Followers
Tuesday, October 13, 2020
Ang Aking Journal -- Setyembre
Setyembre 1, 2020
Malungkot ako maghapon dahil nasira ang cellphone ni Emily. Nangangahulugan ito na mababawasan ang income namin sa online selling. Hindi niya maima-market ang mga halaman, loam, soil, paso, at pebbles.Kinontak ko na ang reseller ng cellphone niya. Naramdaman kong wala itong pakialam sa problema namin dahil pinangakuan niya kaming kokontakin ang supplier niya. Maghapon kaming naghintay sa wala.Gayunpaman, naisaayos ko uli ang garden. Nasira ang kamada dahil sa mga bagong halaman na galing kay Kuya Cesar. Pero, nagawa kong mas maganda at mas maluwang. Para ito sa inaabangan kong garden set.
Setyembre 2, 2020
Maaga akong bumangon upang maagang makapag-almusal. Naghanda rin agad ako ng agahan, saka kumain.Naramdaman ko na naman ng masakit-sakit sa may bahagi ng appendix ko nang nagbukas ko ng tindahan. Last month ko lang ito naramdaman. Tuwing pagkakain, sumasakit, lalo na kapag gumagalaw ako. Masakit din kapag nagbubuhat ako.Sana hindi naman ito apendicitis.Nag-online meeting kaming Grade Six advisers tungkol sa pagpunta sa school at sa distribution of modules. Sa September 8, luluwas ako ng Maynila. Past 2:30, nai-deliver na ang garden set. Tuwang-tuwa kami dahil maganda. Worth it ang P3,500.Thanks, God!
Setyembre 3, 2020
Maaga uli akong bumangon para sa aking pag-alis. Mamimili ako ng mga paso.Pagkatapos magluto, nag-almusal ako. Nailabas ko na rin ang mga paninda.Eight-thirty, umalis na ako. Naglakad lang ako patungo sa Umboy. Sayang kasi ang P25.Tama lang din pala na naglakad ako kasi halos wala naman akong mabiling paso. Pinilit ko lang bumili ng ibang items para hindi sayang ang lakad at pamasahe ko.Past 4, dumating si Kuya Cesar. Si Emily ang nakiharap. Naiinis pa rin ako sa kanya. Parang kami pa ang may kasalanan sa halaman niyang mga kuluntoy.Mabuti na lang, dumating si Ma'am Jenny para ideliver ng powerpack ni Ma'am Anne. Sila ng nag-usap para sa First Vita Plus.Naikuwento tuloy namin ni Emily kay Ma'am Jenny ang nakaka-stress at nakakatawang pangyayari.
Setyembre 4, 2020
Naglinis kami sa sala. Inilabas namin ang lahat naming mga paso, kahit ang mga mamahalin. Almost legit na kasi ang negosyo namin. Hindi na nakakahiyang magdagdag at mag-display ng mga stocks. May business name na kami na inaplay ko sa DTI. Kulang na lang kami ng business permit.Nakabenta ako ng halaman sa suki naming reseller. Sinama pa niya ang asawa, na isang retired police officer, upang magtanong tungkol sa bonsai. Isinama na nga ako nito sa farm nila.Kahit kanina lang kami nagkita, nagtiwala ako. Dinala nga niya ako sa magandang farm. Nakita ko roon ng mga tanim nila. Aniya, isang buwan pa lamang siyang naghahalamanan. Nakakatuwa at kahanga-hanga naman siya!Natuwa rin ako sa mga ibinigay niya sa akin--- papaya, soil, okra, talbos, at cuttings ng halaman. Nakakuha pa ako ng dumi ng baka roon.Sana maging kaibigan ko siya dahil sa halaman o bonsai.
Setyembre 5, 2020
Nagpatanghali ako ng gising since Sabado naman. Kaya lang tinawag nila ako dahil may customer na. Bumili ng paso at nakipag-barter ng halaman.Pagkatapos kong mag-almusal, dumating naman si Kuya Rey para magtanong tungkol sa clay pots supplier sa Bulacan. Hinanapan ko siya sa Facebook. Nakipagkuwentuhan din siya nang ilang minuto. Gusto talaga niyang karerin ang paghahalaman at pagnenegosyo.Nakabenta ako o kami ngayon ng P815. Not bad.Nag-order din ako ng iba't ibang uri ng soil. Gusto ko kasing maging one-stop gardening shop ito. Kailangan kong bilhin lahat ang mga kakailanganin ng mga customers. Sa pagpapaunti-unti, ma-eestablish ko ng negosyong ito. Ito na rin siguro ang magiging negosyo ko after retirement.
