Followers

Sunday, August 3, 2025

Paano Manalo sa Buhay

Ang buhay ay isang tagisan ng galing. Kung mahina na, matatalo ka. Pero kung magaling ka, mananalo ka.

 

Paano manalo sa mapanghamong buhay?

 

Kapag may nang-insulto sa 'yo, huminto ka nang ilang segundo. Titigan mo siya, saka tanungin kung okey lang siya. Sa ganitong paraan, mas maiinsulto siya.

 

Kung sa tingin mo ay nagsisinungaling, tingnan mo siya sa mata. At wala kang ibang sasabihin. Sa ganitong paraan, maipararamdam mo sa kaniya ang iyong pagdududa. O

 

Kapag nasa gitna ka ng mainit na pagtatalo, kalmahan mo lang. Hinaan at babaan mo lang ang boses mo upang isipin niyang ikaw ang nanalo. Hindi naman talaga palakasan ng tono ang basehan ng tamang argumento.

 

Kung nasa publiko ka o nasa napaliligiran ng maraming tao, tumindig ka nang tuwid. Humanap ka ng espasyo kung saan mapapansin ka ng karamihan. Sa ganitong paraan, mabubuo mo ang lakas ng loob at tiwala sa sarili.

 

Huwag mong masyadong ipagkatiwala sa mga kaibigan ang iyong mga lihim sapagkat magiging bala nila iyon laban sa iyon kapag kayo ay nag-away-away. Pero hindi ko sinasabing huwag kang makipagkaibigan. May mahalagang papel silang ginagampanan sa iyong buhay.

 

Huwag mo rin namang kamuhian ang iyong mga kaaway sapagkat maaapektuhan nito ang iyong pasiya. Bagkus gamitin mo ang iyong mga kaaway para angatan sila. Gawin mo silang motibasyon para lumago ka at magtagumpay. Sila ang unang masasaktan kapag nanalo ka sa buhay.

 

At huwag kang masyadong.makipag-argumento upang patunayan lamang ang punto o sarili mo. Sa halip, kumilos ka. Gawin mo ang nais mong sabihin. Ipakita mo sa mga kilos mo, na tama ka at magaling ka.

 

Madali lang manalo laban sa mga pagsubok, sa mga kaaway, at sa buhay, hindi ba?

No comments:

Post a Comment

Paano Manalo sa Buhay

Ang buhay ay isang tagisan ng galing. Kung mahina na, matatalo ka. Pero kung magaling ka, mananalo ka.   Paano manalo sa mapanghamong bu...