Followers

Friday, August 25, 2023

Balitang Kahayupan -- Dambuhalang bull frog, natagpuang nakahandusay

Dambuhalang bull frog, natagpuang nakahandusay

 

 

Kagabi, bandang alas-9 ng gabi, natagpuang nakahandusay ang dambuhalang palaka, na nakilalang si Bullie Crawford.

 

Ayon sa inisyal na report, may problema sa pag-ibig si Bullie dahil iniwan ito ng kasintahan niya.

 

Gabi-gabi itong umiinom at palagi itong umiiyak. Kung saan-saan na rin ito natutulog kapag lango na sa pulang kabayo.

 

Sabi ng mga rumesponde, dadalhin nila si Bullie sa pinakamalapit na garden ni Zilyonaryo upang doon ay mabigyan ng kaukulang tulong medikal at sikolohikal. Tutulungan siya ng mga tipaklong, higad, bulate, paruparo, bubuyog, at iba pang insekto para makapag-move on.

 

Para sa balitang Kahayupan, ito si Makata O, nag-uulat.

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Hunyo 2026

Hunyo 1, 2026 Parang hindi naman ako nakatulog kagabi. Pagising-gising at pabaling-baling ako kasi ang mga panaginip ko ay parang totoo. P...