Followers

Monday, August 28, 2023

TipakLong Story -- Pinoy teleserye


 Pedro: Pasensiya na, aalis na ako. Wala akong nakita.

Maria: Juan, sandali lang. Magpapaliwanag kami.

Juan: Oo nga, Pedro. Baka magkamali ka ng akala.

Pedro: Ayaw ko kayong kausapin o harapin. Saka, hindi niyo kailangang magpaliwanag. Ginusto niyo naman iyan, e.

Maria: Nagkakamali ka, Pedro. Nandito ako para mangutang.

Juan: Oo, Pedro. Totoo ang sinasabi niya. Sabi ko, kapag nagtagumpay ang lakad namin ng angkol mo, mapapautang ko siya.

Pedro: Bakit kailangang may yakapan? Wala naman kayo sa Pinoy teleserye. 

Juan: Kasi may pinagtapat ako sa kaniya.

Pedro: Yown! Umamin ka rin, Mang Juan. Bakit? Alam ba ito ni Lucas o kaya ni Aling Aning?

Maria: Ang kitid ng utak mo, Pedro! Lalo akong naiinis sa 'yo. Hmp, diyan ka na nga. Napasama tuloy ang pagpunta ko rito, Mang Juan.

Juan: Maria, akong bahala rito kay Pedro. Mag-uusap kami.



No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...