Followers

Wednesday, December 10, 2014

Bahala Na

Lumipas ang mahigit isang dekada
Nang tayo ay huling nagkita
Hindi alam kung saan nagpunta
Pero ako, hinanap-hanap kita.
Isang araw, ako’y biglang sumaya
Sa Facebook lang pala kita makikita
Sabi ko’y namiss kita
Weeh, di nga, sabi mo pa
Hindi ka ba naniniwala?
Hinanap kita, hinintay pa.
Sa iyong pangako ako’y umasa
Mayakap lang kita, ayos na
Iyon naman ang pangako mo, di ba?
Malaman ko ring masaya ka na
Matatanggap ko ng talaga.
Ako’y magmo-move on na
Pag-iibigan natin, tapos na nga.
Salamat na lang, aking sinta
Dahil tayo ay nagkakilala
Nagmahalan, nagkasama
Kung ito’y may karugtong pa..

Di ko alam, bahala na.

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 11

  Elias Maticas 11   “Kaya mo pa ba, Elias?” tanong ni Papay Oliver pagkalabas nila sa bakuran nina Tio Gadoy at Tia Mameng. Nakaakbay i...