Followers

Saturday, December 6, 2014

Redondo: MusicStram

Kagabi, ang simula ng unang gabi ko bilang regular na performer sa MusicStram. Kahit tuwing Biyernes ng gabi hanggang Linggo ng gabi lang ako, okay na. Three thousand din yun.

Hindi ko binigo ang may-ari ng bar. Humingi pa ng ‘more’ ang mga parokyano. At dahil tatlo lang naman ang naihanda kong piyesa, hindi ko sila napagbigyan ng iba pa. Hindi na rin kasi ako pinagbigyan ng boss ko. May iba pa daw na tutugtog, saka hanggang alas-onse lang ako sa bar nila.

Natuwa sa akin si Boss Rey. Superb daw ang mga performances ko. Kinamayan pa ako bago inabot sa akin ang isanglibong kabayaran sa tatlo kong kanta. Tuwang-tuwa ako, gayundin si Dindee.

Pinayuhan lang kami na mag-ingat sa pag-uwi. Next time daw ay isama ko na ang magulang ko para may kasama kami pag-uwi. “Opo!’’ sabi ko.

Ngayon naman ay papunta na ako uli sa bar. Ikalawang gabi ko na sa trabaho. Ready-ng ready ako kasi kanina, maghapon akong nag-ensayo. Tatlong kanta ang inihanda ko. “She Will Be Loved’’ ng Maroon 5 at “Ngiti” ni Ronnie Liang ang dalawang kantang kakantahin ko mamaya. At siyempre, ibibida ko na ang bago kong composition. Kaya nga maghapon kong minaster ang lyrics at tono ng kanta.

Ihuhuli ko ang “Problema Lang Yan’’, para surprise. Para tuloy akong artist na magpo-promote ng bagong album. He he.  Ayos naman.


This night, kasama ko na si Daddy. Next time, si Mommy naman ang isasama ko. Kung pwede lang silang dalawa..at si Dindee, para lalo akong ma-inspire sa pagtugtog at pag-awit.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...