Setyembre 6, 2020
Maaga akong nakapaglabas ng mga paninda, hoping na magiging suwerte kami sa araw na ito. Kaya lang, na-bad trip ako sa banat ni Emily. Nasaktan ko na naman ang damdamin niya. Ang sumatotal, hindi kami nagkibuan maghapon. Wala rin kaming benta.Puro naman expenses ang nangyari. Nagbayad ako sa delivery from Boy Halaman, na worth P2,495. Nagbayad din ako ng P1,500 para sa internet installation.Okay lang naman... Ganito ang business. May ups and downs. Minsan, mas malaki ang credit kaysa sa debit. Ang mahalaga, marami-rami na ng stocks ko. Kaunti na lang, makokompleto ko na ang garden plants shop ko. I hope may pumasok na biyaya. Inaasagan ko ngayong taon, bago mag-Pasko ang monetization ng youtube account ko. So far, kailangan ko na lang ng 35 subscribers.
Setyembre 7, 2020
Thirty-five lang ang benta namin maghapon. mabuti dumating sina Kuya Rey at Rose Ong para magtanong tungkol sa DTI permit.May malaking papel talaga ang ginagampanan ng post ni Emily sa Facebook at sa mga GC. Dahil wala siyang phone, wala rin kaming kita.Bukas, titingnan na ng reseller ang phone niya. Sana maayos na. At sana rin makabitan na kami ng internet.
Setyembre 8, 2020
Dahil nagbago ang isip ko kagabi na huwag na lang pumunta sa school, si Sir Hermie na lang ang pumunta sa bahay para kunin ang First Vita Plus products. Maaga akong bumangon upang maglabas ng mga paninda at maglaga ng saging. Tamang-tama, nakaayos na ako at nakaluto nang dumating siya. Nag-bonding kami sa garden set habang nag-aalmusal. Hindi rin naman siya nagtagal. Bumili uli siya ng halaman.Nakabenta rin kami ng mga paso at loam soil.
Setyembre 9, 2020
Maaga pa lang, may benta na agad kami. Suwerte! Totoo nga... Nag-chat kasi si Ma'am Nhanie. Hiningi ang bank account number ko. Trinansfer niya ang bayad sa modules. Eight thousand sana para sa dalawang grades (first quarter), kaya lang binawasan niya ng P1k each para sa editing, proofreading, and coordinating. Pumayag na ako kasi siya naman ang nagpakahirap niyon. Biyaya nang maituturing iyon para sa akin. Not bad. Six thousand is a large amount now a days. After lunch, umalis ako para mag-withdraw. Dumiretso rin ako sa bilihan ng halaman. Gusto kong may remembrance ako sa perang pinaghirapan ko.Nakabili ako ng Licuala palm at Melaloni philodendron, na worth P200 each. Nakaragdag sa mga collection ko.Hapon, nagsimula akong muli sa paggawa ng module. Kailangang matapos ko agad bago ang opening of classes upang hindi ako maabala.Isa pang suwerteng maituturing ang pagdating ng technician ng PLDT. Naibalik na ang internet connection. Ayaw ko na sanang maayos pa kasi malapit na kaming makabitan ng Converge, pero no choice dahil nakakontrata kami hanggang April 2021. Kaya, okay lang kahit ma-delay ang kabit ng isa pang internet.
Setyembre 10, 2020
Dapat 4 AM ako babangon, kaya lang mas ninais kong matulog pa ng isang oras. At dahil doon, na-late ako ng datinh sa school. Naroon nang lahat ang mga kasama ko. Busy na sila. Gayunpaman, naabutan ko pa ang paalmusal ni Ma'am Laarni. Sabay-sabay kaming nagkape at napansit.Halos hindi naman ako nakatulong sa kanila dahil hinarap ko ang Form 137. Naglagay ako ng number of school day present. Past 12, umuwi na ang tatlo. Naiwan kami nina Sir Hermie at Ma'am Wylene. Umidlip muna ako. Past 2 na nagyaya si Sir. Hijtaid niya ako sa D. Ocampo Street.Nakasakay naman ako kaagad at nakauwi agad.Nakabitan na kami ng Converge. Hanep! Magkasunuran pa ang dalawang sister companies. Dobleng bayarin.After meryenda, itinanim ko ang mga halamang ibinarter ko kay Ma'am Vi. Ang gaganda na nang maitanim ko sa corrugated pots. Nasa paso talaga ang sikreto ng kagandahan ng halaman, kahit common lang.
