Followers

Saturday, August 5, 2023

Makata O. Thoughts -- Tagumpay

 Hindi contest ang tagumpay, kaya huwag tayong mag-unahan at magpagalingan. Lalong huwag tayong magsiraan at maghilaan pababa. Maaari naman tayong maghilaan pataas upang lahat tayo ay umangat. Puwede tayong magtulungan hanggang ang lahat ay magtagumpay dahil ang tagumpay ay mas masarap kamtin at damhin kapag wala tayong natatapakang tao.

Ang tagumpay ay hindi marathon. Hindi rin ito wrestling. Lalong hindi ito nadadaan sa judging. Sa pagkamit ng tagumpay, tayo mismo ang hurado. Tayo mismo ang bubuo ng criteria. Tayo ang magsasabi kung paano, bakit, at kailan tayo magwawagi--- magtatagumpay. At ang bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang depinisyon ng tagumpay.

Hindi naman dapat na ipinaglalaban ang tagumpay. Hindi natin ito kaaway. At wala tayong kaaway dahil ito ay isang premyong nakalaan para sa lahat. Lahat tayo ay malayang abutin ito, gamit ang malinis na kamay.

Huwag tayong makipagpaligsahan sa tagumpay dahil sa bawat subok nating kamtin ito, panalo na kaagad tayo. Walang kabiguan sa taong patas at masayang inaabot ang tagumpay. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...