Sa isang bayan sa Quezon ipinagbabawal noon na akyatin ang isang bundok. Doon daw matatagpuan ang mga puno na namumunga ng mga prutas na may mapait at nakakalasong buto.
Isang araw, may isang batang
lalaki ang mapangahas na umakyat sa bundok na iyon. Habang naglalakad,
nakasalubong niya ang isang matandang babae. Binigyan siya nito ng mga prutas.
“Lola, ito po ang ang sinasabing prutas na nakakalason?“ tanong ng bata.
“Naku, hindi nakakalason
iyan. Mapait lamang ang buto, pero matamis iyan. Sabihin mo sa mga kanayon mo
na nagkakamali sila tungkol sa lansones,“ tugon ng matanda.
‘‘Ah, lansones pala ang tawag
dito!“ Pag-uwi ng bata, tinikman niya at kaniyang magulang ang lansones.
Napatunayan nilang totoo ang sinabi ng matanda. Kaya, agad nilang ipinamalita
iyon sa kanilang mga kapitbahay hanggang sa kumalat na sa buong lalawigan.
Dahil sa pagsunod at
paniniwala ng bata, nagpasya ang matandang babaeng isang diwata pala na
pabungahin pa nang marami ang mga puno ng lansones sa bundok. Simula noon,
nagkaroon na ng matamis at masustansiyang prutas na lansones ang lugar nila.
No comments:
Post a Comment