Followers

Friday, January 2, 2015

Redondo: Kulitan

Absent ang isang banda na regular ding tumugtog sa MusicStram. Kaya, humirit pa si Boss Rey na tumugtog uli ako after one hour. Hindi ko nagawang humindi. Isa pa, may nakahanda naman akong mga kanta kasi nag-practice ako kahapon ng para sa gig ko sa Jan. 3. Pumayag naman si Boss na gamitin ko ang mga iyon.

Kumita ako kagabi, sa anim na kanta, ng dalawang libo. Walang kahirap-hirap. Inihatid pa ako ni Boss Rey. Bandang ala-una y medya na. Alam naman nina Mommy dahil tumawag ako.

Ni-remind ako ni Boss Rey ng tungkol sa schedule ng gig ko sa Batangas. Huwag ko daw kalimutang pumasok ng maaga dahil bibiyahe pa kami.

Si Daddy na lang ang gising sa bahay, nang dumating ako sa bahay. Natulog na ako agad. Alas-onse na ako bumangon. Malapit nang maluto ang lunch na inihahanda nina Mommy at Daddy, kaya di na ako nag-almusal. Nakipagkulitan na lang ako da kanila. Si Dindee ay sinalihan ako sa pambubuko kay Daddy.

"Alam mo ba Tita Remy?" si Dindee. "Si Tito Joaquin, ang sipag pala niya pag na-eexcite.."

Nakangiti na agad si Daddy.

"Yes, Mommy! Alam mo po bang.? " Di ko na naituloy ang sasabihin ko kasi natakpan kaagad ni Daddy ang bibig ko.

"Kayong dalawa, pinagkakaisahan niyo ako ha. Pag ako nadulas, ikukuwento ko rin kay Mahal ang mga.."

"Oy, Dad! Mukhang ikaw lang ang nakakaalam ng kuwento mo." sabi ko. Wala kasi akong matandaan na maaari niyang isumbong kay Mommy, maliban na nahuli niya kami ni Dindee na sweet na sweet.

Agree naman si Dindee. Wala daw siya maalala.

Napangiti na lang si Daddy.

"Kayo talagang tatlo!" si Mommy naman. "Malalaman ko din lahat ang mga 'yan in the right time. Hala sige, mag-prepare ka na Red ng mga plates."

Nakaligtas si Daddy. Hehe


Redondo: Batangas Gig

Alas-siyete ay gising na ako para maggitara. Kailangan kong maghanda ng mga kanta para sa gig ko sa Enero 3 sa Batangas. Mabuti at wala pa si Dindee. Kasi kung andito na siya maraming kuwento iyon. Tapos, malamang magpapakita pa siya ng mga pictures nila. Tapos, makikipagkulitan pa sa akin.

Alas-tres na siya dumating. At least, marami na akong napractice na kanta. Almost ready na, pati ang tutugtugin ko mamayang gabi sa MusicStram.

Hinarap ko ang girl friend ko. Pinakinggan. Ayon sa mga kuwento niya, sobrang nag-enjoy siya sa overnight swimming nilang magkakaklase. Natutuwa ako. Ipinakita at ipinaramdam ko iyon sa kanya. Kaya nang ako naman ang nagsalita tungkol sa gig ko, natuwa din siya. Napa-wow pa nga sa kikitain ko. Galing ko daw talaga.

Tapos, sinamahan ko siya sa pag-a-upload ng mga pictures nila. Nang matapos, in-upload niya rin ang mga pictures ko sa bar habang tumutugtog.

Then, ako.naman ang sinalihan niya sa pag-eensayo. Siya ang nag-judge. Mahusay din siyang critic. Marami siyang suggestion na katanggap-tanggap naman. So, nakatulong siya sa akin.

Paminsan-minsan, pati ang parents ko ay nagbibigay din na kanilang suhestiyon.


I know, ang magaling na musikero ay tumatanggap ng payo para sa lalong ikaiibayo ng kanyang talento. So I must be thankful for them.

Redondo: Deal

"Umupo ka, Red!" sabi sa akin ni Boss Rey, pagpasok ko sa opisina niya. Pinatawag niya kasi ako pagkatapos kung tumugtog. "Superb performances!" Nakaupo na ako nang muli siyang nagwika.

"Salamat po! Bakit niyo po pala ako pinatawag?" Kinakabahan na ako. Tiningnan ko ang pinto. Tinantiya ko kung makakalabas ba ako kaagad, sakaling may gawin siyang di maganda.

"May gustong mag-hire sa'yo para tumugtog sa kanyang birthday. Pwede ka ba on Jan 3?"

Nag-isip ako. Tiningnan ko siya.

"Out of town ito. Batangas." Naghintay si Boss ng sagot ko.

"Magpapaalam po ang muna ako sa parents ko."

"Asap na ito. I need you decision now. Ikaw ang first choice. Ano?"

Wala pa rin akong maisagot.

"Don't worry sa payment. Sabi ko sa client ay P1000 per song. Lahat iyon sa'yo. Wala akong commission. I'm just giving you a great deal. Para din sa'yo yan. Think about it now.." Sumandal siya sa swivel chair at tinitigan ako habang iniikot-ikot ang fountain pen sa mga daliri.

"Boss, safe po ba ako dun? Sino po ang kasama ko?"

Ngumiti muna si Boss. "Ako. Friend ko yung celebrant. So, I'm one if his guests. I will stay there para sa'yo. So ako rin ang kasama mo pauwi. Ano?"

Medyo nakumbinsi ako. Naisip ko pa ang kikitain ko. "Ilang songs daw po ba ang ipi-prepare ko?"

"Ten songs."

Nasamid ako. Ten times One thousand pesos kasi is a big amount. Whoah! Not bad! Sisiw ang ten songs.

Interesado ako. "Anong genre po ng songs. O may song request po ba sila?" tanong ko.

"A, oo. Sabi niya, yung mga bagong kanta ngayon. Any genre basta mga uso ngayon 2014. Ibig ba sabihin niyan, e deal na?"

Ngumiti ako. "Opo, deal na!"

"That's great, Ted! Anyway, here is your salary for night!"

Agad kong inabot ang pera at nagpasalamat ako.

"See you tomorrow night. Ingat sa pag-uwi."

Excited akong nagkuwento kina Mommy at Daddy. Natuwa sila. I'm sure matutuwa din si Dindee kung narito na siya.



Redondo: Blessed

Naggigitara ako nang lumapit sa akin si Dindee. "Red, pwede ba akong mag-join sa mga kaklase ko? Mag-o-overnight swimming kami Laguna." malambing niyang tinuran.

Tiningnan ko siya. Tinantiya. "Hindi ba pwedeng maumagahan 'yan?" para akong tatay.

Sumimangot si Dindee.

"Joke lang!" Kinuha ko pa ang palad niya at ginagap ko. Ngumiti na siya"Sige na. Na-realize ko na madalas naman tayong magkasama. It's better kung paminsan-minsan ay you got out with friends."

"That's true! Thank you!" Kiniss niya pa ang likod ng palad ko at excited siyang bumalik sa kuwarto. Maghahanda na raw siya sa pag-alis.

Nang nakaalis na si Dindee, saka naman ako tinext ni Nico. Nagyayang maglaro kami ng basketball. Game ako since ready na ang tutugtugin ko mamayang gabi sa bar.

Nagpaalam ako.kay Dindee through text. Hindi naman siya nag-disagree. Gaya ng sinabi ko, kailangan din daw talaga naming mag-part ways para makisama sa iba. Hindi naman lang sa isa't isa umiikot ang mundo namin, aniya. Tama naman siya.

Wala ding disagreement sina Mommy at Daddy. Malamang, natuwa pa sila para masolo nila ang isa't isa. Pinag-ingat lang ako at pinauuwi ng maaga para makapagpahinga.

I'm blessed with supportive parents and girlfriend.

Redondo: Pabango

Hindi ko lubos maisip kagabi ang mga ikinilos ni Boss Rey. Hindi ko muna ito sinabi sa aking mga magulang at kay Dindee. Baka nagkakamali lang ako.

Kagabi kasi, bago ako pinakanta ay tinanong ako kung bakit Linggo na ako nagpakita. "Pumunta po kasi ako sa Mommy ko", sagot ko. Sinabi niya na papasok ako hanggang December 30. Walang pong problema, sabi ko rin. Pero, humirit siya. Kung pwede daw ba akong tumugtog sa bahay nila sa Media Noche kasi may salu-salo ang pamilya niya. Tumanggi agad ako siyempre kahit inalok niya ako ng tripleng bayad.

"Kahit na po higit pa dyan ang ibayad ninyo, hindi po talaga ako pwede kasi ngayon na lang uli ako magba-Bagong Taon na buo ang pamilya ko." mahinahon at malinaw kong paliwanag.

"Sabi mo, hiwalay ang mga magulang mo!" Kumunot ang noo ni Boss Rey. Medyo, nainis yata.

"Gumawa po ako ng paraan para magkabalikan sila. Nagawa ko naman po. Kaya nga po absent ako ng dalawang araw." Pilit akong ngumiti

Hindi naman nagbago ang mukha ni Boss. "Well..nice! Mamaya ihahatid kita para maniwala ako. Sige, get ready. Ikaw na ang susunod na tutugtog." Tumalikod na siya pagkatapos.

Naisip ko, bakit pa kailangang niya ng proof?

Alas-diyes, tapos na akong tumugtog. Agad akong bumaba at agad din akong sinalubong ni Dindee. Naghihintay naman si Boss Rey sa may pinto, habang pinaiikot-ikot ang key chain sa daliri niya.

"Tara na! Ihatid ko na kayo."

"Boss, okay lang po kami." Ayaw ko sanang ihatid niya pa kami pauwi.

Wala kaming nagawa, kundi sumakay sa magara niyang sasakyan. Sa tabi niya ako pinaupo. Magmumukha daw kasi siyang taxi driver kung sa likod kami pareho uupo. Nakasimangot tuloy si Dindee habang kayakap ang gitara ko.

On the way at habang naka-stop, napansin ni Boss na wala akong seat belt. Maglagay daw ako. E, hindi ko alam kung paano. Kaya, siya ang nagkabit. Halos dumikit ang ilong niya sa dibdib ko. Inilapat niya pa ang belt dahilan para madikit ang palad niya sa dibdib ko. Kakaiba..parang nanantsing.
Naisip ko, bading ba siya?

"Anong pabango mo?" tanong ni Boss.

Nagulat ako.

"Axe lang po. Mabaho po ba ako?" Nakangiti ako baka kako naamoy niya ako nang kinabitan niya ako ng seat belt.

"Hindi naman. Meron kasi akong ibibigay sa'yo." Agad niyang kinuha ang regalo sa dashboard. "Eto, para sa'yo..for your best performances."

"Salamat po!" Nabasa kong nakasulat pa ang "To: Red, Merry Christmas and Happy New Year, From: Boss Rey. Ibig sabihin, hindi biglaan. Pinaghandaan niya.

"Buksan mo." Excited pa siya kesa sa akin.

Lacoste na pabango ang regalo niya. Mamahalin. Nagtaning pa siya kung nagustuhan ko. Opo lang ang sagot ko.

"Bagay yan sa'yo para laging kang mabango. As a musician, dapat huggable ka rin para maraming fans."

Hindi na ako kumibo. Hindi ko naman kasi na-dig ang gusto niyang sabihin. Hindi naman ako mabaho kaya kahit walang pabango ay mukha akong mabango.

Nang narating namin ang bahay, pinababa niya si Dindee. Sunduin niya daw sa loob sina Mommy at Daddy.

Habang sinusundo ni Dindee, may mga tinanong pa si Boss. Tapos, naalala niyang di pa ako nabayaran.

Nagbilang siya ng pera. Tig-iisang daan. Okay lang daw ba sa akin. Opo, sagot ko.

Nang iaabot na niya sa akin ay nahulog ang iba sa may lap ko. Napunta sa gitna ng mga binti ko ang iba.
Sumunod na nangyari ay dinampot niya ang pera sa may singit ko..dahilan para mapapintig ako. Parang hinipo niya ang ari ko. Shit! May pagnanasa sa akin si Boss.

Agad akong nagpasalamat at lumabas.

Nagpaalam naman si Boss nang parating na sina Mommy at Daddy na magkaakbay.

Wew! Bading ba si Boss?

Redondo: Love is Sweeter the Second Time Around

Tatlong araw na lang bago magpalit ng taon.

Sobrang busy pa rin si Daddy. Nagpalit siya ng mga kubre-kama, punda, kurtina at kubre-sofa. Nagkumpuni rin siya ng mga sirang kagamitan. Pagkatapos ay naglaba pa siya. Tindi ni Dad! Pinaghahandaan talaga niya ang paglipat ni Mommy. Nakakatuwa. Bihira ang ganito.