Setyembre 11, 2020
Alas-4 na ako bumangon kasi ayaw ko nang matagalan sa highway dahil sa pag-abang ng bus. Ayos naman dahil past 6, nasa school na ako. Nauuna lang sa akin si Ma'am Vi.Naging maayos naman ang distribution of learning modules. Nakasuot pa kami ng PPE. Kahit paano, naranasan kong maging frontliner.Ngayon, nabigyan ko ng balete bonsai si Sir Joel K. Iyon kasi ang hilig niya. Kahit paano napasaya ko siya. Then, hinintay namin si Sir Erwin dahil may prospect kaming rubber tree. Kaya lang, hindi kami nakakuha. Pinuntahan pa namin si Ma'am Edith dahil akala namin may alam siyang puno. Wala pala.Nang nakasakay na ako sa bus, nag-send ng picture si Sir Joel. May hawak silang cuttings ng rubber tree. Natuwa naman ako para sa kanya.Bibigyan din naman daw ako ni Papang.Past 7 na ako nakauwi. Mainit ang ulo ko kaya halos napagsalitaan ko na naman si Emily. Mabuti naman at nanahimik na lang siya. Nainis naman ako sa co-officers ko sa Faculty Club. Past 12 pa ako nag-send ng mensahe tungkol sa virtual teachers' day celebration, pero seen-mode lang. Nag-tanong uli ako bandang alas-8, wala na namang nag-react. Muntik na nga akong mag-leave. Mabuti nag-comment si Sir Hermie. Pero, hinayaan ko na lang siyang makipag-converse kay Ma'am Venus.Bahala sila!Gayunpaman, masaya ako dahil may 1000 subscribers ang YT channel ko. Nag-apply na ako, kaya lang hanggang step 2 lang lasi hindi ko masundan ang procedure. Bukas na lang.
Setyembre 12, 2020
Naiinis pa rin ako sa mga ka-officers ko. Si Sir Hermie lang ang nag-comment. At dahil nagkomento siya. Naglabas din ako ng saloobin. At nagdesisyon akong hindi na sila kausapin tungkol sa techers' day celebration.Nagkaroon naman ng issue sa GC naming mga guro dahil sa pirma sa IPCRF. Natuwa at natawa ako. Nawala tuloy ang inis ko. Kaya lang, na-high blood naman ako sa PLDT Ultera. Disconnected na naman ang linya. nang tinawagan ko ang hotline, nakatikim talaga sa akin ng pagalit ang call center agent. Hinihingian ko ng payment history. Hindo niya raw magagawa iyon. Ang sumatotal, magpapadala na lang sila ng updated bill.Wala naman akong pakialam kung magbabayad ako. Huwag naman sanang i-disconnect. Sayang na nga dahil may Converge na ako, mas sayang pa dahil hininto nila. Nakakabuwisit lang! Nabigo akong magawa ang step ng application for youtube monetization. Hapon ko na naituloy. Nakakatywa dahil parang abot-kamay ko na ang pera. Nalungkot lang ako nang isipin kong baka magkaproblema sa copyright. Huwag naman sana. Gusto ko nang makatikim ng katas ng YT.Nag-apply din ako ng Adsense para sa blogger site ko. Sana ma-approve.
Setyembre 13, 2020
Hindi pa kami tapos magbukas ng shop, may customer na. Hundred pesos agad ang buena mano niya. Suwerte!Nagpa-deliver ako ng loam soil ngayong araw. Umorder din ako ng mga halaman. Worth P2,200 ang pitong klase. Grabe! Gayunpaman, hindi ko dapat iniintindi ang halaga. Mas magpokus ako sa maibibigay nitong ligaya.Isa pa, kailangan kong mag-display ng mga kakaiba at bagong halaman para sa mga customer. May babalik-balikan sila at may matatanaw. Nakadaragdag din naman ang mga ito ng ganda ng garden ko.
