Binata, natagpuang nakahubo sa likod ng puno
Isang binata ang natagpuang nakahubo sa likod ng puno sa kahabaan ng highway sa Kawit, Cavite nitong Lunes.
Patungo ang Kahayupan Team sa Tanza, Cavite upang dumalo sa kanilang pamosong town fiesta dahil kay Tata Usteng, nang naispatan namin ang binatang nakahubo, na tila humihingi ng saklolo. Agad kaming bumaba sa aming sasakyan upang kausapin ang lalaki.
Napag-alaman ng aming team, na siya ay nakasakay sa bus patungong PITX o Paranaque Integrated Terminal Exchange nang makaramdam siya ng paghilab ng tiyan. Bago pa siya nakapagpara, bumulwak na ang sama ng loob niya. Naghiyawan ang kapuwa-pasahero niya, at siya'y pinababa.
"Sa pamilya ko, dalhan niyo ako ng pantalon dito. Nandito nga pala ako sa puno ng kape."
Iyan ang panawagan ni Tipaklong Mejia sa kaniyang kaanak.
Dalhin sa nakasusulasok na amoy, hindi iyon nakayanan ng aming team, kaya bago pa kami mawalan ng gana, tumungo na kami sa piyestahan para makikain ng litson.
Ito ang Balitang Kahayupan. Makata O, nag-uulat.
No comments:
Post a Comment