Followers

Friday, January 2, 2015

Redondo: Blessed

Naggigitara ako nang lumapit sa akin si Dindee. "Red, pwede ba akong mag-join sa mga kaklase ko? Mag-o-overnight swimming kami Laguna." malambing niyang tinuran.

Tiningnan ko siya. Tinantiya. "Hindi ba pwedeng maumagahan 'yan?" para akong tatay.

Sumimangot si Dindee.

"Joke lang!" Kinuha ko pa ang palad niya at ginagap ko. Ngumiti na siya"Sige na. Na-realize ko na madalas naman tayong magkasama. It's better kung paminsan-minsan ay you got out with friends."

"That's true! Thank you!" Kiniss niya pa ang likod ng palad ko at excited siyang bumalik sa kuwarto. Maghahanda na raw siya sa pag-alis.

Nang nakaalis na si Dindee, saka naman ako tinext ni Nico. Nagyayang maglaro kami ng basketball. Game ako since ready na ang tutugtugin ko mamayang gabi sa bar.

Nagpaalam ako.kay Dindee through text. Hindi naman siya nag-disagree. Gaya ng sinabi ko, kailangan din daw talaga naming mag-part ways para makisama sa iba. Hindi naman lang sa isa't isa umiikot ang mundo namin, aniya. Tama naman siya.

Wala ding disagreement sina Mommy at Daddy. Malamang, natuwa pa sila para masolo nila ang isa't isa. Pinag-ingat lang ako at pinauuwi ng maaga para makapagpahinga.

I'm blessed with supportive parents and girlfriend.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...