Followers

Saturday, October 17, 2020

Melchora Aquino: Kampeon sa Pakikipagkapwa-tao

Si Mechora Aquino ay isinilang noong ika-6 ng Enero, 1812. Hindi man siya nakapag-aral, subalit taglay niya ang mga katangiang itinuturo ng isang guro sa mga estudyante. Kampeon siya sa pakikipagkapwa-tao. Siya ay maybahay ni Fulgencio Ramos, isang cabeza de barangay ay biniyayaan sila ng anim na anak. Nang pumanaw ang kaniyang kabiyak, pitong taong gulang pa lamang ang bunso nilang anak. Simula noon, mag-isa niyang itinaguyod ang buong pamilya at hindi na muling nagpakasal pa. Binansagan siyang Tandang Sora sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikan, na binuo ni Gat Andres Bonifacio noong 1896. Kasalukuyang may munting tindahan siya noon sa Balintawak. Nang natuklasan ng mga Kastila ang lihim na Katipunan, marami ang pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa rebolusyon. May mga tumakas at nakapagtago sa kagubatan. May nakatuklas sa kabutihan ni Tandang Sora. Sa tahanan niya, kinupkop niya, ginamot, at pinakain ang mga katipunero. Pinapabaunan pa niya ng kaunting salapi ang mga ito at pinapupunta sa mga ligtas na lugar, kung saan hindi sila uusigin ng mga Espanyol. Walang tinatanggihan si Tandang Sora. Lahat ng dumudulog sa kanya ay kanyang tinutulungan, kaya nang madiskubre ng mga Kastila ang kabutihan niya sa mga katipunero, dinakip siya at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Nakabalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ang bansa ay nasa ilalim na ng pamahalaang Amerikano. Matandang-matanda na siya noon. Wala na siyang nalalabing ari-arian. Namatay siya sa karalitaan noong ika-2 ng Marso 1919. Ang kanyang mga labi ay hinimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak, na ngayon ay kinatitirikan ng Himlayang Pilipino sa Tandang Sora, Lungsod ng Quezon.

Silid-Aklatan o Google?

Paglabas nina Athena at Erna sa klase ni Ginang Lopez, ang kanilang guro sa Araling Panlipunan 6, nag-usap sila. Athena: Saan ba tayo magsasaliksik? Gusto kong makapagpasa ako kaagad ng proyekto kay Gng Lopez. Erna: Kung gusto mong mauna, mag-Google ka na lang. Pareho lang naman ang mga impormasyon. Hindi ka pa lalayo at hindi ka matatagalan. May internet naman kayo sa bahay ninyo, `di ba? Athena: Oo, meron. Maganda naman ang ideya mo. Mas praktikal at mas mabilis kung iisipin, pero sa tingin ko, hindi naman lahat ng impormasyon sa internet ay mapagkakatiwalaan. Erna: Totoo iyan! Kaya nga tinuturuan tayo sa paaralan kung paano pumili ng mga totoong balita at impormasyon… Ano? Uwi na tayo? Athena: Sige na, mauna ka na. Didiretso ako ngayon sa silid-aklatan. Erna: Ha? Sigurado ka? Akala ko ba gusto mong maunang magpasa? Athena: Hindi na siguro… Mas mahalaga sa akin ang kalidad ng gawa ko. Gusto kong magsaliksik sa silid-aklatan gamit ang mga tradisyunal na mga sanggunian. Nabasa ko kasi itong seleksiyon dito sa libro natin sa Filipino. Tingnan mo. Inilabas ni Athena ang aklat, hinanap ang seleksiyon, at ipinabasa kay Erna. Mga Sangguniang Makaluma at Makabago, Ambag sa Panitikang Pilipino Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayaman na ang ating panitikan. Ang mga ninuno natin ay nagbibigkas at nagsusulat na ng tula sa mga bato, yungib, o sa kawayan. Sila rin ay may mga awitin na sa bawat gawain gaya ng pakikipagdigma, pagkakasal, pagtatanim, at iba pa. Nang lumaon, nagkaroon ng bugtong, salawikain, kasabihan, talambuhay, pabula, parabola, epiko, dula, maikling kuwento, at iba pang uri ng akda na kinapupulutan ng aral. Ang ating bansa nga ay lalong yumaman sa mga babasahin. Samot-saring aklat at sanggunian ang nailathala at pumuno sa maraming silid-aklatan sa paaralan, nayon, o bayan. Sa paglago ng teknolohiya, hindi pa rin nawawala at nakalilimutan ang mga sangguniang katulad ng diksyunaryo, atlas, almanak, magasin, pahayagan, at iba pang aklat. Siyempre, nadagdag ang mga makabagong anyo ng sanggunian nang umusbong ang google, wikipedia, at marami pang iba. Gayunpaman, ang bawat mag-aaral ay may kalayaang mamili ng sangguniang kaniyang gagamitin upang mas mapadali ang kaniyang pag-aaral. Subalit, hindi ipinapayong tuluyang talikuran ang mga sinaunang sanggunian dahil ang mga ito ay may mas tiyak at maaasahang impormasyon kumpara sa mga online na sanggunian. Kung anuman ang modernong panitikan natin sa kasalukuyan, bahagi ang mga ito ng mga makaluma at pangkalahatang sanggunian. Huwag sana nating hayaang mabaon na lang sa kasaysayan ang mga ito. Erna: Wow! Ang ganda naman nito! Kaya pala nahikayat kang gumamit ng silid-aklatan sa pananaliksik. Athena: Oo, bibihira na lang kasi ngayon ang mga estudyanteng pumapasok sa silid-aklatan dahil sa mga makabagong teknolohiya. Ayaw ko naman maging kabilang sa kanila. Erna: Nahiya tuloy ako sa `yo… Halika na nga! Sasama na ako sa `yo. Masayang tinungo ng magkaibigan ang gusali ng silid-aklatan sa kanilang paaralan.

Wednesday, October 14, 2020

Diyalogo: Idyomatiko

Anak: Paano po kayo nagkapagtapos sa kolehiyo. Ina: Ginawa kong araw ang gabi. Anak: Po? Paano po iyon? (Tumawa muna ang ina.) Ina: Nag-aaral ako sa hapon hanggang gabi at nagtratrabaho ako sa pabrika ng mga damit mula umaga hanggang hapon. Anak: Ang sipag at ang tiyaga n’yo po, Mama! Hanga ako sa inyo. Ina: Kaya magsunog ka ng kilay dahil edukasyon lang ang maipapamana naming ni Papa mo sa iyo. (Kumunot ang noo ng anak.) Ina: Nag-aral ako nang mabuti. Suntok sa buwan man ang pangarap kong maging guro, naging determinado ako. Naghigpit ako ng sinturon upang magkasya ang sahod ko sa pag-aaral at sa iba ko pang pangangailangan. Anak: Naunawaan ko po kahit iyong mga sinabi kahit malalalim at nakatago ang kahulugan. Pinag-aralan po namin iyan. Ina: Tama ka! Mabuti naman at nakikinig ka sa iyong guro. Anak: Opo! Gusto ko po kasing makapagtapos ng pag-aaral. Ayaw kong maging laman ng lansangan. Magiging haligi ako ng tahanan, kaya ayaw kong iparanas sa magiging anak ko ang maging isang kahig, isang tuka ako. At lalong ayaw kong kumapit sa patalim kapag kumakalam na ang sikmura namin. Ina: Wow naman, Anak! Ang galing-galing mo naming gumamit ng mga sawikain. Anak: Siyempre po… Mana po ako sa inyo. Para nga po tayong pinagbiyak na bunga. (Nagtawanan na lamang ang mag-ina.)

Tuesday, October 13, 2020

Ang Aking Journal -- Setyembre

Setyembre 1, 2020 Malungkot ako maghapon dahil nasira ang cellphone ni Emily. Nangangahulugan ito na mababawasan ang income namin sa online selling. Hindi niya maima-market ang mga halaman, loam, soil, paso, at pebbles.Kinontak ko na ang reseller ng cellphone niya. Naramdaman kong wala itong pakialam sa problema namin dahil pinangakuan niya kaming kokontakin ang supplier niya. Maghapon kaming naghintay sa wala.Gayunpaman, naisaayos ko uli ang garden. Nasira ang kamada dahil sa mga bagong halaman na galing kay Kuya Cesar. Pero, nagawa kong mas maganda at mas maluwang. Para ito sa inaabangan kong garden set. Setyembre 2, 2020 Maaga akong bumangon upang maagang makapag-almusal. Naghanda rin agad ako ng agahan, saka kumain.Naramdaman ko na naman ng masakit-sakit sa may bahagi ng appendix ko nang nagbukas ko ng tindahan. Last month ko lang ito naramdaman. Tuwing pagkakain, sumasakit, lalo na kapag gumagalaw ako. Masakit din kapag nagbubuhat ako.Sana hindi naman ito apendicitis.Nag-online meeting kaming Grade Six advisers tungkol sa pagpunta sa school at sa distribution of modules. Sa September 8, luluwas ako ng Maynila. Past 2:30, nai-deliver na ang garden set. Tuwang-tuwa kami dahil maganda. Worth it ang P3,500.Thanks, God! Setyembre 3, 2020 Maaga uli akong bumangon para sa aking pag-alis. Mamimili ako ng mga paso.Pagkatapos magluto, nag-almusal ako. Nailabas ko na rin ang mga paninda.Eight-thirty, umalis na ako. Naglakad lang ako patungo sa Umboy. Sayang kasi ang P25.Tama lang din pala na naglakad ako kasi halos wala naman akong mabiling paso. Pinilit ko lang bumili ng ibang items para hindi sayang ang lakad at pamasahe ko.Past 4, dumating si Kuya Cesar. Si Emily ang nakiharap. Naiinis pa rin ako sa kanya. Parang kami pa ang may kasalanan sa halaman niyang mga kuluntoy.Mabuti na lang, dumating si Ma'am Jenny para ideliver ng powerpack ni Ma'am Anne. Sila ng nag-usap para sa First Vita Plus.Naikuwento tuloy namin ni Emily kay Ma'am Jenny ang nakaka-stress at nakakatawang pangyayari. Setyembre 4, 2020 Naglinis kami sa sala. Inilabas namin ang lahat naming mga paso, kahit ang mga mamahalin. Almost legit na kasi ang negosyo namin. Hindi na nakakahiyang magdagdag at mag-display ng mga stocks. May business name na kami na inaplay ko sa DTI. Kulang na lang kami ng business permit.Nakabenta ako ng halaman sa suki naming reseller. Sinama pa niya ang asawa, na isang retired police officer, upang magtanong tungkol sa bonsai. Isinama na nga ako nito sa farm nila.Kahit kanina lang kami nagkita, nagtiwala ako. Dinala nga niya ako sa magandang farm. Nakita ko roon ng mga tanim nila. Aniya, isang buwan pa lamang siyang naghahalamanan. Nakakatuwa at kahanga-hanga naman siya!Natuwa rin ako sa mga ibinigay niya sa akin--- papaya, soil, okra, talbos, at cuttings ng halaman. Nakakuha pa ako ng dumi ng baka roon.Sana maging kaibigan ko siya dahil sa halaman o bonsai. Setyembre 5, 2020 Nagpatanghali ako ng gising since Sabado naman. Kaya lang tinawag nila ako dahil may customer na. Bumili ng paso at nakipag-barter ng halaman.Pagkatapos kong mag-almusal, dumating naman si Kuya Rey para magtanong tungkol sa clay pots supplier sa Bulacan. Hinanapan ko siya sa Facebook. Nakipagkuwentuhan din siya nang ilang minuto. Gusto talaga niyang karerin ang paghahalaman at pagnenegosyo.Nakabenta ako o kami ngayon ng P815. Not bad.Nag-order din ako ng iba't ibang uri ng soil. Gusto ko kasing maging one-stop gardening shop ito. Kailangan kong bilhin lahat ang mga kakailanganin ng mga customers. Sa pagpapaunti-unti, ma-eestablish ko ng negosyong ito. Ito na rin siguro ang magiging negosyo ko after retirement. Setyembre 6, 2020 Maaga akong nakapaglabas ng mga paninda, hoping na magiging suwerte kami sa araw na ito. Kaya lang, na-bad trip ako sa banat ni Emily. Nasaktan ko na naman ang damdamin niya. Ang sumatotal, hindi kami nagkibuan maghapon. Wala rin kaming benta.Puro naman expenses ang nangyari. Nagbayad ako sa delivery from Boy Halaman, na worth P2,495. Nagbayad din ako ng P1,500 para sa internet installation.Okay lang naman... Ganito ang business. May ups and downs. Minsan, mas malaki ang credit kaysa sa debit. Ang mahalaga, marami-rami na ng stocks ko. Kaunti na lang, makokompleto ko na ang garden plants shop ko. I hope may pumasok na biyaya. Inaasagan ko ngayong taon, bago mag-Pasko ang monetization ng youtube account ko. So far, kailangan ko na lang ng 35 subscribers. Setyembre 7, 2020 Thirty-five lang ang benta namin maghapon. mabuti dumating sina Kuya Rey at Rose Ong para magtanong tungkol sa DTI permit.May malaking papel talaga ang ginagampanan ng post ni Emily sa Facebook at sa mga GC. Dahil wala siyang phone, wala rin kaming kita.Bukas, titingnan na ng reseller ang phone niya. Sana maayos na. At sana rin makabitan na kami ng internet. Setyembre 8, 2020 Dahil nagbago ang isip ko kagabi na huwag na lang pumunta sa school, si Sir Hermie na lang ang pumunta sa bahay para kunin ang First Vita Plus products. Maaga akong bumangon upang maglabas ng mga paninda at maglaga ng saging. Tamang-tama, nakaayos na ako at nakaluto nang dumating siya. Nag-bonding kami sa garden set habang nag-aalmusal. Hindi rin naman siya nagtagal. Bumili uli siya ng halaman.Nakabenta rin kami ng mga paso at loam soil. Setyembre 9, 2020 Maaga pa lang, may benta na agad kami. Suwerte! Totoo nga... Nag-chat kasi si Ma'am Nhanie. Hiningi ang bank account number ko. Trinansfer niya ang bayad sa modules. Eight thousand sana para sa dalawang grades (first quarter), kaya lang binawasan niya ng P1k each para sa editing, proofreading, and coordinating. Pumayag na ako kasi siya naman ang nagpakahirap niyon. Biyaya nang maituturing iyon para sa akin. Not bad. Six thousand is a large amount now a days. After lunch, umalis ako para mag-withdraw. Dumiretso rin ako sa bilihan ng halaman. Gusto kong may remembrance ako sa perang pinaghirapan ko.Nakabili ako ng Licuala palm at Melaloni philodendron, na worth P200 each. Nakaragdag sa mga collection ko.Hapon, nagsimula akong muli sa paggawa ng module. Kailangang matapos ko agad bago ang opening of classes upang hindi ako maabala.Isa pang suwerteng maituturing ang pagdating ng technician ng PLDT. Naibalik na ang internet connection. Ayaw ko na sanang maayos pa kasi malapit na kaming makabitan ng Converge, pero no choice dahil nakakontrata kami hanggang April 2021. Kaya, okay lang kahit ma-delay ang kabit ng isa pang internet. Setyembre 10, 2020 Dapat 4 AM ako babangon, kaya lang mas ninais kong matulog pa ng isang oras. At dahil doon, na-late ako ng datinh sa school. Naroon nang lahat ang mga kasama ko. Busy na sila. Gayunpaman, naabutan ko pa ang paalmusal ni Ma'am Laarni. Sabay-sabay kaming nagkape at napansit.Halos hindi naman ako nakatulong sa kanila dahil hinarap ko ang Form 137. Naglagay ako ng number of school day present. Past 12, umuwi na ang tatlo. Naiwan kami nina Sir Hermie at Ma'am Wylene. Umidlip muna ako. Past 2 na nagyaya si Sir. Hijtaid niya ako sa D. Ocampo Street.Nakasakay naman ako kaagad at nakauwi agad.Nakabitan na kami ng Converge. Hanep! Magkasunuran pa ang dalawang sister companies. Dobleng bayarin.After meryenda, itinanim ko ang mga halamang ibinarter ko kay Ma'am Vi. Ang gaganda na nang maitanim ko sa corrugated pots. Nasa paso talaga ang sikreto ng kagandahan ng halaman, kahit common lang. Setyembre 11, 2020 Alas-4 na ako bumangon kasi ayaw ko nang matagalan sa highway dahil sa pag-abang ng bus. Ayos naman dahil past 6, nasa school na ako. Nauuna lang sa akin si Ma'am Vi.Naging maayos naman ang distribution of learning modules. Nakasuot pa kami ng PPE. Kahit paano, naranasan kong maging frontliner.Ngayon, nabigyan ko ng balete bonsai si Sir Joel K. Iyon kasi ang hilig niya. Kahit paano napasaya ko siya. Then, hinintay namin si Sir Erwin dahil may prospect kaming rubber tree. Kaya lang, hindi kami nakakuha. Pinuntahan pa namin si Ma'am Edith dahil akala namin may alam siyang puno. Wala pala.Nang nakasakay na ako sa bus, nag-send ng picture si Sir Joel. May hawak silang cuttings ng rubber tree. Natuwa naman ako para sa kanya.Bibigyan din naman daw ako ni Papang.Past 7 na ako nakauwi. Mainit ang ulo ko kaya halos napagsalitaan ko na naman si Emily. Mabuti naman at nanahimik na lang siya. Nainis naman ako sa co-officers ko sa Faculty Club. Past 12 pa ako nag-send ng mensahe tungkol sa virtual teachers' day celebration, pero seen-mode lang. Nag-tanong uli ako bandang alas-8, wala na namang nag-react. Muntik na nga akong mag-leave. Mabuti nag-comment si Sir Hermie. Pero, hinayaan ko na lang siyang makipag-converse kay Ma'am Venus.Bahala sila!Gayunpaman, masaya ako dahil may 1000 subscribers ang YT channel ko. Nag-apply na ako, kaya lang hanggang step 2 lang lasi hindi ko masundan ang procedure. Bukas na lang. Setyembre 12, 2020 Naiinis pa rin ako sa mga ka-officers ko. Si Sir Hermie lang ang nag-comment. At dahil nagkomento siya. Naglabas din ako ng saloobin. At nagdesisyon akong hindi na sila kausapin tungkol sa techers' day celebration.Nagkaroon naman ng issue sa GC naming mga guro dahil sa pirma sa IPCRF. Natuwa at natawa ako. Nawala tuloy ang inis ko. Kaya lang, na-high blood naman ako sa PLDT Ultera. Disconnected na naman ang linya. nang tinawagan ko ang hotline, nakatikim talaga sa akin ng pagalit ang call center agent. Hinihingian ko ng payment history. Hindo niya raw magagawa iyon. Ang sumatotal, magpapadala na lang sila ng updated bill.Wala naman akong pakialam kung magbabayad ako. Huwag naman sanang i-disconnect. Sayang na nga dahil may Converge na ako, mas sayang pa dahil hininto nila. Nakakabuwisit lang! Nabigo akong magawa ang step ng application for youtube monetization. Hapon ko na naituloy. Nakakatywa dahil parang abot-kamay ko na ang pera. Nalungkot lang ako nang isipin kong baka magkaproblema sa copyright. Huwag naman sana. Gusto ko nang makatikim ng katas ng YT.Nag-apply din ako ng Adsense para sa blogger site ko. Sana ma-approve. Setyembre 13, 2020 Hindi pa kami tapos magbukas ng shop, may customer na. Hundred pesos agad ang buena mano niya. Suwerte!Nagpa-deliver ako ng loam soil ngayong araw. Umorder din ako ng mga halaman. Worth P2,200 ang pitong klase. Grabe! Gayunpaman, hindi ko dapat iniintindi ang halaga. Mas magpokus ako sa maibibigay nitong ligaya.Isa pa, kailangan kong mag-display ng mga kakaiba at bagong halaman para sa mga customer. May babalik-balikan sila at may matatanaw. Nakadaragdag din naman ang mga ito ng ganda ng garden ko. Setyembre 14, 2020 Maaga akong bumangon para makapagluto ng almusal. Gusto ko kasing mag-gardening nang maaga dahil may inaabangan akong delivery ng mga plants.Past 10, nagkaroon kaming Grade Six ng online meeting. Inabutan kami ng 12. Umidlup lang ako at paggising ko, meeting na naman tungkol sa Teachers' Day celebration. Kasama naming Faculty officers ang mga grade leaders. Si Sir Hermie ang nag-preside dahil nagtatampo ako. Maayos namang natapos ang meeting. After ng meeting, dumating na ang mga halaman kong worth P2,200. Medyo may mga kamahalan dahil free delivery at may free na loam soil. Pero, worth it naman kasi first time kong magkaroon ng mga halamang iyon. Dagdag sa mga varieties na mayroon ako.Approved na ako sa Youtube Partner Program. Nakakatuwa! Kaya lang nadiskubre kong may dalawang vloggers na kumopya ng videos ko. Kinopya nila nang buong-buo ang Acid Reflux at Uri ng Pangngalan ko. Nag-request removal nga ako. Sana mabayaran na ako... Setyembre 15, 2020 Dahil siguro sa sama ng panahon, kaya wala kaming benta ngayon. Gayunpaman, hindi naman kami malungkot. May mga araw talaga na zero sales. Kinunsumo ko naman ang oras ko sa paggawa ng module sa ESP 6 para sa Quarter 2. Kahit paano umusad ito. Nakaanim na pahina ako, simula kagabi.Hapon, at 3, nag-online meeting kaming Grade Six teachers. Inabutan na kami ng alas-7 dahil sa video presentation na aming gagawin.Pagkatapos niyon, nag-gardening ako kasi may bisita si Emily. Nag-join sila sa Zoom seminar ng First Vita Plus. Past 9:30 na sila natapos. Saka lamang ako nakapagsara ng bakuran. Bago matulog, nadiskubre kong marami akong vlogs na ineligible sa monetization dahil sa copyright issues ng audio. Nagawan ko naman ng action ang iba. Ipina-mute ko. Sana lang ma-approved at ma-monetized pa rin. Setyembre 16, 2020 Napasarap ang tulog ko dahil sa malamig na panahon, kaya past 7 na ako nagising. Nauna pang bumangon si Emily. Siya na ang nagbukas ng tindahan. Siya na rin ang naghanda ng almusal.Nag-gardening muna ako bago humarap sa laptop para gumawa ng module aa ESP 6. Natigil lang dahil sa online meeting naming Grade Six teachers. Marami kaming benta ngayong araw. Kapag nananaginip ako ng pamumulot ng mga bato at nahawakan o natapakang tae, nagkakaroon ako ng income. Totoo ito. Madalas mangyari sa akin. Kaya tuwing nagigising ako pagkatapos ng panaginip, nagpapasalamat agad ako sa Diyos. Ngunit kapag hindi ko nahawakan o natapakan ng tae, nagkakaroon ng gastos o nawawalan ako ng pera. Kaya naman, hinihingi ko agad sa Diyos na huwag namang masyadong malaking halaga ng mawala sa akin. Pinakikinggan naman Niya ako.Ngayong araw, nadiskubre kong may advertisement na ang karamihan ng vlogs ko. Nakakatuwa! Ramdam ko na ang revenue. Setyembre 17, 2020 Ako naman ang unang bumangon. Kaya, maagang nakatanggap ng biyaya. Nagbayad na kasi si Nanay Delly ng utang niya. Singkuwenta lang naman.Then, sinimulan ko na agad ang paggawa ng module habang naghihintay ng delivery ng almusal.Ngayong araw, halos maghapon ang online meeting naming Grade Six. Okay lang naman. Naasar lang ako sa PM ng principal. Gusto niyang gumawa ako ng solicitation letter. Kinonsulta ko ang mga co-officers ko. Ayaw rin nila. Virtual celebration lang naman kasi ng gagawin sa Teachers' Day. Pumunta si Ma'am Vi dito sa bahay para bilhin ang Globe Home Broadband ko. Bumili rin siya ng First Vita Plus Guyabano Gold. In return, binigyan ko siya ng mga halaman. Si Ma'am Nhanie, kinukulit ako. Gusto niya akong dumalo sa webinar na may bayad. Ayaw ko nga. Sayang ang pera. Kaya, nagdahilan na lang ako. Sana hindi na niya ako tanungin uli. Setyembre 18, 2020 Puro meeting kami simula umaga hanggang ala-una. Nang matapos, saka lamang ako nakapag-record ng audio at video para sa aming video presentation sa WTD. Kahit pangit ang boses ko, sinige ko. Wala akong magagawa, kailangan talaga, e.Almost done ko na ang Day 2 ng Filipino 6 Qaurter 2 module. Andami lang mga hadlang kaya mabagal ang pacing. Idagdag pa ang complexity ng objective. Setyembre 19, 2020 Maaga akong bumangon upang makapaghanda ako sa pag-alis. Mamimili ako ng mga halaman at paso sa Rosario.Past 8:30, umalis na ako. Natagalan pa ako kasi nag-asikaso pa ako ng mga basura. Dumating kasi ang dump truck.Gayunpaman, nakabili ako ng mga paso at halaman. Meron na akong Haworthia (zebra), English Ivy, at Jade plant. Ngayon araw, nakatapos ko ng isang module. Naka-gardening ako. Marami akong naipaso. Nakakaaliw talagang pagmasdan ang mga halaman kapag nasa magagandang paso. Worth it ang mga gastos ko. Setyembre 20, 2020 Gardening at module-making uli ang ginawa ko. Salit-salit kong ginagawa para maipahinga ko ang mga mata ko. So far, six objectives na ang completed ko. Happy na ako, kahit wala akong bentang halaman ngayong araw. Setyembre 21, 2020 Work from home na naman. Palapit na nang palapit ang opening of classes. Tuloy na tuloy nga yata. Anyways, patuloy rin ako sa paggawa ng module para sa St. Bernadette, kaya hindi ko pansing wala kaming benta ngayon. Okay lang din na nag-pay in kami sa First Vita Plus. Kailangan kong mag-open ng 4th account para ma-avail ko ang promo. Namuhunan na naman ako ngayon ng kulang-kulang P10k. So far, pangwalong objective na ako. Kung hindi nga lang nakikigamit si Emily ng laptop ko, baka mas marami na akong natapos. Setyembre 22, 2020 Naunang bumangon si Emily, kaya siya na medyo mahaba-haba ang tulog ko. Suwerte naman ang pagbukas niya ng garden shop dahil nakabenta ako ng tatlong paso, worth P150. Ngayong araw, hindi ko masyadong kinarer ang module. Binigyan ko rin ng oras si Emily para gumamit ng laptop ko, gayundin si Zillion. Ipinapahinga ko rin ang mga mata ko sa pamamagitan ng pagbisita sa hardin. Past 2, nakipagmiting ako sa ESP supervisor at ESP module writers. May masamang balita. Kami na rin daw ang gagawa ng video presentation ng module namin. Puwede raw maghanap ng tutulong, kaya si Emily agad ang naisip ko. Sana puwede ang hindi SDO-Pasay employee. Setyembre 23, 2020 Dahil maaga akong nagbukas ng garden shop, maaga ring may bumisita upang magpa-reserve. Ang saya kapag may benta. Kahit wala, masaya pa rin naman. Hindi ko na nga ramdam ang kawalan ng benta kahapon. Hindi na ako nadi-disappoint, gaya dati, kasi maganda ang garden ko. Kompleto ang araw ko kapag nakikita ko ang mga halaman ko. In fact, sa hardin pa ako gumawa ng module. Napakasarap sa pakiramdam. Kay sarap mag-isip!Bago mag-alas-siyete, may benta uli kami. Dalawang halaman pa ang nabili. Hanep! Setyembre 24, 2020 Hindi ko nakapag-gardening ngayong araw dahil sa pagdalo sa webinar, pagtapos ng module, at paggawa ng powerpoint presentation. Hindi na rin ako nakaidlip. Anyways, productive naman ko maghapon. No regrets. Masaya pa rin ng work from home. Setyembre 25, 2020 Past 8, nagsimula ang Mental Health Awareness webinar namin sa mga students. Ako ang unang nag-present. Maganda sana ang video presentation ko, kaya lang walang audio. Mabuti na lang may wordings doon. Bigla ring naputol ang koneksiyon ng internet eksaktong nine o' clock, kaya hindi natapos ang ibang speakers.Nag-webinar na lang kaming mga guro tungkol sa paggamit ng Google Meet at Google Classroom. Binigyan ko ng panahon ang pagbuo ng Google Classroom. Nakadalawa ako. At six, tinawagan ako ni Ma'am Laarni tungkol sa compliant ng isang parent kay Sir Jul. Medyo nadawit ang name ko. Chinat ko ang estudyante ko, na nasaktan ni Sir. Pinaamin ko. Hindi nga raw niya sinumbong sa akin at sa parents niya, kaya ligtas ako. Then, tinawagan ako ng parents. Napag-alaman kong nais akong idawit ng principal. Ako na ang dinidiin. Mabuti na lang, matalino ang magulang at kampi sa akin. Hindi naman ako naaasar kay Ma'am. natatawa na lang ako. Hindi niya kasi kayang gawin ang ginawa niya kay Sir Hermie noon. Kinasuhan niya kahit hindi naman nagrereklamo ang magulang. Basta ako... hindi man naging perpektong guro, naging mabuti naman akong tao sa kapuwa ko. Setyembre 26, 2020Kahit Sabado naman, hindi ko pa rin nagawang magtagal sa higaan. Ako pa rin ang naunang bumangon. Masaya kong binuksan ng garden shop, habang naghihintay ng delivery ng almusal namin.May sakit ngayon si Zillion. Magkasunod silang mag-ina. Siguro ay nahawaan siya. Mabuti na lang may First Vita Plus kami. Hindi na ako masyadong nangangamba. Simula noong unang inom niya nito, ngayon na lang siya nagkasakit. Isiningit-singit ko ang paggawa ng module, kaya naman natapos ko ngayon ang ika-11. Tatlo na lang, matatapos na ako sa Filipino 6. Setyembre 27, 2020 Inuna ko ang gardening bago ang module-making. Marami akong naitanim. Binago ko rin ang ayos ng ibang halaman.Past 1, namili ako ng paso sa Rosario. Inabutan ako ng ulam, kaya sumakit ang ulo ko. Gayunpaman, nakapag-gardening pa rin ako pagkatapos kong magmeryenda. Kaunti lang ang nagawa ko sa isang module, pero okay lang kasi may benta kami ngayong araw. Setyembre 28, 2020 Masaya na sana ako, kaya bigla akong na-high blood dahil kina Kuya Cesar. Naniningil sila sa halaman nilang kay papangit. Patawarin sana ako ng Diyos, pero totoo namang nakakainis ang ginawa nila sa amin. Binentahan kami ng common plants. Okay lang sana kung common. Ang masaklap ay mga 50-50. Binayaran na ng P1,200. Umaasa pa ng P1,800. Diyusme! Setyembre 29, 2020 Hindi man ako nakatapos ng isang module ngayong araw, marami naman akong na-accomplished sa garden. Naibilad ko ang mga cacti and succulents ko. Nakapag-repack ako ng mga pebbles. Makagawa ako ng youtube video. At nakapag-landscape sa garden. Ngayong araw, malaki-laki ang benta ko sa paso at halaman. Kung pumunta nga lang ang mga nagpa-reserve, mas malaki sana ang benta. Setyembre 30, 2020 Hindi ako masyadong nakagawa ng module ngayong araw. Tamad na tamad ako. Mas gusto ko kasi talagang mag-gardening. Umaga, nag-decorate na kami ng bahay. Nagkabit na kami ng Christmas tree. Nailabas ko na rin ang mga halaman ni Kuya Cesar na ipinasok ko kahapon dahil sa inis ko at dahil gusto ko nang ipasauli sa kanila. Doble-trabaho tuloy. Nakakainis! Ngayong araw, ikalawang araw nang masama ang lagay ng sikmura o tiyan ni Emily. May diarrhea siya kahapon pa. Lagi na lang siyang may dinaramdam. Baka nagme-menopause na siya. Kawawa rin naman siya. Sobra siyang nahihirapan. Magastos din sa First Vita Plus. Okay lang, basta gumaling na siya.

Liham para sa Aking mga Estudyante

Magandang araw sa inyong lahat!

Kumusta kayo? Kumusta ang bago ninyong mundo? Sana ay masaya kayo sa mga oras na ito.

Naalala niyo pa rin ba ang mga araw kung saan nasa klase tayo?

Alam kong hindi ninyo iyon makalilimutan dahil sa samot-saring karanasan. Naroon ang kulitan, tawanan, biruan, iyakan, awayan, sumbungan, at marami pang iba. Pero, siyempre, hindi ko rin maikakaila, na nakipagtalakayan kayo, sumagot at nagbigay ng kuro-kuro, nag-groupings, sumama sa parade, sumali sa mga contests at programs, at maraming pang magagandang gawain.

Alam ko ring dumaan din kayo sa hirap, pagod, sakit, sama ng loob, at galit dahil sa akin. Sorry... Labis akong nalulungkot sa mga ito. Patawad.

Sa araw na ito, taos-puso akong humihingi sa inyo ng kapatawaran dahil sa aking mga kasalanan, kamalian, at kakulangan sa inyo bilang guro. Sana ay maunawaan ninyo kung gaano kahirap para sa akin na tumayo bilang pangalawang magulang ninyong apatnapu't isang magkakaklase.

Sa totoo lang, labis akong nahirapan sa pagdidisiplina sa inyo. Dumating sa punto na nais ko nang sumuko.

Ang pananahimik ko at ang pambabalewala ko sa inyo ay isang paraan ko upang hindi ako makapanakit. Ngunit nagkamali ako... Ang ilan sa inyo ay mas nasasaktan pala kapag tahimik ako at kapag binabalewala ko kayo.

Nais ko lang ding patunayan sa inyo na masakit talaga ang mabalewala at hindi mabigyang ng respeto. Kulang na lang nga ay magmakaawa at mamalimos na ako sa inyo ng pagmamahal (love) mula sa inyo.

Sa totoo lang, minamahal ko ang bawat estudyanteng dumaraan sa akin... lalo na ang mga karapat-dapat mahalin. Naramdaman ko namang minahal ninyo ako. Naramdaman ko namang nais ninyo akong mapasaya. Sana naramdaman din ninyo kung gaano ko kagustong matuto kayo, hindi lamang ng mga aralin, kundi ng mabubuting pag-uugali at mga praktikal na kaalaman sa buhay. Sana naramdaman din ninyo na nais ko kayong maging bahagi ng mga alaala ko hanggang sa aking pagtanda at hanggang sa bawian na ako ng memorya. Sana naramdaman din ninyo kung gaano ako kasaya tuwing masisipag kayong pumasok, gumawa, makibahagi, at magbasa. Sana naramdaman din ninyo kung gaano ko kayo kamahal kahit magkakaiba kayo ng ugali, gusto, at pangarap. Sana naramdaman din ninyo ang mga araw na pinoprotektahan ko kayo sa mga masasama at mga kaaway. Sana naramdaman din ninyo na naging kakampi ninyo ako noong mga panahong mahihina kayo at kailangan ng gabay. Sana naramdaman ninyo kung paano ko binuksan ang puso at buhay ko upang ipaalala sa inyo na ng kahirapan ay hindi hadlang para magtagumpay sa buhay. Sana naramdaman din ninyo kung gaano ako kasaya tuwing magbibiruan tayo at magkuwentuhan tayo habang at pagkatapos ng aralin. Sana naramdaman din ninyo kung gaano ako nasaktan nang mga sandaling wala na kayong pinakikinggan. Sana naramdaman din ninyo kung gaano ako nasaktan nang mga sandaling hindi na ninyo ako makita, marinig, at makausap. Sana naramdaman din ninyo kung gaano ako nasaktan nang mga sandaling halos pagsisihan kong naging mga mag-aaral ko kayo. Sana naramdaman din ninyo kung gaano ako nasaktan nang mga sandaling hindi ko na rin kayo makita, marinig, at makausap. Sana naramdaman din ninyo kung gaano ko kayo minahal at itinuring na mga anak. Sana naramdaman din ninyo kung gaano ko kayo pinahalagahan kahit sa mga huling araw ng ating pagkikita. Sana nga, naramdaman ninyo...

Sana, sana... kung magkakaroon ng pagkakataon, masabi ko ang mga ito sa inyo nang personal at harapan nang malaman ninyong tunay ang aking nararamdaman at masabi kong miss na miss ko na kayo.

Salamat sa inyong lahat! Salamat sa masasayang alaala. Salamat din sa mga pasakit na naging dahilan upang magbigay sa akin ng mga bagong karanasan bilang guro. Salamat sa magagandang salitang natanggap ko noon mula sa inyo. Salamat sa suportang natamo ko at sa mga inspirasyong napulot ko mula sa inyo.

Mahal ko kayo!

Tuesday, October 6, 2020

Natatanging Ama

            Ano nga ba ang katangian ng isang ama?

Iyan ang katanungang mahirap sagutan sapagkat magkakaiba ang perspektibo ng bawat tao. Ako, bilang isang anak at bilang bahagi ng isang masayang pamilya, ay may natatanging sagot sa katanungang iyan.

Galing sa idyomang ‘haligi ng tahanan,’ ang ama ay nararapat na matatag. Ang kaniyang katatagan ay hindi lang nasusukat sa kaniyang pisikal na kaanyuan, kundi pati na rin sa kaniyang mga pananaw, prinsipyo, paniniwala, at abilidad.

Ang isang ama ay dapat na matatag sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay na kinahaharap nilang mag-anak. May kakayahan siyang suungin ang anomang unos para lamang maitawid niya ang kaniyang pamilya sa anomang kapahamakan, sakit, paghihirap, at kalungkutan.

Ang isang ama ay dapat hindi madaling matumba sa hampas ng hangin. Hindi niya hahayaang mawalan ng bubong o anomang bahagi ang kaniyang tahanang kaniyang minamahal. Kaya, ipapanatili niyang buo ang kaniyang pamilya anoman ang mangyari. Mas gugustuhin niyang magsakripisyo para sa kanila.

Ang isang ama ay dapat na matibay at hindi marupok. Hindi siya basta-basta nadadarang sa apoy ng tukso, bisyo, at kasamaan. Siya ay magiging muog ng kabutihan, na maipapamana niya sa kaniyang mga supling. Hindi niya gugustuhing masira ng anay ang kaniyang tahanan.  

Ang mga iyan nakikita ko sa aking ama. Ang katatagan ay katangiang tinataglay niya. Kaya, natatangi siya.

Monday, September 28, 2020

Diyalogo -- Islam at Kristiyanismo

Anak: Mama, bakit nakatalukbong sila? Ang init-init, e.

Ina: Sssh! Muslim sila. Sila ang tagapagtaguyod ng Islam. Ang Diyos nila ay tinawag nilang Allah. 

Anak: Allah? Parang narinig ko na po iyan. May kinalaman iyan kay Muhammad.

Ina: Tumpak! Tinatanggap ng karamihan ng mga Muslim bilang kapwa Muslim ang sinumang matapat na binigkas ang Shahada, isang ritwal na pagpahayag ng pagkakaloob sa Diyos at ang paninindigang na si Muhammad ang huling propeta.

Anak: Katulad din po ba sila nating mga Kristiyano? 

Ina: Opo! Ipinagkaloob din nila nang buo ang kanilang sarili sa Diyos. Kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakarang ng pamumuhay na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa Arabong propetang si Muhammad noong nabubuhay pa siya. Dahil dito tinatawag rin ang mga Muslim bilang mga Mohamedano, ngunit mas ninanais ng mga sumasampalataya sa Islam na tawagin sila bilang mga Muslim o Moslem. 

Anak: Wow! Napaka-interesting! 

Ina: Korek! Kaya nga dapat nating igalang ang kanilang paniniwala, kultura, at tradisyon.

Anak: Tama po iyon! E, kilala po ba nila si Hesus?

Ina: Para sa mga Muslim, isa lamang sa kanilang mga propeta si Hesus. Hindi sila tinataguriang mga Kristiyano dahil hindi sila naniniwalang anak ng Diyos si Hesus.

Anak: Naku! Kailangan po pala talagang irespeto ng bawat Filipino ang kani-kaniya nating relihiyon.

Ina: Amen, anak!

Thursday, September 24, 2020

Ano ang Mental Health?

               Ano ang kalusugang pangkaisipan o mental health?

              Ang kalusugang pangkaisipan ay kinabibilangan ng lahat ng panig ng ating buhay — pangkatawan, pangkaisipan, pandamdamin, at pang-espirituwal. Ito ang kakayahang masiyahan sa buhay at kakayahang harapin ang mga hamon at pagsubok sa araw-araw na pamumuhay. Kabilang din dito ang pagpili o ang paggawa ng desisyon, pag-angkop at pagkaya sa mabibigat na suliranin, o ang pagpapahayag ng mga pangangailangan at mga pagnanais.

Habang ang ating buhay at ang mga pangyayari ay patuloy na nagbabago, nagbabago rin ang kondisyon ng ating kalooban, pag-iisip, at kapakanan. Mahalaga ang paghahanap ng paraan upang umayon tayo sa buhay at sa iba't ibang sitwasyon. Natural na mararamdaman nating wala tayo sa tamang panimbang paminsan-minsan, lalo ngayong panahon ng pandemya. Maaaring ang iba sa atin ngayon ay nalulungkot, nag-aalala, natatakot, naiinis, nagagalit, naiinggit o naghihinala. Okay lang iyan! Bahagi iyan ng ating buhay.

Ngunit maaaring maging suliranin ang mga damdaming ito kung nakasasagabal sa ating pang-araw-araw na pamumuhay nang mahabang panahon. Sa madaling sabi, hindi dapat tumatagal ang mga negatibong damdaming ito sa ating puso at isipan.

Ano ang nagiging sanhi ng mga problema sa kalusugan ng kaisipan kung patatagalin natin ang mga negatibong damdaming ito?

 Maraming mga paniniwala kung bakit ang mga tao ay may mga problema sa kalusugan ng kaisipan.

Ayon sa mga pagsusuri at pag-aaral, maraming malubhang problema sa kalusugan ng kaisipan na dulot ng biochemical disturbances sa utak. Naniniwala din ang mga propesyonal na ang iba't ibang mga sanhi na may kaugnayan sa sikolohiya, lipunan, at kapaligiran ay nakaaapekto rin sa ating kapakanan. Ang kalusugan ng kaisipan ay nakaaapekto rin ng pangkatawan, pangkaisipan, pandamdamin, at pang-espiritwal na mga bahagi ng ating buhay.

Ang stress ay labis na nakaaaapekto sa ating kakayahang mag-isip.

Maaaring nahihirapan tayo dahil sa problema sa pamilya, pagkamatay ng isang mahal sa buhay, pagkakaroon ng aksidente sa sasakyan, pagharap sa isang malubhang sakit, kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan, bullying, pagiging biktima ng pang-aabuso o karahasan, o kakulangan ng suporta ng pamilya.

Kahit ang mababaw o maliit na problema ay maaaring maaapekto sa kalusugan sa kaisipan natin, lalo na kung hindi agad ito masosolusyunan. Mahalagang malaman nating lahat na hindi pare-pareho ang pagtingin ng lahat ng kultura sa kalusugan ng kaisipan. Gayunpaman, kailangang magtulungan tayo upang kilalanin ang problema. Dapat nating malaman kung ano ang maaaring naging sanhi o nakadaragdag sa ating mga paghihirap, at kung paano tayo matutulungan.

Ano man ang sanhi ng ating pinagdaraanan, dapat nating malaman na hindi natin kasalanan ang mga problema sa kalusugan ng kaisipan. Walang nagnanais magkaproblema. Matuto lamang tayong magbahagi ng ating nararamdaman upang matukoy ng ating kapuwa ang ating suliranin. Ang ating pamilya ang sandigan natin sa lahat ng ating mga problema.

Kung sila naman ang problema, pang-unawa at katatagan ng loob ang ating sandata. Tandaan nating walang suliraning hindi nating kayang lampasan. Kapag malusog ang ating kaisipan, maiisip natin ang tama. Magagawa nating iwasto ang mga pagkakamali. Mapupunan natin ang mga pagkukulang.

Sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay, hindi isang problema ang dapat gawing solusyon. Nararapat nating harapin ang problema nang may mahinahon, mapang-unawang puso at kaisipan.

Maraming indibidwal na tutulong sa atin sa ating mga problema. Huwag nating sarilinin. Huwag tayong magtago o maglihim. Hindi nila mauunawaan ang anomang pinagdaraanan natin kung ikakahiya o iiwasan natin sila. Tandaang ang isip ang nagpapakilos sa ating katawan. Pinoproseso ng utak ang lahat ng ating gagawin, sasabihin, at iisipin. Kaya huwag nating balewalain ang kapangyarihan ng ating kaisipan. Palusugin natin ito. Lagi tayong maging positibo. Lagi nating iisipin na matalino tayo kaya walang anomang problema ang makatatalo sa atin.

 

Thursday, September 17, 2020

Ang Payo ni Jomar kay Nonilon


Sina Nonilon at Jomar ay matalik na magkaibigan. Sa kabila ng limang taong agwat ng kanilang edad, magkasundong-magkasundo sila sa halos lahat ng bagay. Parehong-pareho sila ng mga hilig. Marami nga ang nagsasabing para silang magkapatid. Bihirang-bihira rin silang mag-away.

Pareho silang mahilig magbasa. Nagpapalitan sila ng libro upang mabasa nila ang kani-kanilang binili.

Ngunit dahil labing-anim na taong gulang pa lamang si Nonilon, madalas siyang pagsabihan ni Jomar kapag may ginagawa siyang mali. Madalas umaaktong kuya si Jomar kay Nonilon.

Isang araw, pumunta si Jomar sa bahay ni Nonilon upang makipagpalitan ng libro.

“Magandang raw po, Nanay Fely. Nandiyan po ba si Nonilon?” bati ni Jomar sa ina ng kaibigan.

“Naku, pagsabihan mo nga iyang kaibigan mo,” sagot ni Nanay Fely.

“Bakit po?”

“Nawiwili sa gadget. Hindi ko na yata nakitang magbasa. Nasa kuwarto niya. Pasok ka.”

“Salamat po!” At agad na pinuntahan ni Jomar sa kuwarto si Nonilon. Naabutan niya itong subsob sa tablet. “Nonie.” Nakatatlong tawag siya ba siya nito nilingon.

“Oy, ikaw pala. Halika, laro tayo.”

“Hindi na. Makikipagpalit lang sana ako ng libro. Tapos ko na kasing basahin ito. Ikaw, tapos mo na ba ang bago mong book?”

“Ha? A… e, hindi pa. Nakakatamad na magbasa. Mas masaya ito.”

“Naku, Nonie, masisira ang mga mata mo at ang kalusugan mo riyan sa gadget. Mas mabuti pang magbasa ka na lang. May bago akong book, o. Palit muna tayo.”

“Ayaw ko ngang magbasa!” pasinghal na sagot ni Nonilon. “Pili ka na riyan ng book ko. Tapos, dalhin mo na iyang bago mong book. Saka na ko na iyan hihiramin.”

Lumapit si Jomar kay Nonilon. “Sandali lang… Makinig ka muna sa akin.” Nang hindi siya nito pinansin, inagaw niya ang tablet.

“Ano ba? Bastos mo naman!”

“Sorry na, pero bilang kaibigan mo, nagmamalasakit ako sa iyo. Sabi nga ni Nanay Fely, pagsabihan daw kita… Makinig ka lang sandali. Pagkatapos, uuwi na ako. Okay?”

Tumango naman si Nonilon.

“Okay! Magandang libangan ang paggamit ng gadget, pero alam nating naaapektuhan nito ang kalusugan at ang buhay mo. Pansamantalang kaligayahan lamang ang naibibigay nito, pero ang pagbabasa ay may panghabambuhay na magandang epekto… Pag-isipan mo. Masaya naman tayo dati sa pagbabasa, hindi ba? Nakakabuo tayo ng bagong mundo. Nakakasalamuha natin ang mga tauhan sa kuwento. At nagagamit natin ang mga aral, mensahe, at impormasyon sa librong nababasa natin… O, sige na. Uuwi na ako. Saka ko na lang hihiramin ang bago mong libro kapag nabasa mo na. Salamat nga pala sa pakikinig!” Tahimik na siyang tumalikod, pero bago siya nakalabas sa kuwarto, tinawag siya ni Nonilon.

“Joms! Salamat, ha? Hayaan mo, babasahin ko na bago kong libro para maipahiram ko na sa iyo.” Nakita ni Nonilon na nginitian siya ni Jomar.


Wednesday, September 9, 2020

Ang Aking Journal -- Agosto 2020

Agosto 1, 2020 Maghapon akong nasa garden.Nakakawili talaga ang paghahalaman lalo na't napagkakakitaan ito. Maganda ring pampawala ang stress at anxiety attack ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman. Agosto 2, 2020 Maaga akong nakarating sa garden shop, pero hindi ako nakabili dahil sarado. Sarado pala sila kapag Sunday. Nasayang ang paglalakad ko. Para lang akong nag-alay-lakad. Inabutan pa nga ako ng ulan sa daan. Mabuti na lang, nagdala ako ng payong.Good thing naman, nakahanap ako sa online ng mabibiling rubber tree. Makatitipid ako. Mabibili ko lang ng P600 ang one foot ng lemon lime. Marami nang sanga, kaya maaari akong makabenta kapag napalago ko. I hope mabuhay at maparami ko. Bukas ng umaga, ide-deliver na sa akin. Wala akong bentang halaman ngayon, pero si Emily, nakabenta ng P400+. Hindi pa rin kami nase-zero. Masaya na kami. Agosto 3, 2020 Alas-9, umalis si Emily para kunin sa LBC ang bayad ni Ate Shiela sa First Vita Plus na kinuha niya at para mamili na rin ng mga paso at pumunta sa PLDT. Kaya kahit naka-work from home ako, sinamantala ko ang paglilinis sa sala at sa kuwarto ko. Naisaayos ko ang sala set namin. Past 2 nang dumating siya. Naawa ako kasi nalipasan na siya ng gutom. Nakabenta kami ngayon ng P800. Nabili na ang malaking pasong pangmayaman, na worth P700. Wala nga lang akong nabentang halaman. Pero masaya pa rin ako dahil kaninang alas-7 ng umaga, dumating na ang lemon lime rubber tree ko. Satisfied ako kahit hindi pa masyadong maganda ang tubo. Nakamura ako. Nabili ko lang ng P600 ang mahigit 1 foot na rubber tree. Ang maganda sa kanya, andami niyang bagong tubong sanga, na maaari kong maitanim at maibenta.Susunod, bibili pa ako ng ibang variety.Gabi, nag-chat si Ma'am Nhanie. Kinuha niya akong speaker sa webinar tungkol sa pagsulat ng kuwentong pambata. Napilitan akong pumayag dahil ayaw ko siyang ma-disappoint. Tutal, may nakahanda naman akong presentation. Kaunting edit na lang. First time ko mang maging speaker online, sisikapin kong maging effective dahil tiwala siya sa kakayahan ko. Sinabinrin niyang pinoproseso na ng module namin para sa first quarter. Simulan ko na rin daw ang second quarter.At ang pinakamagandang balitang sinabi niya ay pinoproseso na rin daw ang payment sa unang module. Agad kong sinimulan ang paggawa ng presentation. Kahit paano, nagkaroon ako ng inspirasyon nang mabalikan ko ang mga dati kong slides. Kailangan ko lang talagang magkaroon ng internet connection. As soon as possible. Iyon ang hihintayin ni Ma'am Nhanie. Thanks, God, for the blessings! Agosto 4, 2020 Hinarap ko agad ang laptop ko pagkatapos kong mag-almusal at mag-display ng mga paninda. Alas-10:30 na ako nakapag-join sa online meeting ng mga faculty presidents dahil na-hook ako sa paggawa ng module.Ngayong araw, nakabenta ako ng halaman, na worth P50. Not bad. Ang hina kasi ng internet (data), kaya hindi kami makabuwelo ni Emily. Nasusuklam na rin kami sa PLDT. Talagang isinusumpa na naman ang serbisyo nilang bulok!Hapon, binalitaan ako ni Pastor Ed. Patay na raw si Sir Jeff. Nalungkot ako sa maaga niyang pagpanaw. Pero, okay na rin iyon para hindi na siya magdusa sa sakit. Agosto 5, 2020 Nagkakape pa lang ako at kagigising lang ng mag-ina ko nang dumating na ang suki namin sa loam soil, paso, at halaman. Nakipagkuwentuhan kami dahil game naman siyang magkipagtalastasan sa amin, lalo na't nakaka-inspire ang kuwento ng buhay niya. Isa siyang breast cancer survivor. Halos sunod-sunod na nagsidatingan ang mga customer. Sumabay pa ang delivery ng paso. Kaya naman, nakabenta kami ngayon ng P1,900 maghapon. Ito na ang pinakamataas naming sales simula nang nagbukas kami ng Plantaholic Garden Store. After dinner na ako nakagawa ng module. Kahit paano ay umuusad na ito. Agosto 6, 2020 Inspired akong mag-gardening ngayong araw. Nakipagbarter pa nga ako ng mga halaman sa mga kapitbahay. Maghapon, nakabenta ako ng worth P590 na halaman. Si Emily nakabenta rin ng mga paso at loam soil mula sa mga customers at sa akin. Nabenta ang golden pothos at mga snake plants ko ngayon, kaya nakakatuwa talagang magtanim. Pati nga ang katabi naming bahay ay nai-inspired magtanim. Gusto na rin niyang magbenta ng aloe vera at iba pang halaman. Kahit paano, dinarayo na kami ng mga plant enthusiast at collector. Kanina collector ng sanseviera ang namili. Nakahanap siya ng tatlong variety sa garden ko. Nakamura siya sa coppertone. Sobrang saya sa pakiramdam ang napakikinabangan ang hobby. Kahit si Emily ay unti-unti na ring natututo mula sa akin. Nawiwili na rin siyang mag-buy and sell. Sayang, kung may internet lang sana kami. Agosto 7, 2020 Past 9 na ako nakaalis ng bahay para bumili ng halaman kasi hindi kami nadeliveran ng almusal n inorder pa kagabi. Kaya naman, naabutan ako ng ulan sa kalsada. Antagal kong nagpatila ng ulan. Gayunpaman, sulit naman ang lakad ko kasi nakabili ako ng dalawang klase ng halaman na worth P150 each at tatlong supot ng pumice. Hapon ko na nai-repot ang mga nabilinko kasi umidlip ako pagkatapos kumain. Sobramg pagod ko. Dumating din ang delivery ng concrete pots ko na 2"x2." Another stocks na naman, pero okay lang dahil para talaga iyon sa aking mga cactus and succulents. Wala man akong benta ngayon, masaya naman ako kasi kumita si Emily. May mga benta siya sa paso at sa mantika. Nagkaroon pa siya ng komisyon sa pagbebenta niya ng aloe vera ng kapitbahay. Agosto 8, 2020 Dahil masama na naman ang panahon, halos wala kaming benta ngayon. Gayunpaman, nag-gardening pa rin ako. Hindi nga lang ako gaanong masaya. Kahit paano ay nakakapagpasaya talaga ang may benta. Nainis lang ako sa mga kasamahan ko sa grade level. Nagkaroon pa ng meeting kahit Sabado. Pinipilit nilang ma-perfect ang online learning. Ang katotohanan naman ay hindi iyon mangyayari dahil sa mahinang internet sa Pilipinas. Ako mismo, hindi makakonekta. Ang serbisyo nga sa amin ng PLDT, hindi maisaayos hanggang ngayon.Naiinis din ako kay Emily. Maghapon siyang nakahiga. May sakit na naman. Apektado ako at anh benta kapag matamlay, mahina, at may sakit siya. Bakit ba lagi na lang siyang ganyan? Ang hina. Ang selan-selan ng katawan. Agosto 9, 2020 Ngayon araw kami may pinakamalaking gross income. Umabot ng P2,370 ang total ng benta namin mula sa paso, halaman, at loam soil. Kung hindi nga lang masama ang panahon at mahina ang internet, baka mas malaki pa. Gayunpaman, masayang-masaya kami sa aming kinita. Tuloy na tuloy talaga ang pagnenegosyo namin. May pera sa buy and sell. Past 6, lumabas ako para bumili ng mga pagkain at mga kailangan sa bahay. Hindi talaga puwedeng puro pa-deliver na lang. Safe nga, pero magastos at hindi ka makapamili nang husto. Agosto 10, 2020 Na-late ako ng bangon, kaya late din akong nakapagluto ng almusal. Gayunpaman, hindi iyon hadlang para hindi ako maging produktibo. Nakapag-gardening ako kahit paano ngayong araw. Hindi man ganoon kaganda ang panahon, nabisita ko pa rin ang hardin.Nakabenta kami ngayon ng mga paso at loam soil. Worth P670. Walang plants na nabili. Napakabuti talaga ng Diyos. Maghapon hanggang past 7 ang meeting naming Grade Six. Kahit mahina ang net ko, sinubukan kong kumonekta. Hindi nga lang ako maka-relate dahil paputol-putol. But then, alam nilang present ako. Inabutan ako ng hatinggabi sa kahahanap ng mga suppliers ng paso, loam soil, at racks. Gusto ko talagang lumago ang negosyo namin. Agosto 11, 2020 Maghapon na naman ang online meeting. Nine o' clock, may faculty meeting. Twelve na natapos. Past one naman, may meeting kami sa grade level. Inabot din ng pasado alas singko. Nakaidlip na nga ako sa sofa.May online orientation kasi kami bukas sa mga parents. Kinailangan naming magplano.Kahit paano, nakabenta kami ngayong araw. Nalampasan namin ang benta namin kahapon. Nakakatuwa talaga kapag tinatangkilik ang mga paso, loam soil, at halaman namin. Agosto 12, 2020 Naging maayos naman ang Virtual Parents' Orientation namin kanina. Muntikan nang hindi ako makasali dahil sa hina ng internet connection. Halos maghapon akong nag-gardening dahil nai-stress ako sa mga nangyayari. Hindi ko talaga gusto ang online classes, hindi lang dahil wala akong wifi na matino, kundi dahil hindi ito friendly sa mga bawat isa. Gayunpaman, kailangan pa ring sumunod sa mandato ng department.Marami-rami rin ang benta namin ngayon sa loam soil, paso, at plants. Nagpa-deliver uli kami ng loam soil. This time, may 5 bags na kaming free. Kahit paano ay nakabawi kami sa delivery charge. Agosto13, 2020 Past 7:30, umalis ako para mag-withdraw at para bumili ng halaman. May garden center palang malapit. Nakabili ako ng 15 varieties ng Coleus o Mayana sa halagang P500. Nakatutuwa ang mga kulay at foliage ng mga ito. Nakakawala ng stress at problema.Agad akong umani ng mga sanga at nagtanim. Kailangang maparami ko agad upang makabawi sa puhunan at kumita.Ngayong araw, walang naganap na online meeting, kaya nakapag-gardening ako nang halos maghapon. Nakabenta rin kami ng P750. Gross sales. Agosto 14, 2020 Hindi ko kaagad nabasa ang text at missed calls ni Sir Hermie. Nasa Robinson's na raw siya pasado alas-7. Bumangon agad ako. Saka namang dating ng suki naman sa paso, na si Ate Emer. Natagalan si Sir Hermie bago nakarating kasi ibang subdivision ang napasukan. Nang dumating, nagmamadali namang umalis. Mabuti, nakabili ng halaman. First Vita Plus lang naman talaga ang sadya niya rito.Ngayong araw, nagpa-deliver ako ng decorative pots. Worth P6,120 ang 15 pcs. Kung hindi ako mamumuhunan at magiging risk-taker, hindi ako kikita. Marami-rami rin kaming benta ni Emily. Umabot ng P1,000 plus. Kaya naman, bandang hapon naglinis ako sa harapan ng garden. Nagawa kong mas maaliwalas. Mas nakikita na ngayon ang mga paninda namin. Tuwang-tuwa ako sa balitang iniurong na ni Sec. Briones ang araw ng balik-eskuwela. Sa halip na sa August 24, sa October 5 na. Sakto, Teachers' Day.Tuloy ang negosyo! May time pa para makabitan kami ng internet. Hindi na ako aasa pa sa PLDT. Isinusuka ko na siya. Agosto 15, 2020 Past 8, naglalakad na ako patungo sa Rosario upang bumili ng plastic pots. Past nine, nakarating na ako roon. Tumambay ako at naghintay hanggang 10 para sa pagbubukas nito, pero after an hour, umalis na ako. Napagtatanto kong hindi na iyon magbubukas. Malas!Naglakad na naman ako pauwi. Nasayang lang ang pagod ko. Lunch na nang makarating ako sa bahay. Pagkakain, umidlip ako. Sobrang pagod ko. Gayunpaman, nanumbalik ang lakas ko nang kinailangan kong umalis na naman para mamili ng mayana plants. Marami kasi ang nag-inquire kay Emily. Muli akong naglakad patungo sa garden center na binilhan ko noong isang araw. Agad akong namili ng 30 pieces na Coleus. Bumili rin ako ng dalawang Selloum. Gusto kasi ni Emily iyon. Tuwang-tuwa nga siya nang dumating ako. Kaya lang, kailangan naming ibenta. Reserved na nga kaagad. Kaya nga, baka bukas ay baka makabili na naman ako. Naka-P900 kami ngayon. Naka-P530 ako sa plants.God is good! Agosto 16, 2020 Maaga pa lang, dumagsa na ang mga customer namin. Halos sunod-sunod silang dumating. Gayunpaman, naisaayos ko pa rin ang garden namin. Plano kong magpabakod, pasementuhan, at magpagawa ng kubo-kubo. May kilala na kaming gagawa. Pondo na lang ang kulang. Maghapon akong naglinis. Nakakaadik! Ang sarap sa pakiramdam kapag masaya ang mga halaman. Nakabenta kami ng kulang-kulang P4,000 ngayon. Ito ang pinakamalaking gross sales since July 22. Agosto 17, 2020 Na-badtrip ako sa manok ng kapitbahay. Dumaan sa leeg ko nang lumipad pagkatapos mangitlog. Naglilinis lang ako ng kulungan ng aso. Sa sobrang inis ko, napalo ko at tumalsik. Nakita yata ako ng bayaw ng may-ari. Dahil sa nangyari, nagdesisyon na akong ituloy na ang pagpapabakod sa pagitan namin. Ayaw ko nang napepeste ako lalo na ang mga halaman ko. Tamang-tama, nakahanap na kami ng gagawa. Pina-estimate ko na ang mga kakailanganin. Mabuti rin ito para sa aming negosyo. Mas magiging organisado ang mga paninda namin. Marami-rami na naman ang benta namin. Kulang-kulang P500 naman ang benta ko sa plants. Ipinambili ko lang din ng paso kay Emily. Tinaniman ko ng mga cacti ko, na nasa kuwarto. Ngayong araw, nagpa-deliver din si Emily ng hanging basket/net. Naghahanap din kami ng supplier ng mga pebbles. Agosto 18, 2020 Maghapon akong naglinis sa aming bakuran upang ihanda ito sa pagpapabakod. Nagbigay ng ako ng pera sa mason para sa materyales at labor. Umabot ng P18.5K ang binigay ko para sa pader. Natutuwa naman ako dahil magkakaroon ng kami ng harang sa kapitbahay naming peste. Nakabenta ako ngayon ng P150 worth of plants, pero bumili naman ako ng Selloum, worth P300. Sulit naman kasi ang ganda at malaki. Pansarili. Baka hindi ko na ibenta. Inilabas ko naman kahapon ang rubber tree ko. Disappointed ako dahil paunti nang paunti ng dahon. Sana maka-survive. Bukas, bibiyahe ako patungo sa school para sa bigayan ng card. Agosto 19, 2020 Pasado alas-tres, gising na ako. Sinikap kong makatylog hanggang alas-4, pero hindi na ako nakatulog. Bumangon na ako bandang alas-3:30 upang maligo.Before five, nasa biyahe na ako. At bago mag-six nasa school na ako. Binisita ko kaagad ang garden ko. Nakatutuwa dahil buhay pa ang karamihan kong halaman. Nanguha nga ako ng pambenta.Past 7, nagsidatingan na ang mga kasamahan ko. Naghanda na kami para sa pagbibigay ng card, diploma, good moral character certificate, at iba pa.Naging maayos naman ito. Hindi man hundred percent na nakapunta ang iba, natuwa na ako dahil nakaipon ako ng pang-remit sa toga picture. Past 5 na kami nagligpit. Before eight ako nakauwi. Nakisabay ako kina Ma'am Vi. Nagpababa ako sa SM Bacoor. Kahit paano, nakatipid ako sa pamasahe. Kaya lang, sumakit ang ulo ko sa aircon. Agosto 20, 2020 Hindi ko nagawang matulog hanggang nine. Past 7, bumangon na ako. Maaga namang nagising si Emily, kaya may almusal nang nakahain. After breakfast, naglakad ako patungong Rosario upang bumili ng mga paso. Alam kung bukas na ang Novo. Hindi nga ako nagkamali. Kaya lang, kakaunting uri lang ng paso ang available. Gayunpaman, bumili ako ng worth P800 plus upang hindi masayang ang punta ko. Nakabili rin ako ng halaman, malapit doon. Past 11 na ako nakauwi. Agad akong nagtanim. Sa laundry area na ako pumuwesto kasi may gumagawa sa labas. Na-miss ko kaagad ang aking garden.Nakabenta ko ng halaman, worth P230. Not bad. Hindi ako zero. Nakabenta rin ng mga paso at loam soil si Emily. Agosto 21, 2020 Holiday ngayon, kaya wala akong alalahaning work from home. Gayunpaman, bumangon ako nang maaga at nagluto ng almusal. Balak ko sanang alis upang bumili uli ng halaman, kaya lang pinigilan ako ni Emily. Tama na iyon. Naabutan sana ako ng ulan kung tumuloy ako. Dahil siguro sa masamang panahon kaya wala kaming benta ngayon. Okay lang naman. Hindi pa kasi tapos sa pagbabakod ang mga trabahador namin. Magulo pa sa bakuran namin. Natuwa kong makita ang bakod namin na mas mataas pa sa akin. Hindi-hindi ko na makikita sa kabilang bahay ang bestfriend ko. Totally separated na kami. Hindi ko na rin marahil maririnig ang dahak niya. Sana lang...Nagpa-estimate na rin ako sa isa pang project. Laundry area. Sana mura lang upang makapasok sa budget ko. Agosto 22, 2020 Sixteen thousand pesos ang materials at labor sa laundry area ko. Okay na. Ipagagawa ko na rin para isahang abala na lang. Miss na miss ko na ang garden ko, pero kaya ko pang maghintay ng ilang araw. At worth it naman dahil mas maganda na.Nakabenta ako ngayon ng plants, worth P420. Mas malaki naman ang benta ni Emily sa paso at loam soil. Hapon, pinapirma ko na si Kuya Cesar sa receiving copy ng P16,000. Bukas sisimulan na niya ang paggawa. Hopefully matapos niya sa loob ng dalawang araw lang. Agosto 23, 2020 Hinarap ko ang paggawa ng summative at periodic test sa ESP 6, Quarter 1. Dahil nasimulan ko na ito noong isang araw pa, mabilis ko na itong natapos. Na-email ko nga nga ang mga ito sa aking team leader.Ngayong araw, ang laundry area na ang ginagawa ng mga trabahador ko. Hindi pa rin ako makapag-gardening.Hapon, nakabenta ako ng 2 malalaking paso. Hindi kami na-zero ni Emily. Agosto 24, 2020 Maaga akong nagising upang maglinis sa bakuran nang wala pang kape at almusal. Maaga ring nasira ang araw ko dahil kay Emily.Inalok niya akong magkape pagkatapos kong pagpawisan dahil marami na akong nagawa. Mainit na raw ang tubig. Uminit din ang ulo ko dahil parang gusto pa niyang matulog o parang gusto na lang niyang humilata. Pinagsalitaan ko siya. Nagsagutan kami."Malas iyan sa negosyo. Dapat hapon pa lang, nakaplano na ang almusal," isa sa mga sinabi ko.Nakakainis! Parang hindi magulang at asawa. Walang pakiramdam. Ako na mga lahat ng gastusin sa bahay, pati ba naman mga gawaing-bahay ako pa? Simpleng pakonsuwelo, wala. Maano man lang bang gumising nang maaga upang makapaghanda ng almusal. Inaasa na lang palagi sa online. Sabi pa, "Lowbat ang cellphone ko!" So, hihintayin ko pang ma-full charge bago siya kumilos?Aysus! Kaya pati ang hindi niya paghugas ng plato sa gabi, naungkat ko. "Katulong pala ako rito!" sabi niya. Sabi ko naman, "Hindi lang obligasyon iyan ng katulong... So, kukuha pa ako ng katulong para lang makalibre ka?" Hindi siya nakasagot. Kahit saang banda kasi, mali siya. Haist! Maghapon akong tahimik. Maaga rin akong umakyat para matulog. Gayunpaman, thankful ako kasi may benta ako sa plants at pots. Agosto 25, 2020 Pagkatapos magkape, umalis na ako para bumili ng paso. Maaga akong nakarating sa Gemz Plantshop, kaya matagal akong naghintay roon. Napagmasdan ko tuloy mula sa labas ang mga cacti at succulents na nakadisplay. Ang gaganda! Nakakainggit. Mapapasanaol ka na lang talaga. Nang dumating, bandang past 8:30, may mga kasabayang akong customer. Andami na rin pala niyang suki. Nakaka-inspire talaga/tuloy ang magnegosyo ng halaman.Bumili ako ng pebbles at corrugated pots. Sa daan patungo sa Novo Mall, bumili rin ako ng tatlong klase ng Croton. Koleksiyon ko. Bale apat kasi may dalawang variety sa isang seedling bag. All in all, may 8 varieties na ako. Nakapaglinis na ako ng garden ko kahit paano dahil tapos na silang mag-finishing ng pader. Bukas, magkakabit na lang sila ng bubong. Kaunting tiis pa, maisasayos ko na ang garden ko. Kahit wala akong benta sa plants ngayon, masaya pa rin ako. Kapag natapos na ang pagawa namin, saka na ako aariba. Nakakatawa lang ang mga hitsura ang mga tsismosa at tsismoso. Halos mamatay-matay sa inggit sa katitingin at pabubulong-bulungan habang nasa garden kami. Palibhasa mga walang garden. Agosto 26, 2020 Maaga pa lang, nagga-gardening na ako. Hindi na ako mapakali. Gusto ko nang matapos na ang paggawa. Excited na ako sa bagong ayos nito.Nakabenta ako ng plants ngayong araw. Hindi tulad kahapon na zero ako. Almost done na ngayong araw ang pinatratrabaho kong laundry area. Bukas. siguradong tapos na. kaya naman, halos mamatay-matay na naman sa inggit ang mga tsismosa at tsismosa. Nagpaparinig pa ang isa. Apektado tuloy si Emily. Ako naman, nagpakuha ng picture habang hawak ang halamang nakapaso at nakatalikod sa kanila. Sinadya ko upang makasama sila sa larawan. Haist! Ang mga tao nga naman. Umangat ka lang ng kaunti. may masasabi na sa 'yo. Hindi na lang matuwa. Natututo tuloy kaming gumanti. Agosto 27, 2020 Sobrang excited na akong mag-gardening, kaya pagkatapos kong mag-almusal, nasa garden na ako. Naabutan nga ako ng mga trabahador. Nakabenta rin ako ngayon ng mga halaman. Worth P330 lahat. I feel so blessed dahil nagagawa kong pagkakitaan ang hobby ko. Sana patuloy lumago ang mga halaman ko upang makaragdag sa kabuhayan ang income ko at mapasaya ko ang mga customers. Natapos na ang laundry area ko. Hapon na sila natapos kaya hindi ko na rin kinaya ang pag-aayos sa bakuran. Masaya akong makita ang output. Umabot sa mahigit P37,500 ang nagastos ko. Plus bibili pa ako ng cement garden set na worth P3,500 upang maging masaya ako. Ang sarap-sarap na lalong tumambay sa garden. Agosto 28, 2020 Agad kong sinimulan ang paglilinis sa garden. Tumulong naman sa akin ang mag-ina ko, kahit paano, pero ako talaga ang lubos na nag-ayos. Mas alam ko kasi ang gagawin. Maghapon akong gumawa. Halos ayaw ko nang tigilan. Umidlip lang ako, nagpahinga, at naligo, saka bumalik na naman sa paglilinis. Nakakaadik ang may paghahalaman kapag mat maaliwalas na garden. Marami ang nabenta kong halaman ngayon. Kahit si Emily, nakabenta rin ng mga paso at loam soil. Kung hindi lang fiesta, baka mas mas marami pa ang bumili. Agosto 29, 2020 Gardening agad ang inatupag ko pagkatapos mag-almusal. Nag-washing naman ang mag-ina ko. After lunch, bumili ako ng plastic pots. Walang tinda sa Novo, kaya sa I-Mart ako bumili. Malalaking paso ang nabili ko. Nag-gardening uli ako para mawala ang stress ko. Nagkapikonan kami ni Emily. Nainis din ako kasi naibenta niya ang isa kong Coleus, na kinokolekta ko. Agosto 30, 2020 Halos maghapon akong nasa garden. Hindi talaga ako mapakali, lalo na't maganda ang kinalabasan ng ginawa kong concrete mini-garden basin. Inilagay ko iyon sa bungad upang magkaroon ng water element ang hardin ko at maka-attract ng buyers. Tila masuwerte naman kami. Marami kaming benta ngayong araw, palibhasa Linggo. Agosto 31, 2020 Holiday pala ngayon... Kaya pala, walang log in sa google drive. Nag-abang pa naman ako. Anyways, natuwa ako dahil mas marami ako. Nagpa-deliver ka nga ako ng pitong sako ng pebbles at marble chips na may iba't ibang sizes at colors. Mabilis lang ang transaction kaya naidisplay ko kaagad. Nainis naman ko sa mga halamang ibinenta sa amin ni Kiya Cesar. Mga lanta, common, at luray-luray

Monday, September 7, 2020

Inyong Kabayanihan


'Di lang ninyo alam, kung gaano ninyo kami natutulungan
Upang ang pandemya ay hindi humantong sa  kapighatian.
Kahit pa ang inyong kalusugan at kaligtasan ang naaalangan
At kahit ang araw at gabi ay inyo nang nakaliligtaan.

'Di lang ninyo alam, nananahan sa ami'y takot at pangamba,
Subalit dahil ang bawat isa'y nagkaroon ng pag-asa
Kaya kami'y humahanga sa inyong pakikiisa at pakikibaka
Na ang pandemyang nagpapahirap sa ati'y lubusang mapuksa.

'Di lang ninyo alam na kami'y saludo sa inyong kabayanihan--
At tungkuling noon pa man ay inyo nang ginagampanan.
'Di lang ninyo alam na kayo'y aming ipinagdarasal
Inyo sanang lakas at malasakit ay dagdagan pa ng Maykapal.

Ang Aking Journal -- Hulyo 2026

Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...