Followers

Friday, July 8, 2016

Hijo de Puta: Ciento bente-kuwatro

Naiinip ako sa puting kuwartong iyon. Kay tagal ng oras at napakatahimik doon. Gusto ko nang lumabas. Naisipan kong i-text si Lianne at kumustahin kung nasaan na siya. Kaya lang, wala pala sa akin ang cellphone ko. Naalala kong inihagis pala iyon ni Val sa kama nang subukan kong kumontak ng kaibigan.

Ang pagkainip yata ang papatay sa akin sa mga oras na iyon. Kasama at kausap ang nais ko, ngunit paano ko matatawagan o makokontak si Lianne? Ang mga nurse naman ay parang kay iilap. Papasok lamang para gawin ang kanilang trabaho. Ayaw din halos magsalita. Akala ko nga ay mga pipi o robot sila.

Binuksan ko ang telebisyon, gamit ang remote control na nasa lamesita sa aking tabi. Naghanap ako ng masayang panoorin.

Isang foreign film ang nakaagaw sa aking interes. Sandali kong ipinako ang aking mga mata at tainga sa pelikulang iyon. Maya-maya ay namiss kong bigla ang aking ina. Naghangad din ako na sana nakasama ko ang aking ama. Noon ko lamang nalaman ang halaga ng pagkakaroon ng isang kompletong pamilya. Mapalad si Lianne dahil naranasan niya iyon bago pa bawiin ng Diyos ang buhay ng kanyang ama, naisip ko. Ako, ni sa larawan ay hindi ko nakilala ang aking ama. Gustuhin ko man, tpero tila imposible na ngayon.

Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata, kaya kahit pumikit ko nang hindi in-off ang tv.

Hindi ko alam kung anong oras na o kung gaano kahaba ako nakatulog. Basta naramdaman ko na lamang na parang may nakatitig sa akin. Nang idilat ko ang aking mga mata, ang mukha ni Lianne ang nakita ko. Pumikit uli ako upang pagdilat ko ay mapatunayan kong hindi ako dinadaya ng aking paningin.

"Lianne..." ang tanging nawika ko. Naalala kong nakatulugan ko pala ang telebisyon, ngunit patay na iyon.

Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Lianne at pinisil niya ang palad ko. Pagkatapos ay nag-usap ang aming mga mata.

"Kumusta ka?" Ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Huwag mo akong alalahanin. Okay lang ako. Nag-report lang ako sa school at sa hospital na pinag-iinternan ko..."

Tumango-tango lang ako.

"Ikaw? Kumusta naman ang pakiramdam mo?"

Inilayo ko ang tingin ko at hindi sinasadyang napadako ito sa wall clock. Nalaman kong alas-tres na pala ng madaling araw.

"Gusto ko nang umuwi sa pad. Pakisabi sa doktor, ayaw kong magtagal dito. Ayaw rin naman nilang sabihin sa akin kung sino ang gumagastos nito..."

"Ayan ka na naman, Hector, e! Kailangan mong lumakas. Huwag matigas ang ulo. Kung hindi dahil sa katigasan ng ulo mo, hindi sana nangyari sa'yo 'to. Umuwi ka kaagad sa pad mo, e. Ngayon gusto mo na namang umuwi doon. Hindi ba't delikado na?" Parang Mommy ko ang pananalita ni Lianne.

Naisip ko si Val, pati ang impluwensiya na sinasabi nito. Tama si Lianne, naisaloob ko.

"Pakihanap si Jake. Si Mama Sam o kaya si Lemar. Sabihan mo sila sa nangyari sa akin..." natatarantang sabi ko. Bigla kasi akong kinabahan. Alam kong maimpluwensiyang tao si Val. At, isa ito sa mga kaya niyang gawin. "Please, Lianne, tulungan mo ako."

"Aaminin ko sa'yo..." Bumuntong-hininga muna si Lianne. "...hindi ako galing sa school at sa hospital. Galing ako sa police station. Pina-blotter ko si Val."

"Ano?" Halos mapatayo ako sa gulat. "Bakit mo ginawa 'yun? Hindi mo ba alam na mas lalo akong mapapahamak? Ikaw rin. Ayaw kong madamay ka, Lianne." Gustong pumatak ng mga luha ko.

"I'm sorry. Ginawa ko lang ang alam kong tama."

"Tama? Hindi lahat ng tama ay karapat-dapat!" Napataas ang boses ko. "Minsan, mas mabuting gumawa ka ng mali para mapaganda ang takbo ng buhay mo..."

"Ito ba ang halimbawa ng sinasabi mong tama? Bakit, maganda ba ito sa tingin mo?"

Hindi nakaimik si Hector.

"Hector, hindi mo ikakapahamak ang pagsuplong ko sa pulis. Bukas, darating sila para kausapin ka. Sorry uli kung hindi ko ito sinabi sa'yo. Ginawa ko iyon dahil... dahil may taong ayaw kang nasasaktan nang husto..."

Tumayo na si Lianne at tahimik na nahiga sa mahabang sofa sa may paanan ng kama ko.

Pinagmasdan at pinakiramdaman ko si Lianne. Nang hindi na kumikilos, saka ko lamang tinimbang ang halaga ng effort ng babaeng mahal ko.

Gusto kong bumangon upang magpasalamat kay Lianne. Batid ko na  ngayon ang kahulugan ng ginawa ng dalaga. Pag-aalala. Pagmamalasakit. Pagmamahal.

Nang mga sandaling iyon ay hindi na ako dalawin ng antok. Inihanda ko ang aking sarili at mga isasagot sa inisyal na imbestigasyon bukas ng pulisya. Pagkatapos ay pinaligaya ko ang aking mga mata. Pinanuot ko ang kanyang titig sa kaumbukan ni Lianne. Kailan ko kaya maaangkin si Lianne?ang tanong ko sa aking sarili.

Bahagyang umangat ang kumot sa aking harapan, kaya nilaro ko ang ahas sa ilalim nito, bago ako natulog.








No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...