Followers

Wednesday, October 14, 2020

Diyalogo: Idyomatiko

Anak: Paano po kayo nagkapagtapos sa kolehiyo. Ina: Ginawa kong araw ang gabi. Anak: Po? Paano po iyon? (Tumawa muna ang ina.) Ina: Nag-aaral ako sa hapon hanggang gabi at nagtratrabaho ako sa pabrika ng mga damit mula umaga hanggang hapon. Anak: Ang sipag at ang tiyaga n’yo po, Mama! Hanga ako sa inyo. Ina: Kaya magsunog ka ng kilay dahil edukasyon lang ang maipapamana naming ni Papa mo sa iyo. (Kumunot ang noo ng anak.) Ina: Nag-aral ako nang mabuti. Suntok sa buwan man ang pangarap kong maging guro, naging determinado ako. Naghigpit ako ng sinturon upang magkasya ang sahod ko sa pag-aaral at sa iba ko pang pangangailangan. Anak: Naunawaan ko po kahit iyong mga sinabi kahit malalalim at nakatago ang kahulugan. Pinag-aralan po namin iyan. Ina: Tama ka! Mabuti naman at nakikinig ka sa iyong guro. Anak: Opo! Gusto ko po kasing makapagtapos ng pag-aaral. Ayaw kong maging laman ng lansangan. Magiging haligi ako ng tahanan, kaya ayaw kong iparanas sa magiging anak ko ang maging isang kahig, isang tuka ako. At lalong ayaw kong kumapit sa patalim kapag kumakalam na ang sikmura namin. Ina: Wow naman, Anak! Ang galing-galing mo naming gumamit ng mga sawikain. Anak: Siyempre po… Mana po ako sa inyo. Para nga po tayong pinagbiyak na bunga. (Nagtawanan na lamang ang mag-ina.)

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...