Followers

Saturday, June 27, 2020

Panayam

Panayam sa Isang Guro


Randolf: Magandang araw po sa inyo, Gng. Gomez! Kumusta po kayo?

Gng. Gomez: Magandang umaga rin sa iyo! Mabuti naman ako. 

Randolf: Ilang taon na po kayong nagtuturo?

Gng. Gomez: Siyam na taon na akong nagtuturo.

Randolf: Ano po ang mga bagay na nag-udyok sa inyo para maging isang guro at magbigay-serbisyo sa mga kabataan?

Gng. Gomez: Pinag-aral ako ng tiyo ko ng Education pagkatapos niyang makita ang potential kong maging guro. Mahilig kasi akong magturong magbasa sa mga pamangkin ko.

Randolf: Sa pagiging isang guro, ano po ang mga magagandang karanasang inyong nadaanan?

Gng. Gomez: Bawat araw ng isang guro ay magandang karanasan, pero ilan sa hindi ko makakalimutang karanasan ay noong nakita kong marami akong nabigyan ng inspirasyon para mag-aral at nahipo ko ang mga puso nila na mag-aral nang mabuti.

Randolf: Nagkaroon po ba kayo ng mga suliranin o problema sa inyong piniling propesyon?

Gng. Gomez: Opo! Minsan, gusto ko nang sumuko at magpalit ng bagong propesyon dahil sa kawalang-disiplina ng mga estudyante. Nakakapagod! Ngunit, heto pa rin ako—patuloy na umaaasang mapagbabago ko ang mga kabataang daraan sa buhay ko.

Randolf: Para maging isang mabuting guro, ano po ang mga katangiang dapat taglayin?

Gng. Gomez: Lahat ng mabubuting katangian ng tao ay dapat taglayin ng isang guro, subalit may isang mabuting katangian ang hindi dapat mawala sa kanya. Ito ay pagkakaroon ng puso sa kanyang ginagawa. Ang pagtuturo ay hindi lamang pagsasalin ng kaalaman kundi pagsasalin ng magandang buhay. Magagawa lamang iyon kapag ang guro ay may puso sa kanyang mga mag-aaral.

Randolf: Nais ninyo pa po bang manatili sa ganitong propesyon hanggang pagtanda ninyo? Ano po ang mga nagpapalakas ng loob ninyo para ipagpatuloy ang pagbibigay-kaalaman sa kabataan?

Gng. Gomez: Opo! Ito na ang propesyon ko hanggang sa aking pagtanda. Pinalalakas ang loob kong magbigay-kaalaman ng kagustuhan ng mga mag-aaral na matuto sila sa asignatura at sa mga praktikal na pamumuhay na aking itinuturo. Kapag hindi ko na makita ang kanilang interes, hihinto na ako.

Randolf: bilang isang guro, ano po ang inyong mga tungkulin sa bayan?

Gng. Gomez: Bilang guro, tungkulin kong dalhin ang bawat kabataan sa buhay na maginhawa at matagumpay. Magagawa ko lamang iyon kapag naturuan ko sila ng mga kaalaman, kagandahang-asal, at kasanayan.

Randolf: Bago po matapos ang ating panayam, ano po ang gusto ninyong imensahe sa mga kabataan?

Gng. Gomez: Sa mga kabataan, patuloy nilang pangarapin ang maningning na bukas. Piliin nila ang mabubuting gawain. Mag-aral nang mabuti. Magkaroon ng respeto at disiplina. 

Randolf: Maraming salamat po, Gng. Gomez, sa pagpapaunlak ninyo sa panayam na ito! Marami po akong natutuhan at tiyak akong marami pang magkakaroon ng inspirasyon dahil sa inyo at dahil dito.

Gng. Gomez: Walang anuman!

Friday, June 26, 2020

Mga Bulaklak para kay Quennie

Alagang-alaga ni Lolo Tasyo ang mga halaman niya sa kanyang hardin. Umaga at hapon, binibisita at dinidiligan niya ang mga ito. Kaya naman, halos wala nang mapaminsalang insekto ang nakakapanira ang mga dahon at bulaklak. Tanging mga bubuyog at makukulay na paruparo ang bumibisita rito.

Madalas ding kinakausap ni Lolo Tasyo ang mga ito. Gayunpaman, lahat ng mga kapitbahay ay humahanga sa ganda ng hardin niya.

Isang hapon, nakadungaw si Lolo Tasyo sa bintana. Tinatanaw niya ang masasayang bulaklak sa kanyang hardin.

Hindi nagtagal, may mga batang babae ang pumitas ng mga bulaklak. Gusto sana niyang sawayin sina Mimay, Joy-joy, Laleng, Manilyn, at isa pa.

Noon niya lamang nakita ang batang iyon. Siya ang pinakamaliit sa lima. Ang buhok niya ang pinakakaiba. Malungkot ang kanyang mga mata.

"Ayan, Quennie, ang ganda-ganda mo na!" bulalas ni Manilyn nang mailagay nito ang bulaklak sa tainga ng bata.

"Quennie pala ang pangalan niya," bulong ni Lolo Tasyo. "Kay ganda ng pangalan niya. Bagay na bagay sa kanya." Nawala ang inis niya nang ngumiti na si Quennie.

Inayos-ayos pa nina Mimay at Joy-joy ang buhok ni Quennie. Si Laleng naman, nilagyan pa ng cosmos sa buhok nito.

Naglagay din ang apat sa kanilang buhok, kaya lalong lumapad ang ngiti ni Quennie. Hindi nila namalayan na nasisiyahang nakamasid sa kanila si Lolo Tasyo.

Araw-araw, inaabangan ni Lolo Tasyo ang mga batang babae. Araw-araw nga nilang ginagawa iyon. Minsan, rosas at gumamela ang inilalagay nila sa kanilang buhok. Minsan naman, zinnia at sampaguita.

Lalo tuloy nawiling magtanim si Lolo Tasyo. Sinisikap niyang laging namumukadkad ang mga bulaklak sa hardin upang may mapitas ang mga batang babae.

Isang umaga, nasa hardin si Lolo Tasyo.

"Lolo Tasyo, puwede po ba kaming humingi ng bulaklak?" tanong ni Mimay, kasama niya si Quennie.

Ngitian muna niya ang dalawa. "Sige, sige, mga apo! Mamili na kayo."

"Salamat po!" Agad na namili si Mimay.

Nakatayo lang si Quennie. Malungkot siya at malumbay.

"Ayan! Ang ganda-ganda mo na, Quennie!" puri ni Mimay.

"Oo nga, Quennie, lalo na kung ngingiti ka pa," sang-ayon ni Lolo Tasyo.

Pilit na ngiti ang ipinasilay ni Quennie kina Lolo Tasyo at Mimay.

"Lagi kang ngingiti, Quennie, ha? Tingnan mo si Mimay."

Ngumiti si Mimay saka umakbay kay Quennie. "Salamat po uli sa bulaklak!"

Maligaya na naman si Lolo Tasyo kasi napaligaya niya ang mga bata.

Araw-araw, humihingi ang mga batang babae ng bulaklak. Kung hindi si Joy-joy ang kasama ni Quennie, si Manilyn. Kung hindi si Manilyn, si Laleng. Madalas, lahat silang apat ang kasama ni Quennie. Lahat sila, pinasasaya nila ang kalaro.

Isang araw, nagtataka si Lolo Tasyo dahil wala ni isa sa kanila ang humingi ng bulaklak. Nalungkot siya at nanghina. Inaalala na lamang niya ang maamong mukha ni Quennie. Naalala kasi niya ang kanyang apo tuwing nakikita si Quennie.

Kinabukasan, nakadungaw lang si Lolo Tasyo sa bintana, habang pinagmamasdan ang mga halaman at bulaklak sa kanyang hardin.

"Lolo Tasyo, Lolo Tasyo!" humahangos na tawag ni Laleng. Kasama niya si Manilyn.

"O, mga apo, bakit natataranta kayo? Nasaan si Quennie?" nagtatakang tanong ni Lolo Tasyo.

"Pahingi po ng bulaklak para kay Quennie," sabi ni Manilyn.

"Sige, sige, mga apo! Pumitas na kayo."

Pinagmasdan ni Lolo Tasyo ang pamimitas ng dalawang bata. Nagtaka siya dahil marami silang pinitas, pero hindi siya nagalit.

"Salamat po, Lolo Tasyo! Matutuwa po nito si Quennie," sabi ni Laleng.

"Walang anuman! Balik kayo, kasama si Quennie," pasigaw niyang sagot dahil nakalayo na ang dalawa.

"Wala na po si Quennie," tugon ni Manilyn.

Hindi agad naunawaan ni Lolo Tasyo ag sagot ni Manilyn, pero nang makuha niya ang kahulugan, bigla na lang tumulo ang mga luha niya.

Agad siyang bumaba at tumungo sa hardin. Namitas siya ng mga bulaklak. Pagkatapos, hinanap niya ang bahay ni Quennie.

"Mga bulaklak para kay Quennie," sabi ni Lolo Tasyo sa mga magulang nito habang palapit siya sa kabaong ng bata.

Nalaman niyang binawian na ng buhay si Quennie dahil sa sakit na cancer. Muling tumulo ang mga luha ni Lolo Tasyo.

 


Sunday, June 21, 2020

Pakikinig at Pagbabasa

Alam Mo Ba?

     Ang pakikinig at pagbabasa ay dalawa sa napakahalagang kasanayang dapat malinang ng bawat mag-aaral.

     Ang pakikinig ang unang kasanayang itinuturo sa mga mag-aaral, pagtuntong pa lamang nila sa paaralan sapagkat ito ang simula upang sila ay makabasa. Mahirap matuto ang isang bata kapag siya hindi nakikinig.

   Ang kakayahang magbasa ay madalas na pagkunan ng marka ng mga guro mula sa kanilang mga mag-aral. Kapag hindi angkop ang kakayahang magbasa ng isang mag-aaral sa kanyang edad o baitang, siya ay isinasali sa remedial reading intervention.

  Ang pagbabasa ay gawaing dapat bigyang-halaga ng bawat mag-aaral. Maraming mahahalaga at magagandang bagay ang nakukuha rito. Isa na rito ang kakayahang masagot ang mga tanong tungkol sa mga napakinggan o nabasang seleksiyon.

  Ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa mga kuwento o tekstong pang-impormasyon ay nagpapatunay na naunawaan mo ang iyong binasa o pinakinggan. Anomang antas ng tanong ay masasagot ninoman kung siya ay nagbasa at nakinig nang mabuti.

 


Friday, June 19, 2020

May Pera sa Pagsusulat

Totoong may pera sa pagsusulat. Mapatutunayan ko iyan sa inyo. Subalit, paano nga ba nagkakaroon ng pera ang isang manunulat?

Sa panahon ngayon, mas madali nang kumita sa pagsusulat dahil sa teknolohiya. May magaganda at hindi magagandang epekto ang teknolohiya sa mga manunulat. At ang magaganda ang ibabahagi ko sa inyo.

Una. Sumali ka sa mga paligsahan sa pagsusulat. Hindi na imposibleng maging bahagi ang bawat manunulat na makasali sa mga patimpalak pampanitikan dahil inaanunsiyo ito ng mga organisasyon sa mga social media. May mga paligsahan na naggagawad ng malalaking premyo, bukod pa ang tsansang pagkakalimbag ng iyong akda.

Pangalawa. Gumawa ka ng zine. Tinalakay ko na ito sa una kong vlog, pero sa mga hindi nakapanood, ang zine ay isang uri ng maliit na babasahin na kadalasan sariling-limbag, 'xerox-copy', at isinulat lamang ng isa o kakaunting bilang ng mga may-akda na may malalalim na tema. May mga samahan, proyekto, programa, o event na nagsusulong ng paggawa ng zine. Sa katunayan, nagkakaroon pa sila ng zine fair. Kadalasan, isinasali nila ito sa mga book fair. May pera sa pagbebenta ng zine dahil ang mga mambabasa ay mas pinipili ito kaysa sa makakapal na libro. Mabilis itong basahin at nagtataglay ng iba't ibang tema at konsepto.


Pangatlo. Magsulat at mag-post ka sa Wattpad. Ang Wattpad ay social media ng mga writers at readers. May mga publishing houses na kumukuha dito ng mga manunulat o ng mga akda. Binibigyan nila ng pagkakataon ang mga wattpad writers na maging published authors. In fact, maraming wattpad books sa mga bookstores. Ang iba nga ay naging pelikula pa. May taunang writing contest din ang Wattpad. Ang premyo ay chance to get published.

Pang-apat. Mag-vlog ka. I-vlog mo ang mga akda mo. Kung mahilig ka sa mga tula o spoken word poetry, gawan mo ng video. Kung mahusay kang bumigkas nito, e `di, wow! Kung may mga sanaysay at kuwento ka, gawan mo rin ng video. Kung mahusay ka pang mag-iilustrate o gumawa ng animation, e, `di ikaw na! Alam mong may kita sa Youtube, kaya ang talent mo sa pagsusulat ay magagamit mo rito.

Panglima. Mag-blog ka. Ito ang orihinal na blogging bago pa nauso ang vlogging. Pictures at text lang ang ginagamit dito. Binabayaran ng mga kompanya o mga negosyante ang mga blogs tungkol sa kanilang negosyo, produkto, o serbisyo. Kumikita rin ang bloggers sa mga articles nila kapag may advertisements na.

Pang-anim. Mag-contribute ka sa mga magasin at diyaryo. Ang Liwayway Magasin ay tumatanggap ng mga akda. May kaukulang bayad silang ibinibigay sa mga akdang napili. Meron din siyempre sa mga pahayagan. Mas maganda pa kung magiging kolumnista o reporter ka sa diyaryo dahil sigurado na ang kita mo.

Pampito. Magpasa ka sa mga publishing house. Inanunsiyo man nila o hindi, maaari kang magpasa ng iyong akda. Kapag napili ang iyong akda, magiging libro o magiling bahagi ng antolohiya. Siyempre, may kikitain ka sa royalty fee. Ang royalty fee ay bayad sa manunulat mula sa porsyento ng kabuuang kita sa libro mo, na karaniwang binabayaran regularly, ayon sa kontrata ninyo. Mas sikat ang publishing, mas kikita ka. Kapag ang publishing ay magaling sa marketing, sigurado ang income mo. Sa bawat isang librong mabebenta nila, may bahagi ka roon.

Pangwalo. Dumikit ka sa published author. Dahil nakatatanggap na siya ng royalty fee, hindi na malabo na matulungan ka niyang maging katulad niya. Kapag pinalad ka, baka mag-collab pa kayo at isali ka niya sa isang proyekto, gaya ng proyektong 'Ang mga Kuwento ni 21st Century Teacher.'

Iyan lang ang mga mairerekomenda ko. Sa totoo lang, napakagandang raket ang pagsusulat. Idiskubre mo na lang ang iba.

Happy writing! Happy earning!

Wednesday, June 17, 2020

Ang Panlapi

Magandang araw sa inyong lahat!

Narito tayo ngayon sa isa na namang pagtatalakayan.

Makinig. Magbasa. Sumabay. At matuto.

Ang aralin natin ngayon ay tungkol sa PANLAPI.

Sa araling ito, bibigyan natin ng kahulugan at mga halimbawa ang PANLAPI. Iisa-isahin rin natin ang mga uri nito.

Ano nga ba ang Panlapi?

Ang PANLAPI ay titik, pantig, kataga o mga kataga na idinurugtong sa salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.

Ang mga halimbawa ng panlapi ay:

um-
pag-
mag-
nag-
na-
-in
-an
-han
-hin


Ano naman ang SALITANG-UGAT?

Ang salitang-ugat ay orihinal na salita o salitang pinagmumulan ng mga bagong salita.

Ang mga halimbawa ng salitang-ugat ay:

dasal
hugas
kain
inom
ligo
bigay
tulong


Pinag-aaralan natin ang salitang-ugat dahil dito magsisimula ang aralin natin.

Kapag pinagsama natin ang mga salitang-ugat at panlapi, makabubuo tayo ng bagong salita.

Narito ang simpleng pormularyo sa pagbuo ng bagong salita:


PANLAPI + SALITANG-UGAT = BAGONG SALITA



Ang mga sumusunod ay halimbawa:

Panlapi Salitang-Ugat Bagong Salita
1. mag-        dasal                 magdasal
2. nag-            hugas                naghugas
3. -um             kain                   kumain
4. -i                  inom                 iinom
5. pag-            ligo                    pagligo
6. -an.             bigay                 bigayan
7. tu-               tulong               tutulong





Malinaw na ang mga panlapi ay walang kahulugan. Nagkakaroon lang ito ng kahulugan kapag isinama sa salitang-ugat. 


Ang panlapi ay parang IKAW. Walang kahulugan ang buhay kapag hindi mo SIYA kasama.

Ayie!

May tatlong uri ang PANLAPI.

UNLAPI
GITLAPI
HULAPI

Ang UNLAPI ay panlaping idinurugtong sa UNAHAN ng salitang-ugat.

Halimbawa:

na + hinto = nahinto
i + tama = itama
pag + laya = paglaya

Ang GITLAPI ay panlaping idinurugtong sa GITNA ng salitang-ugat.

Halimbawa:

binalak  (balak) + (-in)
lumabas  (labas) + (-um)


Ang HULAPI ay panlaping idinurugtong sa HULIHAN ng salitang-ugat.

Halimbawa:

sama + han = samahan
labas + an = labasan
sulit + in = sulitin

May mga BAGONG SALITA na binubuo ng dalawa o tatlong panlapi.
Narito ang mga halimbawa:
1. katotohanan (totoo)
2. pagbutihan (buti)
3. kabataan (bata)
4. pagtutulungan (tulong)
5. pinag-aagawan (agaw)

May mga bagong salita rin na nilagyan ng PANLAPI, ngunit iba ang kinalabasan. 

Narito ang mga halimbawa:

SUNDIN (sunod) (-in)
MARUMI (ma-) (dumi)
NILAGYAN (ni-) (lagay) (-an)
TULUNGAN (tulong) (an)

May paliwanag para sa mga ito. Abangan sa aking susunod na vlog.

PAKIUSAP LANG PO.
Huwag ninyong ihiwalay ang panlapi sa salitang-ugat.

Marami akong nababasa sa Facebook, na mali-maling gamit ng panlapi.

TANDAAN:
Kaya nga tayo gumagamit ng panlapi upang pagdugtungin at maging isang salita, hindi upang maghiwalay at maging dalawang salita o kataga.

Narito ang maga halimbawa ng MALING GAMIT NG PANLAPI:

mag sulat
pag laki
paki kuha 
naka inuman


Ang mga salita o katagang dapat magkahiwalay, pinagsasama naman.

Ano ba?

samin (sa amin)(sa `min)
diba  (hindi ba) (`di ba)
kana (ka na)
nalang (na lang)
sakin (sa akin) (sa `kin)
nato (na ito) (na `to)
padin (pa rin) 

MGA FILIPINO TAYO! Nararapat lang na bihasa tayo sa sarili nating wika.

Bago mag-post sa Facebook, double check.
Think before you click. 

Ang PANLAPI ay ginagamit upang magkaroon ng bagong salita. Ang bawat bagong salitang mabubuo ay may bagong kahulugan.







Bakit Kailangan Natin ang First Vita Plus?

Bakit Kailangan Natin ang First Vita Plus?

May anim akong sagot sa tanong na iyan. Halina't isa-isahin natin.

Kailangan natin ang First Vita Plus dahil
mahal ang magkasakit at maospital. Check up pa lang aaray ka na sa presyo. Kauupo mo pa lang sa clinic ng doktor, may babayaran ka na kaagad na P350 o mas mataas pa. Reresetahan ka pa. At kapag minalas, confine ka. Lahat ba may PhilHealth? Lahat ba mako-cover nito? Hindi!  Subalit sa First Vita Plus, iiiwas ka nito sa pagkakasakit. Sa 18 years nitong pagtulong sa mga tao, parami na nang parami ang nagreresetang doktor nito. Dahil bukod sa bisa at sarap nito, maaari itong inumin ng buntis at mga bata na may edad na anim na buwan pataas sapagkat gulay at prutas ang content nito. 


So, kailangan natin ng First Vita Plus upang makaiwas sa sakit. Pinapanatili kasi nitong malakas ng ating resistensiya. At pinatataas nito ang ating immune system, na siyang doktor ng ating katawan. Hindi uubra ang mga sakit kung malakas ang immune system natin laban sa mga free radicals, bacteria, at viruses. Pero dahil may First Vita Plus, mananatili tayong malusog dahil meron itong 5 power hrerbs na kompleto sa pangangailangan natin sa araw-araw --malunggay, dahon ng sili, talbos ng kamote, kulitis o uray, at saluyot, na nilahukan pa ng fruit extract, gaya ng pinya, mangosteen, guyabano, melon, at dalandan.

Kailangan natin ang First Vita Plus dahil apektado ang ating pamilya kapag may sakit tayo. Mahihinto ang mga trabaho at mga gawain. Mababawasan ang budget sa pagkain at ibang gastusin. Mas matagal bago gumaling, mas matagal din bago makabangon sa krisis pinansiyal ang pamilya natin. Mabuti sana kung nagtatae tayo ng pera. E, hindi naman... Pero sa First Vita Plus, lumulusog na tayo, kumikita pa. Ang FVP ay hindi lang health ang misyon, kundi wealth. Ito ang negosyong may puso. Paano? PM is the key. 

Kailangan natin ang First Vita Plus dahil may side effect ang gamot. Kung hindi mo alam iyan, naku po! Dapat alam mo iyan... Gumaling nga tayo dahil sa iniinom nating tabletas o kapsula, tinamaan naman ang atay natin. Ang kemikal ay nakasisira sa ating sistema. Alam mo bang ang kapsula ay hindi agad natutunaw sa ating sikmura? Gawa kasi ito sa bituka ng baboy. Diyan pa lang, mag-isip ka na kung talaga bang napapagaling ka ng iniinom mong komersyal na gamot. Pero ang First Vita Plus ay tinatawag na gulay na inumin. Walang side effect. Walang overdose. Sampung taon itong pinag-aralan ng mga doktor, kaya huwag kukuwestiyonin ang kredibilidad nito.

Kailangan natin ang First Vita Plus dahil may magkakaibang gamot sa iba't ibang sakit. Kung marami ka nang nararamdaman sa katawan at nagsabay-sabay nang umariba, ibig sabihin ay sabay-sabay ang pag-inom mo ng over-the-counter medicines. E, kumusta ang atay mo? Hindi ba maluluto? Huwag kang mahihiyang magtanong tungkol sa First Vita Plus dahil hindi rin kami nahihiyang sabihin sa lahat na ito nakapagpapagaling ng mga karamdaman. Iilan lamang ang variant nito, ngunit pare-pareho ang kakayahan-- ang magpagaling ng napakaraming sakit.

Kailangan natin ang First Vita Plus dahil hindi natin maiwasan ang sakit na A-Z. Opo! Alphabet! From A to Z na sakit ay kayang lunasan ng First Vita Plus ng anomang variant nito. Isa-isahin ko pa ba ang A-Z na sakit? 

Okay!
 
A-Asthma, Arthritis, Anemia
B-Bacterial meningitis
C-Cancer (all types), Cardiovascular health
D-diabetis, Dengue, Dysmenorrhea, Dementia
E-Ear infection, Ebola virus
F-Flu, Fungal disease, Typhus
G-Gout, Genital warts, Gonorrhea
H-Hepatitis A at B, Hemophillia, Hyperacidity
I-Intestinal amoeba, Infertility
J-Japanese Encephalitis
K-Kidney disease, 
L- Lupus, Liver disease, Lung cancer
M- Malaria, Measles, Multiple organ dysfunction syndrome
N-Novel corona virus 2019 (CoViD-19)
O-Osteoporosis, Oral cancer, Osteoarthritis
P-Pandemic flu, Pneumonia
Q-Q fever,
R- Rheumatoid arthritis, Respiratory infection
S-Severe Accute Respiratory Syndrome
T- Tuberculosis
U-Ulcer
V- Vaginal and Vulvar cancer
W-Women's bleeding disorder
X-Xenotropic murine leukemia virus
Y- Yeast infection
Z-Zika virus  
   
Etcetera! Etcetera!

See? Nakaalpabeto ang mga sakit na kayang pagalingin ng First Vita Plus.

Kailangan natin ang First Vita Plus dahil 'prevention is better than cure." Mas masarap mabuhay sa mundo kung walang sakit. Hindi natin gugustuhin ang uminom ng gamot, lalong-lalo na ang maratay sa banig. Pero, mas gugustuhin mo na sigurong uminom na ngayon pa lang ng First Vita Plus upang magkaroon ka rin ng panlaban, o sabihin na nating, shield laban sa mga sakit sapagkat taglay nito ang mga kailangan ng ating katawan--- ang vitamins, minerals, fiber, antioxidant, phytochemicals, at micronutrients.

Kung ayaw mo pang maniwala, magsaliksik ka. Encode mo sa search box ang 'First Vita Plus' and click. 

Sa panahon ngayon, mas tama ang kasabihang "To try is to believe." So, try us. before you judge us.

Working from Home Tips

May natutuwa sa 'work from home.' Mayroon din namang hindi. Gayunpaman, wala tayong magagawa kundi ang enjoyin ito. At upang hindi tayo ma-stress, may mga tips ako upang maging produktibo pa rin tayo sa gitna ng krisis na ito.

Ipanatili natin ang dating oras ng trabaho. Kahit flexible time na tayo, hindi naman ito nangangahulugan na buong araw tayong haharap sa computer. Kung 8-hours work tayo noong normal pa, gayahin natin ngayong New Normal. Tandaan nating may personal na buhay at may pamilya pa tayo. Ibalanse natin ang trabaho at sariling buhay. Kailangang may schedule din. Mas mainam kung magsimulang magtrabaho nang maaga at matulog nang maaga, gaya dati.

Magkaroon tayo ng routine sa umaga. Kung anoman ang mga ritwal na ginagawa natin bago tayo magsimula sa ating trabaho, walang problema iyon. Kung nag-eehersisyo muna o nagga-gardening o nakikipagtsismisan sa mga kapitbahay, no problem. Basta ang mahalaga ay paghahanda iyon para sa ating trabaho at masimulan natin iyon on time. Ang pinakamagandang routine na maaari nating gawin ay mag-almusal.

Magtakda tayo ng mga tuntunin sa bahay. Dahil ang isang bahagi ng bahay natin ay ginawa nating workplace, kailangang may mga patakaran sa ating pamilya o mga kasamahan sa bahay. Maaari kasing maabala o makaabala tayo. Dapat din nating itoka ang mga gawaing-bahay upang makapokus tayo sa ating trabaho. Dapat maipaunawa natin sa kanila na tayo ay hindi nagbabakasyon, kundi naghahanapbuhay, kaya hindi dapat magkaroon ng karagdagang trabaho, gaya ng paglalaba, pagpapaligo sa aso, at iba pa.

Itakda rin natin ang breaktime. Gaya sa normal na trabaho, magkaroon rin tayo oras para sa meryenda at tanghalian. Malaya naman ang oras natin, pero mahalaga pa rin na may ma-accomplish tayong gawain. Hindi rin ipinagbabawal na lumayo tayo sa computer screen para hindi masira ang mga mata natin at makapag-unat-unat. Isagawa rin natin ang 20-20-20 o ang pagtingin sa malayo na umaabot ng 20 hakbang kada 20 minutos sa loob ng 20 segundo. May timer ang computer, na maaari nating i-set upang ma-remind tayo.

Lumabas din tayo sa bahay paminsan-minsan. Kailangan natin ng sariwang hangin at sikat ng araw. Ang paglalakad-lakad ay makatutulong sa ating katawan. Maaari tayong bumili sa talipapa. Maaari tayong mag-gardening. Kung may bisikleta tayo, magbisikleta tayo kahit kinse minutos lang. Kahit ano, basta kailangan nating lumabas upang hindi tayo magkulang sa Vitamin D at hindi tayo ma-suffocate sa bahay. Hindi healthy ang electric fan o aircon. Alam nating lahat iyan.

Makipagtalastasan tayo sa mga kasamahan natin sa trabaho. Hindi na imposible ngayon na maging konektado pa rin tayo sa kanila. May Google Meet. May Zoom. May video call sa FB Messenger. At kung ano-ano pa. Importanteng may oras tayo sa socialization, gaya noong normal. Siyempre, hindi rin mawawala ang usapan tungkol sa trabaho, national issues, at common interests natin. Kahit introvert tayo, sikapin nating makakonekta sa kanila upang manatili ang magandang samahan.

Dumalo tayo sa mga online meetings, lalo na kung provided nila ang internet service natin. Kung hindi man, kailangan pa rin nating sumali sa mga usapin dahil makatutulong iyon upang manatili tayong updated. At sikapin nating makibahagi sa pamamagitan ng pagbibigay ng opinyon at suhestiyon. Nararapat lamang din na mag-report tayo ng mga ginagawa o nagawa natin. Panahon na rin ito upang magtanong o humingi ng payo, kalinawan, o suhestiyon sa mga technical problems na nararanasan.

Mag-leave din tayo kung may sakit tayo. Huwag nating piliting magtrabaho o tapusin ang gawain kung hindi na natin kaya. Bahagi ng employment benefits natin ang sick leave. Health is wealth. Mahalin natin ang sarili at kalusugan natin, lalo na't nasa comfort tayo ng sarili nating bahay. At sigurado namang wala nang magkakasakit since nasa bahay na lang tayo. Hindi na tayo nagko-commute. Hindi na tayo nakalalanghap ng usok ng mga sasakyan. Hindi tayo mahahawaan ng virus.

Dumalo tayo sa mga libreng webinars. Samantalahin natin ang panahong ito upang paunlarin natin ang ating kaalaman. Hindi matatawaran ang tulong at halaga ng mga seminars, workshops, at trainings online. Marami tayong matututuhan. Maaari natin isingit ang mga ito habang nagtratrabaho tayo. Kayang-kayang mag-multi-tasking ng computer natin, kaya kayang-kaya rin natin. P
Kaya, paglaan natin ng oras ang career development.

Samantalahin natin ang malayang oras natin. Gumawa tayo ng mga bagay na gustong-gusto nating gawin noong normal pa ang trabaho natin. Mag-aral tayong tumugtog ng instrument. Magbasa. Magsulat. Mag-bake. Mag-Netflix nang mag-Netflix. Mag-vlog. Mag-Tiktok. Mag-online selling. Andami nating puwedeng gawin sa bahay habang hindi natin napapabayaan ang trabaho natin sa kompanya o departamento. Name it and do it! Hindi ito labag sa batas ng work from home. Isa ito sa mga perks natin.

Huwag nating pahirapan ang ating sarili. Wala namang makakakita kung humilata muna tayo sa sofa at manood ng tv. O kaya tumanggap ng raket para may dagdag-kita. Huwag tayong mahiya sa sarili natin kung gawin natin iyan dahil hindi lang tayo ang gumagawa at gagawa niyan. Ang mahalaga naman ay matapos natin on-time at tama ang iniatang na trabaho sa atin. Kailangang suklian natin ang sahod nating natatanggap ng trabahong may kalidad, habang ginagamit natin ang oras para sa pansarili nating buhay.

May kanya-kanya tayong gustong gawin at paraan upang pakinabangan ang ginhawa ng 'work from home.' Gawin nating kapaki-pakinabang ang bawat minuto para sa trabaho at para sa ating sarili. Nagbago man ang sistema ng trabaho, hindi naman dapat magbago ang ating sipag at tiyaga sa trabaho. At the end of the day, empleyado pa rin tayo. Huwag nating abusuhin ang oras na ipinagkatiwala nila sa atin.

Enjoy working from home!

Sunday, June 14, 2020

Kape: Pampahaba ng Buhay

Alam mo bang ang taong mahilig sa kape ay may maliit na tsansa upang dapuan ng malubhang sakit?

Hindi lang basta-basta inumin ang kape. Marami ang magagandang dulot nito sa ating katawan at buhay.

Ang kape ay nagtataglay ng mataas na porsyento ng antioxidant. Ang antioxidant ay Vitamin C, Vitamin E, at Beta Carotene na tumutulong upang protektahan ang mga malulusog na cells sa katawan natin. Iniiwas tayo nito sa mga free radicals, na nakukuha natin sa stress, polusyon, at unhealthy lifestyle, na maaaring magdulot sa atin ng cancer.

Ang kape ay nagtataglay rin ng caffeine, na nakagigising at nakakaalistong substance. Ang caffeine na pumasok sa ating katawan ay maglalakbay patungo sa utak, kaya nagiging functional at active ito. Dahil dito, hindi tayo agad makararamdam ng pagod at napatatas nito ang ating enerhiya. Gumaganda rin ang ating mood at tumatalas ang ating memorya.

Ang kape ay may kakayahang tunawin ang mga taba sa katawan ng tao. Kung hindi mo pa alam, halos lahat ng mga food supplement na pampapayat ay may caffeine, gaya ng sa kape. Ang tabang tinunaw ng caffeine ay tumutulong upang maging malakas ang pisikal natin. Kaya nga mainam uminom ng kape, isang oras bago sumabak sa mabigat na trabaho o pumunta sa gym. Pinagaganda rin nito ang ating metabolismo, kaya hindi mananatili ang taba sa ating katawan.

Ang isang tasa ng kape ay nagtataglay rin ng Vitamin B2,Vitamin B3, Vitamin B5, Manganese, Magnesium, at Potassium. Wala naman tayong pakialam kung ang mga ito ang bumubuo sa kape. Basta ang alam natin, nag-eenjoy tayo sa pagkakape. At dahil nalaman natin ito, mas lalo nating mamahalin ang kape.

Ang kape ay maaaring ipanlunas sa diabetes. May mga pag-aaral na nagpapatunay na ang kape ay nakapag-iimbak ng insulin sa katawan. FYI. Ang insulin ay glucose o asukal na ginagamit ng ating katawan upang pagkunan natin ng enerhiya. Hanggang 50% ang kakayahan ng kape na pigilan ang pagkakaroon ng diabetes ng tao.

Ang kape ay may 65% na abilidad upang iiwas ang tao sa pagkakaroon ng Alzheimer’s disease. At kadalasan mga taong may edad na 65 ang tinatamaan nito. Wala itong lunas. Gayunpaman, ang kape ang isa sa paraan upang makaiwas dito, lalo na kung sasabayan pa natin ng pagkain ng masusustansiyang pagkain at pag-eehersisyo.