Setyembre 14, 2020
Maaga akong bumangon para makapagluto ng almusal. Gusto ko kasing mag-gardening nang maaga dahil may inaabangan akong delivery ng mga plants.Past 10, nagkaroon kaming Grade Six ng online meeting. Inabutan kami ng 12. Umidlup lang ako at paggising ko, meeting na naman tungkol sa Teachers' Day celebration. Kasama naming Faculty officers ang mga grade leaders. Si Sir Hermie ang nag-preside dahil nagtatampo ako. Maayos namang natapos ang meeting. After ng meeting, dumating na ang mga halaman kong worth P2,200. Medyo may mga kamahalan dahil free delivery at may free na loam soil. Pero, worth it naman kasi first time kong magkaroon ng mga halamang iyon. Dagdag sa mga varieties na mayroon ako.Approved na ako sa Youtube Partner Program. Nakakatuwa! Kaya lang nadiskubre kong may dalawang vloggers na kumopya ng videos ko. Kinopya nila nang buong-buo ang Acid Reflux at Uri ng Pangngalan ko. Nag-request removal nga ako. Sana mabayaran na ako...
Setyembre 15, 2020
Dahil siguro sa sama ng panahon, kaya wala kaming benta ngayon. Gayunpaman, hindi naman kami malungkot. May mga araw talaga na zero sales. Kinunsumo ko naman ang oras ko sa paggawa ng module sa ESP 6 para sa Quarter 2. Kahit paano umusad ito. Nakaanim na pahina ako, simula kagabi.Hapon, at 3, nag-online meeting kaming Grade Six teachers. Inabutan na kami ng alas-7 dahil sa video presentation na aming gagawin.Pagkatapos niyon, nag-gardening ako kasi may bisita si Emily. Nag-join sila sa Zoom seminar ng First Vita Plus. Past 9:30 na sila natapos. Saka lamang ako nakapagsara ng bakuran. Bago matulog, nadiskubre kong marami akong vlogs na ineligible sa monetization dahil sa copyright issues ng audio. Nagawan ko naman ng action ang iba. Ipina-mute ko. Sana lang ma-approved at ma-monetized pa rin.
Setyembre 16, 2020
Napasarap ang tulog ko dahil sa malamig na panahon, kaya past 7 na ako nagising. Nauna pang bumangon si Emily. Siya na ang nagbukas ng tindahan. Siya na rin ang naghanda ng almusal.Nag-gardening muna ako bago humarap sa laptop para gumawa ng module aa ESP 6. Natigil lang dahil sa online meeting naming Grade Six teachers. Marami kaming benta ngayong araw. Kapag nananaginip ako ng pamumulot ng mga bato at nahawakan o natapakang tae, nagkakaroon ako ng income. Totoo ito. Madalas mangyari sa akin. Kaya tuwing nagigising ako pagkatapos ng panaginip, nagpapasalamat agad ako sa Diyos. Ngunit kapag hindi ko nahawakan o natapakan ng tae, nagkakaroon ng gastos o nawawalan ako ng pera. Kaya naman, hinihingi ko agad sa Diyos na huwag namang masyadong malaking halaga ng mawala sa akin. Pinakikinggan naman Niya ako.Ngayong araw, nadiskubre kong may advertisement na ang karamihan ng vlogs ko. Nakakatuwa! Ramdam ko na ang revenue.
Setyembre 17, 2020
Ako naman ang unang bumangon. Kaya, maagang nakatanggap ng biyaya. Nagbayad na kasi si Nanay Delly ng utang niya. Singkuwenta lang naman.Then, sinimulan ko na agad ang paggawa ng module habang naghihintay ng delivery ng almusal.Ngayong araw, halos maghapon ang online meeting naming Grade Six. Okay lang naman. Naasar lang ako sa PM ng principal. Gusto niyang gumawa ako ng solicitation letter. Kinonsulta ko ang mga co-officers ko. Ayaw rin nila. Virtual celebration lang naman kasi ng gagawin sa Teachers' Day. Pumunta si Ma'am Vi dito sa bahay para bilhin ang Globe Home Broadband ko. Bumili rin siya ng First Vita Plus Guyabano Gold. In return, binigyan ko siya ng mga halaman. Si Ma'am Nhanie, kinukulit ako. Gusto niya akong dumalo sa webinar na may bayad. Ayaw ko nga. Sayang ang pera. Kaya, nagdahilan na lang ako. Sana hindi na niya ako tanungin uli.
