Kagabi, isa na naman tagumpay ang pagtugtog ko. Marami pa
rin ang parokyano sa MusicStram sa kabila ng pinagdadaanan ng bansa dahil sa
bagyong Ruby. Kaya nga ang mga kanta ko ay medyo may mensahe na natutungkol sa
kasalanan at kapaligiran gaya ng “Lord, Patawad” at “Masdan Mo ang
Kapaligiran”. Tapos, kinanta ko uli ang composition ko.
Kahit alam kong baka ma-boo sa entablado ay sinige ko ang
mga kanta ko. Salamat sa Diyos! Hindi Niya hinayaan niya mangyari iyon.
Mababait pa rin ang mga customer ng bar. Binigyan pa rin nila ako ng
palakpakan. Si Boss Rey naman, tinapik pa ang balikat ko. “Good job!” sabi pa
niya. Hindi daw niya akalaing papatok pa rin ang mga kantang kagaya ng
‘Masdan..’
Kaya sa sobrang ligaya ko, kanina ay niyaya ko si Dindee at
si Daddy na magsimba. Gusto ko rin sanang yayain si Mommy, kaya lang baka
magalit sa akin. Hindi ko na lang niyaya. Tinext ko lang na nagsimba kami.
“Nagsimba rin ako. Saan kayo?” reply ni Mommy.
“Sa Malate Church po.”
“Dito din ako. Saan kayo banda?”
“Nakatayo po sa may pinto..”
“Wait..puntahan ko kayo..”
Nabulaga si Mommy nang makita niya si Daddy. Nawala agad ang
ngiti niya nang magkasalubong ang mga mata nila. Kaya, si Dindee agad ang
binati at kiniss niya. Kiniss niya rin ako pagkatapos.
Ang sumunod na nangyari ay walang imikan. Nag-concentrate
kami sa misa. Tungkol sa pagpapatawad ang sermon ng pari. Tila nasapul ang
dalawa.
Nang matapos ang misa, saka lamang ako nagsalita. Niyaya ko
kaagad ang tatlo na mag-lunch kami. Sagot ko, sabi ko. Jolly ang tono ko.
“Naks! Yabang ang boyfriend ko.” Kumapit pa si Dindee sa braso
ko, parang ininggit niya sina Mommy at Daddy. “..may work na kasi kaya anlaks
nan g loob manlibre.”
“Oo naman..”
Natawa din ang mag magulang ko.
“Tara na po, Tita.” Bumitaw sa akin si Dindee para akbayan si
Mommy.
Ako naman ay agad na hinila si Daddy. Wala silang nagawa,
kundi ang sumunod sa amin ni Dindee.
Double date ang nangyari. Kaso, walang kibuan ang mag-asawa.
Hindi nga nila tinitingnan ang isa’t isa. Kami lang yata ni Dindee ang
nag-uusap.
Gayunpaman, masaya ako’t nagkataon na naroon si Mommy sa
simbahan. Nayaya ko na rin siya na samahan ako sa MusicStram mamayang gabi.
Idinahilan ko pa na gusto siyang makilala ni Boss Rey. Pumayag naman si Mommy.
Pumayag din siyang mag-stay muna sa bahay. Mamayang gabi na siya umuwi. After
ng gig ko.
Lalo akong naging inspired mag-practice ng kakantahin ko
mamayang gabi dahil buo ang pamilya ko sa araw na ito. Naiparinig ko pa kay
Mommy ang bago kong komposisyon. Nagustuhan daw niya.
Alas- kuwatro, lumabas kami ni Dindee ng walang paalam para
bigyan ng chance ang mag-asawa na mag-usap.
Dala namin ang DSLR niya. Magpicture-picture daw kami sa
kalsada.
Sobrang saya ng araw ko ngayon!
No comments:
Post a Comment