Ang kape ay pinaniniwalaan ding nakatutulong upang ilayo ang tao sa pagkakaroon ng Parkinson’s disease, na isang kalagayan kung saan namamatay ang neurons sa utak na gumagawa ng dopamine. Wala ring itong lunas, kaya sa pag-inom ng kape ay magkakaroon tayo ng 32% to 60% tsansa na makaiwas sa sakit na ito.

Ang kape ay proteksiyon ng ating atay. Ang atay ay may daan-daang gawain sa ating katawan, kaya ang pag-inom ng kape ay maglalayo sa atin sa pagkakaroon ng Cirrhosis. Ito ay kalagayan ng ating atay, kung saan nagkakaroon ito ng sugat at hindi na maaagapan pa. Ang taong umiinom ng 4 o mas marami pang tasa ng kape kada araw ay may 80% tsansa na makaiwas sa Cirrhosis.

Ang kape ay nakapagpapasaya at nakatatanggal ng depresyon. Mahalagang tayo ay palaging masaya. At delikado ang depresyon dahil labis nitong naaapektuhan ang kalidad ng buhay ng taong apektado. Ayon sa mga pag-aaral, ang babaeng umiinom ng apat o mahigit pang tasa ng kape sa isang araw ay may mababang risk sa depression. At ang sinumang umiinom ng 4 o mahigit pang tasa ng kape ay may 53% tsansa na makaiwas sa suicide.


Ang kape ay maaaring makapagpababa ng panganib sa liver at colorectal cancer. Pangatlo ang liver cancer sa sanhi ng kamatayan ng tao sa buong mundo. Pang-apat naman ang colorectal cancer. Subalit ang taong nakakaapat na tasa ng kape bawat araw ay 40% na mas mababa ang panganib sa liver cancer at 15% sa colorectal.

Ang kape ay totoong nakapagpapataas ng blood pressure. Ang iba nga ay nakararanas ng palpitations kapag umiinom ng kape. Ang totoo, maliit lang ang naidaragdag nito at agad din namang nawawala. Napag-alaman din na hindi totoong nakapagbibigay ng heart disease ang kape. Ang totoo, ang mga babaeng mahilig sa kape ay lesser ang risk dito.

Ang kape ay nakapagpapahaba ng buhay dahil sa mga sakit na kaya nitong pigilan. Pinag-aralan ng mga eksperto ang epekto ng kape sa buhay ng tao. Napag-alaman nilang ang male coffee drinker ay may 20% risk of death at 26% naman sa mga babae.

Ang kape ang pinakamabisang diet dahil mas mataas ang antioxidants nito kaysa sa gulay at prutas.

Ang kape ay talagang kagila-gilas na inumin lalo na kung pipiliin mo pa ang purong kape.

Subukan na ang First Vita Plus 100% Pure Coffee.

Magkape ng apat na tasa o mahigit pa araw-araw. Sakto ang kapeng ito dahil ito ay 1 for 5. One sachet for five cups.

Hindi pansit ang pampahaba ng buhay, kundi kape.


Power!


Saturday, June 13, 2020

Isulong ang Bagong Edukasyon

Dahil sa pandemyang CoViD
May New Normal sa DepEd
Dapat nating lahat na mabatid
Na ito'y hindi isang balakid
Kundi solusyon ang hatid.

Ituloy natin ang edukasyon
Alternative learning modes
at safety and health measures
Ay handang-handa na
Kahit vaccine ay wala pa. 

Kundi kaya ng Face to Face Learning,
May Distance Learning
para may social distancing
Nariyan ang online, modular, at tv/radio-based learning
Isali mo pa ang Home Schooling
Upang mga estudyante'y lalong gumaling
Habang nakataas ang quarantine.

Ituloy pa rin natin ang edukasyon
Mga guro't magulang, magtulong-tulong!
Isulong natin itong solusyon
Mga mag-aaral, patuloy na yumabong
Bagong Normal, ating ikanlong.
Bagong edukasyon, ating isulong.

Wastong Paglulunas sa Ulcer

Hindi naman nakamamatay ang sakit na ulcer, pero mahirap ito para sa pasyente dahil nagdudulot ito ng matinding pagkabalisa. Ang sakit sa tiyan ay hindi nakatutuwang pakiramdam. 

Mabuti na lang, maaari itong makontrol at mapagaling nang mabilis lalo na kung sasabayan ng pagbabago sa lifestyle at diet.
 
May mga antibiotics naman na nirereseta ang mga doktor kung ang sanhi ng ulcer ay  Helicobacter pylori (H. pylori) bacteria. Sa bawat sanhi ng ulcer ay may angkop na gamot. Kailangan lang magpatingin sa doktor upang masuri nang husto ang ulcer.

Habang nagpapagaling, narito ang mga dapat iwasan.  

Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Ang usok ng yosi ay may kemikal na nagpapatagal sa proseso ng paggaling sa ulcer. Ang alak naman ay nagpaparami ng stomach acid, na nakakairita sa mga sugat sa tiyan.

Iwasan ang maaanghang na pagkain. Kahit hindi totoong nagdudulot ng ulcer ang spicy food, nagpapalala naman ito ng sintomas. Maaaring tumindi ang sakit sa tiyan dahil naiirita nito ang mga sugat na dala ng ulcer. Mas mainam ang mga pagkaing mataas sa fiber. 

Iwasan din ang mga pagkaing masyadong matataba at mamantika. Naiirita ng mga ito ang tiyan, kaya lalong sumasakit ang ulcer.

Iwasan ang aspirin at mga over-the-counter pain relievers, gaya ng ibuprofen at naproxen sodium. Nakapagpapalala ang mga ito ng sakit ng tiyan. 

Heto naman ang mga dapat gawin.

Kumain ng lima o anim na small meals. Huwag hayaang magutom ka nang husto. Panatilihing may laman ang tiyan upang hindi maramdaman ang sakit. Huwag lang kalimutang kontrolin ang dami ng kakainin. Kapag naparami, magdudulot naman ng high blood at obesity.

Matutong mag-relax. Ang stress ay nagpapalala ng sakit sa tiyan. Payapain ang  kalooban at pag-iisip. Maaaring makinig ng soft music at mag-meditate. Puwede ring sumabak sa mga ehersisyong hindi gaanong nakakapagod.

Kung H. pylori bacteria ang sanhi ng ulcer,  patuloy na inumin ang gamot na nireseta ng doktor hanggang sa ito ay maubos, kahit tila nawala na ang sakit sa tiyan. Maaaring manumbalik ang sakit kapag hindi napatay ang bakterya, at hindi ito basta-basta napupuksa. Inumin ang gamot sa takdang oras hanggang sa ikaw ay gumaling.

Isabay ang pag-inom First Vita Plus Melon Variant. Makakatulong ito para sa mabilis na paggaling ng ulcer dahil sa 5 power herbs. Pinalalakas nito ang immune system ng tao. Kapag malakas ang immune system ng isang tao, mabilis siyang gumaling. Kaya mas mabisa pa ito kaysa sa gamot. Ang immune system ang pinakamagaling na doktor ng ating katawan. 

Wala nang rason upang mag-suffer ka sa ulcer. Sundin lang ang mga nabanggit na tips. 
 

Mahirap Magpasya

                    Mahirap magpasya, para sa ilan. Ang iba naman, nahihirapang sumang-ayon sa pasya. Kaya nga, madalas nagkakaroon ng pagtatalo sa mga panahong may pinagpapasyahan. Minsan, kahit sarili mo ay nagiging kalaban mo sa pagpili ng tamang desisyon, Halimbawa, sa pagpili ng damit na susuutin, saan mag-aaral, o ano ang kakainin.

                    Ang ibang tao naman ay naghahanap ng suhestiyon, opinyon o rekomendasyon ng ibang tao upang mas mapadali ang kanyang pagpapasya. Subalit sa pagdating sa grupo ng mga tao, may mga bagay na isinasaalang-alang bago magpasya. Mas pinipili ang pasya ng nakararami kaysa sa pasya ng  minorya. Sa pagkakataong tumabla ang mga boto, nagkakaroon ng toss coin.

                    Maraming bagay na nakaaapekto sa pagbuo o pagsang-ayon sa pasya. Narito ang ilan.

                    1. Kulang ang impormasyon. May oras na kailangan nang magpasya, ngunit dahil wala ka pang sapat na batayan sa pinili ng nakararami, hindi ka na lang sumasang-ayon dahil ayaw mong magkamali. Nais mo munang pag-aralan ang kalalabasan niyon.

                    2. Sobra ang impormasyon. Kabaligtaran naman ito ng nauna. Nagiging magulo na tuloy ang isip mo. Hindi mo na alam kung alin ang tama. Lalo tuloy tumatagal ang pagpapasya dahil marami ang dapat isaalang-alang at pag-aralan.

                    3. Marami ang kasapi. Kapag marami ang taong magpapasya, marami rin ang magkakaibang saloobin, kurokuro, opinyon, at suhestiyon. Nahihirapan tuloy ang grupo na salain ang   pinakamabuting pasya.

                    4. May nakatagong interes. Nahahadlangan ang pagpili ng tamang pasya kapag may isa o ilang tao sa grupo na may nakatagong interes. Mas isinusulong niya ang isang bagay o desisyon dahil nakabubuti iyon sa kanya, ngunit hindi maganda ang dulot sa karamihan.

                    5. May nakadikit na emosyon. Kapag may kasapi sa grupo na madrama, nagiging hilaw ang pagpapasya. Mas nananig kasi ang awa, takot, kaba, saya, lungkot, at iba pang emosyon, kaysa sa tunay na layunin ng pagpapasya.

                    6. Walang pakialam. Hindi nagkakaroon ng tamang pasya dahil may mga taong walang pakialam sa pinag-uusapan o pinagdedesisyonan. Kung ano na lang ang mapali ng mga kasamahan, iyon na lang din ang sasang-ayonan niya.

                    Ang mga hadlang na ito ay maiiwasan kung ang pagpapasya ay isasagawa sa masusing paraan. Kailangang nakaplano ang oras at araw ng pagpapasya, gayundin ang mga hakbang at mga usapin ukol sa bagay na pagpapasyahan.


Friday, June 12, 2020

Paano Makaipon ng Pera

Sabi nga, kapag may isinuksok, may madurukot, kaya ang pag-iipon ng pera ay paghahanda para sa mga pangangailangan sa darating na araw o panahon. 

Mahirap ang mag-ipon ng pera, pero mas mahirap kung magigipit ka na. Kaya habang may pera ka o may kinikita ka, magtabi ka kahit kaunting halaga. Kahit piso iyan, malaki na ang magagawa niyan kapag naipon. 

Paano nga ba makaipon ng pera?

Simple lang.

Huwag kang bumili nang bumili ng mga bagay na hindi mo naman kailangan. Pigilan mo ang paging impulsive o compulsive buyer mo. Kung may online selling apps ka, uninstall mo na. Kung wala pa, huwag mo nang subukan. At kung kasali ka sa online selling or barter group, mag-leave ka na. Mag-leave ka na kung napapansin mong sumisikip na ang bahay ninyo dahil sa mga gamit na binibili mo. 

Tanggalin mo ang inggit sa katawan mo. Hanggang ikinukumpara mo ang buhay mo sa iba, ang tendency ay gayahin sila. Namumuhay ka na parang sila, kahit wala ka namang kakayahan. Nagpi-feeling ka lang naman, `di ba? Hindi mo naman napapanindigan. Mas mahirap magkunwari kaysa magpakatotoo. Live your life. Kung ano ka `yon ka. Magsumikap ka, sa halip na mainggit sa iba. Mag-ipon ka para mabili mo ang kinaiinggitan mo sa kanila. Pero, mas mainam kung hayaan mo silang magkaroon niyon. Isipin mo na lang, masisira ang lahat ng bagay. Sayang, `di ba? So, bakit ka pa bibili?  

