Followers
Sunday, March 22, 2020
Ang Aking Journal -- Marso 2020
Marso 1, 2020
Maaga akong gumising para maghanda sa pagsimba. Isinama ko ang mag-ina ko sa Elijah Christian Fellowship. Napaaga kami. Mabilis ng biyahe. Pero, okay lang dahil naging komportable kami, lalo na ang mag-ina ko.Sumakit lang ang bagang ko. Sobrang sakit niyon. Antagal bago nawala. Gusto kong maniwala na dahil sa FVP Lavender Oil kaya nawala ang sakit. Sana nga.Mabuti na lang nawala ang sakit bago nagsimula ang service. Naging ayos naman ang unang simba ng mag-ina ko. Naramdaman nila ang warm welcome ng mga members. Nanalo pa si Ion ng Jollibee GC. Then, kinausap sila ng isa sa mga pastor, habang kausap ko naman si Sir Jeff. Naipakilala ko ang First Vita Plus. Open-minded daw siya, kaya hindi na ako masyadong nahirapan.Pinaschedule ko siya kay Ma'am Rich. Sa Martes ng umaga siya pupuntahan para macheck up at makausap.Nahikayat ko siya dahil ililibre ko sa kanya ang isang box. Kung gusto niya akong bayaran, okay lang. Kung hindi, okay lang din. Ang mahalaga, gumaling siya. Gusto kong manumbalik sng dating sigla niya upang mas marami siyang magawang service para sa Diyos. Nakauwi kami bago magfive.Wala na halos akong time para magvlog dahil okupado na ng FVP. Okay lang naman. Ganoon talaga ang negosyo. Kailangang magsales talk. Mabuti nga ngayon, may teknolohiya na. Mabilis na lang ang marketing.
Marso 2, 2020
Nagdilig lang ako nang halaman, habang nagtuturo si Sir Ram sa mga klase ko. Hayahay ang buhay. Hindi tulad noong si Ma'am Jade ang intern ko. Twice lang yata siya nagturo.Anyways, pumunta ako sa CUP bago mag-alas-dos. Nakasalubong ko agad sinDr. Ramos at nakilala niya ako. Pinapunta niya ako agad kay Dr. Rivas. Kami na raw ang mag-usap. Natuwa ako dahil makakatipid ako. Hindi ko na siya pasasalubungan nang pasasalubungan tuwing kakausapin ko siya o tuwing may ipapasa ako.Nakausap ko rin kaagad si Dr. Rivas. Magpapalit kami ng title. Parang mababalewala ang survey ko. Anyways, susundin ko siya para lang makatapos ako. Kakayanin ko.Past 4:30, nagwork out ako. Shoulders at back ang tinira ko.Past seven na ako nakauwi. Pagod na pagod ako. Okay lang sana, kaya lang masakit na naman ang bagang ko. Nakakainis.
Marso 3, 2020
Nagdilig ako ng mga halaman na nasa garden at pasilyo. Then, tumulong ako sa pagletter cut ng ipapandekorasyon namin sa surprise birthday celebration namin kay Sir Vic. Habang ginagawa iyon, masakit ang bagang ko.Nainis ako sa ngayong araw dahil sa mga pasaway na magulang at estudyante. May ayaw magtagal sa school dahil may trabaho. Kung kailan ko ipinatawag, saka naman parang sinusunog ang puwet. Ikalawa, ang mga nakumpiska kong cellphone. Naiinis ako kasi imbes na libro ang hawak, gadget. Napagsalitaan ko tuloy ang isang magulang na pumunta para iclaim ang cellphone ng anak. Hindi raw niya alam na dinala nito.Gayunpaman, masaya ako ngayong araw dahil matagumpay ang team namin na mapabili ng First Vita Plus products si Brother Jeff. Tiyak akong magiging dealer ito.Umuwi ako agad para harapin ang thesis at periodic test. Nangangarag na ako.
Marso 4, 2020
Nawala na ang sakit ng bagang ko, kaya komportable na ako.Natuloy na ang pag-aayos ng mga magulang bully at binully. Nasabi ko namang lahat ang mga nais kong sabihin.Then, may dumating na namang magulang upang ireklamo ang estudyante kong nagbanta sa kanyang anak. Naayos din naman agad.Pagkatapos niyon, ginabayan ko si Sir Ram sa pagsulat niya ng lesson plan para sa demo niya sa Martes. Mabilis at maganda siyang imentor.Nagwork out bandang 4:30. Natagalan ako sa kahihintay ng bus, kaya late na ako nakauwi. Hindi ko tuloy natapos ang paggawa ng periodic test. Kinailangan ko pang magchat para sa negosyo.