Ako naman ay naggigitara lang, habang si Dindee ay nag-aayos ng kuwarto niya. Naisip niya daw kasi na baka mag-share sila ni Mommy ng room.

"Mas gusto kong magkasama sila ni Daddy sa kuwarto." sabi ko naman.

"That's nice! Saan ka na matutulog?"

"Share tayo!" mabilis kong sagot.

"Hoy! Hindi tayo mag-asawa! OA ka." Hinampas niya pa ako ng tinutupi niyang damit.

"Hindi pa ba!?" Kumamot-kamot ako sa noo ko at ngumiti.

"Ikaw! Iba na naman ang tumatakbo dyan sa kukote mo ha. Ayusin mo!" galitan-galitan siya. Tinusok pa niya ang sintido ko.

"Joke lang! Masyado ka namang seryoso. Magsimba na nga lang tayo."

"Mas maigi..Pero, mamayang hapon na. Andami ko pang liligpitin. Si Tito din o."

Hapon na nga kami nakapagsimba. Kasama namin siyempre si Daddy. Sayang nga lang daw kasi di pa namin kasama si Mommy.

Gabi, paalis na sana kami ni Dindee papuntang MusicStram at kasalukuyang nanunuod si Daddy ng telebisyon, dumating si Mommy. Lahat kami ay nagulat at natuwa. Niyakap namin siya, isa-isa. Si Daddy ang huling yumakap. Wow! Parang mga dalaga at binata lang. Tila, hindi nila alam na nakatingin kami. Kilig moment.

Totoo ngang 'Love is sweeter the second time around.'

Redondo: Excited

Ang saya namin kagabi. Walang humpay na kulitan at tawanan. Nagsiksikan nga lang kami sa boarding house ni Mommy. Pero, ayos lang. Ang saya pa rin dahil natupad na ang pangarap ko. Nagawa ko na ang dare ni Dindee sa akin. Although kami na, kahit paano ay mas tataas ang pagmamahal niya sa akin dahil hindi na ako kabilang sa may broken family. Isa na lang ang aking pasanin --si Mam Dina at ang magiging kapatid ko. Meron pa rin palang magiging apektado sa pagkakamali nila. Gayunpaman, naniniwala ako na magiging maayos ang lahat pagdating ng araw.

Alas-nuwebe na kami nagsibangon. Ang ingay uli namin. Mabuti at kami na lang ang tao sa paupahan. Kundi nabulyawan kami ng ibang tenants.

After lunch, umuwi na kaming tatlo sa boarding house. Hindi namin napilit na sumama sa amin si Mommy. Gusto daw muna niyang tapusin ang advance payment niya. Saka ayaw niya ng biglaang lipatan. Maghahakot na lang daw siya ng pakonti-konti. Ang mahalaga daw ay okay na sila ni Daddy.

Okay, ang sagot namin.

Sa bahay..

"Salamat, sa inyong dalawa! Napatawad na ako ni Remy." sabi ni Daddy, pagkapasok na pagkapsok pa lang namin sa bahay. 

Nginitian siya ni Dindee.

"Dad, hindi lang ang kapatawaran niya ang mahalaga. Mahalaga rin na magkakasama na tayo uli. Ilang taon din kayong hiwalay." sabi ko naman.

"Isa din iyon. Kaya nga thankful ako sa inyo."

"Tito Joaquin, deserve niyo po kasi ang isa't isa."

Ngumiti lang si Daddy. Alam ko na kinikikig pa rin siya. Kaya nga maghapon na siyang di mapakali. Panay na ang linis. Nagbawas na ng mga gamit. Inilabas na niya ang mga nakatagong gamit na pwede namang itapon na. 

"Dad, may maitulong po ba kami ni Dindee?" Nakita ko kasing nagkakandaugaga na siya habang kami ni Dindee ay pa-FB-FB lang.

"Wag na, Red! Okay lang ako. Itimpla mo na lang ako ng kape."

"Okay po." Tumungo ako agad sa kusina at nagtimpla ng kape.

Habang nagkakape si Daddy, nabubulungan naman kami ni Dindee. Si Daddy ang topic. Natutuw kami sa mga ikinikilos niya. Very excited sa paglipat ni Mommy.

