Followers

Monday, December 8, 2014

Redondo: Bagyong Ruby

"Grabe po makatitig sa'yo si Boss Rey, Mommy ah." turan habang naghihintay kaming tatlo nina Dindee ng masasakyan pauwi.

"Oo nga, Tita! Ang tagal pa niyang bitawan ang kamay ninyo." dagdag pa ni Dindee.

"Hay, naku! Wag niyong bigyan ng malisya yun." sabay para sa dyip na dadaan.

Sumakay na kami. Hindi na kami nagkibuan habang nasa dyip, lalo na nang makauwi kami. 

Hindi na namin pinauwi kagabi si Mommy, since declared na, na walang pasok dahil sa Bagyong Ruby.

Tabi sila ni Dindee sa kama. Akala ko pagbibigyan niya ang hiling ko na magtabi sila ni Daddy. 

Kanina, habang nag-aalmusal kami, hindi pa rin kinikibo ni Mommy si Daddy kahit pilit siyang kinakausap ng aking ama. Minsan tumatango lang siya. At nang makaalis na si Daddy, saka lamang nakabuwelo ng pagsasalita si Mommy. Naghuntahan sila ni Dindee, habang ako naman ay naggigitara.

Naghanda ako ng mga kanta na kakantahin ko mamaya. Tinext ko kasi si Boss Rey kanina. Tinanong ko kung pwede pa akong tumugtog mamayang gabi since wala na namang pasok bukas. Pwede raw. 

Kaya, naghanda ako. Prinaktis ko ang "When I Was Your Man", "All Of Me" at "Californication". 

"Kaya mo ba ang sunod-sunod na puyatan, anak?'' tanong sa akin ni Mommy sa kalagitnaan ng aking paggigitara.

Tumigil ako sa pag-strum. "Opo. Kaya ko naman po. Isang oras naman po ang ginugol ko sa bar, ah."

"Okay, pero..di ka naman obligado na magtrabaho..''

"Naunawaan po kita, Mommy.. Pero, ito po talaga ang gusto ko.."

"Sige..pero..sana minsan, enjoy-in mo ang edad mo. Si Dindee.." inginuso pa niya ang girl friend ko. "Give her time."

"Ay, oo naman po!" 

"Sige..Goodluck!" Tapos, ginulo pa niya ang buhok ko bago siya lumapit kay Dindee.

Maghapon din si Mommy sa bahay. Alas-singko na siya umuwi sa boarding house niya. Kahit daw walang pasok bukas ay kailangan na niyang umuwi.

Okay, sabi ko. Nagpasalamat din ako sa panahon na ginugol niya para sa amin. May silbi din ang bagyo para sa amin.

Ramdam ko na mahal niya pa rin si Daddy. One of these days, mapapatawad na marahil ni Mommy si Daddy since hindi naman naghahabol si Mam Dina.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...