Marso 5, 2020
Malala na talaga ang kademonyuhan ng VI-Love. Lahat kaming advisers ay nagsasabing worst sila. Hindi ko nga napigilang murahin sila. Nagalit din sa kanila si Ma'am Madz.Nariniga pa tuloy ng nurse ang kabalahuraan ko. Kako, "Hindi tinatablan ng purga ang mga demonyo."Nagawa ko ring tulungan si Sir Ram sa pag-edit ng lesson plan niya kahit maingay at magulo sa paligid. Idagdag pa ang pagdating ng problemadong magulang ni Aya, na isa ring pasaway sa klase.After class, pinasama ako ni Ma'am Vi sa kanila ni Ma'am Madz pupunta sa BFS RCBC Tower sa BGC Taguig. Nakarating na ako roon last year. Doon nakikipagtransact si Ma'am tungkol sa nabili niyang foreclosed properties.Nagkuwentuhan kami habang naghihintay. Nalaman ko tuloy ang sistema. Magandang investment nga iyon. Nainspire ako sa mga kuwento niya. Mabuti na lang nagtanong ako. Gusto ko ring mag-invest. Gusto kong magkaroon ng paupahang bahay.Past 5:30 na ako nakauwi sa bahay. Agad akong naghanda ng mga school report. Kaya lang, hindi ko naprint. Natuluyan na yata ang laptop ko.
Marso 6, 2020
Nagkabit kami ng letter-cuttings at balloons para sa birthday ni Sir Vic. Nakatakda ngayong araw ang salusalo, pero bago iyon, nakausap ko sa Guidance's Office ang tatay ng estudyante kong inuwi sa Quezon. Pinadlahan namin ng request form para sa Form 137.Pagbalik ko sa classroom, nahighblood ako sa inabutan ko. Ang gulo ng klase ko. Inalimura ko sila. Narinig pa tuloy ni Ma'am Mercy.Iyon na ang huli kong pagalit.Mabuti, nakakain ako nang husto. Hindi pa rin sila ang mood ko.Hindi ko nga lang talaga kayang itake ang mga ugali ng VI-Love. Walang disiplina. Walang respeto. Manhid. Pekeng plastic.After workout, umuwi agad ako.Isang good news ang natanggap ko mula kay Ma'am Nhanie. Ready na kasi ng royalty fee namin sa publishing. Ang kaso, hindi siya puwede kasi nasa NSPC siya. Sa March 17 na lang daw. Half-disappointed ako and half-thankful. Thankful ako kasi, sa wakas, natatanggap ko na ang kauna-unahang royalty ko sa tagal ko bilang writer.
Marso 7, 2020
Mas nauna pa akong nagising kaysa sa mag-ina. Before 4, mulat na ako. Ginising ko na si Emily para maghanda sa pag-alis ni Zillion. May field trip sila. Binigyan ko na lang din siya ng P1000 para masamahan ang anak namin. Kawawa naman kung hindi man lang mapiktyuran.Natulog uli ako pag-alis nila. Past 7:30 na ako bumangon para mag-almusal. Pagkatapos magpahinga, nagbanlaw ako ng mga winashing niya kahapon. Tinapos ko rin ng mga de-kolor.Isiningit-singit ko ang paglilinis sa kuwarto at hagdan. Nagtanggal lang ako ng alikabok.Past 10 na ako natapos. Then, after magdilig at magpaligo sa aso, sinubukan ko uling buksan ng laptop ko. Wala na talaga! Ayaw nang magpower on. Natuluyan na. Paano na kaya ng thesis ko?!After lunch, gumawa ako ng vlog tungkol sa pagdedealer sa First Vita Plus. Gabi ko na iyon naipost. Nagdeliver kasi ako ng halamang binenta ko---dalawang Globe Amaranth. Natagalan ako sa kahahanap ng bahay niyon. Iyon pala, nakita ko na. Bumalik tuloy ako.Past 11 na dumating ang mag-ina ko. Hindi na ko nakipagkuwentuhan sa kanila. Antok na rin ako.