Huwag kang magbisyo. Hindi lang sugal, droga, babae/lalaki, sigarilyo, at alak ang mga bisyo. Hindi mo alam ang lifestyle mo, bisyo na agad. Milk tea rito, milk tea roon. Samgyup dito, Samgyup doon. Starbucks dito, Starbucks doon. Shopping dito, shopping doon. Gala rito, gala roon. Plus, ang gadget mo, bago pa, pero nagpalit ka na. Para ka lang nagpapalit ng underwear. Huwag ganoon! Kahit mayaman, namomorblema sa pera, ikaw pa kaya. Itigil mo na ang bisyo mo, bago ka pa maadik. Sa halip ba igastos mo sa mga kinababaliwan mong bisyo, itabi mo. Imagine, kung gumagatos ka sa bisyo mo ng P300 kada araw, e `di, sa isang buwan may ipon ka nang P9000.

Maging kuripot ka paminsan-minsan. Kung maaari nga, palagi kang maging kuripot. Huwag kang manlibre nang manlibre kasi dadami ang fake friends mo. Pahalagahan mo kahit sentimos. Saan ba galing ang milyon? Tumawad ka sa pamimili. Maging practical at wise buyer ka. Hindi lahat ng branded ay matibay o maganda. At hindi rin lahat ng mura ay low quality. Galingan mo ang pagpili. Minsan, sa ukay-ukay ay makakapili ka pa ng mas magandang item kaysa sa department store. Nasa nagdadala lang iyan. Damitan ka man ng magarbo, kung hindi naman bagay sa `yo, mukha ka pa ring trapo. Kaya, doon ka na sa Made in UK. Labhan mo lang nang maigi. Tingnan mo rin ang mga bulsa, baka may dollars. 

Mag-alkansiya ka. Oo, alkansiya... kasi mas makakaipon ka kaysa sa banko. Hindi ka mahihiyang maghulog ng pera sa alkansiya kahit barya. Samantalang sa banko, daan-daan o libo-libo lang yata ang inilalagay natin. Aminin natin, bibihira tayong magdeposito ng barya sa banko. Kaya kung ikaw ako, mag-alkansiya ka. Hindi mo kailangang bumili ng mamahaling piggy bank o anomang alkansiya. Gastos pa iyon. babasagin mo lang naman, e. Sa garapon, lata o plastic bottle ay puwede ka nang makapag-ipon. Kung ayaw mo naman sa alkansiya, e `di magbanko ka. Basta ang mahalaga, makaipon ka. Ang iba nga, may 'Ipon Challenge.' 

Kung sisimulan mo nang sundin ngayon ang mga tips na ito, baka after a month malaki na ang ipon mo. 


Thursday, June 11, 2020

Pang-Uring Pamilang

Magandang araw sa inyong lahat! Isa na namang aralin ang tatalakayin natin sa araw na ito.

Ano nga ba ang Pang-uring Pamilang? At ano-ano ang mga uri nito?

Bago iyon, balik-aralan natin ang pang-uri.

Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip. Ito ay nagsasaad ng uri, katangian, lasa, amoy, hugis, laki, anyo, bigat, bilang, at dami ng salitang inilalarawan.

Halimbawa ng mga pang-uri ay berde, mabait, napakayaman, mayabong.

Ano naman ang pang-uring pamilang?

Ang pang-uring pamilang ay mga salitang nagsasaad ng bilang, dami, at kakuntian ng pangngalang inilalarawan.

Ito ay may anim na uri: patakaran, panunuran, pamahagi, palansak, pahalaga, at patakda.

Ang Patakaran ay batayan sa pagbibilang, gaya ng isa, dalawa, tatlo, apat....

Ang Panunuran ay nagsasabi ng pagkakasunod-sunod ng mga pangngalan, gaya ng una, ikalawa, ikatlo, ikaapat...

Ang Pamahagi ay nagsasaad ng bahagi o parte ng kabuuan ng pangngalan, gaya ng
kalahati, tigatlo, kapat...

Ang Palansak ay nagsasaad ng pangkatan, maramihan, at minsanan ng pangngalan, gaya ng isahan, dalawahan, tatlohan, apatan...

Ang Pahalaga ay nagsasabi ng halaga ng pangngalan, gaya ng piso, dalawampiso, tatlumpiso, apatnapiso...

Ang Patakda ay tumitiyak sa dami o bilang ng pangngalan na hindi ito nababawasan o nadaragdagan, gaya ng iisa, dadalawa, tatatlo, aapat...

May mga pananda ring ginagamit ang pang-uring pamilang na hindi kabilang sa anim na uri, gaya ng marami, panay, halos, pulos, puro, kakaunti, iilan, pawang.

Uri ng Pangngalan Ayon sa Tungkulin

Bihira ang hindi nakaaalam ng kahulugan ng pangngalan, subalit ibibigay ko pa rin.

Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, gawain, ideya, at iba pa.

May tatlong uri ang pangngalan ayon sa tungkulin. Ang mga ito ay tahas (kongkreto), basal (di-kongkreto), at lansakan.

Ang Tahas o Kongkreto ay pangngalan na nakikita at nahahawakan. Halimbawa, mangkok, sandok, manok.

Ang Basal o Di-Kongkreto ay tinatawag ding abstrakto. Ito ay pangngalang hindi nakikita o nahahawakan, pero nadarama, naiisip, nagugunita o napapangarap. Halimbawa: kaligayahan, pangarap, pag-ibig

Ang Lansakan naman ay pangngalan nagsasaad ng kaisahan sa kabila ng dami o bilang. Halimbawa: pulutong, buwig, tumpok

Subukan nga natin kung may natutuhan ka. Sabihin ang uri ng mga sumusunod

1. saging (Tahas)
2. piling ng saging (Lansakan)
3. Samahan ng mga Guro (Lansakan)
4. kabaitan (Basal)
5. paghihirap (Basal)
6. hangin (Tahas)
7. anino (Tahas)
8. tambak ng lupa (Lansakan)
9. kapayapaan (Basal)
10. kaarawan (Basal)

Magaling!



