Pedro: Angkol naman, bakit kailangan niyong magsinungaling sa akin?
Hudas: Sasabihin ko naman talaga sa 'yo, kaya lang hindi ko alam kung paano?
Pedro: Mauunawaan naman po kita basta alam ko. Sanay naman akong magtipid. Alam ko naman noon pa na hindi lahat ng perang para sa akin ay ibinibigay mo sa akin.
Hudas: Andami mong alam, pamangkin. Bakit? Sinabi bang lahat sa 'yo ng marites kong kumpare?
Pedro: Ang iba, pero ang karamihan ay natuklasan ko na lang.
Hudas: Ano pang natuklasan mo? Ano pang sinabi sa 'yo ni Juan Leg?
Pedro: Totoo po bang sinusuyo mo si Maria?
Hudas? Ano? Si Juan ang nag-chuchu niyan sa 'yo?
Pedro: Hindi po. Hinuhuli lang kita.
Hudas: Karapatan ko namang umibig, ah. Binata naman ako. Dalaga si Maria.
Pedro: Angkol, parang anak mo na lang siya.
Hudas: Age doesn't matter.
Pedro: Mahal ka ba niya? O mahal ka niya dahil may binibigay ka sa kaniya? Nong, bata pa lang kami ni Maria, mahilig nang magpalibre 'yon. Bilmoko niyan. Bilmoko nito.
Hudas: Hindi siya gano'n, Pedro. Huwag mong husgahan ang tao. Porket hindi ka niya gusto, sinisiraan mo. Pamangkin lang kita. Wala kang karapatang ganyanin ako. Kung nagastos ko man ang pera mo, babayaran ko. Maghintay ka lang.
Pedro: Kahit huwag na po. Ayaw ko lang kayong gumawa ng masama. Nagawan ko na po ng paraan. Mamaya po pala, ga-graduate na ako. Ikaw po ang kasama kong magmartsa. Kita po tayo sa PICC, Angkol. Bye po.
No comments:
Post a Comment