Setyembre 18, 2020
Puro meeting kami simula umaga hanggang ala-una. Nang matapos, saka lamang ako nakapag-record ng audio at video para sa aming video presentation sa WTD. Kahit pangit ang boses ko, sinige ko. Wala akong magagawa, kailangan talaga, e.Almost done ko na ang Day 2 ng Filipino 6 Qaurter 2 module. Andami lang mga hadlang kaya mabagal ang pacing. Idagdag pa ang complexity ng objective.
Setyembre 19, 2020
Maaga akong bumangon upang makapaghanda ako sa pag-alis. Mamimili ako ng mga halaman at paso sa Rosario.Past 8:30, umalis na ako. Natagalan pa ako kasi nag-asikaso pa ako ng mga basura. Dumating kasi ang dump truck.Gayunpaman, nakabili ako ng mga paso at halaman. Meron na akong Haworthia (zebra), English Ivy, at Jade plant. Ngayon araw, nakatapos ko ng isang module. Naka-gardening ako. Marami akong naipaso. Nakakaaliw talagang pagmasdan ang mga halaman kapag nasa magagandang paso. Worth it ang mga gastos ko.
Setyembre 20, 2020
Gardening at module-making uli ang ginawa ko. Salit-salit kong ginagawa para maipahinga ko ang mga mata ko. So far, six objectives na ang completed ko. Happy na ako, kahit wala akong bentang halaman ngayong araw.
Setyembre 21, 2020
Work from home na naman. Palapit na nang palapit ang opening of classes. Tuloy na tuloy nga yata. Anyways, patuloy rin ako sa paggawa ng module para sa St. Bernadette, kaya hindi ko pansing wala kaming benta ngayon. Okay lang din na nag-pay in kami sa First Vita Plus. Kailangan kong mag-open ng 4th account para ma-avail ko ang promo. Namuhunan na naman ako ngayon ng kulang-kulang P10k. So far, pangwalong objective na ako. Kung hindi nga lang nakikigamit si Emily ng laptop ko, baka mas marami na akong natapos.
Setyembre 22, 2020
Naunang bumangon si Emily, kaya siya na medyo mahaba-haba ang tulog ko. Suwerte naman ang pagbukas niya ng garden shop dahil nakabenta ako ng tatlong paso, worth P150. Ngayong araw, hindi ko masyadong kinarer ang module. Binigyan ko rin ng oras si Emily para gumamit ng laptop ko, gayundin si Zillion. Ipinapahinga ko rin ang mga mata ko sa pamamagitan ng pagbisita sa hardin. Past 2, nakipagmiting ako sa ESP supervisor at ESP module writers. May masamang balita. Kami na rin daw ang gagawa ng video presentation ng module namin. Puwede raw maghanap ng tutulong, kaya si Emily agad ang naisip ko. Sana puwede ang hindi SDO-Pasay employee.
Setyembre 23, 2020
Dahil maaga akong nagbukas ng garden shop, maaga ring may bumisita upang magpa-reserve. Ang saya kapag may benta. Kahit wala, masaya pa rin naman. Hindi ko na nga ramdam ang kawalan ng benta kahapon. Hindi na ako nadi-disappoint, gaya dati, kasi maganda ang garden ko. Kompleto ang araw ko kapag nakikita ko ang mga halaman ko. In fact, sa hardin pa ako gumawa ng module. Napakasarap sa pakiramdam. Kay sarap mag-isip!Bago mag-alas-siyete, may benta uli kami. Dalawang halaman pa ang nabili. Hanep!
Setyembre 24, 2020
Hindi ko nakapag-gardening ngayong araw dahil sa pagdalo sa webinar, pagtapos ng module, at paggawa ng powerpoint presentation. Hindi na rin ako nakaidlip. Anyways, productive naman ko maghapon. No regrets. Masaya pa rin ng work from home.
