Followers

Tuesday, November 1, 2016

Mitsa

Ang buhay ay tila kandila--
May maiksi, may mahaba
Minsan malamlam,
Minsan maliwanag naman.
Pero, ang kakayahan ng mitsa
Ay limitado lang talaga--
Mauupos at mauupos
Habang luha'y bumubuhos.
Kaya, habang may sindi,
Maging masaya palagi.
Buhay man ay parang kandila,
Liwanag naman ang dulot sa kapwa.

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Setyembre 2026

  Setyembre  1, 2026 Ilang araw din akong nagigising nang late, kaya nang nagising ako bandang 3 am kanina, parang gusto ko pang bumalik s...