Followers

Saturday, December 13, 2014

Redondo: Sampal

Kagabi sa MusicStram, pinapirma ako ni Boss Rey ng kontrata. Pinabasa niya muna siyempre sa akin. Pumayag ako na hindi ako mag-apply sa ibang music bar habang naka-kontra ako ng isang taon  sa kanya. Gaya ng napagkasunduan naming, every Friday, Saturday at Sunday lang ako tutugtog. Pwede rin akong umekstra kapag gusto ko, lalo na kapag walang pasok.

Pina-fill out niya rin sa akin ang isang bio-data, kung saan pilit niyang ipinasulat ang mga numero ng cellphone ng aking mga magulang. In case of emergency daw.

Tapos, pinatugtog na agad ako. Naauwi kami ni Dindee ng mas maaga-aga. Gusto ko sanang magsulat ng journal ko. Pero, naalala ko ang sulat ni Riz. Nawawala!

Hinalungkat ko at inilabas ko ang lahat ng laman ng bag ko, pero nabigo akong mahanap ito. Kinabahan na ako kagabi. Pumasok na si Dindee sa kuwarto niya. At malamang magagalit iyon lalo na kapag malaman niya na ang hinahanap ko ay ang sulat ni Riz.

Nahiga na alng ako at inisip kung paano yon nawaglit sa journal ko. Alam na alam ko na inipit ko lang iyon doon.

Kanina, paggising ko, agad ko ulit na hinanap ang sulat. Naisaloob ko nga na di baleng mawala, huwag lang mapulot o makuha ni DIndee. Tampuhan na naman ito.

Hindi ako nagpahalata. Pero, hindi rin naman ako makapag-concentrate sa pag-practice ko ng kanta. Pinapakiramdaman ko si Dindee. Wala namang pagbabago sa mukha niya.

Siningit ko ang paghahanap sa sulat. Hanggang sa mapansin ako ni Dindee.

“Ito ba ang hinahanap mo?” tanong ni Dindee.

Halos takas an ako ng dugo nang itaas pa niya ang sulat. “Oo, yan..” nanginig ang boses ko habang papalapit ako sa kanya para abutin ang sulat.

Binigay naman agad ni Dindee sa akin.

“Salamat!’’

“Ganun lang? Hindi ka magpapaliwanag?”

“Nabasa mo?”

“Naman!”

“Paano mo nakuha ito?”

“Mahalaga pa ba iyon? Ang tanong..paano mong nagagawang ilihim  sa akin ang bagay na tulad niyan?!” galit na ang tono niya.

“Sorry, Dee..Kaya nga hinahanap ko para maikuwento ko sa’yo.” Hinawakan ko ang mga braso niya at nilapit ko ang lips ko sa pisngi niya.


Pak! Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Tapos, agad na nagkulong sa kuwarto si Dindee. Wala akong nagawa kundi pahupain ang galit niya. Ayokong malaman ni Daddy na nag-aaway na naman kami dahil kay Riz.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...