Marso 8, 2020
Past 8:30 nasa biyahe na ako patungo sa Elijah Christian Fellowship. Before 10:30 naroon na ako.Medyo nailang na naman ako. Mabuti na lang, nagsimula agad ang service. Hinanap nga nila ang mag-ina ko.Kinausap ko sandali si Sir Jeff bago ako naglunch sa third floor, kasama ang ibang church member, like Sister Tina.Nakakuwentuhan ko siya kahit paano bago ako nagpaalam na umuwi.Sa GES ako dumiretso. Nagdilig ako roon ng mga halaman. May sisiw na ang pugad sa hanging plant ko. Noong Friday, itlog pa lang iyon. Natuwa ako. Kinuhaan ko pa ng video para sa vlog ko.After niyon, nagsulat akong details sa Form 137. Natapos ko naman kaagad kaya sa PITX na ako tumambay. Nagmeryenda ako ng burger at fries doon saka nag-FB bago umuwi.Six na ako nauwi. Pagod na pagod ako dahil sa init, pero hindi naman ako iritable. Maayos naman akong nakitungo sa aking mag-ina.
Marso 9, 2020
Mag-aalas-9 na ako nakarating sa school. Natrapik ako. Kapag talaga may araw na akong nakakalabas sa bahay, 3 hours ang biyahe. Although flexitime naman kami ngayon kasi walang klase ang mga estudyante, feeling ko, late pa rin ako. Naroon na nga ang mga kasamahan ko.Nagmop ako sa classroom ko. Hindi ko na nga lang naisaayos o naibalik ang mga upuan. Nakakapagod kasi. Sobrang init.Past 12, umalis na ako sa school. After maglunch sa karinderyang malapit doon, pumunta na ako sa PITX para umidlip. Kahit paano, nakaidlip ako. Past 2:30 na ako nakapag-chest workout.Maaga rin akong nakauwi. Ako na nga ng nagdilig ng mga halaman.
Marso 10, 2020
Maagang umalis ng mag-ina ko para dumalo sa training ng First Vita Plus, kung saan speaker si Ma'am Rich. Natulog uli ako. Up-to-sawa. Napuyat kasi ako kagabi.Before 10:30, nasa school na ako. Kakaunti lang kami roon. Nagkuwentuhan lang habang naghihintay na makompleto ang 3 hours. Nakapagdilig din ako ng mga halaman, na siyang pinakasadya ko roon.Past one, kumain kami nina Papang, Ate Bel, at Gracia sa Car Wash. Nagkuwentuhan din kami habang nagbabanana con yelo. Before 4, umalis na ako sa GES.Nag-internet muna ako sa PITX bago nagworkout. Past 7 na ako nakabiyahe pauwi. Wala pa sina Emily. Past 8 na iyon. Nakapagdilig na ako ng mga halaman, nang dumating sila. Tuwang-tuwa ai Emily sa unang income niya sa negosyo namin.
Marso 11, 2020
Nagpalate ako ng gising dahil late na ako natulog kagabi. Ang sarap humilata.Habang nag-aalmusal kami, may good news na dumating sa amin. Bibili uli ng tatlong sachets ang kachoir ni Emily na si Vince. Epektibo sa kanyang UTI ang Melon Gold, kaya itutuloy-tuloy na raw niya. Isa siya sa mga prospects kong isama sa Sizzle.Naggardening ako pagkatapos mag-almusal. Napaganda ko ang harapan namin. Inilipat ko ang mga halaman. Pinagsama-sama ko ang mga halamang pambenta.Past two, dumating si Ma'am Jenny para turuan kami sa business. Past six na siya nakauwi. Sa kanya naubos ng oras namin. Okay lang naman. Para naman kasi iyon sa negosyo namin.
Marso 12, 2020
Past 12, bumiyahe ako patungo sa school para magdilig ng mga halaman ko roon.Nagworkout na rin ako pagkatapos. Mga 8 na ako nakauwi. Natulungan ko pa ang kaklase ko sa thesis, na gawin ang tally sheet niya.
Marso 13, 2020
Masakit pala sa katawan ang late na paggising. Magnanine o'clock na kasi ako bumangon. Parang hindi ako sanay. Anyways, nag-stay lang kami sa bahay maghapon. Nag-FVP si Emily. Ako naman, nagluto, nagdilig, nagsulat, at umidlip.Kahit mainit sa kuwarto ko, nakatulog pa rin ako. Binuksan ko lang amg mga bintana. Siyempre, may electric fan.Gabi, nanood kami ng Lion King. Ang ganda! Then, nagplay ako ng karaoke. Ang sarap kumanta kahit walang mic.
