na ako ni Celso.” At, mabilis na siyang tumalikod sa amain.
29
----
28
“Daniel, tagay muna,” yaya ng kakilala niyang si Andoy.
Nagyaya rin ang mga kainuman nito, na pamilyar ang mukha sa kanya.
“Hindi na. Magpapa-load lang ako.” Pinilit itago ni Daniel
ang takot na gumapang sa kanyang katawan.
Mabilis na nagsalin si Andoy ng brandy sa shot glass at
iniabot kay Daniel. “Isa lang…”
Walang nagawa si Daniel, kundi ang inumin ang alak, bago siya
nagpa-load.
“Isa pa,” hirit pa ng kainuman ni Andoy, sabay abot sa shot
glass na may alak.
“Okay na ‘yun, par. Hindi talaga ako umiinom, lalo na kapag
may problema ako…”
Nagtawanan ang mga lasenggo, maliban kay Andoy.
“Sige na, par. Naunawaan kita,” seryosong sabi ni Andoy.
“Ganyan din ako madalas…”
Nakahinga nang maluwag si Daniel. Tumango-tango lang siya.
Kahit paano ay tumaas ang tingin niya kay Andoy. Dati-rati, kinatatakutan niya
si Andoy kapag lasing na, dahil bukod sa kilala siyang nag-aamok, may napatay
na rin daw ito.
“Sige na, Daniel…Kailangan mo na sigurong matawagan ang
pamilya mo…”
“Oo,” ang sabi niya. Ang totoo, hindi naman siya talaga
tatawag. Gusto lang niyang magreserba ng load para anytime bukas sa
construction site ay makakatawag siya kay Lorenzana upang kumustahin si Baby.
“Sige, mga par. Pasensiya na muna kayo ngayon.”
“Ayos lang ‘yan…” Narinig niya pang sagot ni Andoy. “Pag may
time ka, pasyal ka sa bahay, shot tayo.”
Habang pauwi, naisip niyang ang
pagbabago ng isang tao, gaano man ito kasama, ay darating at darating sa buhay
niya. Si Andoy ay isang buhay na halimbawa nito. May natutuhan siya sa
nangyari. Magkaiba man sila ng nakaraan o pinagmulan, pareho silang patungo sa
landas ng pagbabago.
Huminga siya nang malalim bago
nahiga. Sa kanyang isipan, naisalarawan niya ang magandang buhay nilang
mag-anak—siya, si Lorenzana, at si Baby sa isang maliit bahay, ngunit
nag-uumapaw sa pagmamahalan.
Napangiti siya. Nais na niyang
umuwi. Handa na niyang kalimutan ang mga sakit na idinulot sa kanya ni
Lorenzana. Handa na siyang magpatawad at humingi ng tawad… para sa kinabukasan
ng kanilang nag-iisang anghel, si Baby. Handa na siyang tanggapin ang malamig
na kape ay may mabuti rin namang dulot sa kanya. Sa kabilang banda, iminulat
siya nito sa katotohanan.
“Salamat rin kay Andoy,” aniya
nang manalangin siya sa Diyos. Humingi siya siya ng kapatawaran sa mga
pagkukulang at pagkakamali niya.
“I love you, Beh. I love you,
Baby!” Ito ang ipinadala niyang mensahe bago siyang tuluyang pumikit upang
matulog. Para siyang inihele sa sobrang kaligayahan.
Kinabukasan, masigla niyang binati
ang kanyang tiyo at tiya, habang sila ay nagkakape. Nakisabay na siya.
“Kumusta ang trabaho?” tanong ni
Tiya Leonora kay Daniel.
Kasing sarap ng kapeng nahigop ni
Daniel ang pinakawalan niyang ngiti bago sumagot. “Ayos lang po, Tiya.”
“Mukhang nagamay mo na rin ang
trabaho, a.”
“Siyanga po. Hindi ko akalaing
makakaya ko pala.” Muling humigop si Daniel ng kape.
“Nagka-maskels ka na uli, Dandan,”
biro ni Tiyo Vicente. Lumabas pa ang silver tooth nito, na malimit niyang
masilayan.
Napatingin naman siya sa kanyang
mga braso.
“Kaunting panahon pa,
makakapag-asawa ka na uli dito.” Mas malakas ang tawa ng kanyang amain.
Kinurot ni Tiya Leonora si Tiyo
Vicente. “Itong gurang na ‘to. Tuturuan pa ang pamangkin ng kabulastugan niya.”
“Ikaw, Leony, masyado kang
impractical. Siyempre, kailangang makahanap si Daniel ng mapapangasawa na kahit
maganda basta mayaman.”
Napatawa na rin si Daniel. Kahit
paano ay nawala ang hiya at takot niya sa tiyo. Hindi pala lahat ng oras ay
istrikto ito at kontrapelo. Minsan, may point siya. Subalit sa mga sandaling
iyon, hindi niya nais sundin ang kagustuhan ng tiyuhin. Desidido na siyang
ayusin ang buhay at relasyon niya kay Lorenzana. Naniniwala siyang ang
pag-aasawa ay hindi isang mainit na kape, na kapag napaso ay iluluwa.
“Impractical?” ulit ng tiyahin.
“Oo.”
“Dapat sa akin mo ‘yan sinabi
noon. Hindi sana ako nagsisisi ngayon.”
Pangiti-ngiti si Daniel. Natuwa
siya sa sagutan ng mag-asawa. Parang mga teenagers.
“Sinuko mo kasi agad ang Bataan,
e. Ayan! Kaya pagtiyagaan mo na ang kaguwapuhan ko.”
Tinalikuran ni Tiya Leonora ang
asawa. “Diyan ka na nga, gurang ka. Ambiyoso! Daniel, pasok ka na. Baka mahawa
ka pa sa tiyo mo.”
“Opo, Tiya! A, Tiyo Vic, pasok na
po ako.”
Pulang-pula ang pisngi ni Tiyo
Vicente. Hindi rin agad nakasagot dahil tawa pa rin ito nang tawa. “Sige na.”
“A, tiyo… salamat nga po pala…”
“Saan?”
“Sa patuloy niyong pagtanggap niyo
sa akin dito sa tahanan niyo.” Inikot-ikot niya ang tirang kape sa kanyang tasa
at tiningnan kung paano ito magawa ng munting ipuipo.
“Sanay na ako sa’yo, Dandan. Kapag
umuuwi ka dito, kung hindi problema sa mga kapatid, problema sa health ang
ipinaparito mo. Ngayon naman, problema sa buhay may-asawa ang dahilan…”
Muling nakadama ng hiya si Daniel
sa mata ng tiyuhin. Pakiramdam niya ay maseserrmunan na naman siya nito. “Hindi
naman po… Health problem po talaga,”depensa niya. Ayaw niya talagang isipin ng
amain na si Lorenzana ang isa sa mga dahilan ng bakasyon niya. “Isang linggo na
lang po, babalik na ako bahay.”
“Hindi ka na lang kasi dumini.
Ala, e… ang hirap ng kalagayan mo doon. Naikuwento sa akin ni Nimfa…”
Natigilan si Daniel. Hindi niya
alam na masyado palang nahihirapan ang kanyang ina sa kalagayan niya.
“bakit? Pinapauwi ka na niya?”
