May klase na. Inspired akong pumasok sa klase. Dalawang araw
kasi ang suspension. Kailangan kong maging inspired at maging focus. Kahit may
extra job ako, hinding-hindi ako tatamarin sa pag-aaral ko. Hindi ako katulad
ng iba na gusto ang laging walang pasok. Nanghihinayang ako sa bawat oras na
maaksaya nang walang natutuhan.
“Dala mo pala ang gitara mo, Red..” napansin ni Mam Dina ang
nakatayong instrument ko sa sulok ng classroom. “Pwede mo ba kaming tugtugan?”
“Opo, Mam!” nasiyahan ako sa idea ni Mam kaya agad kong kinuha
ang gitara ko.
Umalis si Mam sa harapan at umupo sa upuan ko. Ako naman ang
pumuwesto sa harapan.
“Salamat, Mam for giving me a chance. “ Nakita kong nginitian
ako ni Mam. “I hope, magustuhan ninyo ang awiting ito. Dedicated sa inyong lahat.” Sinimulan
kong kaskasin ang kuwerdas ng aking gitara.
Maang ang mga kaklase ko. Hindi nila mahulaan ang tinutugtog
ko. Tapos, nang bigkasin ko na ang unang lyrics sa bago kong komposisyon ay
lalo silang napamaang. May narinig akong nagtanong kung anong kanta iyon.
Tinuloy ko ang pagkanta. Naramdaman kong nagustuhan nila ang tema nito. Ang iba
ay nakiki-sing-along na sa chorus ko.
Isang malakas na palakpakan ang narinig ko pagkatapos kong
tumugtog at kumanta.
“Salamat sa inyog lahat. I hope naka-relate kayo.”
“Yes!’’ hiyawan ng iba, nangunguna si Gio.
“Salamat kung ganun.. Mam, classmates..problema lang yan. Kayang-kaya nating
labanan ‘yan!”
Pumalakpak uli si Riz. Siya lang. Kaya napansin ko siyang
bigla. Pinagtinginan din siya ng mga kaklase ko.
“Salamat, Riz!”
“Welcome! More! More!” sagot ni Riz.
Pinaunlakan ko sila ng isa pang kanta, sa approval ni Mam
Dina. Kinantahan ko sila ng pangpa-inlove—God Gave Me You. Isa na namang
hiyawan ang iginawad sa akin pagkatapos. Nakakatuwa.
Salamat sa, Oh, Diyos, sa talent na ibinigay mo sa akin.
Pinagkakakitaan ko na po, nakakapagpaligaya pa ako ng kapwa-tao. Salamat po!
No comments:
Post a Comment