Marso 14, 2020
Past 8, bumiyahe ako patungo sa Pasay para sa advanced birthday celebration ni Ma'am Edith. Tatlo lang kami. Si Ma'am Joan at ako lang ang nakarating. May sakit si Papang. May lakad si Ma'am Bel. Hindi nagreply si Ma'am Divine. Okay lang naman. Masaya naman kaming kumain sa Mang Inasal.Pagkatapos kumain, pumunta kami sa GES. Kinuha nila ang mga printer nila. Ako naman, kinuha ko ang mga Forms137 at 138.Then, sumama ako sa bahay ni Ma'am Joan para magcopy ng mga movies. Mga isang oras o mahigit din akong naghintay para sa pagkopya.Umuwi agad ako pagkatapos. Mga past 4 na ako nakauwi. Nanood agad ako ng pelikula.Bago natulog, nanood din kami. Past 11 na kami nakaakyat para matulog. Ang sarap pala ng may community quarantine. Lolz.
Marso 15, 2020
Hindi kami nagsimba para makaiwas sa CoViD-19. Nanood na lang kami ng pelikula.Hapon, nahighblood ako sa magulang ng dati kong estudyante na si Stephen, na kapatid ng nagchat sa akin ng common sense na tanong. Feeling ko inaaway niya ako, kaya pinagsalitaan ko siya. Pagkatapos niyon, blinock ko silang mag-ina.Nakapagpost tuloy ako at nakapaglabas ng saloobin. Wala naman kasing sintido-kumon. Parang hindi nanood ng balita. Parang sanggol na walang muwang sa nangyayari sa paligid. Kailangan pa bang itanong kung may pasok bukas? Susme! Ngpapanic na ang iba, sila naman, pagpasok pa ang mahalaga. May order na ng community quarantine, exam pa ang mahalaga. Noong may pasok, ayaw magsipasok. Ayaw pahalagahan ng edukasyon. Ngayon may epidemic, kay sisipag na. Leche! Nakakanginig ng laman!Mabuti na lang, nagchat si Ma'am Joann. Napag-usapan namin ang tungkol sa royalty fee. Kinilig akong bigla. Nawala ang high blood ko.
Marso 16, 2020
Samot-saring reaksiyon ang inabot ng pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng Community Quarantine sa Metro Manila. Nakita ko naman sa Facebook at balita na nahirapan nga ang mga commuters. Mas lalong humaba ang trapiko. Mas lalong nagkaroon ng mass gathering dahil sa tagal at bagal ng pagkuha ng temperature at paghahanap ng ID.Nainis ako nang sobra. Gayunpaman, naaliw lang ako dahil nagfood trip kaming mag-anak. Nanood ako ng Netflix series. At pagsapit ng gabi, nainis na naman ako dahil nagdeklara na naman ang pangulo ng Enhanced Community Quarantine, kung saan bawal na ang mass transporation. Bukas pa naman ang schedule ng pagkuha namin ng royalty fee sa St. Bernadette Publishing. Antagal kong hinintay iyon, pero napurnada na naman. Ayaw pa naman ni Ma'am Nhanie na makipagsapalaran. Takot siya. Game pa namn sana kaming bumiyahe ni Ma'am Joann, anoman ang mangyari.Wala kaming nagawa.Disappointed ako. Akala ko pa naman, makakahawak na ako ng malaking pera. Kailangan ko pa namang bumili ng laptop.
Marso 17, 2020
Masaya naman akong bumangon kahit disppointed kagabi. Kinukuha na ni Ma'am Nhanie ang bank account number namin. Pumayag na ang publishing na ideposit na lang ang royalty fee namin. Bago ako bumangon, naisend ko na.Before 10, pumunta na ako sa banko para magwithdraw. Advanced ang sahod namin.Ipinalit ko na rin sa Securiy Bank ang dalawang tseke ko sa First Vita Plus.Pagdating ko, nagfood trip kami. Nanood kami ng pelikula. Hapon, nagkaraoke kami.Ang sarap talaga ang nakaquarantine.
Marso18, 2020
Napasarap ang tulog ko. Masarap din ang gising ko, kaya maghapon akong masaya. Nakagawa ako ng mga forms. Nakapagmovie marathon. Nagfood trip kaming mag-anak. Wala nga lang tulog sa hapon. Okay lang naman. Safe naman kmi.Lumabas man ang mag-ina ko bandang hapon, I know, safe pa rin sila. Pinaghugas ko agad ng kamay pagdating.Nawindang lang kami sa announcement na may isang positibo na taga-Tanza. Mas kailangan pa naming maging maingat. Babawasan na ang paglabas. Sana lang mas tumagal pa ang stock naming pagkain.Bumili na lang sa online ng mga kailangan.