Setyembre 25, 2020
Past 8, nagsimula ang Mental Health Awareness webinar namin sa mga students. Ako ang unang nag-present. Maganda sana ang video presentation ko, kaya lang walang audio. Mabuti na lang may wordings doon. Bigla ring naputol ang koneksiyon ng internet eksaktong nine o' clock, kaya hindi natapos ang ibang speakers.Nag-webinar na lang kaming mga guro tungkol sa paggamit ng Google Meet at Google Classroom. Binigyan ko ng panahon ang pagbuo ng Google Classroom. Nakadalawa ako. At six, tinawagan ako ni Ma'am Laarni tungkol sa compliant ng isang parent kay Sir Jul. Medyo nadawit ang name ko. Chinat ko ang estudyante ko, na nasaktan ni Sir. Pinaamin ko. Hindi nga raw niya sinumbong sa akin at sa parents niya, kaya ligtas ako. Then, tinawagan ako ng parents. Napag-alaman kong nais akong idawit ng principal. Ako na ang dinidiin. Mabuti na lang, matalino ang magulang at kampi sa akin. Hindi naman ako naaasar kay Ma'am. natatawa na lang ako. Hindi niya kasi kayang gawin ang ginawa niya kay Sir Hermie noon. Kinasuhan niya kahit hindi naman nagrereklamo ang magulang. Basta ako... hindi man naging perpektong guro, naging mabuti naman akong tao sa kapuwa ko. Setyembre 26, 2020Kahit Sabado naman, hindi ko pa rin nagawang magtagal sa higaan. Ako pa rin ang naunang bumangon. Masaya kong binuksan ng garden shop, habang naghihintay ng delivery ng almusal namin.May sakit ngayon si Zillion. Magkasunod silang mag-ina. Siguro ay nahawaan siya. Mabuti na lang may First Vita Plus kami. Hindi na ako masyadong nangangamba. Simula noong unang inom niya nito, ngayon na lang siya nagkasakit. Isiningit-singit ko ang paggawa ng module, kaya naman natapos ko ngayon ang ika-11. Tatlo na lang, matatapos na ako sa Filipino 6.
Setyembre 27, 2020
Inuna ko ang gardening bago ang module-making. Marami akong naitanim. Binago ko rin ang ayos ng ibang halaman.Past 1, namili ako ng paso sa Rosario. Inabutan ako ng ulam, kaya sumakit ang ulo ko. Gayunpaman, nakapag-gardening pa rin ako pagkatapos kong magmeryenda. Kaunti lang ang nagawa ko sa isang module, pero okay lang kasi may benta kami ngayong araw.
Setyembre 28, 2020
Masaya na sana ako, kaya bigla akong na-high blood dahil kina Kuya Cesar. Naniningil sila sa halaman nilang kay papangit. Patawarin sana ako ng Diyos, pero totoo namang nakakainis ang ginawa nila sa amin. Binentahan kami ng common plants. Okay lang sana kung common. Ang masaklap ay mga 50-50. Binayaran na ng P1,200. Umaasa pa ng P1,800. Diyusme!
Setyembre 29, 2020
Hindi man ako nakatapos ng isang module ngayong araw, marami naman akong na-accomplished sa garden. Naibilad ko ang mga cacti and succulents ko. Nakapag-repack ako ng mga pebbles. Makagawa ako ng youtube video. At nakapag-landscape sa garden.
Ngayong araw, malaki-laki ang benta ko sa paso at halaman. Kung pumunta nga lang ang mga nagpa-reserve, mas malaki sana ang benta.
Setyembre 30, 2020
Hindi ako masyadong nakagawa ng module ngayong araw. Tamad na tamad ako. Mas gusto ko kasi talagang mag-gardening.
Umaga, nag-decorate na kami ng bahay. Nagkabit na kami ng Christmas tree. Nailabas ko na rin ang mga halaman ni Kuya Cesar na ipinasok ko kahapon dahil sa inis ko at dahil gusto ko nang ipasauli sa kanila. Doble-trabaho tuloy. Nakakainis!
Ngayong araw, ikalawang araw nang masama ang lagay ng sikmura o tiyan ni Emily. May diarrhea siya kahapon pa. Lagi na lang siyang may dinaramdam. Baka nagme-menopause na siya. Kawawa rin naman siya. Sobra siyang nahihirapan. Magastos din sa First Vita Plus. Okay lang, basta gumaling na siya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment