Hudas: Sige na, Pareng Juan, samahan mo na ako. Last na lang `to.
Juan: Pareng Hudas, natatakot ako. Hindi ba nga, last time na gumawa tayo, muntikan na tayo kasi may CCTV pala ang bahay na `yon? Ayaw kong makulong, P're. Ikaw na lang.
Hudas: Hindi tayo makukulong. Matagal na nating ginagawa `to, ngayon ka pa ba susuko?
Juan: Graduate na si Lucas. Hindi ko na kailangan `yan.
Hudas: Porke't nakapagtapos ka na ang anak mo, tatalikuran mo na ang buhay natin dati.
Juan: Oo. Iyon lang naman ang purpose ko kaya pinasok ko ang trabahong `yan. Nagtataka nga ako sa `yo bakit kailangan mong gawin `yan. Wala ka namang anak. Regular naman ang pagpapadala sa `yo ni Pareng Marko para sa inyo ni Pedro. Mas hindi mo kailangan ang pag-aakyat-bahay, Pereng Hudas.
Hudas: Kailangan kong mabayaran ang graduation fee at huling tuition fee ni Pedro. Naalala mo ba noong huling inuman natin? Naka-limang libo tayo. `Tapos, tumaya ako sa lotto. Sandaang combinations ang tinayaan ko.
Juan: E, nasaan ang iba? Hindi ba't trenta mil kada buwan ang pinapadala sa `yo ni Pareng Marko?
Hudas: E, Pare, humingi kasi ng GCash ang jowa ko, kaya naubos.
Juan: Lintik ka, Pareng Hudas!
No comments:
Post a Comment