Marso 19, 2020
Pagbangon ko para mag-almusal, nalungkot ako. Walang almusal. Hindi pa rin nag-almusal ng mag-ina ko dahil wala na kaming stock. Wala na ring nagtitinda sa online. Ayaw na ring magdeliver ng iba dahil sa takot sa CoViD.Nagkape na lang ako. Eleven na nang magutom ako, kaya nagbrunch ako. Mabuti may natirang ulam kagabi. Pagkatapos, nagluto agad ako. Then, umidlip ako pagkatapos magluto. Paggising ko, saka ako naglate lunch.Nanood uli kami ng pelikula. Ang ganda. Giyera. Meryenda. Biscuits lang at saka kape. Pagkatapos magmeryenda, ako na ang lumabas para mamalengke. Marami naman palang tao sa labas. Parang normal na araw lang. Ang pinagkaiba lang, may mga suot na face mask ng karamihan.Natatakot din naman ako kahit paano. Ayaw kong mahawaan kaya nag-ingat ako. Naghugas agad ako pagdating.Wala pa ring balita tungkol sa royalty fee. Naiinip na kami ni Ma'am Joann. Gusto na niyang makatulong sa iba--sa mga kamag-anak at mga frontliners. Ako naman, gusto kong mapaoperahan si Mama.
Marso 20, 2020
Gardening ang ginawa ko pagkatapos mag-almusal. Tinulungan ko ring magsampay si Emily.After lunch, umidlip kami. Hindi nga lang makaidlip nang maigi dahil maingay si Zillion. Nagluto na lang ako ng camote que. Nanood na lang kami ni Emily ng pelikula pagkatapos magmeryenda. Nanood uli kami ng dalawa pang pelikula pagkatapos ng balita. Magkakarugtong pala ang napanood namin. Nauna lang ang dapat huli. At nahuli ang dapat na nauna.Ang ganda! Worth it ang pagpupuyat ko.
Marso 21, 2020
Hindi ako nanood ng pelikula ngayon, maliban sa pelikula sa ABS-CBN. Hindi na kasi magaganda ang natitirang pelikula na nilagay sa flash drive ko ni Kuya Allan. At halos, napanood na naming lahat. Ang haba pa ng ECQ. Wala pa sa kalahating buwan.Nagsulat na lang ako. Umaga, natapos ko ang isang chapter ng nobela ko. Gabi, nasimulan mo ang karugtong na chapter. Hindi ko nga lang maharap-harap kasi kailangan kong magluto. Magdilig. Umidlip. Namalengke rin ako bago mag-4 PM. Past five na ako nakauwi. Kahit paano, nakapamili ako ng pantatlong araw. Walang mabiling isdang sariwa. Gulay at karne na lang ang binili ko. Nakakapraning itong CoViD Outbreak. Apektado na ang pamumuhay ng bawat tao. Sana matapos na ito bago pa mag-isang buwan. Ang hirap, e. Kailangan pang may ECQ pass para payagang makalabas sa subdivision. Parang wala nang kalayaan.
Marso 22, 2020
Pagkatapos naming mag-almusal, nagdisinfect ako ng kuwarto ko. Pinunasan ko ang sliding window. Nagpunas na rin ako sa hagdanan.
Then, hinarap ko naman ang paggawa ng grades. Natapos iyon mananghalian. Si Emily na ang pinagluto ko.
Ngayong araw, nakagawa ako ng tatlong vlogs. Ang dalawa roon ay reading aloud ng mga kuwento ni Ma'am Joann. Nakatatlo na akong kuwento niya. Bukas naman ng isa pa. Nagawa ko ring vlog ang Solar System song na nirecord ni Zillion.
Past 5:30, nagcut ako ng mga dahon ng mga balete bonsai ko. Kahit paano, napaganda ko ang mga iyon.
Hindi ako naiinip sa ECQ. Mas marami pa nga akong gustong gawin. Pero, hindi ko naman gustong lumala ang outbreak ng CoViD-19. Gusto kong matapos na kaagad ito. Napakaraming nahihirapan.
Marso 23, 2020
Medyo nahihirapan akong matulog nang mahimbing. Kagabi nga, parang hindi naman ako natulog. Pabaling-baling ako, pero andami kong panaginip. Paggising ko, parang pagod na pagod ako.
Gayunpaman, nauna pa rin akong bumangon kaysa kay Emily. Mabuti pa siya, nagagawa niyang matulog nang matagal kahit halos pareho naman kami ng oras ng tulog.
Hindi naman ako nangangamba sa health ko. May FVP kaya ako. Then, hindi ako stress, gaya noong may klase at araw-araw akong bumibiyahe.
Maaga akong naglito ng lunch upang magawa ko nang maaga ang mga forms. Naienter ko na ang mga grades ng pupils ko sa LIS. Sa Form 137 na lang ang problema mo, lalo na sa original copies. Ilang araw pa, tapos ko na halos, maliban sa iilang problema ko, like tranferrees at nawawalang forms.
Ngayong araw, naadik kami ni Emily aa series na "Lacasa de Papel" o "Money Heist." Inabot nga kami ng past 11 ng gabi sa kanood. Balita lang ang pinanood naman sa TV. Haist! Sana mas marami pang series at movies kaming mapanood.
Nakapagsulat din uli ako ngayong araw. Nakapagvlog din ako. Natapos ko na lahat ng kuwento ni Ma'am Joann.
Bukas, baka makapagsulat ako ng kuwentong pambata. Nainspire ako ni Zillion. Nagsulat siya kanina ng kuwento, after niyang buklatin ang comics.
Marso 24, 2020
Hindi ko na binibilang kung ilang araw na ang lumipas, simula nang ideklara ng Pangulo ang (Enhanced) Community Quarantine dahil sa CoViD-19 Pandemic. Basta ineenjoy ko na lang ang bawat paggising at ang bawat maghapon. Ginagawa ko ang Form 137. Nagagardening ako. Nagluluto ng pagkain namin. Nanonood kami ng Netflix series.
Sa ngayon, thankful ako dahil hindi ko ramdam ang nararamdaman at nararanasan ng iba, na kailangan pang kumahig para may makain. Thanks, God, I'm a teacher. May sahod ako kahit walang asok. Kaya kong iprovide ng pangangailangan naming mag-anak.
Gayunpaman, hinihiling ko sa Diyos na maging normal na ng lahat. Marami nang natutuhan ang mga tao sa pangyayaring ito. Kapag normal na uli ang sitwasyon, sana iwasan nang maulit ito. Magbago na.
Dahil din sa pangyayaring ito, nanumbalik ng pagiging movie fan ko. Naalala ko dati... Kailangan pang magbayad para lang makapanood ng Betamax. Kailangan ko pang magbenta ng niyog o bataw o kung ano-ano para may pambayad at pambili ng kutkutin sa loob.
Eleven-thirty na. Katatapos lang naming manood ng 'Lacasa de Papel.' Nakakaadik. Nakakasabik.
Marso 25, 2020
Hindi muna ako gumawa ng Form 137. Mahaba pa naman ng ECQ. Naadik ako sa 'La Casa de Papel,' gayundin si Emily. Tinapos namin ngayong araw. Nasimulan namin ang Part 2.
Then, gabi, naidraft ko ang kuwentong pambata na 'Si Niknok, Tiktok nang Tiktok.' Hindi ko natapos itype, after kong mai-rough draft kasi nanood kami uli ng 'Money Heist.'
Marso 26, 2020
Hapon na kami nakapanood ng 'La Casa de Papel Season 2' kasi namalengke ako bandang 10 am. Nagdilig ng halaman pagdating ko. Nagluto. Naligo. At nagsulat sa Form 137.
Naiinis lang ako kasi andaming nawawalang original copies ng F137. Ang hinala ko, nakay Sir Vic o ibang sports trainer. Puro kasi athlete ang may-ari ng mga nawawala.
Nakakainis talaga kapag nagkakaproblema ko sa forms. Hassle.
Anyways, feeling fulfilled ako ngayong araw. Nakapagluto ako ng ginatang halo-halo para sa meryenda at nakapagsulat ako ng draft ng isa na namang kuwentong pambata. Dalawa nga lang ang hindi ko nagawa--ang gumawa ng vlog at mag-update ng wattpad story.
Bukas, maglalaba ako ng mga damit ko. Sisikapin ko ring magawa ang mga hindi ko nagawa ngayon.
Tuloy pa rin ang paglobo ng bilang ng mga positibo sa CoViD-19, gayundin ang PUMs at PUIs. Patuloy rin kaming nag-iingat at umaasang malalampasan ng bawat isa ng pandemic na ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment