Followers

Thursday, July 28, 2016

Sana

Sana'y wala nang kaguluhan,
pulos na lang pagbibigayan.

Sana bukas ito ay masilayan
Upang pighati ay matuldukan.

Sana'y pagmamahalan na lang
ang mamalagi sa ating bayan.

Sana'y wala nang manlalamang
at wala nang taksil at gahaman.

Sana'y kapayapaan at kalinisan
ang ating unahin at suportahan.

Sana'y gutom at sakit ay labanan,
gayundin ang labis na kahirapan.

Sana'y iringan, turuan, at sisihan
ay iwaksi, isantabi o iwasan.

Sana'y Diyos na makapangyarihan,
ang ating panampalatayaan.

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Marso 2026

 Marso 1, 2026 Six-thirty pa lang, gising na ako. Ginusto ko pang matulog muli, pero ayaw na ng mga mata ko. Nag-tablet na lang muna ako b...