Ang Aking Journal -- Hunyo 2020

Hunyo 1, 2020 Maaga akong namalengke para makadalo ako sa Google Meet. Ito ang first day ng work from home, kaya kailangang magtrabaho.Natagalan ang meeting kaya, hindi naman ako nakadalo sa meeting naming Grade Six teachers. Naabot ako, pero patapos na.Dahil kailangan nang magtrabaho, kailangan ko na rin ng laptop. Past one, umalis ako. Kumuha muna ako ng transit pass sa barangay. Mabuti, nabasa ni Emily sa group. Kaya naman, nakapasok ako sa mall.Nakakainis lang dahil wala na halos mabiling laptop sa Octagon. Meron doon, dalawa. Ang mahal. Tapos, hindi pa iyon ang magandang specs. Mabuti itinuro ako sa appliance store. Doon ako nakabili. Hindi man masyado tugma sa suggested specs ni Kuya Allan, kinuha ko na kasi baka maubusan na ako. Tatlong unit na lang ang naroon. May mga kasabayan nga akong nag-inquire.Nakakagulat lang ang presyo. Biglang nagmahal. Sinamantala nila ang panic buying ng laptop. Almost P40k ang bili ko. Mabuti na lang, sakto ang dala ko. Kung nagkataon, babalik pa ako.Nakahinga ako nang maluwag nang makauwi ako. Magagawa ko na kasi ang modules na pinagagawa ng EsP supervisor. Hunyo 2, 2020 Muntik na akong mainis at magalit dahil ang aga ng online meeting. Kabababa ko lang at hindi pa nga ako nakapagkape, nag-notify na. Tapos, hindi pa agad ako nakapag-attendance online. Wala akong link. Hayun, nanghintay sila sa akin bago nagsimula.Halos maghapon akong nag-computer. Nag-download at nag-print ako ng mga MELCs at modules.Alas-2 may meeting uli sa EsP. Hindi na nga ako nakapag-gardening, nakapamalengke, at nakapag-vlog. Gayunpaman, unti-unti ko nang nararamdaman ang New Normal. Halos lahat bago. Nangangapa sa dilim. Hunyo 3, 2020 Maaga ang meeting naming Grade 6 teachers, kaya lang naputol dahil nagpatawag ng meeting ang principal. Hindi naman agad nakapagsimula. Past 10 na. Gayunpaman, natuloy pa rin ang meeting namin. Tatlong beses. Medyo luminaw na ang mga issue sa LESF. Kaya naman, nasimulan ko na ang pag-encode. Halos maghapon akong nakaharap sa laptop. Good thing is nakagawa ako ng module para sa isang araw. Apat pa. Bale 12 pages pa ang gagawin ko. Sana mabawasan na ang meeting.Nakapag-upload naman ako ng vlogs ngayong araw. Ang isa ay gawa ako kagabi. Ang isa ay gawa ko bago matulog. I hope maging productive uli ako bukas. Hunyo 4, 2020 Halos maghapon na naman ang online meeting. Nabawasan pa ang oras ko sa pag-gardening at paggawa ng module. Gayunpaman, helpful naman iyon, lalo na ang 'Kumustahan,' kung sana nag-discuss si Sir Bob tungkol sa paggawa ng module. At bago dumilim, nakapaglinis ako sa garden. Napalawak ko ito dahil tinanggal ko ang sukal sa boundary ng kabilang lote. Gumanda at umaliwalas na. Mas nakita ang ganda ng mga halaman ko. Nakabenta ako ngayon ng P100-worth na halaman at P750-worth na FVP Dalandan Original. Pero, ibinili rin namin ng FVP coffee at virginity soap.Bago ako umakyat, nakapag-encode ako sa eLESF. Naedit ko rin ang module at nakapagdagdag ako ng isa pang page. Eleven pages pa ang gagawin ko.Hindi ko nakagawa ng vlog ngayong araw. Sobrang busy na. Kaya nga nagpaalam ako sa mga followers ko sa wattpad. Kaya lang humihirit sila. Mami-miss daw nila ang karakter doon, kaya naman nagsulat ako bago matulog. Kailangan kong mag-update kahit paano.Hunyo 5, 2020Naubos na ang GB ng internet namin kaya nabalam ang trabaho ko sa laptop. Nalungkot ako nang ilang sandali, pero agad din namang nanumbalik kasi nag-gardening ako. Nagtanggal uli ako ng sukal sa harap, kaya lumawak pang lalo ang garden namin. Nagamit ko pa ang nabulok na ang dahon at sanga bilang pandagdag sa lupang tataniman ko. Hunyo 6, 2020 Napuyat ako dahil sa init. Ang hirap makatulog uli nang magising ako bandang alas-dos.Ngayong araw, nagpintura ako sa kuwarto ko. May nakita kasi akong tirang pintura. At dahil tira lang, hindi ko natapos. First coating lang.Nakausad na rin ang module ko, kaya lang biglang na-expired ang MS Office. Hindi ko na-edit ang module ko. Nainis ako! Para na naman akong naluging negosyante. Wala na ngang internet, wala pang MS. Hunyo 7, 2020 Pagkatapos kung mag-gardening, nagsulat ako ng pang-vlog. Then, ginawan ko kaagad ng video. Ang hirap lang mag-download ng PNG kaya natagalan ako. Gabi ko na iyon nai-upload. Mahina kasi ang net.Excited na ako sa mga mangyayari sa buhay ko kapag qualified na ako for monetization. Alam ko, darating iyon. Kaunting tiyaga pa. Hunyo 8, 2020 Hinarap ko agad ang module pagkatapos mag-almusal. Nag-draft lang ako sa yellow paper since hindi ko pa magamit ang MS Office ko. Kahit paano, umusad na ang gawa ko. So far, more than 10 pages na.Past 1:30, pumunta ako sa Puregold para mamili. Sobrang mahal na naman ng mga bilihin. Inabot na naman ng P2.5k ang napamili ko, pero parang may kulang pa. Hunyo 9, 2020 Nakagawa ako ng vlogs ngayong araw. Patuloy rin aking tinutulungan ni Gina para maabot ko ang 1K subscribers sa youtube. Kahit paano, may mga FB friends siyang tumutulong. As of today, may 362 na ako. Ang nakakatuwa lang, tumatabo ng watch time ang Acid Reflux vlog ko. Malapit nang mag-40000 hours.Wala akong naidagdag sa module ko. Kailangan ko nang makapag-install ng MS Office 365. Hunyo 10, 2020 Pagkatapos kong mag-gardening, hinarap ko na ang paggawa ng module. Natapos ko na. Naka-fifteen pages na ako. Kailangan na lang i-encode. Pagkatapos niyon, ililipat ko pa ang file sa Word. Hindi raw puwede ang publisher.Hapon, lumabas ako para mag-withdraw ng sahod at magbayad ng mga bills. Nalagas ang P7500 ko sa bahay, internet, at tubig. May mga balance pa nga ako. Haist!Gabi, gumawa ako ng lyrics tungkol sa New Normal. Gusto kasi ni Ma'am Vi na gumawa kami ng jingle, since lahat ng school ay pinagagawa. May contest yata.Nagawa ko naman kaagad. Hindi nga lang nabasa agad ni Sir Hermoe, na siyang maglalapat ng melodiya.Ngayong gabi, may 377 subscribers na ng YT ko. Patuloy pa rin ang panghihikayat ni Gina sa mga kaibigan niyan. At 31K watch hours na ang Acid Reflux. Hunyo 11, 2020 Bumangon ako nang maaga at nagluto ng almusal para maharap ko ang module ko. Eleven kasi ngayon. Babalik na ang service ng internet.Nagawa ko namang makapag-download at ma-install ang Office 365 dahil may internet na, kaya lang bandang alas-onse, nawala naman. Na-bad trip ako. Nahinto tuloy ang ginagawa ko. Hindi rin ako nakadalo sa online meeting.Past 2, nag-decide akong bumili ng broadband. Hindi puwedeng walang internet. Pinatawagan ko naman kay Emily ang PLDT. Pinapatanggal ko na ang service nila.Nang dumating ako bandang five, nagalit na naman ako kasi hindi pa puwedeng ipaputol. Nakakontrata raw. Nainis lang ako kay Emily kasi hindi pa sinabing ikonekta uli kasi nagbabayad naman kami. Wala lang bill na dumarating.After niyang tumawag uli, nag-resume na ang service. Umaliwalas na ang mukha ko. Nagawa ko nang tapusin ang module. Nakapag-print na rin ako para sa proofreading.Sa ngayon, may 400 YT subs na ako. Patuloy ang pagtulong sa akin ni Gina. Hunyo 12, 2020 Kahit holiday, nag-videocall pa rin kaming Grade Six advisers. kami ang nakatoka sa panggawa ng New Normal jingle. Nagawa ko na last last night pa ang lyrics. Si Ma'am Vo na raw ang bahala sa melody. Hinarap ko pagkatapos mag-almusal ang module ko. Nailipat ko sa word file. Then, nai-send ko ngayong araw kay Ma'am Diaz. Past 2, tinawagan niya ako para sa ilang corrections. Nagustuhan niya ang gawa ko. Gusto nga niyang hatiin sa dalawa. Ibibigay niya sa kasama ko ang isa. Hindi ako pumayag. Naipasa ko rin agad ang edited version. Then, pagkatapos niyang itsek, approved na. Ipapasa na raw niya sa SDO. Ngayong araw, nakagawa ko ng dalawang vlog. Nakapagsulat din ako ng akda. Wala munang gardening kasi maulan. Hunyo 13, 2020 Umaraw na kaya nakapag-gardening ako bago humarap sa pagsusulat at pagba-vlog. Ngayong araw, prinesent na sa amin ni Ma'am Vi ang jingle. Matuwa ako sa output. Ang galing ng pagkakagawa. napaka-talented ng mga pamangkin niya at anak. Dalawang araw lang ang lumipas, nagawa na agad nila. Hunyo 14, 2020Hapon na ako nakapagsulat kasi sa umaga nag-gardening ako, naglakad-lakad sa subdivision upang humanap ng mabibiling paso, at nagluto pagdating. After lunch, umidlip ako. Productive naman ang araw ko kahit paano. Gustong-gusto kong magtanim, pero hindi ko magawa kasi walang paso. Hindi rin naman ako makatutok sa pagsusulat kasi masakit sa mata ang pagtutok sa cellphone. Isa pa, kailangang o-charge. Bago ako natulog, nakapag-upload ako ng isang video sa YT. May 446 subs na ako. Hunyo 15, 2020Sa unang pagkakataon, gumawa ako ng vlog na Math-based. Mahirap sa una, pero nagawa ko naman. Hindi nga lang ako ngayon inspired gumawa ng iba pang vlog kasi parang apektado ako ng matumal na pagdagdag ng subscribers ko. Sa maghapon, wala pang sampu ang nadagdag. Although, not bad... Hunyo 16, 2020 Late na ako bumangon kasi nagsulat pa ako ng pang-update sa wattpad ko. May nag-request na. Marami ang nag-aabang. Na-inspire naman ako kaya sinikap kong matapos ngayong araw. Gabi ko na iyon nai-post. Hindi rin naman ako kaagad nakapagsulat at nakapag-vlog kasi kinailangan kong mamalengke, magluto, at tumulong sa pagsasampay. Humarap pa ako sa laptop para sa LIS, na down naman ang system. Gayunpaman, naging productive ako ngayong araw. Nakaidlip din ako. Higit sa lahat, nakapag-post ako ng mga stories sa Booklat. nakasulat ako ng article, at nasimulan kong gawan ng vlog iyon. Apat ang nadagdag sa subscribers ko ngayong araw. Not bad. Bumiyahe kasi si Gina patungo sa Batangas. Doon na siya titira sa ate niya. I hope matulungan pa rin niya akong maghanap ng subscribers. Hunyo 17, 2020 Past nine, umalis ako para pindutin sa ATM ang COLA ko. Mabilis lang akong naka-withdraw. Natagalan lang ako sa palengke dahil sa kakahanap ng lamesang palochina. Kung kailan ko kailangan, saka hindi nagpakita ang mga naglalako. Binilhan ko na lang si Emily ng pyjama. Matagal na siyang nagpaparinig. Binilhan ko rin sI Ion ng dalawang shorts. Nakagawa ako ngayon ng vlogs. Nakagawa rin ako ng cliparts sa Publiher. Madali lang pala. Kailangan lang ng artistry at tiyaga. Maaari na nga akong gumawa ng storybook. Oras lang ang kailangan ko. Hindi pa rin ako nakapag-tag sa LIS-LESF dahil down ang system. Four hundred sixty-six na ang subscribers ko sa YT. Kahit paano, nadagdagan. Natutuwa rin ako dahil patuloy ang pagtaas ng watchtime ng GERD video ko. Hunyo 18, 2020 Maaga pa ring akong namulat kahit napuyat ako kagabi dahil sa away ng mga lasing na kapitbahay at kapit-subdivision. Parang mga gangster sila. Kampihan. Bantaan. Gayunpaman, para akong nanood ng sine. Nakakatawa ang mga mayayabang kong kapitbahay. Bumahag ang mga buntot sa mga dayo. Nakahanap din sila ng katapat nila. Pagkatapos kong magdilig, humarap na ako sa laptop. Nagtrabaho na ako. Maghapon. Ihi lang ang pahinga. Nagmiting pa kaming EsP module writers. Mas nadagdagan ang trabaho. Gumagawa pa naman ako ng Filipino 6 module. Pansarili ko lang. Naisulat ko na rin ang isa ko pang akda na pang-vlog. Hindi nga lang ako nakagawa dahil sa Face App. Nag-post ako sa FB ko. Andaming likes and comments. In-entertain ko ang mga iyon. Pero, sana subscribers sila sa Youtube ko. Andami sana... Binigyan ko si Emily ng P10k ngayong gabi. Naawa kasi ako sa kanya dahil nasira na ang cellphone niya. Maghapon siyanf malungkot. Natulog lang. Hinakayat ko rin na mag-vlog siya. Kumbinsido naman siya. Sana lang ituloy niya ang plano niyang magturo ng dancr steps dahil kasali naman siya noon sa PNU dance troupe at dati siyang guro sa MAPEH. Hunyo 19, 2020 Nasanay na yata akong magising nang maaga. Nauna pa ako sa manok kanina. Pero hindi agad ako bumangon. Nagsulat muna ako ng pang-update sa wattpad ko. Bandang 8, bumaba na ako para maghanda ng almusal. Nine o' clock, humarap na ako sa laptop ko. Nag-LESF ako at pagkatapos gumawa ng module. May mga magulang ding nag-chat sa akin tungkol sa mga anak nila. Past 2, umidlip ako. Kahit paano ay nabawi ko ang kakulangan ko sa tulog. Sa paggawa ng module, marami akong nadiskubre. Maaari palang makagawa ng clipart o PNG, gamit ang mga shapes sa Publisher. Lalo na siguro kong may drawing tablet na ako. Mas maapaganda ko pa ang gawa ko. Ngayong gabi, nakapag-upload ako ng isang vlog. Tungkol iyon sa kung paano maging pera ang talento sa pagsusulat. Nagkataon namang ngayong gabi, nagsimula na ang St. Bernadette na mag-post ng animated stories mula sa proyektong 'Mga Kuwento ni 21st Century Teacher." Masaya ako dahil unti-unti ko nang napapakinabangan ang mga itinanim ko noon. Masasabi kong may pera talaga sa pagsusulat. Hunyo 20, 2020 Nagsulat muna ako ng pang-update sa wattpad. Nang sa tingin ko, nabuo ko na ang isang chapter, bumangon na ako. Maghapon akong humarap sa laptop ko upang ipagpatuloy ang paggawa ng module. May mga pahinga at intermissions naman ako, kaya hindi pa rin tapos. Ngayong gabi, bago ako natulog, naka-apply ako sa Dreame. Sana matanggap nila ang nobela ko. Nagbabayad sila sa stories, ayon sa mga nababasa ko sa Facebook, mula sa mga comments at posts ng mga writer-friends ko. Hunyo 21, 2020 Nagpa-late ako ng bangon. Sinubukan ko si Emily kung tinablan sa sinabi ko kahapon, na ang nagnenegosyo ay gumigising ng maaga. Early bird catches worm. Past 8, sinilbihan ako ng mag-ina ko ng almusal. Father's day raw kasi. Bago ako humarap sa laptop, nag-gardening muna ako. Maganda ang araw, kaya nasikatan din ako. Ngayong araw, natapos ko na ang unang module sa Filipino. Zine-style ang ginawa ko, kaya maaari ko itong idagdag sa koleksiyon ko. Kung hindi ko man maioagamit sa mga estudyante ko dahil provided naman ng division ang modules, okay lang. Nariyan naman si Zillion. Gabi, nasimulan ko ang ikalawang module. Ang tema ko naman dito ay pagsusulat. Sa una kasi ay saging. Nakagawa rin ako ng isang vlog para sa isa kong YT account. So far, may 499 subscribers na ako. May 1200+ watch hours na rin. Mabilis dumami ang watch time ko dahil sa Acid Reflux video. Marami rin ang nagkokomento, nagtatanong tungkol sa mga karamdaman nila. Narararamdaman ko na... Sana lang, maaprub na ko sa Adsense. May problema ang una kong registration. Hunyo 22, 2020 Simula 9 hanggang 12, nakinig ako sa webinar tungkol sa online conferencing. Initiated ito ng SDO. Required ang lahat na manood. Marami naman akong natutuhan, kaya worth it naman ang pagsayang ng internet. Then, maghapon na akong nakaharap sa laptop para sa iba pang gawain. Nakagawa uli ako ng clipart. Mas nagagamay ko na ngayon. Nakakainis lang kasi hindi dumating ang order kong drawing tablet sa Lazada. Ngayong gabi, may 509 subscribers na ako sa YT. Marami ring nagtanong tungkol sa acid reflux at sa FVP. Mas tumaas pa ang watch time niyon. Hunyo 23, 2020 Past eight, nasa harap na ako ng laptop, pero isiningit ko ang gardening. Saglit lang naman ako. Andami ko kasing kailangang gawin. Andaming hinihingi ng division. Paulit-ulit na trabaho. May survey form na, tapos magma-manual counting na naman. Gusto nila talagang pahirapan ang mga guro. Kawawa ang mga walang internet signal. Gayunpaman, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng module. Halos matapos ko na. Ilang pahina na lang, magpi-print na uli ako. Makagawa uli ako ng PNG clipart. This time, doctor naman ang ginawa ko. May ginawa rin akong laptop icon. Total of 517 ang YT subscribers ko, so far. More to go, pero kaya pang magtiyaga. Hunyo 24, 2020 Maghapon uli akong nasa harap ng laptop, pero masaya naman dahil nai-print ko na ang ikalawang module ko. Nagsimula uli ako ng ikatlong module. Mas sumaya pa ako dahil tinawagan ako ni Ma'am Nhanie. Binigyan niya ako ng writing commitment sa St. Bernadette Publishing House. Tamang-tama raw na gumagawa ako ng module ng Filipino 6. Iyon din ang ibinigay niya sa akin. May format nga lang siya ng module na ipinagagaya sa akin, kaya medyo magagalaw ang mga nauna kong gawa. Binigyan niya ako ng palugit na matapos ng first grading. Sa last day ng Hunyo ang deadline Isang linggo na lang. Fifteen na module ang kailangan kong gawin. Dahil trabaho at pera ito, tinanggap ko ng challenge. Agad kong sinimulan. Pinag-aralan ko muna nang kaunti ang mga samples na binigay niya. Past 12:20, naipasa ko na sa kanya ang isang draft ng module. Hindi na kaya ng mga mata ko. Sana approved. Bukas, magdadalawang module ako. Hunyo 25, 2020 Agad kong hinarap ang paggawa ng module. Mas may excitement na sa puso ko kasi double purpose ito. Maisasantabi ko nga lang ang ibang mga bagay na gusto kong gawin. Pero, hindi bale hanggang June 30 lang naman ito. Nakatapos ako ng tatlong module at nasimulan ko ang panglima ngayong araw. Nakagawa rin ako ng vlog. Nagpatulong ako sa pag-record ng audio kay Emily. Past ten, nasa higaan na ako, pero hindi ako agad nakatulog. Alam ko namang magkaka-insomia uli ako. Ginusto ko lang ipahinga ang mga mata ko. Hunyo 26, 2020 Maaga akong bumangon upang matapos ko agad ang nasimulan kong module. Nagawa ko naman, kaya nag-gardening muna ako. Sa ikaanim na module ako nahirapan. Amg hirap ng layunin. Balangkas. Kinailangan ko pang magbuod ng mga kuwento ko upang magamit ko. Nakadalawang module lang ako ngayong araw. Nasimulan ko na rin ang pampito. Sana bukas makatatlo ako. Hunyo 27, 2020 Kahit nagsimula ako nang maaga sa module ko, nakadalawa akong ako ngayong araw. Nagdagdag kasi ng part si Ma'am Nhanie. May 'Gawin Mo' na. Kinailangan kong gumawa ng ten-item formative test bawat module. Gayunpaman, natutuwa ako dahil nakawalo na ako. Pito pa. Hunyo 28, 2020 Maghapon at magdamag akong gumawa ng module. Nang kinumusta ako ni Ma'am Nhanie, namangha siya dahil pang-11 na ang ginagawa ko. Pinayuhan din niya akong gamitin ang ibang laman ng Sinag 6 book niya. Ayaw ko sana kasi may mga akda naman ako, kaya lang naisip ko ang utang na loob. Kailangan ko ring ibalik sa kanya, bilang pasasalamat. Before 12 mn umakyat na ako. Pagod na pagod at antok na antok ako. Hunyo 29, 2020 Kung hindi pa umalulong ang aso, hindi pa sana ako babangon. Past 8 na iyon. Okay lang din naman kasi naalala ko ang webinar. Bandang 9 hanggang 12, nakatutok ako. Interested kasi ako sa Google Classroom. Magagaling ang speakers. Ang tungkol naman sa Moodle, walang sabor. Gumawa na lang ako ng module. Hindi ko inintindi kasi napaka-complicated ng operations. Hindi user-friendly. Good thing naman dahil nakatapos ako ng isang module. At maaga akong nagpatay ng laptop ngayong gabi. Past 9, pa lang off na. Naka-13 modules na ako. Sa tingin ko, kaya ko nang tapusin ang dalawa pa, bukas.