“Gusto ko na pong magtrabaho uli.”
“Sigurado ka bang makakahanap ka
kaagad doon? Kung hindi, pumirmi ka na rito. Ang asawa mo ang nagpapabigat sa
buhay mo. Hindi pa naman kayo kasal, kaya okay lang. Be practical, Dan.
Maraming babae dito sa Batangas ang makakatagpo mo. At sigurado akong mas
lamang kaysa sa kanya.”
Tiningnan na lamang ni Daniel ang
tiyo. Ayaw na niyang humaba pa ang kanilang usapan. Buo na ang kanyang loob. Si
Lorenzana ang huling babaeng mamahalin nya.
29
“D aq m22loy, beh,” text ni Daniel
kay Lorenzana, isang gabi. Nilagyan pa niya ng crying emoticon.
“BAKIT? Akla q b uuwi k? Bbinygan
n si Baby, d b? Wla ka.” Iyan naman ang reply ni Lorenzana.
Gusto lang biruin ni Daniel ang
asawa. “Wla p kc aq gaano klaking pera.”
“SsgutN n nga n Tta Riza ang
pnggasTos. S kNya n lhat.”
“NkkHiya, beh. AnO n lng ang
ssbhin nla skn?”
“Wag mong icpin un. Ang mhlga, mbinyGan
n c Bby. Sbi nLa, kya rw mdlas mgkskit dhl wla png bnYag.”
“Bhla n…”
“Miz k n nmin n Bby. Sge n, beh.
Uwi k n.”
Tawang-tawa si Daniel sa reaksiyon
ni Lorenzana. Halos kiligin pa siya sa mga huling salitang iniwan sa kanya
nito, bago siya natulog. Napabuntong-hininga pa siya at naisaloob, “Kung alam
niyo lang kung gaano ako kasabik na mayakap at makasama uli kayo…”
Hindi man niya gusto ang ideyang
ililibre lahat ng tiyahin ni Lorenzana ang mga gastusin sa isang binyagan,
kailangan niyang lunukin ang kanyang pride. Ngayon pa ba siya mahihiya? Matagal
na rin naman silang umaasa sa mga padala ng mga kamag-anak ng asawa niya.
Subalit, ipinapangako niyang ito na ang huling pagkakataon na aasa siya sa
bigay. Masyado nang malaki ang utang na loob niya sa mga kamag-anak ni
Lorenzana. Ayaw naman niyang hindi na siya makaahon dito.
Naisip niyang sa Sabado na lang ng
gabi siya bumiyahe upang hindi siya magahol sa oras. Sa Linggo ng umaga kasi
ang binyag—ang biglaang binyag. Hindi naman niya puwedeng palampasin ang
okasyon para sa kanyang unica hija.
Limang araw niyang isinubsob ang
sarili sa trabaho. Naging inspirado siya sa lahat ng mabibigat at mahihirap na
trabaho ng isang construction worker. Naging thankful rin siya sa maliit na sahod nito. Aniya, mas
maigi na iyon kaysa sa wala. Ipinagpapasalamat nga niya sa Panginoon ang patuloy
na pagganda ang kanyang kalusugan. Unti-unti niyang nararamdaman ang ginhawa sa
kanyang baga at paghinga. Idagdag pa ang panunumbalik ng kanyang hubog ng
katawan.
Para kay Daniel, tila kay bilis
lumipas ang mga araw. Sabado na. Natanggap na niya ang huling sahod niya sa
construction na pinag-ekstrahan niya. Walang kasing saya ang pakiramdam na ang
suweldo mo ay ilalaan mo para sa pamilya mo, kahit hindi gaano kalaki.
“Par, salamat nga pala. Malaking
tulong sa akin ang pagpasok mo sa akin sa construction,” ani Daniel kay Celso.
“Ayos lang! Basta ikaw,” tugon ng
kaibigan. “Ano? Inom muna tayo?”
“Bigyan na lang kita ng pang-inom.
Kailangan ko nang umuwi.”
“Ha? Hindi. Huwag na. Akala ko
kasi bukas ka pa uuwi.”
“Mamayang alas-nuwebe ako
bibiyahe. Gusto kong sorpresahin ang mag-ina ko.”
Tumawa si Celso. Sumilay na naman
ang mga gilagid niya. “Sorpresahin? Ayos ‘yan, par! Kasunod niyon ang
pasalubong mong mainit-init.” Tumawa uli siya.
Naunawaan ni Daniel ang biro ni
Celso. “Oo, par… Mainit-init na sago ang tatanggapin niyang pasalubong sa akin
bukas.”
“Akala ko, mainit na kape…”
Pagkatapos nilang magtawanan,
sumakay na sila ng traysikel pauwi.
“Par, totoo pala ang sabi nila, na
kapag nagkalayo at muling nagkapiling, tumitibay ang relasyon,” seryosong
simula ni Celso.
“Oo. Parang totoo nga. Bakit?”
“Ikaw at ang asawa mo. Miss na
miss ninyo ang isa’t isa. Ako naman asar na asar sa asawa ko dahil araw-araw akong
may kasamang bungangera. Halos araw-araw kaming nag-aaway. Minsan nga, naisip
kong humanap ng trabaho sa malayong lugar para lingguhan o buwanan na lang
akong uuwi. Nakakarindi, e.”
“Par, ganyan talaga ang buhay may
asawa. Magiging matatag ka rin naman kung gugustuhin mo, e. Nang nag-stay ako
dito, na-realize ko na mali ang ginawa kong pag-give up sa ugali ng asawa ko.”
Tumawa si Celso. Ibang klase ka.
Ako, nanghihinawa na sa asawa ko. Ikaw naman… Ewan! Hindi ko maintindihan ang
buhay.” Hinilamos niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha.
Tinapik-tapik ni Daniel ang
balikat ng kaibigan. “Huwag kang manghinawa sa kanya. Ang asawa ay asawa. Ang
mga babae ay paiba-iba ang timpla. Ang pag-aasawa nga raw kasi ay parang
pagtitimpla ng kape. Masanay ka na.”
Pumara na sila. Hindi na nakatugon
si Celso sa sinabi niya, ngunit naniniwala siyang nauunawaan siya nito.
Papasok pa lamang siya sa gate ng
bahay ng Tiyo Vicente niya, napangiti siya. Natatawa at natutuwa siya sa
kanyang sarili. Ang husay niyang magpayo kay Celso, samantalang kamakailan lang
ay dumanas din siya ng kaparehong dilemma ni Celso.
“Dandan, abot-tainga ang ngiti mo,
a. Poging-pogi ka tuloy. Anong balita?” masayang bati ni Ate Remy kay Daniel.
Papalabas siya sa bahay.
“Wala lang, ate. Sosorpresahin ko
kasi si Lorenzana. Uuwi na ako mamayang gabi.”
“Ha? Bakit biglaan? Na-miss mo
agad?”
“Na-miss ko si Baby.” Ngumiti uli
si Daniel.
“Asus! Na-miss si Baby o ang nanay
ni Baby?”
Nagtawanan sila, bago nagpaalam si
Ate Remy na mamamalengke.
Mabilis na kumilos si Daniel.
Nagpaalam siya kina Tiya Loenora at Tiyo Vicente. Nabigla ang dalawa sa
kaniyang desisyon, ngunit wala silang nagawa. Hindi naman daw kasi nila saklaw
ang pag-iisip ng pamangkin.
“Natutuwa ako desisyon mo,
Dandan,” ani Tiya Leonora, habang nagkakape si Daniel. “Anumang suliranin sa
pagitan ninyong mag-asawa ay katulad ng kapeng hindi mo gusto ang pagkatimpla.
Nareremedyuhan ito. Kapag mapait, dagdagan mo ng tubig. Kapag matabang,
dagdagan mo ng asukal. Nasa iyong kamay ang ikakatamo niyo ng ligaya. Kaunting
tiis at sipag lang. Dagdagan mo na rin ng maraming pang-unawa, gaya ng ginawa ko
sa tiyo mo…”
“Salamat po. Sisikapin ko pong
maging tama ang timpla ng kape naming mag-asawa. Si Baby po ang
pinakamahalagang sangkap ng buhay ko. Siya po ang dahilan ng aking
pakikipaglaban sa mga kabiguang ito.”
“Nagma-mature ka na talaga,
Dandan. Hindi na ikaw ang dating paslit na naliligo lang maghapon sa dagat.”
Napangiti si Daniel. Naalala niya
kasi ang kanyang kabataan. Minsan, napalo pa nga siya ni Tiya Leonora dahil
hindi siya nagpaalam na maliligo sa dagat. “Kaya nga po, e. Pero, teka po,
maliligo po muna ako sa dagat, bago mag-empake. Puwede po ba?”
Tumawa si Tiya Leonora. “Aba’y
siyempre naman, Dandan. Ngayon pa ba kita rerendahan, e, magulang ka na rin.
Pero, sana nakapagpahinga ka na. Masama ang epekto sa katawan ng pasma. Tandaan
mong galing ka sa trabaho…”
“Opo. Nakapagpahinga na po ako.
Sige po. Thank you!”
----
----
Maliban sa masarap na kape ni Tiya
Leonora, mami-miss rin ni Daniel ang beach sa lugar nila. Kaya naman, sumaglit
siya doon. Hindi siya maaaring hindi makaligo o makalanghap man lang ng
hangin-dagat, bago siya bumiyahe pabalik sa pamilya. Malaki ang bahaging
ginampanan niyon sa kanyang kalusugan. Naniniwala siyang nakatulong ang simoy
ng hangin, na mula sa dagat, sa kanyang paggaling sa mahinang baga.
Alas-sais na nang marating niya
ang baybayin. May mangilan-ngilang tao sa paligid—mga batang naglalaro sa
buhanginan, at mga lalaking naghahanap ng mga lamang-dagat sa mababaw na bahagi
ng dagat.
Hinubad na ang kanyang damit at maong
na shorts, saka siya naghanap ng malalim na bahagi ng dagat. Doon ay sinubukan
niyang sumisid at lumangoy. Hindi nanginig ang kanyang laman. Hindi siya
nilamig. Hindi na nga siya tulad nang dati, na mahina. Handang-handa na siyang
sumabak sa kahit na anong trabaho—mabigat man o magaan.
Nakailang pabalik-palik siya ng
paglangoy, bago siya nagdesisyong umuwi na. Latag na rin naman ang dilim, kaya
kailangan na niyang umahon.
Pag-uwi ni Daniel, huminto sa
tagiliran niya ang traysikel na dina-drive ni Andoy. “Ang alam ko, ako lang ang
siga sa lugar na ito,” sabi ni Andoy.
Kung iba ang makakarinig niyon,
iisiping naghahamon siya ng away.
Tumawa lang si Daniel. Bigla rin
niyang naisampay sa balikat niya ang kanyang damit. “Par, ikaw na lang talaga
ang siga dito dahil uuwi na ako mamaya.”
Gulat na gulat si Andoy. “Ang
bilis naman! Hindi pa nga tayo nakakapag-inuman, e.”
“Kailangan na, par. Miss na miss
ko na ang mag-ina ko. Isa pa, kailangan ko nang makapaghanap ng magandang
trabaho.”
Kumbinsido naman si Andoy. “Ako
ang maghahatid sa’yo mamaya. Babalik ako. Anong oras?”
“Ha? Huwag na. Baka may biyahe
ka.”
“Ihahatid kita o hindi ka
makakaalis?” pagalit na biro ni Andoy.
Natawa si Daniel. “Siyempre,
ihahatid mo ako. Alas-otso, Andoy. Salamat!” Napangiti pa siya habang kumakaway
pa kay Andoy. Na-realize niyan si Andoy ay isang matapang na kape, pero tunay
na kaibigan. Siya ang tunay na kape, dahil gaano man ka-strong ang timpla niya,
hindi mo siya mailuluwa, hindi o siya mapahindian. Natural sa kape ang tapang
at pait. “Si Andoy, natural din ang tapang,” naisip niya. “Ngunit, gaano man
siya katapang, hindi umubra sa akin.”
Sa banyo, pinagmasdan ni Daniel
ang kanyang kahubdan. Sa loob ng halos isang buwang pamamalagi niya sa tahanan
ng kanyang tiyo, noon niya lamang nabigyang-pansin ang kanyang katawan.
Ikinatuwa niyang makita ang maganda at malaking pagbabago sa kanyang panlabas
na kaanyuan. Umitim siya, pero umumbok ang kanyang mga pisngi at dibdib. Ang
mga braso niya’y tila naghuhumiyaw sa laki. Naalala niya pa kung gaano niya kinatakutan
ang sarili, tuwing haharap sa salamin. Ngayon, kay sarap pagmasdan ang kanyang
repleksiyon. “Siguro naman, hindi na ako huhusgahang addict ni Uncle Menard.
Hindi na rin ako mapagkakamalang may tubercolosis sa mga kompanyang aapply-an
ko,” naisaloob niya.
Handang-handa na si Daniel nang
magpaalam siya sa kanyang tiyo, tiya, mga pinsan, at mga pamangkin. Saka naman
dumating si Andoy para sunduin siya.
Habang binabagtas ng tricycle ang
kahabaan ng kalsada patungo sa bus terminal, panay na ang kuwento ni Andoy.
Hindi naman iyon maunawaan ni Daniel, dahil hindi niya ito marinig. Panay na lamang
ang tango at sagot ng ‘aah’. Minsan, kapag tumatawa si Andoy, tumawa rin siya.
Nagkunwari na lamang siyang tumatawag para matigil na sa kakadaldal ang bagong
kaibigan.
“Hello, pauwi na ako. See you,
beh. I miss you, kayo ni Baby… Oo, mag-iingat ako. Bye!” aniya. Pagkatapos,
nag-text pa siya. Tunay na text. Sabi niya: “I miz u, beh!”
Nang nai-send na niya ang mensahe
niya kay Lorenzana, saka niya lamang naalala si Pamela. Agad niya rin itong
pinadalhan ng text message.
“WaT??? Kla k ba bkaS p? Bkt bGlaan?
UmiiWas kb?” reply ni Pamela.
Hindi na nakapag-reply si Daniel
dahil nakarating na siya sa terminal. Kailangan pa niyang bumili ng ticket.
“Alas-nuwebe y medya pa aalis,”
balita ni Daniel kay Andoy, pagkabili niya ng ticket. “Salamat, par. Baka papasada
ka pa…”
“Hindi na, minsan ka lang namang
kasing nandito. Hihintayin kitang makaalis.”
“Sige. Ikaw ang bahala.”
Tahimik na nagsindi ng sigarilyo
si Andoy. Inalok rin siya nito. Tumanggi siya. Mayamaya, lumayo siya sa
kaibigan dahil nalalanghap niya ang usok niyon. Umubo pa siya kunwari.
“Sori,” sabay tapon sa nangangalahati
pa lang na yosi. Pagkatapos, niyaya niya si Daniel sa kanyang nakaparadang
traysikel. Tumayo lang sila sa may harap
niyon. “Alam mo, dati, hindi naman ako nagyoyosi, e. Saka, itong mga tattoo ko,
pinagsisihan ko pa rin hanggang ngayon…”
Naging interesado si Daniel sa mga
tinuran ni Andoy. “Bakit ka nagyoyosi? Bakit ka nagpa-tattoo?”
Tumingin-tingin muna si Andoy sa
palibot. Siniguro niyang walang nakikinig. “Alam kong maganda rin ang asawa mo.
Bagay kayo. Par, kung hindi mo na itatanong, seloso ako, kasi maganda ang asawa
ko. Ayaw kong may ibang lalaking aali-aligid o kahit tumingin sa kanya…”
Nakamaang si Daniel. Hindi niya
alam kung konektado ang sagot niya sa yosi at tattoo. Tumango-tango na lamang
siya para ipagpatuloy ni Andoy ang kuwento.
“Pangit ako, Dan. Hindi kami bagay
ni Misis. Alam ko ‘yon,” patuloy ni Andoy.
Pinilit na itago ni Daniel ang
kanyang tawa. “Hindi mahalaga ang pisikal na kaanyuan sa pag-ibig, Andoy.
Parang kape at asukal. Hindi sila magkakulay. Hindi sila magkalasa, pero kapag
pinaghalo mo’t nilagyan ng tubig ay magiging isang masarap na inumin. Ang
kape’t asukal ay maaaring ikumpara sa inyong mag-asawa. Basta, mahal niyo ang
isa’t isa…”
Parang hindi pumasok sa utak ni
Andoy ang mga binitiwang salita ni Daniel. “para maagaw ng iba ang asawa ko,
nagpakasiga ako. Humihithit ng sigarilyo. Lumalaklak ng alak. Nagmumura.
Nagwawala. Naghuhurumentado. Nanghahamon. Nananakit. Lahat na lang yata ng
pananakot sa barangay natin, nagawa ko na…”
“Totoo bang nakapatay ka na?”
Natawa si Andoy. “Mukha lang akong
sanggano, Dandan, pero hindi ko magagawa ‘yon. Pero… pero, pasalamat na rin ako
dahil lumabas ang balitang ‘yan na nakapatay ako. Hindi ko na kaailangang takutin
pa sila.”
Saglit na natahimik si Daniel.
Hindi siya makapaniwalang may katulad ni Andoy. Akala niya’y matapang na kape
siya. Dinaya lang pala ang kanyang kulay. Gayunpaman, humanga siya sa kaibigan.
Tunay ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawa. Medyo may pagkamakasarili, pero
kung tutuusin, may pinagmumulan ang kanyang mga kinikilos. Hangad niyang huwag
naman sanang humantong sa masama ang labis niyang pagkaseloso.
“Seloso rin ako, Andoy. Ang
kaibahan lang, hindi ko ipinapakita. Oo, hindi mo nga rin ipinakikita sa iyong
asawa, pero ginagawa mo ang lahat para katakutan ka. Hanga ako sa‘yo. Astig!”
Nakipag-apir pa si Daniel sa kaibigan. “Basta, tandaan mo, lahat ng sobra,
masama na. Relax lang. Alam mong mahal ka niya. May mga anak kayo, ‘di ba?”
Tumango si Andoy.
“Yon! Mahal ka niya. Ang mga anak
niyo ang nagbibigay-lasa sa inyong kape, I mean, nagbibigay-kulay sa inyong
buhay. Sila ang nagdurugtong sa inyong dalawa.”
Narinig nilang nagtatawag na ang
konduktor ng bus na sasakyan ni Daniel, kaya nagpaalam na silang magkaibigan.
Pero bago iyon, hiningi ni Andoy ang cellphone number niya.
“Salamat, Dan. Sikretong malupit
natin ‘yon, ha?”
Natawa si Daniel. “Oo ba. Basta,
huwag mo akong pagseselosan, ha?”
“Gago!” Natawa rin ang selosong
siga.
---
---
Lumulukso ang puso ni Daniel
habang nasa biyahe. Hindi siya makatulog sa kakaisip at kakaplano. Buong-buo
ang loob niyang mapapabuti na niya ang buhay nilang mag-anak. Hindi man ganoon
kabilis, handa siyang magtiyaga upang maihiwalay niya ang kanyang mag-ina sa
puder ng kanyang mga biyenan at maitira sa kahit maliit na tirahan. Kaya ko
‘to, aniya.
Naglaro ang isip niya sa bagong
buhay na pinapangarap niya.
“Baby, what’s color is this?”
tanong ni daniel sa anak.
“Yed,” tugon ng anak.
“Red. Very good!” Napangiti si
Daniel.
“How about this one?”
“Byu!”
“Blue! That’s correct! Ang galing
ng baby namin!” sabi ni Lorenzana. Hinalik-halikan pa niya ang anak sa pisngi.
Palihim na napangiti si Daniel,
habang nakatanaw sa bintana ng bus. Malapit na silang makarating sa bus
terminal, kaya naghanda na siya. Nai-text na rin niya si Mommy Nimfa, na
nangako namang dadalo sa binyagan bukas.
Pasado alas-dose ng hatinggabi
nang makarating si Daniel sa tahanan ng kanyang mga biyenan. Hindi siya
nahirapang manggising dahil gising pa ang mga ito. Naghahanda kasi sila ng mga
rekados at lulutuin.
Pagkatapos niyang magbigay-galang
sa kanyang parents-in-law, pinuntahan naman niya sa kuwarto ang kanyang
mag-ina. Tulog na sina Lorenzana at Baby. Gusto sana niyang gisingin ang
mag-ina, ngunit mas pinili niyang pagmasdan na lamang ang dalawa.
Lumaki naman kahit paano si Baby,
sa paningin niya. Si Lorenzana, medyo pumayat. Naawa siya sa mag-ina. “Hayaan
niyo, malapit ko na kayong mabigyan ng magandang buhay,” sabi niya sa kanyang
isip.
Pagkuwa’y hinagkan niya ang noo ni
Baby. Umingit ito. Gumalaw. At nagmulat ng mga mata. Nagising na rin si
Lorenzana.
“Beh?” Mahigpit na niyakap niya
Lorenzana si Daniel. “Grabe ka! Sinosorpresa mo kami.” Itinayo niya si Baby, na
noon ay medyo nagtataka kung sino ang kaharap nila. “Si Papa, o. Papa, I miss
you!”
“I miss you, too, Baby.” Niyakap
ni Daniel si Baby. Mahigpit. “Ako, si Papa. Miss na miss ka na ni Papa.”
Tinitigan lamang siya ni Baby.
“Ayan, hindi ka nakilala ng anak
mo. Nangitim ka kasi. Pero, in fairness, beh… hmm… yummy ka ngayon,” biro ni
Lorenzana.
Napangiti at napasulyap si Daniel
sa may double deck kung saan natutulog ang mga kapatid ni Lorenzana. “May
pasalubong ako sa’yo… Hulaan mo kung ano.”
“Something sweet?”
“No.”
“Something long and hard?”
“Puwede. Puwede!”
Nagtawanan ang mag-aasawa. Tila
nakalimutan nila ang mga nagdaang pangyayari sa pagitan nila.
“Sleep ka na, Baby. Excited na ako
sa pasalubong ni Papa.”
Nagkuwentuhan ang mag-asawa nang
makatulog uli ang kanilang anak. Gaya ng dati, para silang magbarkada. Hindi
maubos-ubos ang kuwento nila sa isa’t isa.
“Nakaka-miss ang ganito, ‘no,
beh?” tanong ni Lorenzana, habang nakahiga at nakaunan siya sa dibdib ni
Daniel.
“Oo nga, e. Lately, hindi tayo
magkasundo. Madalas, hindi na tayo nagkukuwentuhan…”
“Sana lagi tayong ganito…”
“Sana nga, beh.”
“I miss you talaga…”
“I miss you, too.”
Naglapat ang kanilang mga labi.
Mabilis man, pero damang-dama nila ang pagmamahal sa pagitan niyon.
Kinabukasan, masiglang tumulong si
Daniel sa kanyang mga biyenan sa paghahanda ng mga putahe at pagkain, bago sila
tumungo sa simbahan.
Sa simbahan na niya naabutan sina
Mommy Nimfa, Donald at Ate Doreena. Mayamaya, nagsidatingan naman ang mga
kaibigan, kamag-anak at pamilya ni Lorenzana. Doon na rin niya na-meet ang
dalwang pares ng ninong at ninang na kinuha ng asawa niya.
Nairaos nang maayos ang binyagan
at handaan. Sumapat naman sa mga bisita at pamilya ang mga pagkain. Kaya naman,
walang mapagsidlan ng ligaya sina Daniel at Lorenzana.
“I hope, magiging healthy na si
Baby,” ani Daniel.
“I hope, too. Pangarap ko ring
mapagsarili na tayo,” sagot ni Lorenzana.
Hindi nagsalita si Daniel, subalit
ipinadama niya sa asawa ang kanyang determinasyon na ibigay iyon sa kanila. Mabilis
niyang niyakap si Lorenzana. Binulungan pa niya ito. “In God’s time, beh.”
Alas-kuwatro na ng hapon nang
magpalaam sina Mommy Nimfa.
“Salamat, mare! Sunod nito…
kasalan naman,” biro ni Mommy Nimfa. Nakatingin siya kina Daniel at Lorenzana,
na agad namang ikinapula ng pisngi ng mag-asawa.
“Ay, oo! Dapat na nga silang
makasal. Lumalaki na si Baby,” tugon naman ng ina ni Loenzana.
“Pagplanuhan natin ‘yan, mare… O,
paano? Tuloy na kami. Salamat uli.”
“Sige, mare. Ingat kayo!”
Nag-kiss muna sina Mommy Nimfa,
Ate Doreena at Donald kay Baby, bago tumalikod.
“By the way, Daniel, kailan ka
pupunta sa bahay?” tanong ng ina.
“Next week po siguro. Unahin ko po
muna ang job hunting.”
“Sure ka? Baka chicks hunting ang unahin
mo,” sarkastikong biro ni Doreena.
Napayuko na lamang si Lorenzana.
“Uy, hindi, a. Malas sa buhay ang ganyan.
Dapat family first,” depensa ni Daniel. Nakangiti pa rin siya, pero parang nasundot
ang ego niya, lalo na nang makita niyang natahimik at napalayo ang tingin ng asawa.
“Tama ‘yan, anak. Ang ganda-ganda pa
naman ng baby na ‘yan, o. Habang lumalaki, nagiging kamukha mo,” ani Mommy Nimfa.
Lumapit pa siya sa mag-ina. “Si Lorenz, dalaga pa ring tingnan o. Puwede na uling
masundan si Baby.”
“Naku, mare.. Mahirap ang buhay. Tama
na ang isa sa kanila. Saka na nila isipin ‘yon,” sabad naman ng babeng biyenan ni
Daniel.
“Sabagay… O, siya… tuloy na kami. Maraming
salamat! God bless everyone. Alagaan niyo si Baby nang maayos. Palakihin niyo siya
nang may takot sa Diyos at may respeto sa mga magulang at kapwa…”
Wala nang nagsalita pa, kaya nakaalis
na ang nanay at mga kapatid ni Daniel. Tila, pagod na pagod namang pumasok sa kuwarto
ang mag-anak. Noon lamang naramdaman ni Daniel ang antok at pakiramdam ng nag-iisa.
Gusto niyang umuwi sa kanyang ina, pero marami pa silang pag-uusapan ni Lorenzana.
Inunawa na lamang niya ang pananahimik nito.
“Thank you nga pala sa tita mo at sa
pamilya mo. Kung hindi dahil sa kanila, hindi natin mapabibinyagan si Baby,” aniya
nang nasa kuwarto na sila at natutulog na ang anak.
Tumango lang si Lorenzana.
“Bukas, aalis ako. Gusto kong kasunod
nito ang pagkamit natin ng magandang kinabukasan…”
“Goodluck, Daniel…” pakli ni Lorenzana.
Pagkatapos, lumabas siya upang tumulong sa pagliligpit sa kusina.
32
Napangiti si Daniel nang mabasa
niya ang nakasulat doon.
32
“Saan ka ngayon?” tanong ni Lorenzana, habang hinahalo
niya ang kapeng tinimpla para kay Daniel.
“Sa engineering office ng city hall. Diyan pala
nagtratrabaho ang schoolmate ko sa college. Si Sandy Ocampo.” Inabot niya ang
tasa ng kape mula sa asawa.
“O? Ayos ‘yan, beh.”
Nasilayan ni Daniel ang pinakamagandang ngiti mula sa
asawa. Matagal-tagal na panahon ding hindi niya iyon nasilip. “Oo. Sana maging
okay ang interview ko ngayon." Humigop siya ng kape.
“Sana…”
“Hmm… Ito na ang pinakamasarap na kapeng natikman ko sa
buong buhay ko, beh!”
“Wee? Bolero ka…” Nag-blush si Lorenzana, lalo na nang
hinapit ni Daniel ang baywang palapit sa kanya.
“Totoo nga. Ibang-iba ngayon ang lasa ng kape. Salamat!
Nakaka-inspire tuloy maghanap ng trabaho.”
“Siyempre… Masarap kasi ang pasalubong mo sa akin…”
Nagtawanan ang mag-asawa. Mabuti na lamang at walang
nakarinig na mga kasamahan nila sa bahay. Si Baby naman ay natutulog pa.
“Goodluck, beh,” masuyong paalam ni Lorenzana. “I claim
it. Maha-hire ka.”
“I agree. Kapag nangyari iyon, magagamit ko na rin
kahit paano ang course ko. Hindi na ako CW.”
“Anong CW?”
“Construction worker.”
Umirap si Lorenzana, samantalang halos mawalan ng
hininga si Daniel dahil sa katatawa.
“Hay, naku! Andami mong knows. Sige na. Larga na.
Galingan mo doon. Isipin mo si Baby.”
“Opo, mahal na reyna. Hindi lang mamahaling gatas ang
mabibili ko kapag may magandang trabaho na ako…”
“Ano pa? Bahay?”
“Hindi.”
“Ano nga?” maang ni Lorenzana.
“Ibibili kita ng maraming kape.”
“Corny! Uwian na. May nanalo na.”
“Serious ako. Masarap ang kape mo kanina? Ilang araw
mong pinag-aralan iyon?”
“Buwisit ka! Umalis ka na nga. Bye!” Mabilis na
hinalikan niya sa mga labi si Daniel, kasunod ang pagtunog ng kanyang hawak na
cellphone.
Nakita ni Daniel ang pag-aalangang sagutin ng asawa ang
tawag. “Sige na. Kiss mo ako kay Baby paggising niya. Bye! I love you, beh!”
Kumaway na lamang si Lorenzana at agad na pumasok sa
bahay.
Sa dyip, hindi maiwasang mapakinggan ni Daniel na
usapan ng dalawang babae.
“Ano ka ba, mars? Kung kaya ng mga lalaki, kaya rin
natin,” sabi ng isang ale, na may kulay ang buhok. “Ipakita mo sa kanya na kaya
mo rin ang ginagawa niya.”
“Oo, pero mas masakit iyon para sa kanya,” ani naman ng
isa, na medyo may edad kaysa sa isa.
“Naku! May gender equality na ngayon. Pare-pareho lang
ang dulot na sakit ng pagiging unfaithful.”
Alam niya ang pinupunto ng dalawa. Bumalik sa kanyang
alaala ang kagustuhan niyang iwanan si Lorenzana. Mabuti na lang, hindi niya
nagawa.
Pagbaba niya sa dyip at pagharap niya sa gusali ng city
hall, tila binati siya ng Diyos sa kanyang tagumpay. Kay ganda ng pakiramdam
niya. Kay saya ng paligid.
Humarap siya sa interviewer, pagkatapos nilang mag-usap
ni Sandy. Ginalingan niya ang pagsagot sa mga tanong. Sinigurado niyang
mai-impress ito.
“Starting tomorrow, you’ll be a part of engineering
office, Daniel.” Kinamayan pa siya ni Engr. Danquero.
“Thank you, Sir!”
“See you tomorrow.”
“See you, Sir!”
Maluha-luhang nagpasalamat si Daniel kay Sandy.
“Saka mo na ako ilibre ng kape,” biro ni Sandy.
“O, mahilig ka rin pala sa kape?”
“Oo. I can consume 8 cups of coffee a day.”
“What? Alam mo bang 1 to 6 cups a day lang ang
healthy?”
“Oo. I know. But, it’s my life. Kapag itinigil ko ang
pagkakape, it can kill me.”
Nagtawanan ang dalawa.
“O, siya, I gotta go. Bukas na tayo mag-bonding.
Salamat uli.”
“Welcome!”
Parang lumilipad si Daniel sa ligaya. Umuwi siyang punong-puno
ng pag-asa ang kanyang puso. Pakiramdam niya, tumaas ang tingin sa kanya ng
kanyang family-in-law, na actually ay hilaw pa. Hindi pa kasi sila kasal ni
Lorenzana. Naramdaman niya rin ang mainit na pagmamahal at pag-aasikaso ng
asawa. Inasam niya na magpatuloy na ang kanilang magandang relasyon, gayundin
ang kanyang trabaho.
Nang ibalita niya sa kanyang ina, siyempre, higit ang
kanyang ligayang nadama. Ani Mommy Nimfa, “Ang taong may pagmamahal sa pamilya
ay binibiyaan ng Panginoon. Ipagpatuloy mo lamang ang paggawa ng mabuti…”
Inspired si Daniel sa bawat araw niyang pagpasok, lalo
na kapag inihahatid siya ng kanyang mag-ina sa pagsakay sa dyip. Ang mga ngiti
lamang nila ay sapat na upang maging determinado siya sa pagtratrabaho. Hindi
niya rin ipinapakita kay Lorenzana na nahihirapan pa siya sa kanyang tasks sa
opisina. Alam niya kasing hindi pa siya nakakapag-adjust.
May panahon pa siya sa kanyang mag-ina. Nakakapaglaro
pa sila ni Baby at natuturuan pa niya ito.
Sa unang sahod ni Daniel, naibili niya ng mamahaling
gatas ang anak. Naipamili niya rin ang kanyang mag-ina ng kanilang mga
pangangailangan. Sa unang pagkakataon, malayang nakapili si Lorenzana ng mga
nais niyang bilhin sa grocery at department store. Nakapagbigay din siya ng
budget para sa bahay.
Lumipas ang mga araw at buwan, nag-iba ang buhay nila.
Sumagana sila. Nakakatulong na si Daniel sa kanyang mga in-laws, gayundin sa
kanyang ina at mga kapatid.
“Kuya, kape muna.” Inabot ni Donald ang isang tasa ng
mainit na kape.
“Salamat!” Inaamoy niya ang usok niyon, bago humigop.
“Sarap! Puwede ka nang mag-asawa.”
“Huwag mo muna akong inggitin, Kuya. Aral muna, ‘di ba,
sabi mo noon.”
“Siyempre, nagbibiro lang ako.”
Saglit na natahimik ang dalawa.
“Sorry nga pala doon sa mga nasabi ko sa’yo,” simula
uli ni Donald.
Tiningnan muna ni Daniel ang kapatid. “Okay lang ‘yon.
Kalimutan na natin ang nangyari. Mahal natin pare-pareho si Daddy. And, aminado
akong nagkamli ako. Kaya, heto ako… bumabawi.”
“Yes, Kuya… Kaya mo ‘yan. Proud na proud ako sa’yo.”
Nakipag-fist fight pa si Donald kay Daniel.
Alas-onse na ng gabi nang makauwi si Daniel mula sa
bahay ni Mommy Nimfa. Akala niya’y tulog na si Lorenzana. Gising pa pala. May
ka-text ito.
“Beh, akala ko’y hindi ka na uuwi at doon ka na manggagling
bukas sa pagpasok mo sa office?” gulat na bati ni Lorenzana.
“Hindi ko kayang hindi makatabi si Baby, e. Miss na
miss na rin siya ni Donald…”
“Asus!” Itinago niya ang cellphone sa ilalim ng unan.
“Kumain ka na, I’m sure.”
“Oo. Iba ang gusto kong kainin… sana.”
Kumurba ang mga ginuhitang kilay ni Lorenzana. “Hay,
naku, Daniel, tumigil ka. Pagod ako sa kaaalaga kay Baby. Matulog na tayo.”
Tumalikod na siya.
Walang nagawa si Daniel, kundi ang matulog.
---
---
“Pasensiya
ka na, Sandy, kung ngayon lang kita nai-treat,” ani Daniel sa kaibigan. Nasa
mamahaling coffee shop sila. “Alam mo naman… medyo nahirapan akong nagbayad ng
mga utang.”
“It’s
okay! No problem.”
Saglit
na natahimik ang dalawa. In-enjoy muna nila ang kani-kanilang malamig na kape.
“So,
naka-adjust ka na ngayon sa financial crisis mo?”
“Medyo.
Medyo gumaan na ang buhay namin. It’s a big help talaga.”
“That’s
great. I’m sure, ang kasunod niyan… kasalan,” biro ni Sandy. Lumabas ang
pagka-feminine nito.
Ngumiti
nang napakatamis si Daniel. “Oo. Pag-iipunan ko na. Kailangan, bago mag-aral si
Baby, kasal na kami.”
Umubo
kunwari si Sandy. “Best man ako, ha?”
“Siyempre
naman. Ikaw pa.” Nakipag-fist fight pa si Daniel.
Sobrang
saya si Daniel nang umuwi siya sa bahay ng kaniyang mga biyenan, pero napalitan
iyon ng labis na kalungkutan at kabiguan. Si Lorenzana ay isa na namang malamig
na kape. Ni hindi nga siya hinainan ng hapunan. Hinayaang na lamang siyang
kumain mag-isa dahil antok na raw siya.
Nang
makakain, nagpahinga lang siya at nag-half bath. Nais niyang humingi ng sorry
sa asawa. Alam niyang nagtatampo ito dahil hindi siya nakapagpaalam nang maaga
na lalabas sila ni Sandy.
“Beh,
ready na ako...” ani Daniel. Tumabi siya kay Lorenzana. Hinaplos niya ang braso
nito.
Suminghal
si Lorenzana.
”Sorry.
Biglaan ang lakad namin. Tumatanaw lang ako ng utang na loob.” Pagkatapos
niyon, lumayo siya sa asawa.
Hindi
naman siya agad na nakatulog. Naisip niyang maliit na bagay lamang ang
pagkakamali niya. Kung tututuusin, hindi dapat nagagalit si Lorenzana dahil
anumang ginhawa ang natatamasa nila ngayon, si Sandy ang dahilan niyon.
Pinalampas
ni Daniel ang panlalamig ni Lorenzana. Gayunpaman, patuloy siyang
nagpapakabuting ama at asawa. Iniwasan niya ang mga bagay na ikakagalit o
ikatatampo nito. Ngunit, isang gabi, aksidenteng nagising siya sa mahinang
tunog mula sa cellphone ng asawa. Kinuha niya ito at binasa ang mensahe. Isang
quotation mula sa isang kaibigan ang nabasa niya. Io-off na sana niya ang unit,
pero naisipan niyang magbukas pa ng ibang mensahe. Ang isang unnamed contact
number ang nakakuha ng atensiyon niya.
“I
love you, mahal. Good night,” sabi dito. Naisip niyang wrong send ito. Subalit
nang mabasa niya ang pangalan niya at nakumpirma niyang matagal na silang
nagte-text, naniniwala siyang may kalaguyo si Lorenzana.
Hindi
na niya naituloy ang pagbabasa. Ang dalawang mensahe lang ay sapat na upang
isuka niya asawa. Hindi na niya kayang malaman kung sino o kung paano o kung
bakit…
Isang
malakas na sampal ang tila natanggap niya. Pakiramdam niya ay unti-unting
nadudurog ang puso niya. Kasunod niyon ay ang pagguho ng mga pangarap niya para
sa kanilang tatlo.
Tumutulo
ang luha niya nang hagkan niya ang noo ni Baby. “Bukas, hindi mo na ako
masisilayan, anak. Patawad… patawarin mo ako. Patawarin mo ang iyong ina.
Pagdating ng panahon, mauunawaan mo rin ang lahat. Sana, huwag mo akong
kamuhian,” sabi niya sa kanyang isip.
Kung maririnig at mauunawaan lamang siya ng kanyang anak…
Kinabukasan,
maagang naligo si Daniel. Hindi na niya ininom ang kapeng itinimpla ni
Lorenzana para sa kanya.
“Nagmamadali
ako. Hindi ko maiinom ‘yan,” malamig niyang paalam sa asawa.
“A,
sige. Pero, bakit andami mong dala?” Nakita ni Lorenzana na may malaking
backpack si Daniel sa likod at may hawak pang maliit na maleta.
“Biglaan
din… May out-of-town ang engineering team.” Tumalikod na siya. Hindi na
hinintay pa ang sasabihin ni Lorenzana. Mas malamig na kape siya ngayon kaysa
sa asawa.
Pagtalikod
ni Daniel, narinig niyang umiyak si Baby, kaya agad na pumasok si Lorenzana.
Noon lamang tumulo ang mga luha niya. Hindi niya iyon ikinahiya habang
naglalakad siya patungo sa sakayan ng dyip.
Hindi
pumasok si Daniel sa opisina. Tumuloy siya sa bahay ni Mommy Nimfa. Doon ay
naabutan niya rin ang kanyang mga kapatid.
“Diyos
ko naman, anak? Bakit mo ginawa iyon?” mangiyak-ngiyak na tanong ng ina nang
sabihin niyang ikakasal na siya sa girlfriend niya.
“Paano
si Lorenzana? Akala ko naman, for good na ang relasyon ninyo.” Hindi malaman
kung natutuwa ba o nalulungkot si Doreena.
“Kuya,
paano na si Baby? Puwede bang kunin natin siya? Ako ang mag-aalaga,” pag-aalala
ni Donald.
Tiningnan
ni Daniel isa-isa ang tatlo. Lumunok siya ng laway. “Tanggap na niya. Tanggap
ko rin na hindi niya ibibigay si Baby. Inalis na niya ang karapatan ko bilang
ama. Kasalanan ko…”
Nagulat
at nahabag ang tatlo. Tumulo ang mga luha ni Mommy Nimfa. Nagpakatatag naman si
Daniel. Hindi pumatak ang mga luha niya. Pakiwari niya, wala na siyang
mailuluha.
Pagkatapos
ng mahabang paliwanagan, natanggap na ng tatlo ang nangyari. Pinayuhan nila si
Daniel at pinangakuang tatanggapin ang kasintahan niya nang buong-buo.
“Kailan
mo ipakikilala sa amin,” tanong ng ate. Kalmado na noon ang lahat.
“Wait
lang. “ Kinuha niya ang kanyang cellphone at kunwari ay itinext ang girlfriend.
Sa halip, si Lorenzana ang tinext niya.
“My
prblma b tyO?” isa sa mga text ni Lorenzana, na nabasa niya. Ang dalawa ay nagtatanong uli kung ano ang
problema. Ang pangatlo ay may kasamang, “D nman aq mnghu2la…”
Hindi
na nakatiis si Daniel. “Oo. Alam mo ‘yan. May mahal ka nang iba.”
Noong
una’y dineny ni Lorenzana ang paratang ni Daniel,pero nang sabihin niya na
nabasa niya ang mga text, umamin na ito. “Oo, mtgal n. Alm nga nla d2. Ayucn
ntn 2…”
Hindi
na napigilan ni Daniel ang pagpatak ng kanyang mga luha. Agad niya itong
pinahid at nag-text. “HnDi na. ikkasal n aq.”
Matagal
bago nakapag-reply si Lorenzana. Humihingi ito ng tawad, pero hindi na
nag-reply si Daniel. Para sa kanya, mas maiging siya ang lumabas na masama
kaysa ang asawa niya ang masiraan ng reputasyon. Nais niya ring itama nito ang
pagkakamali. Aniya, kung gusto niyang sumama sa lalaki niya, sumama siya. Pero,
hinding-hindi na sila maaaring magsama bilang mag-asawa at bilang isang
pamilya. Hindi lang basta lumamig ang kape, ang tasa mismo ay basag na. Hindi
na maaaring timplahan ng kape—mainit man o malamig. Sira na ang pangarap niyang
maging isang masayang pamilya.
“Mgppklyo-lyo
kmi. D mo n mkkkta ng ank mo.” Iyan ang huling text ni Lorenzana.
Nanlambot
ang kanyang mga tuhod, habang paakyat siya sa kuwarto. Hindi na niya nakayanan
ang sakit. Humagulhol siya sa restroom ng kuwarto ni Donald, habang malakas ang
buhos ng shower.
Hindi
alam ni Daniel kung kakayanin niyang hindi makita si Baby. Siya ang lakas niya.
Siya ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon. “O, Diyos ko, tulungan Mo ako,”
nasambit niya.
Kinabukasan,
pumasok na si Daniel sa opisina. Walang nakaalam sa nangyari, kahit si Sandy.
Ang dinahilan niya sa kanyang absent ay ang pagsakit ng kaniyang tiyan.
Hapon.
Hindi namalayan ni Daniel na patungo siya sa way ng bahay ng kanyang mga dating
hilaw na biyenan. Natawa siya sa kanyang sarili. Nakalimutan niyang hindi na
nga pala siya bahagi ng pamilyang iyon. Binasag na ni Lorenzana ang tasa ng
kape niya.
Matagal
din bago natanggap ni Daniel ang katotohanan. Kahit paano, unti-unti na niyang
nakakaya ang pagka-miss niya kay Baby. Tanging mga larawan lamang nito ang
nakakabawas ng kaniyang pagod at kirot. Gayunpaman, hinding-hindi mawawala sa
puso niya ang kaniyang nag-iisang anak. Samantala, si Lorenzana ay isa na
lamang nakaraan.
Isang
araw, dumaan siya sa Café Perry-Rina. Na-miss niya ang coffee shop na iyon.
Doon, nag-order siya ng black coffee. Gusto niyang sanayin ang sarili sa maitim
at mapait na kape.
Habang
iniinom ang mainit na kape, nakikinig siya sa spoken word poet na nagpe-perform
sa entablado. Natawa siya nang maalala na minsang bumigkas rin siya ng tula
doon.
“Sir,
excuse me po,” bati ng magandang dalagang crew. “Nais niyo po bang mag-perform?
Free na po ang order niyo.”
Kumurap-kurap
si Daniel nang magtama ang kanilang mga mata. Nabulol pa siya. “M-miss Nathalie…
kapag nag-perform ba ako at nagustuhan niyo, maaaari ba kitang i-date, instead
ng free coffee?”
“Po?”
Luminga-linga pa ang dalaga. “Sir, hindi ko po alam, e… Itata…”
“No.
I’m just kidding…”
Isang
matamis na ngiti ang ipinasilay ni Nathalie kay Daniel.
“One
thing is for sure, mapapadalas ako rito, Nathalie, I mean, Miss Nathalie… Ako
nga pala si Daniel. Can I order another cup of coffee?”
“Yes,
Daniel, I mean, Sir… Ano po ang preference niyo?”
Napapangiti
at nakatingin sa maamong mukha ng dalaga, habang kunwaring nag-iisip si Daniel.
“Natikman ko na ang mainit at malamig na kape. Mayroon ba kayong something new
to offer?”
Napakurba
ang mukha ni Miss Nathalie. “Something new?”
“Oo.
Ang kapeng hindi ako masasaktan at iiwan. Kapeng mamahalin ako. Ang kapeng
habambuhay kong makakasama. ”
“Hugutero
ka po, Sir…” Natawa si Nathalie. Tila kinilig pa ito. “Wait lang, isusulat ko.
Pagkatapos, iniwan niya kay Daniel ang menu book at ang kapirasong papel.
ReplyDeleteMy name is Mrs Ana Michael, the manager of GUARANTEE TRUST LOANS. Are you in need of urgent loan to pay off your debts, do you need a loan to improve your business, do you need a consolidation loan, mortgage or other purposes? Have you been rejected by banks and other financial institutions? Search no more because we are here to make all your financial problems a thing of the past!!! we give loans to companies, private entities and reliable individuals at a low and affordable interest rate of 2% for a fixed period of 1-20 years and a six months grace period before the start of the of the monthly installment. You can contact us via e-mail via:(anamichaelguarantytrustloans@gmail.com)
APPLICATION OF DATA
1) Name:
2) Country:
3) Address:
4) Gender:
5) Marital status:
6) Occupation:
7) Phone Number:
8) position in place of work:
9) monthly income:
10) Loan amount:
11) the duration of the loan:
12) Purpose of loan:
13) Date of Birth:
Thank you
Hyvä herra / rouva,
ReplyDeleteOlen rekisteröity yksityinen raha lainanantaja. Annamme lainoja auttaaksemme ihmisiä, yrityksiä, jotka tarvitsevat päivittää taloudellisen asemansa kaikkialla maailmassa. Hyvin vähäiset vuotuiset korot ovat alle 3% 1 - 10 vuoden takaisinmaksuaikana missä tahansa muualla maailmassa. Annamme lainoja 5 000 - 900 000 000 dollarin arvosta vain vain yhden maksun osalta, joka on rekisteröintimaksu, kun yritys maksaa kaikki muut maksut. Kaikki lainayhtiö, joka pyytää enemmän kuin yhden maksun, on huijaus ja varokaa kyseisestä yrityksestä . Lainamme ovat hyvin vakuutettuja, jotta maksimaalinen turvallisuus on meidän prioriteettiemme. Kiinnostuneiden tulee ottaa yhteyttä meihin sähköpostilla: frankqueens64@gmail.com tai mikä on +254751770591
Täytä alla oleva lainahakemuslomake
Etunimi. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ...
Toinen nimi. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Sukunimi. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ...
Tarvittava määrä. . . . . . . . . . . . . . . . . . ...
laina Kesto. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ...
kuukausitulot. . . . . . . . . . . . . . . . . . ...
Asuinosoite (ei P.O Box). . . . . . .
maassa asuva. . . . . . . . . . . . . . . . ..
Ikä. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Siviilisääty. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ..
Kansalaisuus. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ...
Kotipuhelin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Kännykkä. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ...
Jos et ole kiinnostunut ja sait tämän viestin, hyväksy anteeksi.
Älkää napsautat vastausta tähän sähköpostiin, sinun henkilökohtainen henkilötodistus tarvitaan tämän nopean siirron vuoksi. Kaikki vastaukset tulee toimittaa osoitteeseen
Sähköposti: frankqueens64@gmail.com tai mikä on +254751770591
Yhteyshenkilön nimi: Frank Queens
HUOM:
EI LÖYDÄ MITÄÄN DEPTIT JA RAHOITUS-ONGELMAT !!!
S.L.I PLC täällä näyttää sinulle paremman mahdollisuuden taloudelliseen vapauteen!
Ota yhteyttä tänään!