Maria: Hindi kita masisisi kung ayaw mo na akong kausapin, gaya ng dati. Wala pa akong pambayad sa `yo. Hindi na nga matapos-tapos ang pagkokolehiyo ko dahil sa hirap ng buhay. Hindi na nga ako makainom ng milk tea. Bihira na rin akong makainom ng kape sa SB. Ang latest iPhone, hindi ko pa mabili.
Pedro: Ang bigat ng problema mo sa buhay, Maria. Hindi kita kayang tulungan. Mas kawawa ka pa sa mga taong nakaratay sa sakit at gusto pang mabuhay. Mas kawawa ka pa sa mga taong may kapansanan, na nagsusumikap para matulungan ang sarili at pamilya. Naaawa ako sa `yo. Ang lalim ng pinaghuhugutan mo ng problema.
Maria: Okey lang, Pedro. Alam ko naman na, mahirap ka lang. Ang daddy mo, may ibang pamilya sa ibang bansa kaya gasino lang ang pinapadala sa `yo. Ang angkol mo, palamunin din. Haist! Wala talaga akong mapapalang tulong sa `yo.
Pedro: Pumunta ka ba rito para mag-sorry o para insultuhin kami?
Maria: Pumunta ako rito para malaman mong wala kaming relasyon ni Mang Juan.
Pedro: Ah, iyon ba? Mahirap lang naman si Ninong, kaya sigurado akong wala kang mahihita sa kaniya.
Maria: Sinasabi mo bang namemera ako ng tao?
Pedro: Ikaw ang nagsabi niyan... Sige na, may rehearsal pa kami ng graduation.
Maria: Ang yabang! Porket gragradweyt na. Hmp! Babagsak ka rin.
No comments:
Post a Comment