Maya-maya may naisip akong biro.

"Hello, Mommy?!" Kunwari tumatawag si Mommy. Pinaring ni Dindee ang cellphone ko. "Opo, andito po siya." Tumayo pa ako at nilakasan ko ang boses ko para marinig ni Daddy. Nakita ko nga si Daddy na nagpakita ng interes sa usapan namin. "Musta po? Kailan po kayo lilipat? Ha? Bakit po?" Naglungkot-lungkutan ako. Tapos, tiningnan ko si Daddy. Sumenyas siya na kakausapin niya si Mommy. "Kakausapin ka daw ni Daddy... Po? Bakit po? Saglit lang daw... Ah.. Sige po. Bye."

"Anong sabi?" tanong agad ni Daddy.

Sinabi ko na nagbago ang isip ni Mommy. Hindi na siya titira sa amin. Sinabi ko iyon ng malungkot, kaya nalungkot din si Daddy. Speechless. 

Tapos, pumalanghit kami ng tawa ni Dindee. Hindi na kasi maipinta ang mukha ni Daddy. Tawa ako ng tawa habang nagso-sorry. Nilapitan tuloy ako ni Daddy at binoksing-boksing sa braso.

"Gago ka talaga! Kung di lang kita anak.." sabi pa ni Daddy. Namumula siya. 

"Peace po, Dad!"

"Lakas mang-trip ng anak niyo, Tito! Adik lang ang peg." si Dindee. Pero, tawa din naman siya ng tawa.

Hindi naka-move on si Daddy hanggang nasa hapag-kainan na kami. Akala daw niya totoong nagbago ang isip. 

Sabi ko naman, hindi na iyon mangyayari dahil nakipaghalikan na sa kanya si Daddy.

"Tindi po ng laway niyo, Dad!" biro ko pa.

"Ssssh!" pinandilatan niya pa ako. Nakangiti naman. 

Natawa na lang kami ni Dindee.

Redondo: Truth or Consequence

Kagabi, sa boarding house ni Mommy, nagkulitan lang kaming tatlo. Naglaro kami ng "Truth or Consequence". Kinalaunan, ginawa na lang naming "Truth". Gusto kasi namin ni Dindee na paaminin si Mommy na mahal niya pa si Daddy. Dinaya pa nga namin para siya lang lagi ang matanong namin. 

Ang di ko malilimutang sagot ni Mommy ay nang tanungin ko siya ng "Kapag pinapunta ko ba ngayon dito si Daddy, papayag ka po ba? Bakit?"

Sabi niya: "Yun lang pala e. Oo!"

"Bakit po?" tanong ni Dindee.

"Kasi gusto niyo! May magagawa ba ako!?" 

Tumawa pa siya. 

Akala niya ay makakalusot kay Dindee.

"Oo nga po. Ang gusto naming malaman ay kung bakit ka pumapayag? Di ba po galit kayo sa kanya? At ayaw niyo siyang makita?"

Natigilan si Mommy. Pinilit pa namin siya ng konti bago muling sumagot.

"Kasi..for the spirit of Christmas! Ang Diyos nga nagpapatawad, ako pa."

Para kaming nanalo sa lotto ni Dindee. Bigla kaming tumayo at naghihiyaw, sabay talon-talon.

Kaya, agad kong tinawagan si Daddy at pinapunta ko. Ayaw pa sanang maniwala pero nang ipakausap ko si Mommy, naniwala na siya. 

Andami naming kilig ni Dindee. Walang mapagsidlan ang ligaya ko. Paskong-pasko ay punong-puno ng biyaya ang pamilya ko. Salamat sa Diyos.

Alas-diyes na ng gabi nakarating si Daddy sa boarding house. Sobra kaming kinilig, lalo na si Mommy. May dala kasi siyang cake at bouquet of flowers. Nag-kiss sila. Matagal. Tapos, matagal ding nagyakapan. Parang sa pelikula lang. Akala ko dati, sa pelikula lang nangyayari ang tagpong ganun.

Kinurot-kurot ni Mommy si Daddy nang maghiwalay sila sa pagkakayakap. "Mangako ka sa mga bata na magiging faithful ka na." demanding na sabi niya pero nagba-blush.

