Followers

Friday, December 12, 2014

Redondo: Sorry

Sa school kanina, naghanap ako ng chance para nakausap si Riz. Nahirapan ako. Kung hindi pa ako nag-excuse nang lumabas siya para mag-toilet, hindi ko pa makakausap.

Sa correigdor kami nagpang-abot.

“Riz, salamat nga pala sa sulat mo kahapon. Sorry, hindi ko nasagot..” medyo nahihiya pa akong tingnan siya sa mata.

 Ganun din siya. Umiwas siya ng tingin at akmang aalis na. “Okay lang. Walang anuman.”

“Ah, Riz..?”

Tiningnan na niya ako. Nagtagpo ang aming mga mata.

“Sorry din..” sabi ko.

“Saan?”

“Sorry kasi..” tinuro ko siya at ang sarili ko. Hindi ko kasi masabi.

“Okay lang. I know masaya ka na sa kanya. Keep it strong. Don’t hurt her. I’m happy for you.” Then, she extends her arm for a shakehands.

Nakipagkamay ako sa kanya.

“Friends?” tanong pa niya.

Tumango ako habang nakatitig sa maluha-luha nyang mga mata. The, she walks away. Naiwan akong nakatayo habang tinatanaw siyang lumalakad pabalik sa aming classroom.


Nalungkot akong bigla. “I’m sorry, Riz.” Bulong ko. Gustong umagos ng mga luha ko.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...