Followers

Saturday, August 26, 2023

TipakLong Story -- Lucas


 Lucas: 'Tol, balita ko, iniiwasan mo si Maria. Bakit naman?

Pedro: Nagtatampo lang ako, 'Tol.

Lucas: E, huwag mo naman masyadong pahirapan. Kawawa naman siya. Saka, ikaw rin, baka tuluyan ka na niyang iwan. 

Pedro: Sanay na akong iniiwan. 

Lucas: (Natawa) Payong kaibigan lang, 'Tol, Pedro... Ang mga babae, dapat minamahal sila, hindi sinasaktan. Ang suwerte mo nga kay Maria, e. Bukod sa maganda na, mahilig pang kumain. 'Tapos, ang gaganda pa ng mga gamit niya. Sabi niya sa akin dati, marami raw siyang ipon kaya nakabibili siya ng gusto niya.

Pedro: Wala kang alam, Lucas. Wala!

Lucas: Ha, Wala? E, nagsumbong sa akin si Maria kagabi. Ikaw, kung hindi lang kita kinakapatid, inupakan na kita.

Pedro: Balakajan! Ikaw, yata ang anak ni Angkol Hudas, e! Magsama kayo!

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 7

Isang linggo na rin ang lumipas, simula nang umuwi si Lolo sa Juban. Malaki ang pinagbago sa kasiglahan ni Elias. Marami naman siyang rason ...