Ano ang nararamdaman mo kapag nahihilo ka?
Para bang umiikot at
gumagalaw ang buong paligid mo? Kapag nararamdaman mo ito ay natatahimik ka at
hindi na maipinta ang mukha mo?
Naku, vertigo iyan!
Alam mo ba ang vertigo?
Ito ay matinding pagkahilo, na nagiging dahilan ng pagkawala ng balanse at
pakiramdam na nakalutang.
Dapat mong maintindihan na ang
vertigo ay posibleng sintomas ng isang karamdaman.
May dalawang uri ito—peripheral
at central.
Ang peripheral vertigo
ay sanhi ng problema sa inner ear, kaya nagdudulot ito ng matinding
pagkahilo at kawalan ng balanse.
Ang central vertigo ay
sanhi ng problema sa utak, gaya ng impeksiyon, tumor, traumatic brain injury,
at stroke.
Ang stress ay
nakapagdudulot din ng vertigo.
Bukod sa pagkahilo at
pagkawala ng balanse, maaari mo pang maranasan ang mga sumusunod: (1) pagkawala
ng pandinig sa isa o parehong tainga; (2) pakiramdam na nag-riring ang tainga;
(3) pagkakaroon ng problema sa pokus ng mga mata; (4) pagduduwal at pagsusuka
na nagdudulot ng pagkawala ng body fluids; (5) at pagsakit o pagbigat ng
ulo.
Kapag ang vertigo ay
nanggagaling sa problema sa utak, maaaring makaramdam ng mga sumusunod: (1) kahirapan
sa paglunok; (2) pagdoble ng paningin; (3) pagkakaroon ng problema sa eye
movement; (4) pagdanas ng facial paralysis; (5) pagkabulol sa
pananalita; (6) at panghihina ng mga paa.
Huwag mong babalewalain ang
mga sintomas na ito kahit biglaan lang ito kung maramdaman at tumatagal lang ng
ilang segundo. Subalit, maaari din namang tumagal at maging malubha. Kapag
nagkagayon, maaari kang mahirapan sa mga gawain mo sa araw-araw.
Kung hindi na kaya,
magpatingin na sa doktor. Makabubuti ito sapagkat mabibigyan ka ng karampatang
lunas at medikal na atensiyon batay sa tunay na karamdamang pinagmumulan ng
iyong pagkahilo.
At kung sa tingin mo ay mild
lang ito, at walang malalang sakit na nagdudulot ng iyong vertigo
dahil nawawala naman ito nang kusa, may mga dapat ka pa ring gawin upang
maibsan ito.
Makatutulong ang paghiga sa
tahimik at madilim na kuwarto. Maaaring mabawasan ang pakiramdam ng pag-ikot ng
paligid.
Mainam din ang dahan-dahang paggalaw
sa ulo o marahang paglingon, habang isinasagawa ang mga pang-araw-araw na gawain.
Makabubuti ring umupo kaagad
kapag sumusumpong na ang matinding hilo.
Magbukas ng mga ilaw kapag
babangon ka sa gabi.
Kinakailangan may matibay na
bagay kang hinahawakan upang maiwasan ang pagkatumba o pagkahulog.
Kung matutulog na,
unti-unting itaas ang ulo, gamit ang dalawa o mahigit pang unan.
Dahan-dahan ding bumangon o umalis
sa higaan. Sandaling umupo sa gilid ng kama bago tuluyang tumayo.
Ang pagsasagawa ng mga
simpleng ehersisyo ay may magandang dulot sa vertigo upang maitama ang
mga naturang sintomas.
Sikapin ding mag-relax
upang hindi magkaroon o hindi lumala ang anxiety.
May mga taong naniniwala sa
kakayahan ng mga halamang gamot, gulay, at prutas. Mayroon namang may kumakatig
sa mga sintetikong gamot.
Kung isa ka sa mga maniniwala
sa kakayahan o power ng First Vita Plus Natural Health Drinks,
binabati kita! Makatutulong sa iyong vertigo ang pag-inom ng mga
produktong ito na may limang power herbs—malunggay, dahon ng sili,
talbos ng kamote, uray o kulitis, at saluyot. Nilahukan pa ito ng purong katas
ng mga prutas gaya ng mangosteen, dalandan, guyabano, pinya, at melon. Kaya ang
iyong vertigo ay magli-let go!
Kung nahihilo ka nang
matindi, don’t worry. Basta alam mo ang lunas at sanhi, ikaw ay bubuti.
No comments:
Post a Comment