Followers

Tuesday, December 9, 2014

Redondo: Kontrata

Bago pa ako tumugtog kagabi sa MusicStram, hinanap na ni Boss Rey si Mommy. Dapat daw ay sinama ko. Kahit asiwa ako sa paghahanap niya sa aking ina, hindi ko pinahalata. Ayokong ma-link siya kay Mommy. Binata siya pero matanda na. Isa pa, asawa pa rin ni Mommy si Daddy. Kung siya lang ang makakasira ng relasyon nila, di bale nang wala akong gig sa bar niya. Kaya ko pang makahanap.

Nainis ako. Medyo nasira ang mood ko bago ako tumugtog. Mabuti ay nagawa kong masigla ang mga kanta ko. Naki-sing-along pa sa akin ang mga customer. Kaya, isa na namang tapik sa balikat ko ang iginawad sa akin ng boss ko.

“Sa Friday night, papaipirmahin kita ng kontrata.” wika ni Boss Rey habang binibilang niya ang kabayaran ko sa pagkanta.

“Po? Kontrata?” Hindi ko maintindihan.

“Oo. Kontrata. Contract.”

“Para po saan?”

“Para sa work mo. Para may panghawakan ka na hindi ka musikero ka sa bar na ito. Ayaw mo ba ng regular na trabaho?”

Siniko ako ni Dindee.

“Gusto po..”

“Yun naman pala,e . Sige, Red.. Friday night.”

“Sige po.” Tiningnan ko si Dindee at tumalikod na kami. Ipinaunawa sa akin ng girl friend ko na makakabuting may kontrata.

Okay..

Since, walang kanina dahil pa rin sa bagyong Ruby, natulog ako ng husto. Alas-nuwebe na ako bumangon. Wala na si Daddy. Hanggang ngayon ay wala pa siyang idea na may gusto si Boss Rey sa aking ina.

Pinag-usapan namin iyon ni Dindee sa hapag. Huwag ko na raw ikuwento kay Daddy. Baka daw kasi hindi na ako payagang tumugtog sa bar na iyon. Basta ang payo niya ay huwag ko na lang isamang muli si Mommy doon.

Tama naman ang girl friend ko. Kaya, napanatag na ang loob ko.


Buong maghapon akong nag-aral ng iba pang kanta. Inaaral ko muna ang mga bagong kanta. Tapos, nag-aral din ako ng mga luma, both OPM at foreign.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...