Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rock hounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.
Tara, magkuwentuhan uli tayo!
Nakikita niyo ba ang nakikita ko?
Oo, tama! Ang napakaliit na suso.
Alam niyo bang basta na lang iyan sumulpot diyan sa aquarium? Palaisipan sa akin kung paano siya nakarating diyan. Galing ba sa pet store? O galing ba sa batong dala ko, na galing sa Tanay, Rizal?
Ah, basta! Hindi ko alam.
Hindi nga pala iyan ang kuwento ko.
Nakikita niyo ba ang batong iyan? Iyan ang batong inuwi ko mula sa Nasugbu, Batangas noong nag-outing kami, almost five years ago. Kasama ko noon ang mga kaguro ko.
Alam niyo ba? Hindi iyan ang batong dapat iuuwi ko. Nakakuha ako noon ng mas magandang bato bago kami sumakay sa bangkang patungong Papaya Island, kung saan kami magla-lunch.
Ang kaso, maliit lang na bangka ang sinakyan namin. Maalon sa oras na iyon kaya halos lumubog na kaming pito. Ipinaiwan na iyon sa akin ni Ninang. Sabi ko, babalikan ko na lang iyon.
Pagbalik namin, kinahapunan, hindi ko na nakita. At para hindi ako malungkot, dinala ko na lang ang batong iyan. Hindi kasing ganda ng nauna, pero puwede na. Okey na rin kasi mukhang itlog.
`Yon lang. Bye!
No comments:
Post a Comment