Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rock hounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.
May kuwento na naman ako sa inyo.
Ang batong ito ay galing pa sa Tanay, Rizal. Ibibigay ko sa dati kong estudyante kasi nanghingi siya para sa turtle tank niya.
Heto na nga, paalis ako ng bahay. Second day ng Brigada Eskwela ngayon, kaya sa school kami magkikita.
Sa kaka-Reels ko, muntik ko pang makalimutan ang cell phone ko.
Nang nasa bus na ako, hindi ako mapakali. Nag-aalala ako kasi baka harangin na naman ako ng lady guard. One time kasi, nagduda ang guard sa mga dala kong bato. "Ano 'to," tanong niya. OMG! Hindi agad ako nakasagot. Sabi ko, 'Bato!' Kinapa-kapa niya ang bag ko... Akala ko iho-hold pa ako. Siguro naisip niyang koleksiyon ko, kaya pinalakad na ako.
At heto na nga-- palapit na ako sa guard. Nakaopen ang camera ko para marinig ninyo kung ano ang itatanong sa akin kung sakali man.
Ha ha! Walang pakialam ang guard kasi kakuwentuhan niya ang isa pang guard. Yes! Nawala ang kaba ko.
Sad to say, hindi dumating ang estudyante ko. Palilinisin ko pa naman sana sa classroom bago ko ibigay ang bato. Joke lang.
Siguro, bukas na siya magpapakita sa akin.
Okey! Bye!
No comments:
Post a Comment