Followers

Sunday, December 14, 2014

Redondo: Sinungaling

Iyak ng iyak si Dindee kahapon sa kuwarto niya. Namugto ang mata niya. Sorry naman ako ng sorry sa kanya.Nalaman na rin ni Daddy ang tungkol dito. Pero, wala rin kaming nagawa. Nagkulong lang siya sa kuwarto. Ako naman ay nag-practice ng kanta.  Mga emo songs tuloy ang napili ko. Hindi niya ako sinamahan sa bar.

Sa bar, hinanap ni Boss Rey ang girl friend at mommy ko. Next time daw, hindi daw ako pwedeng umuwi mag-isa. Kailangan daw na kasama ko si Mommy. Si Mommy na naman. Kaya sinabi kong si Daddy na lang ang isasama ko. Ayun, uminit ang ulo. Nasingahalan ako. Bahala daw ako at tinalikuran pa ako. Tapos, bago niya ako binayaran, sinabihan ako na pangit daw ang choice of songs ko. Malulungkot daw. Next time, gusto niya ang lively, masaya.  Kaya halos ayaw pa akong bayaran..

Buwisit! Apektado ako ng tampo ni Dindee.

Kaya nang nakauwi ako, kinatok ko ang pinto ng kuwarto ni Dindee.

“Dee, please, mag-usap tayo. Buksan mo ang pinto.” Naghintay ako. Walang response.  Ilang ulit akong nagsumamo pero walang reply. Nabulahaw ko na si Daddy.

“Tulog na. Bukas na.” bulong niya sa akin. Tapos, hinagod niya pa ang likod ko. “Sige na, nak.. Bukas na.”

Gusto kong maiyak. Nahihrapan na ako. Lagi na lang bang ako ang may kasalanan. Oo, may mali ako. Pero, hindi ko siya niloloko. Siya ang mahal ko..

Hindi ako nakatulog kagabi. Kaya kanina, alas-diyes na ako bumangon. Naabutan ko si Dindee na nasa labas. Hawak niya ang DSLR niya. Kumukuha siya ng mga litrato.

“Pwede mo akong maging model.” Malambing kong sinabi. Hindi niya ako pinansin. “Sorry..” Naghintay ako. Hindi pa rin siya lumilingon. “Sorry na. Hindi na mauulit.” Nang hindi na ako nakatiis, nilapitan ko na siya at kinabig paharap sa akin. “Dee, patawarin mo na ako. Mahal na mahal kita!” Nagsalubong ang mga mata namin. Luhaan na pala si Dindee. “Sorry.” Niyakap ko siya. Naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya.

Bumitaw siya pagkalipas ng ilang sandali, tapos tumakbo paloob. Sinundan ko siya. Nakapasok ako sa kuwarto niya bago niya nai-lock.

“Lumabas ka! Sinungaling ka! Magsama kayo ng Riz mo!” Pinaghahampas niya pa ang dibdib ko. Ang lakas niya. Naitulak niya ako palabas at nai-lock niya ang pinto.

Hindi na ako nagpumilit.

Maghapong tahimik ang bahay namin. Si Daddy ay hindi nagpatawa. Nakikisimpatya siya.

Idinaaan ko sa gitara ang kalungkutan ko. Pero, masasayang tugtog ang ginitara ko. Dapat ko kasing sundin si Boss Rey. Tinugtog ko ang ‘Billionaire’ ni Bruno Mars, ‘Tsinelas’ ng Yano at ‘Gitara’ ng Parokya ni Edgar.


Handa na ako mamaya sa pagtugtog. Si Daddy ang kasama ko mamaya sa MusicStram. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...