Followers

Wednesday, August 30, 2023

Sample Diary (Filipino)

 

                                                                                                                                       Agosto 31, 2023

 

Dear Diary,

 

Paggising ko ng alas-7 ng umaga, sinabihan ako ng Mama ko na matulog uli ako kasi wala naman daw pasok dahil suspended na ito, kaya natulog na uli ako.

 

Pagkatapos ng isang oras, bumangon na ako para mag-almusal. Masarap ang almusal namin, na inihanda ni Mama. Ang sarap talagang kumain kapag umuulan. Meron kaming sinangag, pritong itlog, daing na isda, may sawsawang kamatis, sibuyas, toyo, at kalamansi. Mayroon ding ginisang gulay at hinog na saging. Tinimplahan pa ako ni Mama ng gatas.

 

Ngayong araw, marami akong ginawa. Siyempre, inuna ko ang pagtulong sa mga gawaing-bahay. Isinunod ko na ang pagbabasa. Pababasahin kasi kami ni Sir isa-isa. Baka matawag na ako bukas, kaya kailangang paghandaan ko.

 

May gawain din kaming ipapasa bukas kaya gagawin ko na ito sa bakanteng oras ko.

 

Natutuwa ako dahil ligtas kaming pamilya sa masamang panahon. Sana hindi ito lumakas nang husto.

 

Naisip kong mag-aral nang mabuti kapag may pasok. Sa panahon kasi na gaya nito, nanghihinayang ako sa mga kaalamang matututuhan ko sana kung nasa paaralan ako.

 

 

                                                                                                                                                    Juan,

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...