Followers

Thursday, May 10, 2018

Pandesal

"Kuya!" tawag ng binata sa matandang nagtitinda ng pandesal. Hindi na siya lumabas sa bahay dahil malapit lang naman sa kalsada.


Agad na pinaliko ng tindero ang kanyang bike.


"Pandesal po. Trenta," order ng binata.


Habang nagbibilang ang matanda, nagsasalita ito. "Malumbay ka. Kahapon, bumili ka rin sa akin, malungkot ang mukha mo. Bakit ayaw mong lumabas? Alam kong may nararamdaman ka. Magpaaraw ka."


Nauyam ang binata sa tinuran ng matanda. 


"Tumingin ka lang sa taas, humingi ka ng gabay sa Kanya," sabi pa nito. "Alam mo may kaibigan akong bata pa. May sakit..."


Akala ng binata, sasabihin ng matanda na gumaling ang sakit ng kaibigan nito dahil nagpapaaraw.


"Patay na siya ngayon," dugtong ng tindero.


Lalong napika ang binata sa madaldal na matanda. Kaya nang lumapit ito para iabot ang pandesal at kunin ang bayad, nagpaliwanag ang binata sa mababang boses. "Lumalabas naman ako oara magpaaraw. Hindi pa nga lang ngayon kasi kagigising ko lang."


"Kahit na."


Hindi na kumibo ang binata.


Pero nagsalita pang muli ang hukluban. "May kaibigan pa akong isa, namatay na rin."


Kumukulo na ang puso ng binata. "Ikaw na po ang kasunod. Last tinda mo na 'to." Pinagsarhan niya ng pinto ang matanda pagkatapos kunin ang sukli. 


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...