Monday, June 8, 2020

New Normal Alternative Delivery Modes

May apat na alternative delivery modes na ipapairal ngayong New Normal, na sisimulan sa pagbubukas ng School Year 2020-2021 depende sa Division o Regional Office. 

Sa pag-fill out pa lamang ng Learner Enrollment and Survey Form (LESF) pumili na ang mga magulang at estudyante ng learning modes na angkop at ayon sa kakayahan nila. Ang mga ito ay Face to Face, Distance Learning, Blended Learning, Home Schooling. 

Ang Face to Face Learning ay ang tradisyonal na teaching-learning process.  Ipatutupad lamang ito sa mga lugar na wala nang banta ng CoViD-19, na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF). Babawasan ang bilang ng mga papasok sa bawat klase upang masunod ang health standards. Subalit, dahil sa panganib sa kalusugan ng naturang virus, marami ang hindi sang-ayon dito.

Ang Distance Learning ay may tatlong anyo: Online Learning, Modular Learning, at Radio/TV Broadcast Learning.

Ang Online Distance Learning ay pag-aaral gamit ang mobile phone, tablet, laptop, o desktop, na may internet connection. May dalawang klase ito, ang Synchronous at ang Asynchronous. Sa Synchronous, ang mag-aaral ay kinakailangang mag-online sa itinakdang oras. Tinatawag itong 'real time.' Sa Asynchronous, ang mag-aaral ay may kalayaang mag-online ayon sa kanyang kakayahan, ngunit kailangang pasok sa itinakdang palugit ng guro. 

Ang Modular Learning ay pag-aaral gamit ang learning modules na ipamamahagi nang libre ng mga paaralan. Maaari itong printed o electronic. 

Ang Radio/TV Broadcast Learning ay pag-aaral gamit ang radyo at telebisyon, na ihahatid sa mga mag-aaral ng departamento. 

Ang Blended Learning ay ang pinagsamang Face to Face at Distance Learning. Dahil sa isyu ng koneksiyon sa internet, maaaring ganito ang maging uri ng pag-aaral ng mga mag-aaral.

Ang Home Schooling ay pag-aaral sa loob ng tahanan, kung saan ang mga magulang ang magsisilbing guro sa kanilang mga anak  o estudyante. Magbibigay ang DepEd ng assesment tool kung saan ihahanda ang mga mag-aaral sa pagsusulit, na gaganapin kapag maaari na silang lumabas. Ibabase ang grado nila sa pagsusulit. Ang Most Essential Learning Competencies (MELC) ang gagamiting kurikulum para rito, kung saan mas kakaunti ang learning competencies na dapat nilang matutuhan. Kaya, nararapat lamang na mamaster na ng mga mag-aaral ang mga ito bago pa ang pagsusulit. 

Mahirap ang sitwasyon ng bawat isa sa panahon ngayon, ngunit magiging madali ito kung buong-buo ang suporta ng bawat isa sa mga bagong panuntunan. 

Isulong pa rin natin ang edukasyon!

Matutong Mag-English

Ang Ingles ang pandaigdig na wika, na kailangang matutuhan upang magamit sa pakikipagtalastasan. Para nga sa iba, ito ay basehan ng katalinuhan. Kapag mahusay raw mag-Ingles ay matalino. Well, lahat tayo ay maaaring magbigay ng opinyon.

May mga paraan upang matutong mag-Ingles. Hindi na natin kailangang mag-aral sa prestihiyosong unibersidad. Sa sariling pagsisikap at sa mga simpleng paraan, tiyak magiging inglesero o inglesera na tayo.

Isa. Magbasa tayo ng librong Ingles sa loob ng sampung minuto araw-araw. Take note, sampung minuto lang. Katatamaran pa ba natin iyon? Isipin na lang natin kung ilang oras tayong nakatutok sa ating cellphone. Bakit hindi sa aklat o sa book? Hindi sa Facebook.

Dalawa. Kausapin natin sa Ingles ang ating sarili sa salamin. Huwag 'Mirror, mirror on the wall,' ha. Talk sensibly sa repleksiyon ng ating sarili. Tayo rin ang sasagot. Hindi naman iyon kakatwa kung gagawin natin in private. Huwag sa salamin sa mall o sa CR.

Tatlo. Manood tayo ng pelikulang Ingles. In this way, mai-expose tayo sa iba't ibang salitang Ingles, gayundin sa mga expressions. Puwede rin naman sa mga pelikulang may subtitles, basta tama ang translations. Mas gusto ko nga may sub kasi naririnig ko na, nababasa ko pa.

Apat. Sumulat tayo sa diary o journal, gamit ang Ingles. Hindi lang pagsasalita ang kailangang matutuhan. Mas mainam kung kaya natin itong isulat. Mas maitatama natin ang mga spelling at grammar kapag pasulat. May taong mahina sa oral, pero magaling sa written Or vice versa. Sana both.

Lima. Makipag-usap tayo sa Amerikano o foreigner. Parang praktis na rin ito. Mas mauunawaan pa nga tayo ng ibang lahi kaysa sa kapwa Pinoy. Kapag kapwa natin ang kausap natin, pagtatawanan tayo kapag nagkamali. Akala mo naman, pagkagaling-galing niya. Nakaka-trauma iyon, `di ba?

Anim. Matuto tayo ng limang salitang Ingles araw-araw. Para itong 'word of the day,' pero dapat lima. Words of the day. Kailangang may diksyunaryo tayo sa bahay o sa bag. Mayroon din namang mobile dictionary. So walang rason para hindi tayo matuto. Imagine, araw-araw limang salita o 365 times 5... wow! Andami na nating alam!

Pito. Gumamit tayo ng English grammar checker. Applicable ito kapag written. Puwede nating konsultahin ang application na ito para itama ang balarila natin bago natin i-post, ipasa, o i-print. Kahit sa MS Word, maaari nating makita ang mali natin. Parang ang boss natin... laging mali natin ang nakikita.

Walo. Huwag tayong matakot magkamali. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi tayo sumusubok ay dahil takot tayong magkamali. Doon tayo matututo at lalago. Pero kapag paulit-ulit tayong nagkakamali, hindi tayo bobo... may sakit na tayo n'on. Sige lang, try hard!

Siyam. Makipagkaibigan tayo sa mga taong kapareho natin. Sabi nga, birds of the same feathers flock together. Kapag inglesero o inglesera ang mga friends natin, malaki ang tsansa na maging katulad natin sila. Sila ang susuporta sa ating hangaring makapag-Ingles.

Sampu. Magpraktis tayo palagi. Gasgas na ito, pero uulitin ko... Practice makes perfect. Huwag na lang nating intindihin ang kasabihang 'Nobody's perfect' kasi baka hindi na tayo magpraktis. Talk and talk lang kahit simple English. Huwag lang OA. Baka naman pati sa pagpara sa dyip ay Ingles pa.

Kapag nagawa natin ang sampung paraang ito, makikita nating may improvement sa communication skills natin. Tandaan lang na gamitin at ipagmalaki pa rin natin ang Wikang Filipino.



Wednesday, June 3, 2020

COFFEE LOVER, PERO HYPERACIDIC?

Coffee lover ka, pero bawal na sa iyo dahil may ulcer ka o gastritis o hyperacidity. Nahihirapan ka ring makatulog sa gabi. 

User ka rin ng 3-in-1 coffee. Nakakatatlo ka pa nga maghapon. Pero hindi mo alam, synthetic lang ito. Gumagamit ito ng magic sugar, na hindi healthy sa katawan. 

At siyempre, may mga benepisyo rin ang kape. Hindi ito dapat ikaila. Ang tanong lang ay "Aling brand ng kape?"

Huwag kang mag-alala. May good news para sa iyo ang First Vita Plus.

Ang FVP 100% Pure Coffee ang kailangan mo. Nakatutulong ito para ma-relax ang iyong isipan at matutulungan kang sumarap ang iyong tulog.

Dahil coffee lover ka, pero ayaw mo nang  magkape dahil nakararamdam ka ng pangangasim sa sikmura o hyperacidity, na may palpitations pa, heto na ang kape para sa iyo. 

Subukan na ang FIRST VITA PLUS 1 FOR 5 COFFEE.

Ang sangkap nito ay pure herbal, natural at organic: MALUNGGAY, DAHON NG SILI, URAY/KULITIS, SALUYOT, at TALBOS NG KAMOTE

Hindi ka na magiging acidic dahil natural ang mga sangkap. Marami pang health benefits na makukuha rito.

Nagkakape ka nga sa Starbucks, why not this healthy products.

Magkape na at lumusog!

Si Vida Kontrabida

“Ayan ka naman, Vida!," nakangiwing sawata ni Anna, isa sa mga SK kagawad. "Lagi ka na lang ganyan... Hindi ba nag-usap-usap na tayo?"

            "Oo nga, pero naisip kong mali pala," paliwanag ni Vida.

            "Ano'ng mali? Hindi ba nagbotohan pa tayo at ang gusto ng karamihan ay ituloy natin ang proyekto," sabi naman ni Rolando, ang SK chairman ng Barangay Sampaloc.

            "Posible tayong makasagap ng virus sa gagawin natin," hirit pa ni Vida.

            "Naku! Naipaliwanag na natin kanina kung paano natin proprotektahan ang sarili natin. Isa pa, inaasahan na ni Kapitana Elsa ang ating pakikiisa. Nakahanda na rin ang mga relief goods," sabi ni Rolando.

            "Sige, ituloy ninyo. Basta huwag na ninyong asahang darating ako sa Lunes," tugon ni Vida.

            "Ano'ng ibig mong sabihin? Iiwanan mo kami? Paano ang gawaing nakaatang sa `yo? Sino ang gagawa niyon?" tanong ni Rosa, isa ring kagawad.

            "Kayo na ang bahala. Pag-usapan ulit ninyo. Tutal kayo naman ang matatapang kaharapin ang peligro... Pasensiya na.” Tumalikod na si Vida at mabilis na lumayo sa mga kasamahan.

            Nagbulungan ang mga kasamahan niya, pero hindi na niya iyon inintindi. Alam niyang magkakaroon uli ng pagpupulong ang mga ito.

            Sa kanilang bahay, agad na nakaramdam ng kalungkutan si Vida. Gayunpaman, sanay na siyang matawag na kontrabida.

            Sa pulong ng Sangguniang Kabataan, kasalukuyang nilang pinag-uusapan ang mga dapat gawin.

            “Bumalik si Vida Kontrabida,” deklara ni Anna.

            “Puwede bang sumali sa pulong ninyo?” nahihiyang sabi ni Vida. “Sorry sa inasal ko kanina.”

            “Sige, sige… Halika, upo ka rito.” Binigyan siya ng upuan ni Rolando.

            “Napag-isip-isip ko, lagi akong nagiging kontrabida sa inyo. Akala ko kasi lagi ninyong     binabalewala ang mga suhestiyon ko. Ang totoo naman pala, pinagbobotohan natin upang makabuo tayo ng tamang desisyon. Pasensiya na talaga kayo… Hindi na ito mauulit.,” sabi ni Vida.

              “So, itutuloy na ba natin ang naunang plano?” masayang tanong ni Rolando.

              “Oo, sana,” tugon ni Vida.

              “Mabuti naman kung ganoon… Meeting adjourned!”

              Habang nagtatawanan at nagliligpit ang kanilang mga kasamahan, kinamayan ni Rolando si Vida. “Sana ikaw na palagi si Bidang Vida.”

              “Oo, Chairman, ayaw ko nang maging Vida Kontrabida. Kailangan ko nang tanggapin ang anomang napagpasyahan ng nakararami dahil iyon ang siguradong tama at nakabubuti sa lahat.”


Tuesday, June 2, 2020

Mahal ba talaga ang First Vita Plus?

"Ang mahal naman kasi!" Iyan ang madalas na sagot ng mga taong inaalok ko upang bumili ng mga produkto ng First Vita Plus.


Patunay lamang iyan na hindi siya magaling sa Matematika. Dahil marami ang namamatay sa maling akala, akala nila nakatipid sila sa mga binibili nilang inumin at pagkain. Akala nila nagiging malusog sila sa mga tini-take nila.


Akala lang nila iyon!


Let's do a simple arithmetic.


Halimbawa, may isang taong sakitin dahil pagod at stress sa trabaho. Ito ang mga bibilhin niya. Nilagyan ko na ng estimated na presyo


Juice P10
Multivitamins P10
Energy drink P35
Gulay                   P30     
Anti-stress tab              P12
Fiber                               P15
TOTAL                          P112


One hundred twelve pesos (P112) ang gastos mo araw-araw para lang maging healthy ka (sa akala mo). Depende pa iyan kung may bisyo ka pa. Bibili ka pa ng milk tea o kape sa mamahaling coffee shop. Tapos, may bisyo ka pa.


Pero, tingnan mo ang laman ng isang First Vita Plus:


Juice                              

Multivitamins                

Energy booster                  

Gulay                                

Anti-stress             

Fiber                               


Iyan ang siniksik na laman ng FVP Health Drink. May limang power herbs (dahon ng sili, talbos ng kamote, saluyot, malunggay, at kulitis), na nilahukan pa ng extract ng prutas. Ang mga gulay na iyan ang kailangan ng katawan ng bawat tao. 


Iyan din ang mga binili mo. Iba't ibang brand pa. Pero sa FVP Health Drink, isa lang. Sa halagang P44  hanggang P52.25 (depende sa variant), kompleto na. Malusog ka na, makapagtratrabaho ka pa nang maayos. Hindi pa apektado ang kidney at atay mo sa mga kemikal dahil ang mga produktong ito ay natural. Hindi rin ito dumaan sa hot process kaya 100% ang sustansiyang papasok sa katawan mo. 


Kung gagawin mong bisyo ang pag-inom ng First Vita Plus Natural Health Drink, lalakas ang immune system mo. Makikita mo ang pagbabago. Ang mga dating unhealthy lifestyle ay unti-unting mawawala. 


Mahal magkasakit. Pero sa FVP, hindi ka mamahalin ng sakit. 


Mahal ka ng First Vita Plus, kaya huwag mong sabihing mahal ang mga produktong inaalok namin sa iyo. 


Hindi mahal ang First Vita Plus. Mas mahal ang nakasanayan mong gamot, inumin, at pagkain.

Monday, June 1, 2020

Mahal Mo ba ang Pamilya Mo?

Siyempre, mahal mo ang iyong pamilya, gayundin ang iyong mga kamag-anak at kaibigan. Hindi mo gustong maging biktima sila ng COVID-19. Nais mo silang protektahan sa mapaminsalang virus na ito.

Hindi biro ang Novel Corona Virus (CoViD-19). Kaya, huwag mong balewalain ang mensaheng ito.

Ayon kay Doctor Rolan Mendiola, ang CoViD-19 ay isa sa napakadelikadong virus na pumapatay ng tao sa buong mundo. Hindi lingid sa atin, na lumalaganap na ito sa loob at labas ng bansa. Labis na pag-iingat ang kailangan ng bawat isa. Kung hindi tayo magiging maingat, maaaring ang katabi mong kaibigan at kasamang kamag-anak at pamilya ay infected na pala. Ang masaklap pa, baka ikaw mismo ang makahawa sa kanila. At ito ay maging sanhi ng pagkalat at pagpapasa-pasa ng naturang epidemya.

Subalit, ano nga ba ang Corona Virus?

Ang virus na ito ay parang korona ng hari kapag titingnan sa microscope. Noong 1960s pa mayroon nito. Katulad ito ng SARS, Maerscov, at marami pang sumunod na virus. Ang CoViD-19 ay pampitong uri ng virus na lumaganap sa mundo simula noon.

Sobrang delikado ng virus na ito. Sa simpleng bahing, ubo, at laway mula sa katabi mo, sa harap, sa likod, at kabilaan ay puwede kang mahawa, lalo na kung mahina ang resistensiya at immune system mo.

Kadalasan, ang inaatake agad ng virus na ito ay ang respiratory system ng tao. Magkakaroon ng malubhang ubo (dry cough), pamamamaga ng tonsil, at paninikip ng dibdib, kaya mahihirapang huminga ang biktima. Dahil dito, mabubulok ang baga ng infected at maaari niya itong ikamatay. Hindi ka gagaling agad at magiging useless ang gamot na ipapainom ng doktor kung mahina ang resistensiya at immune system mo. Pumapatay ng virus ang mga gamot na irereseta, kaya pinapatay din nito ang ibang good cells sa katawan mo. Mapuksa man ang CoViD-19 sa sistema mo, humina naman ang ibang bahagi mo, or worse, nasira.

Marami nang doktor ang nagrereseta ng First Vita Plus products, sapagkat pinalalakas ng mga ito ang immune system at pinabibilis ang paggaling ng pasyente o ang taong infected ng virus.

Ang First Vita Plus Natural Health Drink products ay hindi gamot. Ang mga ito at mabibisang pampalakas ng immune system at resistensiya, pampabuhay ng namamatay na good cells, at pagkain ng white blood curposules na nagsisilbing sundalo ng ating katawan. Lahat ng virus at mga bacteria ay pinapatay nito upang mahirapang makapasok sa katawan natin ang mga virus at bacteria.

Ang mga produkto ng First Vita Plus ay pinag-aralan at nilikha ng mga Filipino scientists sa loob ng sampung taon. Gumamit sila ng mga gulay upang pumuno sa angkop na pangangailangan ng bawat indibidwal.

Subok na ng karamihan ang benepisyo at husay ng First Vita Plus products.
Napakarami na ang natulungang gumaling, lalo na sa kaso ng mga viruses.

Sa mga nangagailangan ng FVP products, maaaring makipag-ugnayan sa mga lehitimong dealers upang makasiguradong hindi peke ang iinoming produkto. Pilit na ginagaya ang mga produktong ito, kaya mag-ingat sa fake.

Hindi mahal ang mamuhay sa mundo kung saan samot-saring sakit na ang lumalaganap, kung mahal mo ang kalusugan mo at ang pamilya, kamag-anak, at kaibigan mo.

Love yourself, your family, relatives, and friends. Drink FVP Natural Health Drink.




Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...