Followers

Sunday, December 14, 2014

Redondo: Sinungaling

Iyak ng iyak si Dindee kahapon sa kuwarto niya. Namugto ang mata niya. Sorry naman ako ng sorry sa kanya.Nalaman na rin ni Daddy ang tungkol dito. Pero, wala rin kaming nagawa. Nagkulong lang siya sa kuwarto. Ako naman ay nag-practice ng kanta.  Mga emo songs tuloy ang napili ko. Hindi niya ako sinamahan sa bar.

Sa bar, hinanap ni Boss Rey ang girl friend at mommy ko. Next time daw, hindi daw ako pwedeng umuwi mag-isa. Kailangan daw na kasama ko si Mommy. Si Mommy na naman. Kaya sinabi kong si Daddy na lang ang isasama ko. Ayun, uminit ang ulo. Nasingahalan ako. Bahala daw ako at tinalikuran pa ako. Tapos, bago niya ako binayaran, sinabihan ako na pangit daw ang choice of songs ko. Malulungkot daw. Next time, gusto niya ang lively, masaya.  Kaya halos ayaw pa akong bayaran..

Buwisit! Apektado ako ng tampo ni Dindee.

Kaya nang nakauwi ako, kinatok ko ang pinto ng kuwarto ni Dindee.

“Dee, please, mag-usap tayo. Buksan mo ang pinto.” Naghintay ako. Walang response.  Ilang ulit akong nagsumamo pero walang reply. Nabulahaw ko na si Daddy.

“Tulog na. Bukas na.” bulong niya sa akin. Tapos, hinagod niya pa ang likod ko. “Sige na, nak.. Bukas na.”

Gusto kong maiyak. Nahihrapan na ako. Lagi na lang bang ako ang may kasalanan. Oo, may mali ako. Pero, hindi ko siya niloloko. Siya ang mahal ko..

Hindi ako nakatulog kagabi. Kaya kanina, alas-diyes na ako bumangon. Naabutan ko si Dindee na nasa labas. Hawak niya ang DSLR niya. Kumukuha siya ng mga litrato.

“Pwede mo akong maging model.” Malambing kong sinabi. Hindi niya ako pinansin. “Sorry..” Naghintay ako. Hindi pa rin siya lumilingon. “Sorry na. Hindi na mauulit.” Nang hindi na ako nakatiis, nilapitan ko na siya at kinabig paharap sa akin. “Dee, patawarin mo na ako. Mahal na mahal kita!” Nagsalubong ang mga mata namin. Luhaan na pala si Dindee. “Sorry.” Niyakap ko siya. Naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya.

Bumitaw siya pagkalipas ng ilang sandali, tapos tumakbo paloob. Sinundan ko siya. Nakapasok ako sa kuwarto niya bago niya nai-lock.

“Lumabas ka! Sinungaling ka! Magsama kayo ng Riz mo!” Pinaghahampas niya pa ang dibdib ko. Ang lakas niya. Naitulak niya ako palabas at nai-lock niya ang pinto.

Hindi na ako nagpumilit.

Maghapong tahimik ang bahay namin. Si Daddy ay hindi nagpatawa. Nakikisimpatya siya.

Idinaaan ko sa gitara ang kalungkutan ko. Pero, masasayang tugtog ang ginitara ko. Dapat ko kasing sundin si Boss Rey. Tinugtog ko ang ‘Billionaire’ ni Bruno Mars, ‘Tsinelas’ ng Yano at ‘Gitara’ ng Parokya ni Edgar.


Handa na ako mamaya sa pagtugtog. Si Daddy ang kasama ko mamaya sa MusicStram. 

Saturday, December 13, 2014

Redondo: Sampal

Kagabi sa MusicStram, pinapirma ako ni Boss Rey ng kontrata. Pinabasa niya muna siyempre sa akin. Pumayag ako na hindi ako mag-apply sa ibang music bar habang naka-kontra ako ng isang taon  sa kanya. Gaya ng napagkasunduan naming, every Friday, Saturday at Sunday lang ako tutugtog. Pwede rin akong umekstra kapag gusto ko, lalo na kapag walang pasok.

Pina-fill out niya rin sa akin ang isang bio-data, kung saan pilit niyang ipinasulat ang mga numero ng cellphone ng aking mga magulang. In case of emergency daw.

Tapos, pinatugtog na agad ako. Naauwi kami ni Dindee ng mas maaga-aga. Gusto ko sanang magsulat ng journal ko. Pero, naalala ko ang sulat ni Riz. Nawawala!

Hinalungkat ko at inilabas ko ang lahat ng laman ng bag ko, pero nabigo akong mahanap ito. Kinabahan na ako kagabi. Pumasok na si Dindee sa kuwarto niya. At malamang magagalit iyon lalo na kapag malaman niya na ang hinahanap ko ay ang sulat ni Riz.

Nahiga na alng ako at inisip kung paano yon nawaglit sa journal ko. Alam na alam ko na inipit ko lang iyon doon.

Kanina, paggising ko, agad ko ulit na hinanap ang sulat. Naisaloob ko nga na di baleng mawala, huwag lang mapulot o makuha ni DIndee. Tampuhan na naman ito.

Hindi ako nagpahalata. Pero, hindi rin naman ako makapag-concentrate sa pag-practice ko ng kanta. Pinapakiramdaman ko si Dindee. Wala namang pagbabago sa mukha niya.

Siningit ko ang paghahanap sa sulat. Hanggang sa mapansin ako ni Dindee.

“Ito ba ang hinahanap mo?” tanong ni Dindee.

Halos takas an ako ng dugo nang itaas pa niya ang sulat. “Oo, yan..” nanginig ang boses ko habang papalapit ako sa kanya para abutin ang sulat.

Binigay naman agad ni Dindee sa akin.

“Salamat!’’

“Ganun lang? Hindi ka magpapaliwanag?”

“Nabasa mo?”

“Naman!”

“Paano mo nakuha ito?”

“Mahalaga pa ba iyon? Ang tanong..paano mong nagagawang ilihim  sa akin ang bagay na tulad niyan?!” galit na ang tono niya.

“Sorry, Dee..Kaya nga hinahanap ko para maikuwento ko sa’yo.” Hinawakan ko ang mga braso niya at nilapit ko ang lips ko sa pisngi niya.


Pak! Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Tapos, agad na nagkulong sa kuwarto si Dindee. Wala akong nagawa kundi pahupain ang galit niya. Ayokong malaman ni Daddy na nag-aaway na naman kami dahil kay Riz.

Friday, December 12, 2014

Redondo: Sorry

Sa school kanina, naghanap ako ng chance para nakausap si Riz. Nahirapan ako. Kung hindi pa ako nag-excuse nang lumabas siya para mag-toilet, hindi ko pa makakausap.

Sa correigdor kami nagpang-abot.

“Riz, salamat nga pala sa sulat mo kahapon. Sorry, hindi ko nasagot..” medyo nahihiya pa akong tingnan siya sa mata.

 Ganun din siya. Umiwas siya ng tingin at akmang aalis na. “Okay lang. Walang anuman.”

“Ah, Riz..?”

Tiningnan na niya ako. Nagtagpo ang aming mga mata.

“Sorry din..” sabi ko.

“Saan?”

“Sorry kasi..” tinuro ko siya at ang sarili ko. Hindi ko kasi masabi.

“Okay lang. I know masaya ka na sa kanya. Keep it strong. Don’t hurt her. I’m happy for you.” Then, she extends her arm for a shakehands.

Nakipagkamay ako sa kanya.

“Friends?” tanong pa niya.

Tumango ako habang nakatitig sa maluha-luha nyang mga mata. The, she walks away. Naiwan akong nakatayo habang tinatanaw siyang lumalakad pabalik sa aming classroom.


Nalungkot akong bigla. “I’m sorry, Riz.” Bulong ko. Gustong umagos ng mga luha ko.

Thursday, December 11, 2014

Redondo: Sulat

Binasa kong muli ang sulat ni Riz sa akin kahapon.
Red,
      I know you're happy right now with your present relationship. I just want you to kow how regretful I am seeing you in this state with other girl. I really hate myself for messing you out. I never knew that you would easily give up. 
      I miss the night you serenaded me at the park. You know what? I felt I was in the cloud nine that time. But, I acted fool when I walked out without accepting your apology. Sorry..
        I'm very sorry..
       I just realized that I lost someone special to my heart. I love the way you sing ''God Gave me You" yesterday. I hoped that was dedicated to me. But, the truth is..is not mine. 
       Thank you, anyway, for being my friend. Thank you for once saving my life. I will forever treasure that. 
        Pursue your talent. You have a great voice. Good luck!
                                                                                                                             Lovelots,
                                                                                                                             Riz

Na-touch ako. Na-miss ko siya bigla. Nang wala pa si Dindee sa buhay ko, siya pa lang ang laman ng puso at isipan ko. Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko kung bakit biglang nagbago ang pagtingin ko sa kanya.

Haay! Ang hirap isipin na masaya nga ako sa relasyon ko sa isang babaeng mahal na mahal ko, pero may tao palang nasasaktan sa pagiging masaya ko. Hindi ko iyon ginusto.

Inipit ko ang sulat ni Riz sa aking journal. Ipinasok ko naman sa aking pulang knapsack bag ang aking journal. Hindi ito pwedeng mabasa ni Dindee.

Pagdating ni Dindee, binati ko siya ng mas masaya. Nakipagyakapan pa sa akin. Bigla ko kasing naramdaman ang kakulangan ko sa kanya. Sa kabilang banda, hindi pa pala 100% ang pagmamahal ko sa kanya. Inaalala ko pa rin kasi si Riz. 

"Ang sweet naman ng mahal ko. Anong meron?" turan sa akin ng gf ko nang naghiwalay kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

"Wala. Na-miss lang kita bigla."

"Weeh. Araw-araw tayong magkasama, ah."

Speechless ako. Kumamot na lang ako sa ulo ko at ngumiti sa kanya.

Wednesday, December 10, 2014

Bahala Na

Lumipas ang mahigit isang dekada
Nang tayo ay huling nagkita
Hindi alam kung saan nagpunta
Pero ako, hinanap-hanap kita.
Isang araw, ako’y biglang sumaya
Sa Facebook lang pala kita makikita
Sabi ko’y namiss kita
Weeh, di nga, sabi mo pa
Hindi ka ba naniniwala?
Hinanap kita, hinintay pa.
Sa iyong pangako ako’y umasa
Mayakap lang kita, ayos na
Iyon naman ang pangako mo, di ba?
Malaman ko ring masaya ka na
Matatanggap ko ng talaga.
Ako’y magmo-move on na
Pag-iibigan natin, tapos na nga.
Salamat na lang, aking sinta
Dahil tayo ay nagkakilala
Nagmahalan, nagkasama
Kung ito’y may karugtong pa..

Di ko alam, bahala na.

Redondo: Talent

May klase na. Inspired akong pumasok sa klase. Dalawang araw kasi ang suspension. Kailangan kong maging inspired at maging focus. Kahit may extra job ako, hinding-hindi ako tatamarin sa pag-aaral ko. Hindi ako katulad ng iba na gusto ang laging walang pasok. Nanghihinayang ako sa bawat oras na maaksaya nang walang natutuhan.

“Dala mo pala ang gitara mo, Red..” napansin ni Mam Dina ang nakatayong instrument ko sa sulok ng classroom. “Pwede mo ba kaming tugtugan?”

“Opo, Mam!” nasiyahan ako sa idea ni Mam kaya agad kong kinuha ang gitara ko.

Umalis si Mam sa harapan at umupo sa upuan ko. Ako naman ang pumuwesto sa harapan.

“Salamat, Mam for giving me a chance. “ Nakita kong nginitian ako ni Mam. “I hope, magustuhan ninyo ang awiting ito. Dedicated sa inyong lahat.” Sinimulan kong kaskasin ang kuwerdas ng aking gitara.

Maang ang mga kaklase ko. Hindi nila mahulaan ang tinutugtog ko. Tapos, nang bigkasin ko na ang unang lyrics sa bago kong komposisyon ay lalo silang napamaang. May narinig akong nagtanong kung anong kanta iyon. Tinuloy ko ang pagkanta. Naramdaman kong nagustuhan nila ang tema nito. Ang iba ay nakiki-sing-along na sa chorus ko.

Isang malakas na palakpakan ang narinig ko pagkatapos kong tumugtog at kumanta.

“Salamat sa inyog lahat. I hope naka-relate kayo.”

“Yes!’’ hiyawan ng iba, nangunguna si Gio.

“Salamat kung ganun.. Mam, classmates..problema lang yan. Kayang-kaya nating labanan ‘yan!”

Pumalakpak uli si Riz. Siya lang. Kaya napansin ko siyang bigla. Pinagtinginan din siya ng mga kaklase ko.

“Salamat, Riz!”

“Welcome! More! More!” sagot ni Riz.

Pinaunlakan ko sila ng isa pang kanta, sa approval ni Mam Dina. Kinantahan ko sila ng pangpa-inlove—God Gave Me You. Isa na namang hiyawan ang iginawad sa akin pagkatapos. Nakakatuwa.


Salamat sa, Oh, Diyos, sa talent na ibinigay mo sa akin. Pinagkakakitaan ko na po, nakakapagpaligaya pa ako ng kapwa-tao. Salamat po!

Tuesday, December 9, 2014

Redondo: Kontrata

Bago pa ako tumugtog kagabi sa MusicStram, hinanap na ni Boss Rey si Mommy. Dapat daw ay sinama ko. Kahit asiwa ako sa paghahanap niya sa aking ina, hindi ko pinahalata. Ayokong ma-link siya kay Mommy. Binata siya pero matanda na. Isa pa, asawa pa rin ni Mommy si Daddy. Kung siya lang ang makakasira ng relasyon nila, di bale nang wala akong gig sa bar niya. Kaya ko pang makahanap.

Nainis ako. Medyo nasira ang mood ko bago ako tumugtog. Mabuti ay nagawa kong masigla ang mga kanta ko. Naki-sing-along pa sa akin ang mga customer. Kaya, isa na namang tapik sa balikat ko ang iginawad sa akin ng boss ko.

“Sa Friday night, papaipirmahin kita ng kontrata.” wika ni Boss Rey habang binibilang niya ang kabayaran ko sa pagkanta.

“Po? Kontrata?” Hindi ko maintindihan.

“Oo. Kontrata. Contract.”

“Para po saan?”

“Para sa work mo. Para may panghawakan ka na hindi ka musikero ka sa bar na ito. Ayaw mo ba ng regular na trabaho?”

Siniko ako ni Dindee.

“Gusto po..”

“Yun naman pala,e . Sige, Red.. Friday night.”

“Sige po.” Tiningnan ko si Dindee at tumalikod na kami. Ipinaunawa sa akin ng girl friend ko na makakabuting may kontrata.

Okay..

Since, walang kanina dahil pa rin sa bagyong Ruby, natulog ako ng husto. Alas-nuwebe na ako bumangon. Wala na si Daddy. Hanggang ngayon ay wala pa siyang idea na may gusto si Boss Rey sa aking ina.

Pinag-usapan namin iyon ni Dindee sa hapag. Huwag ko na raw ikuwento kay Daddy. Baka daw kasi hindi na ako payagang tumugtog sa bar na iyon. Basta ang payo niya ay huwag ko na lang isamang muli si Mommy doon.

Tama naman ang girl friend ko. Kaya, napanatag na ang loob ko.


Buong maghapon akong nag-aral ng iba pang kanta. Inaaral ko muna ang mga bagong kanta. Tapos, nag-aral din ako ng mga luma, both OPM at foreign.

Monday, December 8, 2014

Redondo: Bagyong Ruby

"Grabe po makatitig sa'yo si Boss Rey, Mommy ah." turan habang naghihintay kaming tatlo nina Dindee ng masasakyan pauwi.

"Oo nga, Tita! Ang tagal pa niyang bitawan ang kamay ninyo." dagdag pa ni Dindee.

"Hay, naku! Wag niyong bigyan ng malisya yun." sabay para sa dyip na dadaan.

Sumakay na kami. Hindi na kami nagkibuan habang nasa dyip, lalo na nang makauwi kami. 

Hindi na namin pinauwi kagabi si Mommy, since declared na, na walang pasok dahil sa Bagyong Ruby.

Tabi sila ni Dindee sa kama. Akala ko pagbibigyan niya ang hiling ko na magtabi sila ni Daddy. 

Kanina, habang nag-aalmusal kami, hindi pa rin kinikibo ni Mommy si Daddy kahit pilit siyang kinakausap ng aking ama. Minsan tumatango lang siya. At nang makaalis na si Daddy, saka lamang nakabuwelo ng pagsasalita si Mommy. Naghuntahan sila ni Dindee, habang ako naman ay naggigitara.

Naghanda ako ng mga kanta na kakantahin ko mamaya. Tinext ko kasi si Boss Rey kanina. Tinanong ko kung pwede pa akong tumugtog mamayang gabi since wala na namang pasok bukas. Pwede raw. 

Kaya, naghanda ako. Prinaktis ko ang "When I Was Your Man", "All Of Me" at "Californication". 

"Kaya mo ba ang sunod-sunod na puyatan, anak?'' tanong sa akin ni Mommy sa kalagitnaan ng aking paggigitara.

Tumigil ako sa pag-strum. "Opo. Kaya ko naman po. Isang oras naman po ang ginugol ko sa bar, ah."

"Okay, pero..di ka naman obligado na magtrabaho..''

"Naunawaan po kita, Mommy.. Pero, ito po talaga ang gusto ko.."

"Sige..pero..sana minsan, enjoy-in mo ang edad mo. Si Dindee.." inginuso pa niya ang girl friend ko. "Give her time."

"Ay, oo naman po!" 

"Sige..Goodluck!" Tapos, ginulo pa niya ang buhok ko bago siya lumapit kay Dindee.

Maghapon din si Mommy sa bahay. Alas-singko na siya umuwi sa boarding house niya. Kahit daw walang pasok bukas ay kailangan na niyang umuwi.

Okay, sabi ko. Nagpasalamat din ako sa panahon na ginugol niya para sa amin. May silbi din ang bagyo para sa amin.

Ramdam ko na mahal niya pa rin si Daddy. One of these days, mapapatawad na marahil ni Mommy si Daddy since hindi naman naghahabol si Mam Dina.

Sunday, December 7, 2014

Redondo: Boss Rey

Kagabi, isa na naman tagumpay ang pagtugtog ko. Marami pa rin ang parokyano sa MusicStram sa kabila ng pinagdadaanan ng bansa dahil sa bagyong Ruby. Kaya nga ang mga kanta ko ay medyo may mensahe na natutungkol sa kasalanan at kapaligiran gaya ng “Lord, Patawad” at “Masdan Mo ang Kapaligiran”. Tapos, kinanta ko uli ang composition ko.

Kahit alam kong baka ma-boo sa entablado ay sinige ko ang mga kanta ko. Salamat sa Diyos! Hindi Niya hinayaan niya mangyari iyon. Mababait pa rin ang mga customer ng bar. Binigyan pa rin nila ako ng palakpakan. Si Boss Rey naman, tinapik pa ang balikat ko. “Good job!” sabi pa niya. Hindi daw niya akalaing papatok pa rin ang mga kantang kagaya ng ‘Masdan..’

Kaya sa sobrang ligaya ko, kanina ay niyaya ko si Dindee at si Daddy na magsimba. Gusto ko rin sanang yayain si Mommy, kaya lang baka magalit sa akin. Hindi ko na lang niyaya. Tinext ko lang na nagsimba kami.

“Nagsimba rin ako. Saan kayo?” reply ni Mommy.

“Sa Malate Church po.”

“Dito din ako. Saan kayo banda?”

“Nakatayo po sa may pinto..”

“Wait..puntahan ko kayo..”

Nabulaga si Mommy nang makita niya si Daddy. Nawala agad ang ngiti niya nang magkasalubong ang mga mata nila. Kaya, si Dindee agad ang binati at kiniss niya. Kiniss niya rin ako pagkatapos.

Ang sumunod na nangyari ay walang imikan. Nag-concentrate kami sa misa. Tungkol sa pagpapatawad ang sermon ng pari. Tila nasapul ang dalawa.

Nang matapos ang misa, saka lamang ako nagsalita. Niyaya ko kaagad ang tatlo na mag-lunch kami. Sagot ko, sabi ko. Jolly ang tono ko.

“Naks! Yabang ang boyfriend ko.” Kumapit pa si Dindee sa braso ko, parang ininggit niya sina Mommy at Daddy. “..may work na kasi kaya anlaks nan g loob manlibre.”

“Oo naman..”

Natawa din ang mag magulang ko.

“Tara na po, Tita.” Bumitaw sa akin si Dindee para akbayan si Mommy.

Ako naman ay agad na hinila si Daddy. Wala silang nagawa, kundi ang sumunod sa amin ni Dindee.

Double date ang nangyari. Kaso, walang kibuan ang mag-asawa. Hindi nga nila tinitingnan ang isa’t isa. Kami lang yata ni Dindee ang nag-uusap.

Gayunpaman, masaya ako’t nagkataon na naroon si Mommy sa simbahan. Nayaya ko na rin siya na samahan ako sa MusicStram mamayang gabi. Idinahilan ko pa na gusto siyang makilala ni Boss Rey. Pumayag naman si Mommy. Pumayag din siyang mag-stay muna sa bahay. Mamayang gabi na siya umuwi. After ng gig ko.

Lalo akong naging inspired mag-practice ng kakantahin ko mamayang gabi dahil buo ang pamilya ko sa araw na ito. Naiparinig ko pa kay Mommy ang bago kong komposisyon. Nagustuhan daw niya.

Alas- kuwatro, lumabas kami ni Dindee ng walang paalam para bigyan ng chance ang mag-asawa na mag-usap.

Dala namin ang DSLR niya. Magpicture-picture daw kami sa kalsada.

Sobrang saya ng araw ko ngayon!



Saturday, December 6, 2014

Redondo: MusicStram

Kagabi, ang simula ng unang gabi ko bilang regular na performer sa MusicStram. Kahit tuwing Biyernes ng gabi hanggang Linggo ng gabi lang ako, okay na. Three thousand din yun.

Hindi ko binigo ang may-ari ng bar. Humingi pa ng ‘more’ ang mga parokyano. At dahil tatlo lang naman ang naihanda kong piyesa, hindi ko sila napagbigyan ng iba pa. Hindi na rin kasi ako pinagbigyan ng boss ko. May iba pa daw na tutugtog, saka hanggang alas-onse lang ako sa bar nila.

Natuwa sa akin si Boss Rey. Superb daw ang mga performances ko. Kinamayan pa ako bago inabot sa akin ang isanglibong kabayaran sa tatlo kong kanta. Tuwang-tuwa ako, gayundin si Dindee.

Pinayuhan lang kami na mag-ingat sa pag-uwi. Next time daw ay isama ko na ang magulang ko para may kasama kami pag-uwi. “Opo!’’ sabi ko.

Ngayon naman ay papunta na ako uli sa bar. Ikalawang gabi ko na sa trabaho. Ready-ng ready ako kasi kanina, maghapon akong nag-ensayo. Tatlong kanta ang inihanda ko. “She Will Be Loved’’ ng Maroon 5 at “Ngiti” ni Ronnie Liang ang dalawang kantang kakantahin ko mamaya. At siyempre, ibibida ko na ang bago kong composition. Kaya nga maghapon kong minaster ang lyrics at tono ng kanta.

Ihuhuli ko ang “Problema Lang Yan’’, para surprise. Para tuloy akong artist na magpo-promote ng bagong album. He he.  Ayos naman.


This night, kasama ko na si Daddy. Next time, si Mommy naman ang isasama ko. Kung pwede lang silang dalawa..at si Dindee, para lalo akong ma-inspire sa pagtugtog at pag-awit.

Friday, December 5, 2014

My Experiences as a Leader


 I have never been a leader. The blood running through my veins are the blood of a good follower. So, I have not experienced real leadership act ever since. However, if I could reiterate the past, I could say that I have been a good leader before.

It was when I was elected as over-all president of the school campus organization—“Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipno” or KaMaFil. I was then a fourth year high school.

I lead the group. I was also challenged by my position.

One thing that proved that I have been a (good) leader is that I have organized a commendable celebration of “Linggo ng Wika”. I have created a wonderful program where everyone participated.

Until now, that experience led me to another milestone. It was when I was chosen to be a Filipino Coordinator of our school, three years ago. Since, ‘coordinatorship’ is similar to leadership, I am, once again challenged by the responsibility. For the third times, I successfully held three celebrations of ‘Buwan ng Wika’ with a twist and with parents, pupils and teachers’ participation and support.

Another leadership I can exemplify is my position in our school as School Paper Adviser. This responsibility measures my  leadership as adviser, where I have to gather the journalists or writers and lead them to an environment where they can write. Inspiring and teaching them how to write articles is the hardest part, a leader practices.

Aside from these, handling an advisory class is also the best example of leadership. I can proudly say that I’m a good leader because I have maintained a well-disciplined classroom, even though I am an adviser of Section 2. My classroom proves how I rule them.

These leadership experiences were also inspired and highlighted by my failures in assuming presidential and senatorial positions in the student council during my college days. I failed to be a leader many times, but I never failed to follow.


Besides, leadership is not always having a position, but it is acquiring and using the power correctly to lead people to a good perspective.

Ang Aking Journal -- Hulyo 2026

Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...