Humarap sa amin si Daddy. Tinaas ang kanang kamay. "Dindee at Red, ipinapangako ko sa inyo na magiging faithful naako sa tita at mommy niyo. Ano? Okay na ba? Sorry. I miss you."

Kinilig lalo si Mommy. Tapos, hindi na niya napigilan ang sarili. Niyakap niya si Daddy. "Sorry na din. I miss you, too!"

Naramdaman ko na lang na magkayakap na rin kami ni Dindee. 

God is good talaga. Isa itong mamamahaling regalo para sa akin.

Hindi kami nakatulog kaagad. Panay ang kuwentuhan namin. Si Daddy at Mommy ay hindi matapos-tapos ang away-awayan. Nakakakilig sila.

Kinabukasan, continuation ng masayang kulitan at kuwentuhan. Super saya ng mga magulang ko. Hindi sila mapaghiwalay. Kami tuloy ang nahihiya ni Dindee. Mabuti na lang ay nadala ko ang gitara ko kaya may napaglibangan ako. Naki-join na lang tuloy sa akin si Dindee. At nang nagsawa siya, kinuhaan niya kami ng sankatirbang pictures. Natuwa ako sa idea niya kaya ako mismo ang nag-enggayo kina Mommy at Daddy na mag-pose kami.

Later, in-upload ko FB ko. Nilagyan ko ng caption na "Best Gift" at #completefamily. Andami agad likes at comments. May nag-congratulate pa.

Pinasalamatan ko si Dindee sa tulong na para mabuo ko ang pamilya ko.

"Para din sa atin ito, Red." sagot niya. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Hindi ko na lang dinugtungan. Nginitian ko na lang siya.

Redondo: Boarding House

Alas-onse na kami nagsibangon. Andaming kalat o ligpitin sa kusina pero di muna namin inintindi. Nag-almusal muna kasi kami.

Tapos, naisipan kong pumunta kay Mommy.

"Dad, sama ka po sa amin ni Dindee." nakangiti kong sabi.

"Saan?"

"Kay Mommy po." Nakangiti pa rin ako. Nakita ko si Dindee na nakangiti rin. Naikuwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa sinabi ni Mommy kanina.

Ngumiti din si Daddy. "Kung pwede lang, Red, e." 

"Pwede naman po, ah. Hindi na galit sa'yo si Mommy." Nagseryoso na ako. Kailangang mapaniwala ko siya.

"Imposible yan, nak!"

Inakbayan ko si Daddy papunta sa sofa. "Alam niyo po Dad, kanina tumawag si Mommy. Nagbiro siya..kiss daw kita para sa kanya. O? Ano po masasabi niyo?"

"Sus! Biro nga e. Sineryoso mo naman. Saka na. Wala pa ako sa mood manuyo ngayon. Hayaan mo na muna siya."

"Tito, makikisali na po ako sa usapan ninyong mag-ama." si Dindee. "Alam niyo po? Totoo po ito. Ilang beses ka niyang itinatanong sa akin. Sa text po. Minsan nadulas siya. Ang gwapo niyo po daw ngayon. Nakita niya sa FB ang picture mo."

"See, Dad? Sabi ko sa inyo, e."

Ngumiti siya. "Sus! Wag niyo na akong bolahin. Sige na, pinapayagan ko na kayong pumunta dun."

"Hindi ka po sasama?" tanong ko.

"Di na. Kiss mo na lang siya para sa akin. Hehe!" 

Kinilig kami ni Dindee. Nag-apiran pa kami.

"Sabi ko na nga ba, e. Pakipot pa kayong dalawa." biro ko. Kumanta pa ako. "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig.."

Sa boarding house ni Mommy ay ikinuwento namin ni Dindee ang mga usapan namin sa boarding house. Namula si Mommy. Ang sarap ng ngiti. Obvious na kinilig. Nakakatuwa ang mga magulang ko. Parang PBB Teens lang ang peg.

Ang saya sa pakiramdam. Sana nga, mapatawad na ni Mommy si Daddy bago mag-New Year.

Thursday, January 1, 2015

Redondo: Noche Buena

Bonding time namin ni Dindee, habang ginagawa ang fruit-buko salad. Ipinaubaya sa amin ni Daddy ang pagtimpla at paghalo. Ayos naman! 

"Pwede na! Pwede ng magnegosyo!" puri ni Daddy pagkatapos niyang tikman ang mixture.

"Thanks, Dad! Pero parang napilitan ka lang po yata." Tumawa ako.

"Hindi, ah. Masarap na nga. Eto o, nakangiti ako." 

Nagtawanan kaming tatlo. 

Tapos, alas-nuwebe ng gabi, sinimulan na namin ni Dindee na ihawin ang manok na inihanda ni Daddy. Ang sarap palang mag-ihaw. Enjoy ako.

"Sana marami pang Pasko ang dumating na magkasama tayo, Red." si Dindee, na nasa tabi ko. Yumakap ka siya. 

"Oo naman! Ikaw lang ang gusto kong kasama kapag Pasko!" Inakbayan ko rin siya.

Malamig ang simoy ng gabi pero hindi namin naramdaman iyon dahil sa literal na init mula sa uling sa aming harapan at sa init ng pagmamahalan naming dalawa. Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong ligaya. 

Habang hinihintay namin ang alas-dose ay nagkantahan kami. Panay din ang tunog ng cellphone namin dahil sa mga greetings. 

Tumawag din ang mga magulang ni Dindee upang batiin kami. Tinawagan din ako ni Mommy.

"Hindi mo po ba babatiin si Daddy?" biro ko sa kanya.

"Hindi na. Kiss mo na lang siya para sa akin. Joke!"

"Uy, si Mommy, may pagtingin pa rin. Sige, gagawin ko. Ang bango-bango pa naman ngayon ni Daddy kasi bagong ligo. Tapos, ang macho pa dahil nagba-barbell siya noong isang araw pa."

"Red, wag. Biro lang. Masyado ka. Kurutin kita sa singit, eh."

Andami kong tawa. Kilig pa rin talaga si Mommy kay Daddy. Ang mga babae talaga, sadyang pakipot. 

Noche Buena. Isang masayang tagpo ang naganap. First time yata namin ni Daddy na mag-Noche Buena. Madalas ay tulog lang kami. Ngayon, hanggang alas-dos kami. Nakaubos kami ng isang bote ng red wine at nakaawit ng maraming kanta sa videoke. 

Merry Christmas talaga!

Redondo: Ice Skating

Kahapon,  hindi ako nakapagsulat sa journal ko. Tinawagan kasi ako ni Mommy. Pinapunta niya ako sa boarding house niya.

Akala namin ni Dindee ay may malaking problema si Mommy. Nalulungkot lang pala. Nagpasama sa mall. Sa MOA niya kami dinala. Nanuod kami ng parada ng MMFF 2014. First time ko at ni Dindee na manuod ng parade of the stars, na sinasabi. Pero, si Mommy, taon-taon daw siyang nanunuod. Siguro ay sampung taon na.

Ang ganda naman e. Hindi ako na-bored. Gayundin din daw si Dindee. Mas sanay kasi siya manuod lang ng Ati-Atihan. 

"Ang pogi talaga ni Daniel Padilla." Paulit-ulit na sinasambit ni Dindee.

Kaya nang di na ako nakatiis, nagsalita na ako. "Puro ka Daniel! Mas pogi naman dun si Redondo Canales!" Tapos, tumawa ako.

Sabay ding tumawa ang dalawang babae. 

"San banda?"

"Dito, oh!" Agad naman akong nagpogi sign.

"Ambisyoso talaga ang boy friend ko. O, siya..sige na. Pogi ka na. Di ba, Tita?" Nagkindatan pa ang dalawa.

"Ay, oo! Walang duda! Kanta ka nga anak ng Nasa Na ang Lahat."

Lalong nagtawanan ang dalawa nang ginaya ko ang boses at pagkanta ng idol ni Dindee.

Nag-stay pa kami sa loob ng mall. Binilhan ako ni Mommy ng pantalon. Tapos, naisipan kong subukang mag-ice skating. Pumayag naman si Dindee kaya nag-enjoy kaming tatlo. Si Mommy ay lubos na na.g-enjoy dahil panay ang simplang namin ni Dindee. Captured pa ng camera. Tawa kami ng tawa habang tinitingnan namin ang mga shots ni Mommy sa amin.

Sa boarding house na kami pinatulog ni Mommy. Kaninang umaga lang kami nakauwi.

Ang Aking Journal -- Hulyo 2026

Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...