Followers
Saturday, October 17, 2020
Melchora Aquino: Kampeon sa Pakikipagkapwa-tao
Si Mechora Aquino ay isinilang noong ika-6 ng Enero, 1812. Hindi man siya nakapag-aral, subalit taglay niya ang mga katangiang itinuturo ng isang guro sa mga estudyante. Kampeon siya sa pakikipagkapwa-tao.
Siya ay maybahay ni Fulgencio Ramos, isang cabeza de barangay ay biniyayaan sila ng anim na anak. Nang pumanaw ang kaniyang kabiyak, pitong taong gulang pa lamang ang bunso nilang anak. Simula noon, mag-isa niyang itinaguyod ang buong pamilya at hindi na muling nagpakasal pa.
Binansagan siyang Tandang Sora sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikan, na binuo ni Gat Andres Bonifacio noong 1896. Kasalukuyang may munting tindahan siya noon sa Balintawak.
Nang natuklasan ng mga Kastila ang lihim na Katipunan, marami ang pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa rebolusyon. May mga tumakas at nakapagtago sa kagubatan. May nakatuklas sa kabutihan ni Tandang Sora.
Sa tahanan niya, kinupkop niya, ginamot, at pinakain ang mga katipunero. Pinapabaunan pa niya ng kaunting salapi ang mga ito at pinapupunta sa mga ligtas na lugar, kung saan hindi sila uusigin ng mga Espanyol.
Walang tinatanggihan si Tandang Sora. Lahat ng dumudulog sa kanya ay kanyang tinutulungan, kaya nang madiskubre ng mga Kastila ang kabutihan niya sa mga katipunero, dinakip siya at ipinatapon sa pulo ng Marianas.
Nakabalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ang bansa ay nasa ilalim na ng pamahalaang Amerikano. Matandang-matanda na siya noon. Wala na siyang nalalabing ari-arian.
Namatay siya sa karalitaan noong ika-2 ng Marso 1919. Ang kanyang mga labi ay hinimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak, na ngayon ay kinatitirikan ng Himlayang Pilipino sa Tandang Sora, Lungsod ng Quezon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment